LOGIN"The only thing worse than a broken promise is a secret you can't afford to keep." Sa loob ng ilang taon, nagtiis si Deneve bilang isang asawang hindi pinapahalagahan. Siya ang kumayod at sumalo sa lahat ng responsibilidad para sa tamad niyang asawa na si Julius. Pero ang sukli ng lahat ng sakripisyo niya? Nahuli niya itong nakikipagtalik sa mismong kababata niyang si Bianca. Umalis si Deneve na wasak ang puso, bitbit ang isang lihim na hindi niya kailanman binalak ipaalam sa asawa, buntis siya. Apat na taon ang lumipas, malaki na ang pinagbago ni Deneve. Dahil sa stress at hirap ng buhay, lumobo ang timbang niya at naging isang losyang na single mom na nagpupumilit buhayin ang anak niyang si Hope. Sa kabilang banda, si Julius ay isa nang multi-milyonaryong tech CEO, sikat, matagumpay, at kasama pa rin ang kabit nitong si Bianca. Ang akala ni Deneve, tuluyan na siyang nakawala dahil hindi na siya hinabol ng lalaki at hindi na rin sila nag-file ng annulment. Pero mali siya. Nang aksidente silang magkita sa isang mall, hindi nakalagpas kay Julius ang pagkakapareho ng mga mata niya sa anak ni Deneve. At dahil madiskarte si Deneve at walang official birth certificate ang bata, gagamitin ni Julius ang yaman at kapangyarihan niya para alamin ang totoo. Bibilhin niya ang kumpanyang ina-apply-an ng asawa, bibigyan ito ng malaking sweldo, at ikukulong si Deneve sa isang kontratang hindi nito pwedeng takasan. Nasa iisang hawla na ulit sila. Hanggang kailan maitatago ni Deneve ang anak niya sa lalaking dumurog sa kanya? At hanggang saan ang kayang gawin ni Julius kapag napatunayan niyang sa kanya ang batang pilit itinatanggi ng asawa niya?
View MoreDeneve’s POV
"Julius, alas dose na ng tanghali. Hindi ka pa ba babangon dyan?"
Nakasandal ako sa hamba ng p***o habang pinapanood ang asawa kong nakatutok na naman sa computer niya. Rinig na rinig ko ang sunod-sunod na tunog ng keyboard at mouse na parang wala nang bukas sa pag-click.
"Wait lang, babe. Matatapos na 'tong clash namin. Isang push na lang 'to sa tore," sagot niya nang hindi man lang inaalis ang tingin sa screen.
Napabuntong-hininga ako. Araw-araw na lang kaming ganito. Nung bago pa lang kaming kasal, ang sweet niya. Ang dami niyang pangarap. Magpapatayo daw kami ng sarili naming bahay, magkakaroon ng negosyo, at hindi ko na kailangang magpakapagod sa trabaho. Pero anong nangyari ngayon? Naging full-time housewife ako ng isang lalaking literal na naging palamunin.
"Sabi mo kahapon, magpapasa ka ng resume mo online? Sabi mo mag-a-apply ka na ulit?" tanong ko, pilit pinipigilan ang inis sa boses ko.
"Oo nga, mamaya na! Ang kulit naman eh. Na-distract tuloy ako, namatay yung character ko!" padabog niyang binitawan yung mouse at hinarap ako. Salubong na salubong ang kilay niya. "Puro ka na lang reklamo, Deneve. Nagpapahinga lang yung tao."
"Nagpapahinga? Julius, anim na buwan ka nang nagpapahinga. Ako na lang lahat—ako nagba-budget ng konting ipon natin, ako naglilinis, ako nag-aasikaso sa'yo. Nangako ka sa akin, diba?"
Umirap lang siya at muling nagsuot ng headset. "Bukas na ako maghahanap ng work. Promise. Pramis 'yan, magkaka-bahay din tayo."
Pramis. Palagi na lang pramis. Hanggang salita na lang siya. Tumalikod na lang ako at nagpunta sa kusina para maghugas ng plato. Mahal ko ang asawa ko, kaya nga ako nagtitiis, pero nakakapagod na rin.
Habang nagkukuskos ako ng kawali, tumunog ang cellphone ko. Caller ID: Mama Lucing. Ang biyenan ko.
Sinagot ko agad. "Hello po, Ma—"
"Deneve, nasaan si Julius? Kumain na ba ang anak ko?" bungad agad niya. Walang man lang 'kamusta ka'.
"Opo, Ma. Nakakain na po. Nagko-computer lang po siya ngayon."
Narinig ko ang pag-ismid niya sa kabilang linya. "Dapat inaalagaan mo nang maayos ang asawa mo kase pagod 'yan. Kayo ba, kailan niyo ba ako bibigyan ng apo? Baka naman baog ka, Deneve? Sayang lang ang pagpapakasal ng anak ko sa'yo kung hindi ka rin naman pala makakabuo ng pamilya."
Parang may sumaksak sa dibdib ko. "Ma, sinusubukan naman po namin..."
"Ay ewan ko sa'yo! Siguraduhin mo lang na hindi ka nagiging pabigat sa anak ko dahil wala ka nang silbi, wala ka pang anak," sabi niya bago pinatay ang tawag.
Pabigat? Ako pa talaga ang pabigat ngayon? Napaiyak na lang ako sa inis habang nakatingin sa lababo. Wala akong kakampi sa bahay na 'to.
Kinuha ko ang bag ko. "Julius! Lalabas lang ako, bibili ng groceries!" sigaw ko. Wala siyang sagot. Umalis na lang ako.
Paglabas ko, nagbukas ako ng social media habang nag-aabang ng masasakyan. Biglang dumaan sa newsfeed ko ang post ni Bianca. Si Bianca, ang childhood friend ko.
“Thank you for the coffee and for always being there for me when I need a ride! Best friend indeed. ❤️”
Tiningnan ko yung picture. Kape at isang pamilyar na keychain sa table. Susi ng lumang kotse ni Julius.
Napakuyom ang kamao ko. May pera siyang pambili ng kape para sa iba, pero nung humingi ako ng pambili ng gamot ko last week, sabi niya wala siyang cash? At nag-drive pa siya para kay Bianca, samantalang ako, pinagko-commute niya kahit umuulan dahil tinatamad daw siyang lumabas?
Bakit ganun? Yung mga bagay na hindi niya magawa para sa sarili niyang asawa, ang daling gawin para kay Bianca?
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Baka nagkataon lang. Nag-grocery ako at nagpalipas ng ilang oras sa labas para gumaan ang pakiramdam ko.
Pagkalipas ng tatlong oras, umuwi ako. Hindi ko na ginamit yung susi ko kase napansin kong hindi naka-lock yung p***o ng apartment namin. Pagpasok ko, tahimik. Patay ang computer ni Julius sa sala.
"Julius?" tawag ko. Walang sumagot.
Pero may narinig akong mahinang kaluskos galing sa kwarto namin. Parang ungol. At pamilyar na boses ng babae.
Kinabahan ako. Parang nanlamig ang buong katawan ko. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa p***o ng kwarto. Nakaawang ito nang konti.
"Julius... dahan-dahan lang," rinig kong bulong ng isang babae. Boses ni Bianca.
"I miss you so much. Ang tagal kong hinintay na makaalis yung asawa ko," boses ni Julius 'yon. Ang lambing ng boses niya. Boses na matagal ko nang hindi naririnig na ginagamit niya sa akin.
Nanginig ang mga kamay ko. Pabalya kong tinulak ang p***o.
Bumagsak ang mga dala kong grocery bags sa sahig.
Nakita ko sila. Sa mismong kama namin. Sa mismong kwarto kung saan gabi-gabi akong umiiyak at nagtatanong kung saan ako nagkulang. Yakap-yakap ni Julius si Bianca. Pareho silang walang damit at gulat na gulat na napatingin sa akin.
"Deneve?!" mabilis na hinila ni Julius ang kumot para takpan sila. "B-Bakit ang aga mong umuwi?!"
Hindi ako makapagsalita. Parang sinasakal ako. Yung kababata ko? At yung asawa ko?
"Deneve, I can explain," sabi ni Bianca, pero hindi man lang siya mukhang nagsisisi. Umayos pa siya ng upo at tinakpan ang dibdib niya ng unan, tapos tumingin sa akin nang diretso. "Hindi ito yung iniisip mo."
"Hindi ito yung iniisip ko?!" Sumabog na ako, naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko sa galit. "Nahuli ko kayong nagtatalik sa kama ko, sa bahay ko! Anong hindi ko iniisip?!"
"Babe, please, let me explain," nagmamadaling tumayo si Julius, mabilis na nagsuot ng boxer shorts at lumapit sa akin.
Sinampal ko siya nang buong lakas. Umikot ang mukha niya sa lakas ng impact. "Wag mo akong ma-babe-babe, hayop ka! Ito ba? Ito ba yung ginagawa mo habang nagpapakahirap akong intindihin ka?! Ito ba yung rason kung bakit wala kang oras sa akin, dahil binibigay mo lahat sa malanding 'yan?!"
"Wag mong sabihan ng ganyan si Bianca!" sigaw ni Julius, nanlilisik ang mga mata.
Napatigil ako. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Pinagtanggol niya pa. Mas inisip niya pa yung mararamdaman ng kabit niya kaysa sa asawa niyang nasa harap niya at basag na basag ang puso.
"Okay. Fine. Kung siya ang gusto mo, magsama kayo." Tumalikod ako at dumiretso sa closet. Kumuha ako ng malaking bag at pinagsiksik lahat ng damit na kaya kong kunin.
"Deneve, ano ba! Wag kang OA. Mag-usap tayo," hawak ni Julius sa braso ko.
"Bitawan mo ako! Nandiri ako sa'yo, Julius! Tapos na tayo!" Hinawi ko ang kamay niya at binitbit ang bag ko.
Tumakbo ako palabas ng apartment. Rinig ko ang pagtawag niya pero hindi ko na nilingon.
Julius’s POV
Nakaupo lang ako sa gilid ng kama habang pinapanood si Bianca na nagbibihis. Wala akong nagawa kundi mapabuntong-hininga. Hindi ko na hinabol si Deneve.
"Are you just going to let her leave?" tanong ni Bianca habang nag-aayos ng buhok.
Napakamot ako sa ulo. "Babalik din yun. Kilala ko si Deneve. Patay na patay yun sa akin. Wala namang mapupuntahan yun eh. Hayaan mo muna siyang magpalamig ng ulo."
Sa totoo lang, naiinis ako na nahuli niya kami. Pero hindi ko rin naman pwedeng iwan si Bianca ngayon. Iba si Bianca, mas naaalagaan niya yung ego ko kaysa kay Deneve na puro na lang reklamo sa pera at responsibilidad. Bukas o sa makalawa, uuwi rin si Deneve at magmamakaawa. Ako pa ba?
Deneve’s POV
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Umuulan na nang mahina. Wala akong dalang payong at halos mabasa na ang bag ko. Patuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko habang naglalakad ako sa kalsada. Binigay ko lahat. Tinanggap ko yung katamaran niya, yung panlalait ng nanay niya, yung pagiging walang kwenta niya. Pero ito pa igaganti niya sa akin?
Tumigil ako sa isang shed para sumilong. Hinihingal ako at parang umiikot ang paningin ko.
Naisip ko lahat ng pang-iinsulto ni Mama Lucing. Baog daw ako. Naisip ko yung yakap ni Julius kay Bianca.
Biglang may kakaibang pakiramdam na umakyat mula sa sikmura ko. Tumakbo ako sa gilid ng basurahan sa kanto at doon ko isinuka lahat ng kinain ko kaninang umaga.
Nanghina ang mga tuhod ko at napakapit ako sa pader. Bakit ako nahihilo nang ganito? Ilang araw na rin akong madaling mapagod, madalas sumakit ang ulo, at parang laging nasusuka.
Bigla kong naalala... kailan ba huling dumating ang dalaw ko?
Napahawak ako sa tiyan ko. Nanlaki ang mga mata ko sa realization na pumasok sa isip ko.
Hindi pwede... Hindi pwedeng ngayon pa... Buntis ba ako?
Napatingin ako sa madilim na kalsada habang nanginginig ang mga labi ko. Paano na ako ngayon?
Bianca’s POVNaramdaman ko ang pag-akyat ng lahat ng dugo ko sa ulo. Kumabog nang sobrang lakas ang dibdib ko habang nakatitig sa matandang babaeng nakaupo sa sofa.Akala ko ba ayos na? Akala ko ba sapat na yung sinabi kong buntis ako para makalimutan niya yung anak ni Deneve?! Bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin?Pilit kong pinakalma ang sarili ko at pilit na ngumiti, kahit na gusto ko nang magwala sa inis. Nilapitan ko si Mama Lucing at hinawakan ang braso niya."Ma, bakit po ba natin iniisip yung batang 'yon?" malambing na pakiusap ko, pilit itinatago ang kaba. "Diba po sabi ni Julius, may asawa na daw po si Deneve? Imposibleng kay Julius ang batang 'yon. Focus muna po tayo sa pregnancy ko. Masama po sa akin ang nai-stress, baka makaapekto sa baby natin."Tiningnan ako ni Mama Lucing at marahas na binawi ang braso niya mula sa pagkakahawak ko. Nawala ang masaya niyang mukha kanina."Wag mo akong turuan kung anong iisipin ko, Bianca," matalim na sagot niya. "I don't care.
Deneve’s POVIlang araw na ang lumipas simula nang ipasa ko ang birth certificate ni Hope. Nakakapagtaka, pero hindi na ako ginulo ni Julius. Walang patawag sa opisina niya, walang pasaring, at medyo nabawasan din ang sandamakmak na trabahong ibinibigay sa akin ni Mr. San Juan.Akala ko, sawakas, naging epektibo ang naging plano namin ni Dra. Almeda. Akala ko titigilan na niya kami dahil hawak ko na ang katibayan na hindi sa kanya ang bata.Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Kung umiiwas ako sa gulo, ang gulo naman mismo ang kusang lalapit sa akin.Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng mga files sa desk ko nang makita ko ang pagpasok ng isang pamilyar na bulto sa department namin. Si Bianca.Iba ang awra niya ngayon. Kung dati ay laging nakataas ang kilay at mukhang laging handang mang-away, ngayon ay may kakaibang ngiti sa labi niya. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa cubicle ko, hawak ang isang mamahaling kape, at bahagyang hinihimas ang tiyan niyang flat na flat pa naman.
Deneve’s POVNakatayo lang ako habang pinapanood kung paano magsalubong ang mga kilay ni Julius. Nakatitig siya sa birth certificate na inilapag ko sa ibabaw ng mesa niya. Dahan-dahan niyang binasa ang bawat detalye, lalo na ang bahagi kung saan nakasulat ang taon."What is the meaning of this, Deneve?" malamig at nagdududang tanong niya. Inangat niya ang paningin niya sa akin, halos gusto akong lamunin ng buhay. "2023? Kay Hope ba talaga 'to?"Pilit kong pinatatag ang mga tuhod ko kahit na nag-uunahan na sa kaba ang dibdib ko. Ngumiti ako. Isang mapaklang ngiti na matagal ko nang pinraktis para sa araw na 'to."Bakit, may iba pa ba akong anak?" sagot ko. "Oo, kay Hope 'yan. At tama ang nababasa mo. Ipinanganak siya isang taon pagkatapos kong maglayas sa apartment natin."Tiningnan ulit ni Julius ang papel. Halata sa mukha niya ang pagkalito at inis. Parang hindi niya matanggap ang nakikita niya. Hinawakan niya ang dokumento at inilapit sa mukha niya, sinusuri kung peke ang mga n
Bianca’s POVNanginginig ang mga kamay ko habang nakasandal ako sa malamig na pader sa labas ng opisina ni Julius. Nakatakip ang isang kamay ko sa bibig ko para pigilan ang anumang tunog na pwedeng lumabas.Bumalik sana ako para kulitin siya tungkol sa ipinangako niyang Chanel bag, pero hindi ko inaasahang maririnig ko ang usapan nila ng nanay niya mula sa nakaawang na pinto.“Nahanap ko na si Deneve... at posible na may anak kami. Isang anak na itinago niya sa atin sa loob ng apat na taon.”Parang bombang sumabog sa utak ko ang mga salitang 'yon ni Julius. Unti-unting gumuho ang perpektong mundong pinaghirapan kong buuin. Kapag napatunayan niyang sa kanya ang batang 'yon, kukunin niya ito. At kapag nakuha niya ang bata, paniguradong babalik sa eksena ang matabang baboy na 'yon! Echepwera na ako!Hindi ako pwedeng pumayag.Dali-dali akong naglakad palayo at pumasok sa pinakamalapit na restroom. Ni-lock ko ang cubicle at nagmamadaling kinuha ang cellphone ko. Dinial ko agad ang n






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews