Share

BOOK 4: “LEGALLY TANGLED.”

Author: GennWrites
last update Last Updated: 2025-07-31 07:12:59

CHAPTER 23 – Late Night Pizza

Tuesday, 9:42 PM – Kawashima-Inoue Law Firm, BGC

Tahimik na ang buong floor ng opisina. Sa labas ng glass window, tanaw ang malamlam na ilaw ng Bonifacio Global City. May kaunting fog sa bintana, senyales na bumababa na ang temperatura kahit pa May na sa kalendaryo. Sa loob ng Conference Room 3B, may dalawang ilaw na bukas. At sa gitna ng mesa, nakabukas ang dalawang box ng pizza — half cheese, half pepperoni.

“Nagugutom ka na naman, Boss?” tanong ni Cesca habang nagbubukas ng tissue.

“Late na akong nag-lunch,” sagot ni Seiichi habang sinusuri ang case folder sa harapan. “At hindi ako kakain mag-isa.”

“Teka lang,” sabay kuha ni Cesca ng slice. “Hindi ba dapat ako pa ‘yung magyayaya ng pizza, tapos ikaw ang tatanggi para maging in-character?”

“Plot twist. May character development na ako.”

Napatawa si Cesca habang umuupo sa tapat niya. Sa pagitan nila, nakakalat ang ilang documents: case memos, witness affidavits, at isang handwritten note na may pangalan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 4: “LEGALLY TANGLED.”

    CHAPTER 27 – “Sino Ka Na, Cesca?”Kung dati ay tahimik ang floor tuwing Biyernes ng umaga, ngayon ay may kung anong vibe na hindi maipaliwanag sa buong opisina.Sa pantry, may naghuhugas ng mug. Sa hallway, may paputol-putol na tawanan. At sa conference table, may tatlong associates na palihim ang sulyap sa loob ng office ni Atty. Seiichi Kawashima."Girl... am I hallucinating or is he... smiling?" bulong ni Ava habang nagtatype ng notes sa laptop."No, you’re not. Smiling siya. Twice na ‘yan since dumating siya,” sagot ni Carla, naka-slouch sa ergonomic chair niya habang binubuksan ang isang file.“Hindi ‘to ‘yung slight smirk ha. As in may slight pagtaas ng cheekbones. With teeth,” dagdag pa ni Martin habang umiinom ng kape. “Baka na-promote siya to God of Law.”"Or baka... may nagpapakilig," sabay-sabay silang napatingin sa glass door ng opisina ni Seiichi, kung saan sa likod ng blinds ay matatanaw ang nakatayo nitong silhouette—nakasuit pa rin, pero mas relaxed ang postura.Sa loo

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 4: “LEGALLY TANGLED.”

    CHAPTER 26 –“Drunk Confessions.”Ang gabi ay tahimik ngunit hindi mapakali ang loob ni Cesca.Sa labas ng conference hall, may nagaganap na bonfire activity sa beachfront—optional, sabi sa programa, pero halos lahat ng tao ay nandoon. Laughter, clinking of bottles, acoustic music, at kung anu-anong kwento ang maririnig sa hangin. Ang paligid ay may ilaw mula sa bonfire at lanterns na nakasabit sa mga kahoy na poste ng veranda.Pero si Cesca, tahimik lang sa isang sulok ng terrace bar, may hawak na cocktail na hindi niya rin maintindihan kung ano. Blue yata ‘to o green. Basta malamig at may yelo. Katapat niya si Trina at si Marga pero distracted siya. Simula pa lang ng gabi, parang may bumabagabag na sa kanya."Ces, okay ka lang ba?" tanong ni Rica."Oo naman," sagot niya. "Hindi lang ako sanay sa ganito ka... chill.""Girl, kung ito ang chill mo, baka matunaw ka na lang mamaya," natatawang hirit ni Trina. "Lasing ka na ba?""Hindi pa. Pero baka isa pa, tapos lasing na ako." Nilagok ni

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 4: “LEGALLY TANGLED.”

    CHAPTER 25 – Conference Chaos BeginsFriday, 8:12 AM – Kawashima-Inoue Law Firm Lobby, BGCMaaga pa pero abala na ang buong team sa ground floor lobby ng law firm. Isang malaking legal conference ang gaganapin sa Batangas ngayong weekend — sponsored ng isang national legal network kung saan affiliate ang Kawashima-Inoue Law. Ang buong litigation team ay required umatend, kasama ang ilang legal assistants.At dahil overnight trip ito, may dala-dala silang overnight bags, lapel folders, case binders, at syempre, sarili-sariling kape."Guys, kung hindi niyo pa alam," ani Trina habang inaayos ang strap ng sling bag niya, "grouped by department ang room assignments. Legal assistants per two, lawyers per two.""Bakit parang may nararamdaman akong foreshadowing," bulong ni Cesca habang sinusuksok ang power bank sa tote niya."Safe naman tayo," sabat ni Marga. "Unless bigla kang ilipat ng fate."Bumukas ang elevator. Lumabas si Seiichi, suot ang signature navy blazer, may bitbit na leather du

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 4: “LEGALLY TANGLED.”

    CHAPTER 24 – Accidental Confession (Hindi Sure)Mataas ang araw sa labas ng floor-to-ceiling glass windows ng opisina. Mula sa 27th floor, tanaw ni Cesca ang rush hour traffic sa BGC, pero wala siyang pakialam. Hindi dahil hindi siya stressed — kundi dahil sa ilang segundong awkward silence na naganap kanina lang, sa pantry.Everything started with coffee.“You put sugar in that?” tanong ni Seiichi habang nakasandal sa counter, hawak ang sariling mug.“Hindi ako criminal,” sagot ni Cesca habang hinahalo ang instant coffee niya. “Siyempre may sugar.”“Hmm. Figures.”“What’s that supposed to mean?”“You seem like someone who enjoys artificial sweetness.”“Excuse me?” napataas siya ng kilay. “Kung di lang kita boss, baka sinabuyan ko na ‘tong kape sa mukha mo.”Ngumiti si Seiichi. “If that happens, I’ll file a complaint to HR.”“Sige lang. Sasabihin ko ‘yung tunay mong weakness: overthinking at kaunting trust issues.”Tumawa si Seiichi, genuine at hindi ‘yung tipid na chuckle niya. “Low

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 4: “LEGALLY TANGLED.”

    CHAPTER 23 – Late Night PizzaTuesday, 9:42 PM – Kawashima-Inoue Law Firm, BGCTahimik na ang buong floor ng opisina. Sa labas ng glass window, tanaw ang malamlam na ilaw ng Bonifacio Global City. May kaunting fog sa bintana, senyales na bumababa na ang temperatura kahit pa May na sa kalendaryo. Sa loob ng Conference Room 3B, may dalawang ilaw na bukas. At sa gitna ng mesa, nakabukas ang dalawang box ng pizza — half cheese, half pepperoni.“Nagugutom ka na naman, Boss?” tanong ni Cesca habang nagbubukas ng tissue.“Late na akong nag-lunch,” sagot ni Seiichi habang sinusuri ang case folder sa harapan. “At hindi ako kakain mag-isa.”“Teka lang,” sabay kuha ni Cesca ng slice. “Hindi ba dapat ako pa ‘yung magyayaya ng pizza, tapos ikaw ang tatanggi para maging in-character?”“Plot twist. May character development na ako.”Napatawa si Cesca habang umuupo sa tapat niya. Sa pagitan nila, nakakalat ang ilang documents: case memos, witness affidavits, at isang handwritten note na may pangalan

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 4: “LEGALLY TANGLED.”

    CHAPTER 22 – Jealousy ClauseFriday, 10:36 AM – Kawashima-Inoue Law Firm“I need someone to assist with the Sarte brief,” ani Rica habang bitbit ang iPad niya, tumigil sa gitna ng bullpen. “Atty. Yu requested updated documentation and a local case summary.”“I can do it,” sabay taas ng kamay ni Cesca, kahit abala pa sa pagfa-file ng attachments sa isa pang draft.“Sure ka? May court run ka pa mamaya, diba?”“Oo, pero mabilis lang naman ‘yung hearing. I can squeeze this in.”“Salamat. And oh,” Rica added, scrolling on her tablet, “Mr. Daniel Ahn from Polaris Investments is visiting the office this afternoon. I heard siya ‘yung client ni Sir Seiichi na laging overseas. First time niya sa Manila.”“Polaris?” tanong ni Cesca habang patuloy sa pagtipa.“Mmhmm. Korean-American investor, super charming daw. Early thirties, single, fluent in three languages. Sayang, hindi ko client.”Cesca chuckled. “Baka maka-small talk lang naman, hindi date.”Rica raised an eyebrow. “Sabi mo ‘yan ah.”---

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status