Share

CHAPTER 5

LAXUS TIMOTHY FERRER

Hawak ko na ang information na kailangan ko tungkol sa dati kong asawa ko. "Para saan naman at talagang pina imbestigahan mo pa ang ex wife mo? Don't tell me you like her now?" tanong ni Mommy sa akin.

"Pasok na ako.." paalam ni Cassie, nag paalam lang ito at hindi man lang ito lumingon o humalik man lang.

"Mom, kailangan ko alamin kung paano siya naging ganito kayaman. Kumikita siya ng halos milyong dolyar sa ibang bansa?" wika ko at binuksan ko ang hawak ko.

"Whatever! Still I'm not convinced about her true identity.." wika ni Mommy at naki basa ito.

Binasa ko ang profile niya doon ko napansin na konti lang ito halos hindi nabanggit ang kumpanya niya rito. Ibig sabihin sadyang hindi niya ito gusto ipaalam sa ibang tao.

"So she's hiding something huh? Para saan naman at nag pa kita pa siya?" tanong naman ni Daddy.

Matapos ang party kagabi she leave us in shocked mas lalo ako, hindi na nga nagawang i-announce ang engagement namin ni Mildred.

Kaya gagawin ito sa birthday ko sa susunod na linggo. "Hindi niya plano sabihin sa ibang tao kung sino siya. Ang pagtanggi niya sa mga imbitasyon ay hindi para umiwas, kundi wala siyang interest na nagpakita sa mga tao.." mahabang wika ko.

Ang Information na ang sumagot ng tanong ko, limitado ibig sabihin sadya niyang hindi pina-paalam sino ang may ari ng Fior Scent.

Tumayo na ako at kinuha ang papel na hawak ni mom "I need to go, i need to know kung ano ba ang dahilan ng pagbalik niya." wika ko at nag lakad na ako paakyat.

"What? Bakit mo gagawin yun? Baka nakakalimutan mo na malapit na ang kasal natin?!" tanong ni Mildred, hindi ko alam na humabol pala ito.

Pumasok ako sa kwarto ko at pumasok din ito. "Kung tama ako ng hinala hindi naman siya mag tatagal dito sa bansa." wika ko at nag hanap ako ng susuotin ko.

Naka ligo naman din ako kanina. "Eh ano naman sayo kung matagal siya dito o hindi?" tanong ni Mildred sa akin.

"Para tumagal siya kukumbisihin ko siyang mag iinvest ako sa kumpanya, but kukunin ko lahat ng investors niya para malugi ang kumpanya niya at bibilhin ko ito sa kanya." paliwanag ko.

I want to destroy her hindi ako papayag na may isang katulad ni Cierra ang makaka una sa position na iningatan ko. Ang kumpanya ko ang nangunguna sa pinaka mayaman na buong Asia.

"Alam mo malabo ka, iisipin ko na may nararamdaman ka pa sa kanya. Alam mo ako na ang nagsasabi sayo Laxus, she's has no feelings for you, i already saw her in eyes. " naka ngising wika nito.

Sa galit ko sinakal ko ito at dinikit ko ito sa pader ng damitan ko. "Kapag naputol ang pisi ko sa'yo, alam mo na ang pwede mong kalagyan sa mga kamay ko!" banta ko dito.

Umubo ito at tumango kaya mabilis kong binitawan ito, matapos ko mag bihis ay umalis na ako at iniwan ko itong umiiyak sa kwarto ko.

"Laxus!" tawag ni dad sa akin ngunit hindi ko ito pinansin man lang. Nagpatuloy ako sa paglalakad palabas hanggang makarating ako sa mismong sasakyan kong Mercedes Benz.

CIERRA RAVEN FIOR

Habang nasa opisina ako at binabasa ang mga papers na tinambak sa akin ng sekretarya ko. Bumukas ang pinto ng opisina ko, "Ma'am. Nasa labas po si Mr. Ferrer!" wika ni Luna.

Tiningnan ko ito at bumuntong hininga ako, "Ano daw ang kailangan niya?" malamig kong tanong.

Pinag patuloy ko lang ang pag pirma for budget ng empleyado, dahil na rin sa pabago bagong presyo ng bilihin kailangan ko taas ng kaunti ang sahod ng tao ko.

"Gusto ka lang daw po niya maka usap ng personal." sagot nito.

"Tell him, mag pa appointment siya. Hindi siya batas dito para gawin na lang kung ano ang gusto niya. " sagot ko at binaba ang tapos ko na pirmahan.

"Iabot mo ito sa H.R at sa Finance head aprobado na ang pagtaas ng sahod ng manggagawa." utos ko at inabot sa aking sekretarya ang dalawang folder na hawak ko.

Agad nito kinuha sa akin at tumango. "Sige po Ma'am ako na po bahala." sagot nito at lumabas na agad.

Bumalik naman ako sa pag ta-trabaho hanggang maka tanggap ako ng tawag mula kay Agent. Trevor a.k.a Payton.

Agad kong sinagot ito sa earpiece ko, "May problema ba Trevor?" tanong ko dito

"Agent Freyah, may problema talaga nasa bansa na yan ang taong matagal na natin minamanmanan. You need secure the Mr. Montefalco's family, matindi silang kaaway sa negosyo ng mga Chan. Yan ang mission mo, maaari ka makipag usap kay Agent Willis Hangga't wala pa ako." bungad nito.

"I get it now. Thank you for informing me, send me for more information ako na bahala trumabaho." sagot ko at sumandal ako sa upuan ko.

"Okay bibigyan kita sa lalong madaling panahon." sagot nito at binaba ang tawag nito. Ginamit nito ang linya ng organization para lang masigurado na walang makaka pasok sa linya namin.

Napa iling na lang ako hanggang mapa lingon ako at nakita ko na tinabig ni Laxus ang secretary ko na agad kong kina tayo. Tumakbo ako palabas. "St*pid secretary!" pag iiskandalo nito.

"What did you say to my secretary? St*pid? Sa inyong dalawa mas tang* ka walang manner at walang pagka lalaki!" sigaw ko at tinayo ko ang secretary ko.

Hinubad ko ang suit ko at binalot sa bewang nito. "You have period, go clean yourself and change.." bulong ko at pinaalis ito.

"Sorr---" i cut her.

"Don't. Wala kang kasalanan----" and Laxus cut my words.

"May kasalanan siya, hinaharangan niya ako para makapasok sa opisina mo! Tang* siya dahil hindi niya ako kilala at mas lalong tang* siya-----" walang isang segundo na tinutok ko sa leeg niya ang ballpen ko na ginagamit pang pirma ko.

"One nasty words come out from your dirty mouth, hindi ko mag dadalawang isip na padanakin ang dug* mo dito." malamig kong pagbabanta dito.

"Cie-Cierra?" utal na tawag nito sa akin agad kong binaba ang kamay ko.

"Kung wala kang appointment hindi ka pwede makipag usap sa akin. Kung ano man ang sasabihin make it sense i hate wasting my time. Guard paki hatid si Mr. Ferrer sa labas ng kumpanya." utos ko at tumalikod na ako.

Pumasok na ako ng opisina ko narinig ko pa na may tinanong ito pero late na dahil narin nai-sara ko na ang pinto.

"Mas lumala ata ang sakit ng lalaking yun, masyadong papansin." bulong ko at naupo na lang ako muna.

Tiningnan ko ang oras sa pambisig ko ng maalala ko na kailangan ko puntahan ang branch ng Fior Scent dito sa Manila. Tumayo na ako at kinuha ko ang bag ko at susi ng sasakyan ko.

Paglabas ko saktong ka babalik lang ni Luna, "Luna, pupunta ako sa branch natin dito na isa pa." wika ko at nilapitan ko ito.

"Gusto niyo po samahan ko po kayo? Naibigay po sa H.R at Finance head ang pinaabot niyo po wala na din po akong gagawin." tanong nito at paliwanag.

"Okay, let's go." aya ko dito at nauna na akong nag lakad, sumunod naman ito at inayos nito ang kanyang skirt ng makapasok kami sa elevator nag salita ako.

"Kung hindi ka komportable sa skirt you can wear trouser, mas okay yun kahit anong upo ka pa pwede." wika ko ng hindi ito nililingon.

"Opo bibili po ako pag day off ko po. Puro po kasi skirt nadala ko ng umalis tayo." magalang na sagot nito.

"Okay bukas mag day off kana lang, ako na bahala bukas sa mga kailangan ko." utos ko dito. Tumango na lang ito at hindi na nag salita pa.

Hindi nagtagal lumabas na kami ng kumpanya at sumakay kami sa sasakyan kong Aston Martin, mabilis kong mina-neho ito patungo sa branch namin.

"Wala ka po bang balak na mag stay na lang po ulit dito sa bansa?" tanong ni Luna sa akin.

Umiling ako at sumagot. "Wala, para sakin ang bansa na ito ay magulo, ayoko na ng gulo. Ang nangyari kanina ay umpisa pa lang at may susunod pa doon. Kaya matapos at masigurado ko na okay na ang lahat naka bawi na ang branch natin dito. Babalik na tayo," sagot ko na kina tango na lang nito.

"Isa pa ang bata sanay sila sa klima ng Melbourne Australia, kaya kung babaguhin ko yun baka ang mga anak ko ang mag kasakit." segunda ko.

"Eh masasanay din sila dito, saka mukhang gusto din nila dito. Gusto nga daw nila mag pasyal pa daw sa maraming lugar, mas lalo po si Tilly?" paliwanag ni Luna.

Napa tango naman ako, "Sabagay. Marami naman mapapasyalan sa Australia kaso dahil sa klima hindi rin sila gaano nakaka labas. Hindi tulad dito sa pinas anytime pero pag bagyo hindi mo na magagawa." pagsang-ayon ko.

Ngumiti naman ito at tumango, "Pag isipan ko yan. Ang inaalala ko lang din ang kumpanya sa Australia alam mo na doon kasi ang main.." wika kong muli.

"Naiintindihan ko po." sagot nito. Ngumiti ako at nag maneho na lang ng tahimik.

NANG MAKARATING KAMI agad naman kami pumasok din sa loob, sinalubong kami ng aking staff dito. "Good afternoon Ma'am. Fior!" bati sa akin nito.

Ngumiti ako rito at binati ito. "Kamusta kayo dito? Ang sales?" tanong ko dito.

"Okay naman po ito ang report po 3 days ago po. Kahit papaano umakyat naman po ng maayos." sagot nito at inabot sa akin ang iPad nito.

Kinuha ko ito at agad tiningnan, nakita ko ang record nila. Ngumiti ako at tumango, "Keep it up, no worries magagawa na natin ito ng paraan okay? Napag usapan na ito." wika ko dito at nginitian ko ito. Binalik ko na sa kanya ang iPad na hawak ko.

"Ay talaga po? Salamat naman po." naka ngiti nitong tanong. Tumango ako, habang si Luna naman ay tumitingin ng perfume.

Magsasalita pa lang ako ng makarinig kami ng nag aaway. "Ang stup*d mo kasi! Paharang harang!" sigaw nito.

Agad kong nakilala ang boses ng babae kaya agad kong nag excuse kay Luna at sa staff ko. Mabilis akong lakad hanggang makita ko paano itulak ni Mildred ang tao ko.

Mabilis at malaki ang hakbang ko hanggang masalo ko ito. "Parehong pareho talaga kayo ng ugali ni Laxus, parehong bastos, parehong walang respeto sa mga tao. Kaya hindi na ako nagulat kung bagay kayo. Pareho kayo bastos." malamig kong wika at tinago ko ang babae sa likod ko.

Tiningnan ako nito ng masama. "Bakit na banggit si Laxus? Nag kita kayo? Nag s*x kayo!?" galit nitong tanong.

Natawa ako at umiling, "Bakit gawain niyo ba yan noon?" tanong ko dito pabalik. Nakita ko ang gulat nito sa mga mata niya. Nakita ko din na pinag titingnan na kami ng mga tao.

"Umalis kana kung hindi ka naman bibili." wika ko at tatalikod na sana ako ng mag salita ito muli.

"Tingin mo ba babalikan ka ni Laxus? Hindi, dahil isa kang maruming babae!" sigaw nito na kina bulungan ng mga taong mamimili.

Tiningnan ko ito ng malamig na kina ngisi nito. "Yeah narinig niyo yun? Pumatol lang naman siya sa isang matandang lalaki para makuha niya ito. She's a such a gold digger." wika nito na halos isigaw na nito.

"Ano may masasabi ka? Wala na my dear bumalik ka pa kasi eh.. sisirain kita!" bulong nito.

"Tapos ka na? Pwede kana umalis. Wala akong balak mag sayang ng laway sa isang model nga homewrecker naman, High class rich, high class b*tch! With no manner at walang delikadesa na f*ck buddy ng isang mayaman na si Laxus Timothy Ferrer!" malamig kong wika na kina gulat nito.

"Sa ating dalawa mas malaki ang mawawala sayo. Huwag mo ako hintayin mag kwento sa lahat ng ginawa ninyo sa akin, dahil kapag ginawa ko yun sigurado ako na kayo ang lulubog at hindi ako.." wika ko at tumalikod na ako, bago pa ako maka layo nag salita ako muli.

"Ikaw ang nag simula, ako ang tatapos.." maka hulugan kong wika at umalis na ako nag tungo ako sa loob upang makausap ang iba kong tauhan.

"Ma'am ayos lang po kayo? Impaktita talaga 'yang Mildred na yan!" tanong ni Luna sa akin habang naglalakad.

"Hayaan mo na, yeah I'm fine no worries." sagot ko at tinapik ko ang balikat nito.

Ngumiti ako at makipag usap muna sa mga staff ko at konting paalala sa kanila binigyan ko din ng pang kain nila. Hindi nag tagal umalis na kami ni Luna sa branch namin.

Doon narinig kong tumunog ang cellphone ko na nasa bag ko. Kinuha ko ito at agad nag salubong ang kilay ko ng maka tanggap ako ng tawag mula kay Agent. Willis.

"Mauna kana Luna." utos ko dito tumango ito agad umalis.

Kinabit ko sa teinga ko ang Earpiece at sinagot ito. "Sir, Good afternoon napatawag ka?" tanong ko dito.

"Change of plan, naka tanggap kami ng report na may magaganap na bentahan ng dr*ga sa darating na linggo kaarawan ito ng isa sa mga Ferrer, ang sabi dito magaganap ang bentahan. Gusto ko ikaw ang kumilos doon." wika nito.

Napa hilot ako sa sentido. "Agent. Willis hindi ko na trabaho yan at umuwi ako dito para sa personal na dahilan. Ku---" he cut me off.

"You're refusing your duty as a secret Agent?" tanong nito.

"No, ang trabaho ko ay gawin ang trabaho ko pero labag sa trabaho ko ang pag pasok sa dr*ga na yan.." matapang kong sagot.

"Do it, or I'll report you direct to your head!" pananakot nito na kina iling ko.

"Fine, bigyan niyo ako ng eksaktong information at profile ng mga taong sangkot dito." sagot ko at binaba ko na ang tawag nito.

Nag lakad na ako ng mabilis patungo sa kotse ko at sumakay na ako. "May trabaho ako mamaya, kaya ang mga bata asikasuhin mo muna, duty ko ito." wika ko at mabilis umalis para umuwi ng mansion.

"Opo. Sigurado ako bakbakan na naman po yan." wika nito, tumango ako at hindi na umimik.

Hindi naman ito bago sa'kin, kung kailangan ko pumatay well it's necessary duty lang ito. Kung manlaban gagawin ko yun.

Pero sa ngayon susubukan ko muna mag man-man kung kaya na tatawagan ko ang parak at sila ang bahala dito.

LAXUS TIMOTHY FERRER

"Alam mo nakakainis 'yang ex mo! Sabihan ba ako ng kabit at sa maraming tao pa? God! Laxus paano kung kumalat yan sa social media?" hysterical na tanong sa akin ni Mildred.

Tiningnan ko ito ng malamig, hanggang mapansin nito ang pananahimik ko. "What's wrong?" malambing na tanong nito.

Umupo ito sa hita ko, naramdaman ko naman agad ang init ng katawan ko pero wala doon ang isip ko. Agad kong siyang pina alis.

"Hindi siya bumalik ng bansa para mang gulo o ano? Pumunta siya dito para ayusin ang problem ng isa niyang branch dito. " wika ko at binaba ang nakuha ko pang information na dinag-dag ng inutusan ko.

"So talagang inaalam mo?" tanong nito sa akin.

"Gusto ko lang maka sigurado na wala siyang gagawin na makaka sira sa pamilya ko. Pero, napansin mo ba na may nag bago sa kanya?" tanong ko kay Mildred.

Ibang iba na siya nang tutukan niya ako kanina ng ballpen alam ko na hindi basta basta ang control niya mismo sa kamay niya. Naramdaman ko ang bunganga ng ballpen sa leeg ko at inalis nito mismo panulat nito.

"Yeah, para siyang naging mabangis na tigre.." wika nito.

Tumango ako at hindi na umimik pa, may tinatago ang dati kong asawa at nakikita ko yun. Ngunit hindi ko lang alam kung ano..

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status