Share

CHAPTER 6

last update Huling Na-update: 2023-10-16 10:33:25

CIERRA RAVEN FIOR

Matapos ko makausap ang kambal kong anak ay nag tungo na ako agad sa sinabi ni Agent Willis. Mas okay na mag man-man muna sa pag darausan ng event upang mas makita ko ang dapat kong gawin at makapag plano ako.

Habang naka tayo ako sa harap ng elevator, hinihintay kong bumukas ito at bumaba ang mga sakay. Naramdaman ko na may parating, doon ko nakita si Laxus at Mildred na naka angkla pa ang kamay nito sa matipunong braso ni Laxus.

Nanatili akong tahimik at nilagay ko ang earpiece ko sa kaliwang tenga ko. "Look who's here, sinusundan mo ba kami?" tanong ni Mildred.

Hindi ko ito pinansin hanggang bumukas na ang elevator at pumasok ako agad. "Sasabay ka? Eew babe ayoko siyang kasabay." arte nito.

"Stop it we're running late!" sagot ni Laxus. Ako naman ay pumuwesto sa harapan habang hawak ko ang cellphone kong itim.

Naka suot ako ng gray t-shirt sa loob at black ripped jeans and a black leather jacket at boots na flat ang talampakan. "Ang panget ng taste mo sa damit ha? Ano ka action star?" sabay tawa pa nito.

"Kapag hindi ka pa nanahimik ibabaon ko 'yang mukha mo sa malambot na pader ng elevator na ito." banta ko dito at lumingon ako saglit ng may tumawag sa linya ko.

"Trevor, kailangan ko ng tulong mo dito kaya mo ako ikonekta?" tanong ko dito.

"Oo naman sweet heart, isulot mo ang contact lenses mo doon mo makikita ang gagawin ko." sagot nito.

"Okay pag labas ko na kang elevator na ito, saka ko gagawin yan. Standby ka lang muna." sagot ko.

"Okie dokie!" parang bata nitong sagot. "By the way kamusta na ang candy sweet babiesko?" tanong nito na kina tawa ko ng mahina.

"Okay lang sila, mamaya tumawag ka pag uwi ko or some video call. I'm pretty sure na matutuwa sila kapag nakita ka nila ulit." sagot ko.

"Haay... sana matapos na itong mission ko at agad akong susunod d'yan." sagot nito.

"Then tapusin mo na. Malapit na matapos diba?" tanong ko rito at sinilip ko ang number ng floor sa taas.

"May 3 weeks ko pa siyang babantayan." sagot nito.

"Okay that's very short na lang, tiisin mo na lang. " sagot ko at ng tumunog na ang elevator ay lumabas na ako agad.

LAXUS TIMOTHY FERRER

Nag salubong ang kilay ko sa narinig ko. Sino ang tinutukoy niya na matutuwa kapag nakausap ang kausap ni Cierra?

Lumabas na rin kami Mildred dahil iisang floor lang pala kami pupunta. Nakita kong kumaliwa si Cierra at kami naman ay sa kanan.

Sinundan ko pa ito ng tingin hanggang mawala ito sa paningin ko. "Bakit ganyan ka maka tingin sa kanya? Something bothering you or your jealous? Kasi mukhang may bago na siya?" pang aasar na tanong ni Mildred sa'kin.

Tiningnan ko ito at nginisian,"Tingin mo ba basta basta niya ako makakalimutan? Mas lalo sa kama? Subok ko na, kaya nga nandito ka parin." wika ko at inalis ko ang kamay nito sa braso ko at nauna na akong pumasok.

"Because i still love you that's why I'm still here." sagot nito.

"As you said.." yun na lang sinagot ko at nakipag kamay ko sa event organizer na nasa harap ko.

"Everything is perfect na Mr. Ferrer for your birthday party." naka ngiti nitong wika. Tumango naman ako at Tining ang paligid.

Nakuha niya ang gusto kong tema para sa kaarawan ko.

"That's great job i really like it.." sagot ko, nag pasalamat naman ito at nag excuse sa amin.

"Babe, sino ba ang mga imbitado?" tanong ni Mildred sa'kin.

"Marami, makikita mo na lang sa gabing yun. " sagot ko.

Nakita ko sa Cierra na nag lalakad at may kung ano itong hawak ngunit mabilis niyang naitago sa ilalim ng kanyang jacket.

CIERRA RAVEN FIOR

Naines ako ng makita ang magiging schedule ng hotel na ito sa araw ng kaarawan ni Laxus. "Trevor, gusto ko alamin mo kung kaaway ba ng pamilya Ferrer ang mag sasagawa ng deal dito? Pakiramdam ko o malakas ang hinala ko na sadya ito upang maibaling sa mga Ferrer ang sisi." utos ko at pumasok ako sa control room, at pinatulog ko ang may hawak ng CCTV.

Pinalo ko ang batok nito at inalalayan ko ang noo nito na hindi bumagsak sa mesa, sinandal ko ito ng maayos.

Kumuha ako ng pliers at kinuha ko ang wire ng CCTV upang ma hack ito at makuha ko ang control at the same time.

Matapos nito, ginawa ko na ang dapat kong gawin. Nakita ko sa pambisig kong relos na may limang minuto na lang bago magising ang lalaki.

Matapos ko makabit ang lahat at dahan dahan akong tumayo at binalik ang dating ayos ng CCTV.

Dahan dahan akong lumabas na saktong gising ng lalaki. Pag sara ko ng pinto inalis ko na ang gloves ko. " Iisipin ko sa ginagawa mo na yan may paki ka pa sa ex husband mo.." wika ni Trevor sa kabilang linya

Nag lakad na ako napadaan ako kung saan ko huling nakitang pumasok sila Laxus kanina, sabay tago ng hawak kong gloves at pliers.

Alam ko tumingin ito pero wala na akong paki doon. "Shut up, mas concern ako sa mga taong madadamay. Hindi ko alam kung kakayanin ko ito." wika ko at nag madali akong bumaba sa exit.

"Kaya mo yan, aalamin ko din kung may katarant*duhan ang bawat miyembro ng pamilya na yan na ginagawa pa maka kuha tayo ng clue.. sagot ni Trevor.

"Okay salamat, sabihan mo ako agad mabilis lang ang araw Trev." sagot ko at paalala ko dito.

"Chill lang Freyah! May isang salita ako." wika nito na kina iling ko.

Mabilis akong lumabas ng hotel at sumakay sa motor ko. Nakita ko din si Laxus at Mildred na paalis na, sinuot ko muna ang helmet ko bago binuhay ang makina ng motor ko.

Nakita ko pang naka nga-nga si Mildred habang naka tingin sa'kin. Tinaas ko ang zipper ng leather jacket ko at binaba ko ang salamin ng helmet ko bago ko ito paandarin.

Sinundan pa ako ng tingin ni Mildred at Laxus bago ako tuluyan na umalis at pina ingay ang motor ko hanggang maka layo na ako.

"Agent. Freyah, may naka pasok na info sa amin hindi kilalang grupo nag mula. May papasok na cargo ship sa pantalan sa Navotas fish port. " wika ni Agent Trevor.

"Fine." sagot ko at mabilis akong bumalik sa pinang galingan ko kanina.

Doon ko naka salubong sila Laxus alam kong kanya ang sasakyan na yun mas binilisan ko pa hanggang kumabig ako sa kanan.

Nang makarating ako sa sinabing fishport nag tago ako sa maliit na iskinita kasama ang motor ko." Trevor siguraduhin mo na hindi ako makikilala ng mga parak kapag tumawag na ako." wika ko.

"Ako na bahala in one minute ready na ang lahat." sagot nito.

Nakita ko ang pag daong ng cargo ship nakita kong bumaba ang isang Chinese at sumalubong sa kanya ang lalaking pilipino.

Agad kong kinuhaan ito ng video at naka focus ito sa mukha at palitan ng briefcase. Alam ko na pera ang laman nito.

Binaba ko ang cellphone ko at agad itong sinend at tumawag sa mga parak. "Hello this is----" agad kong pinutol ang mahabang sasabihin nito.

"Officer may pinadala akong video palitan ng pera kapalit ng dr*ga madali kayo. Location Navotas fish port." malamig kong wika at pinanood ang ginagawa nila.

"Sino ito at totoo ba----" agad kong pinutol ito.

"Pwede ba!? Sa dami mong tanong makaka alis na sila kung kumilos kayo edi sana nahuli na. Kaya kayo minamaliit!" inis kong sabi dito.

"Gawin niyo na!" utos ko at binaba na ang tawag ko.

Sumakay ako sa motor. Makalipas ang halos dalawang minuto dumating na sila ako naman at tumalikod na. Sigurado ako na nahuli nila ang iba at ang iba naman ay nakatakas.

Dahil wala na akong trabaho dito ay, Mabilis akong sunampa sa motor ko at mabilis ko itong pinatakbo ito pauwi ng mansion.

Hindi nag tagal nakarating na ako at ako na rin ang pumutol ng tawag ni Trevor. Pag pasok ko nakita ko ang mga bata na kumakain ng paborito nilang pancake with real honey on top.

"Mommy? Oh? Mommy!" tawag ng kambal ko natawa naman ako, kasi mukhang hindi nila ako agad na mukhaan.

Bumaba na ako at inalis ko ang helmet ko, inabot ko kay kuya Tommy ang helmet ko at nilapitan ko ang mga anak ko na hinihintay ako.

"Where's Tita Luna?" tanong ko at pinag hahalikan sila sa mga pisngi nito. Ganun ang ang kambal ko sa akin.

" Si Tita Luna po, kumuha po ulit ng pancake kasi gusto ko pa po Mommy.. " sagot ng anak kong si Heather at lumipat ito sa hita ko habang kumakain.

"Okay, bukas gusto niyo ba pumunta tayo sa mall?" tanong ko sa mga anak ko.

"Yehey! Mommy mag laro kami ha?" tanong ng anak kong si Tilly may subo kasi si Heather.

"Oo naman kaya nga pupunta tayo doon," sagot ko nag 'yehey' naman ang dalawa.

Dumating naman si Luna na may dalang pancake at honey. "Sabi na dumating ang mommy niyo, narinig ko kasi yung motor." wika nito at binigyan din ako.

"Salamat." pasasalamat ko at kumain muna ako sinubuan ko naman ang kambal ko.

"Opo, tita Luna pupunta po kami mall tomorrow to play po sasama ka po ba?" tanong ng anak kong si Tilly.

"Oo sasama ako pag hindi ako sinama ng Mommy mo, awayin ko siya." bulong nito na naririnig ko naman.

"I heard that Luna." wika ko bago kumain. Tumawa naman ang tatlo kaya ngumiti na ako.

Matapos ko kumain nag paalam akong mag bihis muna. Habang nag papalit ako ng pang itaas ko umilaw ang cellphone ko at agad kong binasa ito.

Unregister ang number na ito sa contact ko. Binuksan ko ito at binasa ang message.

Unregister Number;

"Meet me at Café Italiano later 7pm. Laxus."

Basa ko dito na nag paatas ng isang kilay ko. "Ano naman kailangan nito?" tanong ko na lang at hinagis ko ang cellphone ko sa kama namin.

Kung saan man niya nakuha ang numero ko ay hindi ko alam. Nag desisyon akong bumaba upang mag isip ng lulutuin para sa hapunan.

LAXUS TIMOTHY FERRER

6:30 na ng gabi pero hindi parin dumadating si Cierra, hindi ko alam bakit ko siya gusto makausap. Basta yun ang sinabi ng isip ko, napa buntong hininga ako at tumingin sa labas.

Lumipas pa ang tatlumpong minuto ngunit walang Cierra na nagpakita.

Tatawagin ko na saka ang waiter ng may tumayo sa kaliwang bahagi ko ng iangat ko ang ulo ko. "Para saan ito?" malamig na tanong nito.

"Upo ka muna mag order muna tayo.." utos ko at umupo naman ito sa kabilang upuan o sa harapan ko.

"No need kumain na ako sa bahay bago pumunta dito. Sabihin no na lang ang gusto mong sabihin." nanatili ang lamig sa boses nito.

"Gusto ko lang sana imbitahan ka ulit sa kaarawan ko kung okay lang sayo," panimula ko at inabot sa mesa nito ang invitation card.

Kinuha nito at binasa agad. "Masquerade party? Emerald green ang theme.." wika nito.

Tumango ako at nginitian ito, ngunit nanatili iting malamig parin. "Okay I'll go, yun lang ba? May kailangan pa kasi akong gawin." tanong nito at tinago niya iyo sa loob ng kanyang jacket na suot.

"Ahmm, nope gusto ko din sana itanong kung may iba kana ngayon?" tanong ko.

Nakita ko ang pag tataka sa mukha niyo. "Well, i want to know kung naka move on kana ba?" wika ko ulit.

"Oo, hindi ako pumunta ng Pilipinas para sayo at sa pamilya mo business ang pinunta ko dito. Wala na akong pakialam sa naka raan natin, tapos na yun." sagot nito.

Pakiramdam ko uminit ang batok ko sa narinig ko mula sa kanya, kung ganun talagang hindi na niya ako mahal kahit konti?

"Look Mr. Ferrer kung iniisip mo pa na may nararamdaman pa ako para sayo after you have done? Tang* at boba na lang gagawa non. Ang pag payag ko dito sa party na ito ay upang makapang hikayat ako ng investors na pwede mag invest sa Fior Scent." mahabang wika nito.

Naikuyom ko ang kamao ko sa ilalim ng mesa na naka patong sa hita ko. "Kung ako mag invest? Papayag ka ba?" tanong ko dito.

Ngumisi ito bago sumagot. "You look obsessed ex-husband Mr. Ferrer, my answer is no. Have a nice evening." paalam nito at sagot nito bago mabilis na umalis.

"Alam ko nagsisinungaling ka, alam kong mahal mo pa ako and you hide it.." bulong ko at nag iwan ako ng tip sa mesa bago umalis ng Café na yun.

Dahil sa inis ko imbes na umuwi ako dumeretso ako sa malapit na bar ni Ashton. Doon ako dumerso at pagdating ko agad akong pumasok at umupo sa counter.

"Whisky isa." utos ko bartender. Tumango ito at agad akong pinag salin.

"Oh nandito pala ang mahal kong kaibigan ah? Anong problema natin pare?" tanong ni Ashton.

"Bumalik si Cierra pero, hindi ako na niniwala na hindi na niya ako mahal. Alam ko na ako ang na una sa lahat sa kanya! Hindi yun basta basta makaka limutan." pag amin ko.

"Pfft, eh kung wala na nga talaga? Pare may Mildred kana, huwag mo na ulitin ang ginawa mo noon." tapik nito sa balikat ko.

Sumenyas ako na bigyan niya pa ako ulit ng whiskey. "Then, pipilitin ko siyang umamin!" sagot ko na kina tawa nito ng malakas.

"Matapos mo lokohin, gaguhin, gamitin at pag bintangan tapos sa ginawa niyo ni Mildred sa unborn baby niya? Aarte ka ng ganyan ngayon? Pare wala kang karapatan mag desisyon, saka tama lang na hindi kana niya mahalin pa. Hindi ako hihingi ng tawad sa sinabi ko pero pare, ang kapal ng mukha mo para mag demand mag mayabang pa." narinig kong wika nito.

"Shut up Ashton! Will you?" galit na pag papatahimik ko dito.

"I won't! Para malaman mo ang ginawa mo, lahat ng babae na sinaktan ng asawa nila kapag napuno, at makapag move on na sila ang ending wala na silang pakialam pa sa'yo." makahulugan na wika nito.

"Kasi naranasan ko sa asawa ko, kasal na lang ang dahilan bakit pa kami mag asawa. Pero kung mahal niya pa ako? Hindi na, sa laki ng kasalanan ko kahit napatawad na niya ako pero yung pag mamahal niya noon sa akin na halos ako lang sinasamba niya ay wala na.." wika nito at umiling lang ito.

"Kahit anong gawin ko, alam mo anong sinabi niya na mas masakit pa sa ginawa ko sa kanya?" tanong nito sa akin.

Tinitigan ko lang siya hangang mag salita ito. "Mabait parin ang D'yos dahil hindi niya ako hinayaan mabuntis at magka anak na ikaw ang ama. Walang kwenta at iresponsable hindi ko gugustuhin na maging impyerno ang buhay ng anak ko dahil sa'yo.." wika nito at ngumiti ng mapait.

Uminom ito ng alak at tumayo na. "Kapag nangyari sa'yo yan? At sinabi niya mismo sa'yo yan? Maniwala madudurog ka ng pinong pino." tapik nito at umalis na.

Hindi ko maiwasan hindi maka ramdam ng takot, ang Cierra na kilala ko ngayon ay ibang iba na sa Cierra na nakilala ko noon.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • SECRET AGENT; FREYAH KNOXVILLE | MR. BILLIONAIRE'S EX-WIFE   CHAPTER 100: FINALE (HAPPY ENDING)

    CIERRA RAVEN FIOR - YOUNGMATAPOS ang kaarawan ng mga bata ay nag si balikan na kaming lahat. Ngayon ay hinahanda na namin ang pagkain para sa aming Noche Buena.Tama kayo lumipas na ang ilang araw matapos ang kaarawan ng kambal. Hindi ko na idi-detagle ang buong nangyari. Naging masaya ang lahat ng araw na 'yun. "Dalian niyo malapit na mag alas dose at magbubukas na tayo ng regalo!" Pag mamadali ni Mama na kina taranta naman namin.Dahil limang minuto na lang ay 25 na ng December. Nang mailagay ko ang handa namin sa mesa ay agad kami nag hintay ng tamang oras.Ang mga bata ang mas higit na excited, naka ngiti lang ako habang pinapanood ang mga bata na nauna pang kumain. Hindi ko naman sila pwede gutumim dahil mga bata 'yan.Tumabi ako sa fiancée ko, sa nagdaan na araw lahat ng gusto namin sa kasal ay nagawa na namin. Nakausap na namin sa aming kinuha na organizer kahit ang catering, wala na kaming po-problemahin dito.Kung kailan ang kasal? Ay sa araw mismo ng kaarawan ko. January 6,

  • SECRET AGENT; FREYAH KNOXVILLE | MR. BILLIONAIRE'S EX-WIFE   CHAPTER 99

    CIERRA RAVEN FIORKINAUMAGAHAN HINATID KO LANG SILA MAMA sa labas ng gate kasama ang mga bata. Kahit si Cassie at sila Manang, Yaya ay kasama na.Kumaway ako hanggang mawala na sila sa paningin ko, ngumiti lang ako at pumasok na ako ng gate. "Hon?" tawag ko kay Trevor na nag presinta na mag hugas ng plato."Yes?" sagot nito sa akin."May cash ka ba? Ibibigay ko lang sa naka duty mamaya na guard. Saka ang pinamili natin para sa kanila sa Christmas and new years eve.." tanong ko dito ng maka lapit ako dito.Sakto naman na tapos na ito mag hugas. "Yeah, nag abot din si Daddy kanina. Ibigay ko daw sa mga guards natin, and the grocery." sagot nito habang nagpupunas ng kamay."Ano kaya papuntahin na lang natin dito?" tanong ko dito. Tiningnan naman ako nito habang sumisimsim ng kape."Pwede Honey, para personal nila makuha." sagot nito, ngumiti ako at tumango.Lumapit ako sa may TV kung saan nakalagay ang telepono namin, agad kong tinawagan ang line sa guard house."Hello ma'am?" sagot ng i

  • SECRET AGENT; FREYAH KNOXVILLE | MR. BILLIONAIRE'S EX-WIFE   CHAPTER 98

    CIERRA RAVEN FIORTATLONG LINGGO ANG LUMIPAS, ito ako ngayon nasa harapan ng Columbarium kung saan nakalagak ang abo ni Laxus.Hawak ko ang bulaklak na kulay puti, pinasok ko ito sa loob may maliit itong pinto. "Patawad kung kailangan humantong sa ganito, hindi man kayo nag ka ayos ni Cassie. Pangako aalagaan ko si Cassie at gagabayan ko siya hanggang kaya na niya ang sarili niya." pagka usap ko dito."Alam ko, hindi ka masaya dahil sa nangyari at alam ko naririnig mo ako. Laxus pakawalan mo na ang sarili mo sa galit at bigat. Patawad dahil hindi ko magawang mahalin ka ulit, mahal ko ang sarili ko Laxus, sana matanggap mo na 'yun. Noong minahal kita nakalimutan ko ang sarili ko." wika ko.Huminga ako ng malalim. "Sa ginawa ko na 'yun, parang ako na rin ang pumat*y sa sarili ko. Laxus, walang may gusto na mangyari ito ngunit nag matigas ka." wika ko.Huminga ako ng malalim at nag salita. "Hindi ako nandito para isumbat sa'yo ang nangyari. Gusto ko lang marinig mo ako, Laxus gabayan mo

  • SECRET AGENT; FREYAH KNOXVILLE | MR. BILLIONAIRE'S EX-WIFE   CHAPTER 97

    CIERRA RAVEN FIORSame hospital ang pinag dalhan kay Agent Trevor at kay Laxus.Nasa loob ako ng isang kwarto kung saan ginagamot ang mga sugat ko habang nasa harap ko si Agent Venus. "Kamusta si Trevor? May balita ka ba? How's the operation?" sunod sunod na tanong ko kay Agent Venus.Bumuntong hininga na ito, "Still ongoing ang operation. Don't worry dumating kami on time, isang malaking pasasalamat na lang din namin na tumulong ang mga tauhan ni Flame sa atin. Hindi nila tayo iniwan, pero umalis agad sila ng maihatid na si Trevor dito." mahabang paliwanag nito.Nakagat ko ang ibabang labi ko ng ibaon ulit ang karayom sa likod ko. Naka dapa ako habang tinatahi ang sugat ko sa likod."Mabuti kung ganun, paano si Laxus?" tanong ko dito, humawak ako ng mahigpit sa unan."Nasa isa pa siyang operating room, ang sabi kailangan na putulin ang dalawang hita niya, kung hindi kakainin ito ng mga bacteria galing sa bakal." paliwanag nito muli."And kapag hindi niya kinaya mamat*y siya.." dugton

  • SECRET AGENT; FREYAH KNOXVILLE | MR. BILLIONAIRE'S EX-WIFE   CHAPTER 96

    CIERRA RAVEN FIOR"Itigil mo ang sasakyan Laxus! May anak ako at may pamilya pa ako! " sigaw ko dito, tumingin ako sa daan dahil lalong binilisan nito ang takbo."No! Hindi ako papayag na maging masaya kayo ng hay*p na lalaking 'yun! Walang magiging masaya!" sigaw nito."Laxus! Makakaya ba ng konsensya mo alisan ng ina ang mga anak ko?! Maliit pa ang mga anak ko!" sigaw na tanong ko dito.Nang kumabig ito pakaliwa, kumapit ako ng mahigpit sa hawakan at sa seat belt na nakalagay sa akin. Pumikit pa ako ng diin at nag dasal.D'yos ko panginoon, 'wag niyo po ako pabayaan may anak pa ako.."Still no! Wala akong pakialam sa mga anak mo!" sagot nito, dahil doon napa dila ako at sa galit ko sa narinig ko.Malakas kong tinadyakan ito sa tagiliran na kina bitaw nito sa manibela. "Wala kang puso! Walang hiya ka!" sigaw ko dito, inalis ko ang seat belt ko at lumuhod ako sa upuan ko at pinag susuntok ito sa mukha."Wala kang karapatan bawiin ang buhay ko o kunin ang buhay ko dahil lang sa gusto m

  • SECRET AGENT; FREYAH KNOXVILLE | MR. BILLIONAIRE'S EX-WIFE   CHAPTER 95

    TREVOR YOUNGTulad ng sinabi sa amin, gabi ililipat si Laxus ng kulungan, lahat ng police at sundalo naka deploy ngayon."Hindi ba talaga kayo sasama sa parada?" tanong ni Agent John."Hindi, tapos na ang trabaho namin mula dito kaya hindi na kami sasali d'yan." pagsisinungaling ko.Sinabi ko sa kanila na si Cierra ay busy sa bahay, ngunit ang totoo ay naka abang lang si Cierra sa hindi kalayuan.Napa tingin ako kay Agent willis, nakatitig lang ito sa lalaking nakatali ng kadena at naka posas pa.Napa tingin ako sa kulungan kung saan nakalagay ang pekeng si Laxus. Kung totoo nga na lalabas posible si Laxus ngayon?Sino ang dapat kong tapusin? Si Laxus o ang pekeng ito.Naka kulong ito sa isang bakal na heras at nakatali ang mga katawan at kamay upang hindi ito maka takbo.Ang suot nito sa leeg ni isang beses hindi man lang umilaw. Nag search ako sa bagay na ito, kapag gamit ito kailangan umiilaw ito.Yun kasi ang paraan para malaman na naka activate ito sa kung sino man ang gagamit. M

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status