CHAPTER 24 – Proposal of TermsTahimik ang opisina matapos ang gabing iyon. Ang leather sofa kung saan nakahandusay pa rin si Elle ay may bakas ng kulubot sa upholstery, habang ang mesa ni Knox ay magulo pa rin sa mga papel na nahulog. Naka-dim pa rin ang lampshade, at ang lamig ng aircon ay hindi kayang tapatan ang init na bumabalot sa kanilang dalawa.Humihingal pa si Elle, nakahiga sa sofa, pawis ang sentido at nanginginig pa ang tuhod. Nakapikit siya, pilit pinapakalma ang sariling hininga, pero bawat paghinga niya’y parang paalala ng mga nangyari. Sa tabi niya, nakaupo si Knox, walang suot na coat, bukas ang unang tatlong butones ng polo, at tila ba hindi pa rin tapos sa pagtitig sa kanya.“Elle…” marahang tawag niya, boses ay mababa pero malinaw.Dahan-dahan siyang dumilat, tumingin kay Knox. Nandoon pa rin ang intensity sa mga mata nito, pero may kasama nang kakaibang lambing.“You know this can’t be ignored,” sabi ni Knox, nakahilig ang siko sa tuhod, nakatungo para mas makita
CHAPTER 23 – “ELLE…” malamyos na tawag ni Knox sa kan'ya habang ang mga mata'y nakatitig. “Stop fighting it...”Kinagat ni Elle ang labi, umiwas ng tingin. Gusto niyang sumagot, gusto niyang ipilit na nagkakamali lang ito ng akala pero sa loob-loob niya, ramdam niya ang init na matagal na niyang pinipigil.“Sir…” halos bulong lang ang lumabas sa labi niya. “We shouldn’t…”Ngunit bago pa niya matapos ang sasabihin, lumapit si Knox sa kanya at yumuko na para bang hahalikan siya. Napapikit tuloy siya ngunit ang init ng hininga nito ay nararamdaman niyang tumatama sa kanyang pisngi.Dahan-dahan nitong inabot ang baba niya, pinilit siyang pinahaharap. “Then look me in the eye… and tell me you don’t feel it too.”Nagdilat si Elle at nanlalaki ang mata sa narinig. Humigpit ang hawak sa ballpen na para bang doon siya kumukuha ng lakas at pagpipigil sa sariling bumigay sa panunukso nito.Subalit sa halip na magsalita pa, nagulat siya nang bigla siyang hinila ni Knox mula sa upuan. Napaupo siy
CHAPTER 23 – “Elle’s Dilemma”Mabilis ang takbo ng oras sa opisina, pero para kay Elle, bawat minuto ay parang dalawampu. Kahit anong gawin niya, hindi niya matanggal sa isip ang sinabi ni Knox. No strings attached. Just us. In secret.Habang nakaupo sa cubicle, pilit niyang inaayos ang reports para sa audit, pero paulit-ulit siyang nagkakamali sa figures. Tatlong beses na niyang binalikan ang parehong page, at tatlong beses din siyang napa-buntong hininga.Napakagat-labi siya, pinipigilang mapikit. Pero kahit anong iwas niya, bumabalik sa alaala ang mukha ni Knox habang sinasabi ang mga salitang iyon—seryoso, diretso, walang pag-aalinlangan. At sa ilalim ng lahat ng iyon, ang apoy na nakita niya sa mga mata nito.---Maya-maya, narinig niya ang hakbang. Alam niya agad na si Knox iyon, kahit hindi pa siya lumilingon. Malalim ang paghinga niya, pilit nagpanggap na busy sa laptop. Pero nang huminto ang mga hakbang sa tabi ng mesa niya, hindi na siya nakahinga nang normal.“Ms. Santos.”
CHAPTER 22 – “The Proposal of Terms.”Mainit ang sikat ng araw na pumapasok sa malalaking bintana ng Evans Motors Tower, pero sa loob ng opisina ni Knox Evans, malamig at tahimik. Nakasandal siya sa swivel chair, nakatitig sa screen ng laptop, pero halos wala siyang naiintindihan sa binabasa. Ang report na nasa harap niya ay parang blur—hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa isang bagay na pilit niyang nilalabanan.Isang tao.Si Elle.Sa tuwing pumapasok ito sa opisina para mag-abot ng documents, para bang may sariling gravity ang presensya ng babae. Hindi na siya makapag-focus. At sa tuwing naiisip niya ang gabing iyon—ang halik, ang init ng balat nito sa ilalim ng kanyang palad, at ang impit nitong pag-ungol sa pangalan niya—parang lumalabo lahat ng linya sa pagitan ng tama at mali.Mariin siyang napapikit, pinisil ang tulay ng ilong. Sa loob ng ilang linggo, pinilit niyang kontrolin ang sarili. Pero habang lumilipas ang araw, mas lalo lang siyang natatalo.---Kinagabihan, nakauwi na
CHAPTER 21 – “The Morning After.”Mataas na ang araw nang mapadilat si Knox. Mabigat ang ulo niya, parang may pumutok na gong sa loob. Unti-unti siyang bumangon mula sa sofa, ramdam ang sakit ng sentido. Sandali siyang napatitig sa paligid, umaasang may makikitang presensya roon.Ngunit walang Elle.Ang kumot na nakabalot kagabi, nakatiklop na sa gilid ng sofa. Ang mangkok ng sabaw at basong tubig, wala na sa mesa. Malinis na, para bang walang tao roon kagabi maliban sa kanya.Napahawak siya sa sentido at napalunok nang mariin. Unti-unting bumalik ang mga alaala. Kung paano niya inangkin ang babae at kung paanong parang nararamdaman pa rin niya ang init ng katawan nito ng mga sandaling iyon.“Damn it,” mahina niyang bulong. Mariing pinikit ang mga mata, binagsak ang likod sa sandalan ng sofa.Alam niyang mali. Alam niyang dahil sa tama ng alak kaya siya nagpadala. Pero kahit sisihin niya ang kalasinganbo ang epekto ng alak, hindi niya kayang itanggi ang katotohanan— na may kakaibang h
CHAPTER 19 – “A Stolen Kiss.”Tahimik ang buong sala, ang tanging tunog ay ang mahina at tuloy-tuloy na buhos ng ulan mula sa labas. Nakahiga pa rin si Knox sa sofa, hawak-hawak ang pulsong ayaw niyang pakawalan, habang si Elle ay nakaupo sa gilid, naninigas ang katawan, hindi alam kung paano gagalaw.“Elle…” bulong niya, halos pakiusap.Ramdam ni Elle ang init ng hininga nito na tumatama sa kanyang pisngi. Lalong bumilis ang tibok ng puso niya, at halos hindi na siya makahinga sa sobrang lapit nila.“Sir, you need to sleep,” maingat niyang sabi, pilit inaayos ang tono ng boses para huwag mahalata ang kaba. Pero hindi niya naituloy ang paglayo. Mas hinila siya ni Knox palapit, at sa isang iglap, naglapat ang kanilang mga labi.Nanlaki ang mga mata ni Elle, at para bang tumigil ang oras. Isang stolen kiss—mabagal, mariin, at puno ng init. Hindi iyon tulad ng mga halik na dati niyang nakita sa club; ito ay totoo, ramdam, at nakakasunog ng kaluluwa.Napakapit siya sa balikat nito, ramdam