Share

BOOK 3: “SCARS OF THE HEART.”

Author: GennWrites
last update Huling Na-update: 2025-07-15 17:36:24

CHAPTER 47 —

Maagang nagising si Veronica kinabukasan. Bagama’t puyat at pagod, hindi niya maikakailang mas magaan ang pakiramdam niya. Sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon, may ngiti sa kanyang mga labi habang naglalakad papunta sa kusina. Tahimik pa ang buong unit, at sa loob ng sandaling iyon, tila bumagal ang mundo.

Habang piniprito ang bacon at tinatapos ang scrambled eggs, panaka-naka'y sumisilip siya sa hallway kung saan naroon si Eros. Nakatulog ito sa sofa kagabi—hindi dahil sa kakulangan ng espasyo, kundi dahil ayaw nitong maging pabigat sa kwarto ng dalaga. Pero ngayon, balak na niya itong piliting doon muna pansamantalang tumuloy habang nagpapagaling.

May hawak siyang tray ng agahan nang sumilip siya sa sala. Nakita niya si Eros na nakahiga pa rin, nakapikit, pero may bahagyang ngiti sa kanyang mga labi. Parang panaginip lang sa lalaki ang lahat ng nangyari kagabi.

Dahan-dahan siyang lumapit. "Good morning," bati niya habang inilalapag ang tray sa coffee ta
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
izzzzzzy
ganitong relasyon sana huhuh
goodnovel comment avatar
Ghie Red
kilig to the bones naman..thanks po
goodnovel comment avatar
Rosamia L. Hiludo
thanks sa update, more please
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 3: “SCARS OF THE HEART."

    CHAPTER 48 – Tahimik ang buong unit. Umuulan pa rin sa labas. Ang malamig na ihip ng hangin ay humahampas sa bintana habang sa loob naman ng condo ni Veronica, isang kakaibang init ang unti-unting bumabalot sa dalawang pusong matagal nang sugatan pero ngayo'y unti-unting naghihilom—dahil sa isa’t isa. Magkaharap silang dalawa, parehong nakaupo sa sofa. Wala nang TV. Wala nang distractions. Ang mundo ay para lang sa kanila. Pinagmasdan ni Eros si Veronica, at sa pagkakataong ito, hindi na niya kayang itago ang nararamdaman. “I’ve never wanted anyone the way I want you,” bulong niya, halos hindi marinig, pero sapat na para mahuli ang atensyon ni Veronica. Napatingin siya dito. Kinagat ang pang-ibabang labi, halatang kinakabahan. “Ayokong magmadali, Vee,” dagdag ni Eros. “Pero kung handa ka… kung gusto mo rin…” Hindi agad nakasagot si Veronica. Naramdaman niya ang sariling dibdib na tila sasabog sa lakas ng kabog. Hinigpitan niya ang hawak sa kumot na nasa kanyang hita, bago tum

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 3: “SCARS OF THE HEART.”

    CHAPTER 47 — Maagang nagising si Veronica kinabukasan. Bagama’t puyat at pagod, hindi niya maikakailang mas magaan ang pakiramdam niya. Sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon, may ngiti sa kanyang mga labi habang naglalakad papunta sa kusina. Tahimik pa ang buong unit, at sa loob ng sandaling iyon, tila bumagal ang mundo.Habang piniprito ang bacon at tinatapos ang scrambled eggs, panaka-naka'y sumisilip siya sa hallway kung saan naroon si Eros. Nakatulog ito sa sofa kagabi—hindi dahil sa kakulangan ng espasyo, kundi dahil ayaw nitong maging pabigat sa kwarto ng dalaga. Pero ngayon, balak na niya itong piliting doon muna pansamantalang tumuloy habang nagpapagaling.May hawak siyang tray ng agahan nang sumilip siya sa sala. Nakita niya si Eros na nakahiga pa rin, nakapikit, pero may bahagyang ngiti sa kanyang mga labi. Parang panaginip lang sa lalaki ang lahat ng nangyari kagabi.Dahan-dahan siyang lumapit. "Good morning," bati niya habang inilalapag ang tray sa coffee ta

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 3: “SCARS OF THE HEART.”

    CHAPTER 46 – Maaga pa lang, gising na si Veronica. Wala pang alas-siyete ng umaga, pero bumangon na siya mula sa kama at dahan-dahang tumayo para hindi magising si Eros na mahimbing pa ring natutulog sa sofa.Tahimik ang buong unit. Tanging ingay ng refrigerator at mahinang ugong ng airconditioning ang maririnig. Napatingin siya sa direksyon ni Eros—nakahiga ito nang maayos, balot pa rin ng kumot na siya mismo ang nagtakip kagabi. Kahit may mga pasa pa rin sa mukha, mas peaceful na ang itsura nito ngayon.Veronica smiled softly. “Ang gulo ng mundo kagabi… pero ngayon, parang may liwanag na uli,” ani Veronica sa isipan.Nagpunta siya sa kusina at nagsimulang magluto. Nilabas niya ang itlog, bacon, tinapay, at isang tray ng pandesal mula sa paper bag na iniwan niyang binili kahapon. Habang piniprito ang bacon at nagluluto ng fried rice, sinabay na rin niya ang pag-brew ng kape. Kaagad pumailanlang sa paligid ang mabangong aroma ng kape na pinakukuluan niya sa percolator.“Kahit isang s

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 3: “SCARS OF THE HEART.”

    CHAPTER 45 —Matapos ang ilang minuto ng paghihintay at pakikipag-usap sa duty officer, tuluyang nakapagpiyansa si Eros sa tulong ng private lawyer ni Knives. Nakaupo lamang si Veronica sa sulok ng presinto, balot ng kaba at hindi mapakali habang pinoproseso ang papeles. Nang tuluyan nang lumabas si Eros mula sa holding room, sugatan at may benda sa kilay, agad siyang sinalubong ni Veronica.Tahimik na tumango si Eros sa officer at saka lumingon kay Veronica. Hindi na sila nag-usap. Walang salitang kailangang sambitin. Marahang hinawakan ni Veronica ang braso niya at iginiya palabas ng presinto.Pagdating nila sa labas, malamig ang hangin. Mahigpit ang pagkakahawak ni Veronica sa manibela habang nagmamaneho pauwi. Si Eros naman, nakatingin lamang sa labas ng bintana, tahimik, parang pinipilit huwag pansinin ang kirot sa katawan. Ilang beses silang nagkatinginan sa rearview mirror, pero walang nagsalita sa kanilang dalawa. Gano’n kalalim ang bigat na nakabalot sa pagitan nila.Pagdatin

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 3: “SCARS OF THE HEART."

    CHAPTER 44 —Hindi mapakali si Eros.Mula pa kaninang hapon, ilang beses na siyang tumatawag at nagte-text kay Veronica pero hindi ito sumasagot. Nang puntahan niya sa South Manila Medical Hospital kung saan ito nagtatrabaho, nalaman niyang nag-leave ito ng half day dahil daw masama ang pakiramdam. Ngunit wala siyang nakitang ibang senyales ng sakit—hindi iyon ang uri ng pag-absent na normal. May kutob siyang may mas malalim na dahilan.Pagdating niya sa unit ni Veronica, ilang beses siyang kumatok at tumawag pero hindi nagbubukas ang babae. Nandoon lang siya, alam niyang nasa loob ito. Tinawagan pa niya si Keiko para tiyaking hindi ito kasama ng kaibigan.Wala.At ngayon, narito siya, nakaupo sa malamig na sahig sa harap ng pintuan ng condo. Wala siyang pakialam sa mga dumadaang tenants at staff. Bahala sila. Ang tanging mahalaga lang sa kanya ngayon ay si Veronica. At kahit wala siyang ideya kung ano ang tunay na nangyari, ramdam niya—may mabigat.Pagkalipas ng halos dalawang oras,

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 3: ”SCARS OF THE HEART.”

    CHAPTER 42Matapos ang isang nakakagaan sa pusong gabi kasama si Eros, akala ni Veronica ay unti-unti na siyang makakalaya sa mga multo ng nakaraan. Pero ang kapayapaang iyon ay tila isang bula lang—isang ilusyon na biglang naglaho sa isang iglap.Kinabukasan, habang nasa labas siya ng ospital para bumili ng kape, bigla na lang siyang sinalubong ng pamilyar na boses. Isa sa mga boses na hindi na niya akalaing maririnig pa nang malapitan."Veronica."Napalingon siya, at doon niya nakita si Ethan—nakatayo ilang metro ang layo, nakasandal sa pader, nakasunglasses, at halatang kanina pa siya hinihintay. May hawak itong disposable coffee cup, pero wala ni katiting na init sa kanyang ngiti."What are you doing here?" malamig na tanong ni Veronica.Tinanggal ni Ethan ang shades niya at tumingin diretso sa kanya. "We need to talk.""Wala na tayong dapat pag-usapan," mariing sagot niya. "Tapos na tayo, Ethan. Matagal na."Lumapit si Ethan, walang pakialam kung may makakita sa kanilang dalawa.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status