Share

CHAPTER 137

Author: GennWrites
last update Last Updated: 2024-11-28 08:06:21

AWTOMATIKONG dumilim ang mukha ni Knives nang biglang kumalas sa kanyang bisig si Lalaine para kunin ang cellphone nitong nakapatong sa center table.

“S-Sasagutin ko lang ang tawag,” pagpapaalam ni Lalaine kahit kumakabog nang husto ang kanyang puso.

Hindi naman sumagot ang lalaki kaya naman mabilis siyang tumayo. Nagmamadali siyang pumasok ng kanyang kwarto at sinagot ang tawag ni Elijah.

Naiwan naman si Knives sa sala na masamang-masama ang anyo na para bang naghahanap ng away. Hindi ba alam ng babae na nakita niya kung sino ang tumawag?

‘Goddammit!’

Ilang sandali pa ay muling lumabas si Lalaine matapos sagutin ang tawag na iyon. Ramdam niya ang tensyon ng mga sandaling iyon habang nakatingin sa lalaking parang gusto siyang sakmalin ng mga oras na iyon.

“M-Mr. Dawson, medyo late na. U-Umuwi ka na para makapagpahinga,” maingat na wika ni Lalaine sa lalaki.

Tumiim-bagang naman si Knives nang marinig na iyon at ang galit na nararamdaman niya ay hindi niya maitago sa harap ng babae. Na
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (9)
goodnovel comment avatar
Janine Cogasa Patiam Ragos
naeexcite Ako sa mngyyri ...️...️ sana magkababy Sila ...
goodnovel comment avatar
Rhodora Molit
ang ganda talaga ng story mo maam
goodnovel comment avatar
Beth Dominguez Sobretodo Edombingo
more updates plssss.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 3: “SCARS OF THE HEART.”

    CHAPTER 33 —Isang linggo na rin mula nang gabing ‘yon sa apartment ni Veronica, pero hanggang ngayon, parang ramdam pa rin niya ‘yung hangin ng gabing ‘yon.Ewan ba niya. Akala niya, tapos na ‘yung effect ng rest house getaway nila. Akala niya, babalik na ulit sa dati—yung simpleng kamustahan, konting tawag, tapos busy na naman pareho.Pero iba talaga si Eros. Iba ‘yung paraan ng lalaking ‘yon para manatili sa buhay niya, kahit walang label, kahit walang paalam. Hindi niya alam kung paano pero palaging nandiyan. Palaging present.———Biyernes noon, gabi na. Kakauwi lang ni Veronica galing sa isang charity event ng hospital. Pagod siya, pero mas pagod ‘yung utak niya. Ang daming kailangang i-process, ang daming kailangang i-review para sa meeting sa Lunes.Pagpasok niya ng unit, napabuntong-hininga siya. Tahimik. Walang tao. Wala siyang energy magluto, pero wala rin siyang gana magpadeliver.“Ang sad naman ng Friday ko,” reklamo niya sa sarili habang inihahagis ang bag sa sofa.Pero b

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 3. “SCARS OF THE HEART.”

    CHAPTER 32 —Ilang araw ang lumipas, balik-normal ulit ang takbo ng buhay ni Veronica. Mula bahay, trabaho, pasyente, meeting, paulit-ulit na lang ang routine niya. Pero kahit gano'n, ramdam niyang may kaibahan na.Hindi na siya tulad ng dati na parang palaging pagod, palaging drained. Mas kalmado na siya ngayon. Siguro dahil unti-unti na rin niyang natanggap na hindi niya kailangang solohin lahat ng bigat sa mundo.At syempre, malaking factor din ‘yung presence ni Eros.Kahit hindi sila laging nagkikita, consistent si Eros sa pangungumusta. Minsan tawag, minsan text, minsan bigla na lang may magde-deliver ng coffee o dinner sa unit niya—walang pasabi, walang paalam, pero palaging tama sa timing.Para bang alam ni Eros kung kailan siya napapagod o kailan siya nangangailangan ng kasama, kahit wala siyang sinasabi.———Isang gabi, habang naglalakad siya pauwi galing duty, bigla siyang nakatanggap ng tawag.Si Eros na naman.“Hello?” sagot niya, habang naglalakad papunta sa parking lot.

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 3: “SCARS OF THE HEART."

    CHAPTER 31 —Kinabukasan, Lunes na naman. Walang pasabi, bumalik na naman ang reality sa buhay ni Veronica. Hindi pa man siya bumabangon, ramdam na niya ang pagod. Pero hindi na ito tulad ng dati. Ngayon, parang mas kaya na niyang huminga kahit may kaunting bigat pa rin sa dibdib.Napabuntong-hininga siya habang nakahiga pa rin sa kama, nakatitig sa kisame. Maya-maya, narinig niya ang mahinang tunog ng phone niya sa bedside table. Isang message galing kay Eros.Eros:“Good luck sa rounds mo today. Don’t forget to breathe.”Napangiti siya kahit wala namang nakikita. Ang simple lang ng text, pero iba ang dating. Agad siyang bumangon at nag-reply.“Thanks. Ikaw rin, ingat sa mga clients mo. Huwag masyadong magpaka-perpekto.”Hindi pa siya tapos mag-reply, dumating agad ang sagot.Eros:“Ay, sorry, hindi ko kayang hindi maging perpekto. It’s my nature.”Napailing si Veronica, pero hindi maitatago ang ngiti niya.“Ang yabang mo talaga,” bulong niya, natatawa.———Pagkatapos maligo at mag-a

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 3: “SCARS OF THE HEART.”

    CHAPTER 30 —Maaga pa lang, gising na si Veronica. Linggo na, pero parang hindi niya kayang matulog nang mahaba. Siguro dahil nasanay na siyang laging may iniisip, o baka naman dahil sa kakaibang pakiramdam na naiwan sa kanya mula sa weekend getaway nila ni Eros.Napabuntong-hininga siya habang nakatitig sa kisame. Wala naman talagang dapat madaliin ngayong araw. Walang schedule, walang rounds, at higit sa lahat, walang kailangan harapin na stress.Pero kahit gano'n, iba pa rin 'yung nararamdaman niya. Parang may iniwan sa dibdib niya ‘yung weekend nila sa rest house—‘yung tipo ng katahimikan na hindi mo makakalimutan kahit pagbalik mo sa city.Bumangon siya at dumiretso sa veranda. Paglabas niya, nakita niyang nandoon na si Eros, nakaupo sa steps habang may hawak na tasa ng kape. Suot nito ang plain gray hoodie at pajama pants, mukhang relaxed na relaxed habang nakatingin sa lawa.“Gising ka na pala,” bati ni Eros, hindi man lang lumingon.“Yeah,” sagot niya, sabay upo sa tabi nito.

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 3: “SCARS OF THE HEART.”

    CHAPTER 29 —Makalipas ang ilang araw matapos ang conference sa hospital, unti-unting bumalik sa normal ang takbo ng buhay ni Veronica. Maayos siyang nakakapagtrabaho, patuloy ang rounds, at nakakapagbigay ng ngiti sa mga pasyente kahit may bitbit pa ring bigat sa dibdib. Sa mga mata ng ibang tao, maayos na ang lahat. Pero sa loob niya, alam niyang may bahagi pa ring pagod at sugatang hindi kayang pagalingin ng kahit anong gamot.Isang hapon, habang nasa lounge siya ng ospital at nagkakape, bigla siyang nakatanggap ng tawag mula kay Eros.“Hello?” sagot niya.“Hey,” bati ni Eros, may bahagyang pag-aalangan sa boses nito pero may pamilyar na lambing. “May gusto sana akong itanong.”“Hmm? Ano ‘yon?”Tahimik sa kabilang linya ng ilang segundo. “Gusto mo bang lumayo muna kahit sandali? Saglit lang… para makahinga.”Napapikit si Veronica. Alam niyang hindi ito imbitasyon na basta-basta. Alam niyang nararamdaman ni Eros ang pagod niya — kahit hindi niya sinasabi.“Saan mo balak?”“May rest

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 3: "SCARS OF THE HEART."

    CHAPTER 28 —“Shhh... It's okay, I’m here. Just let it out. Hindi mo kailangang kayanin mag-isa.”Nanginginig pa rin ang balikat ni Veronica habang yakap niya ang sarili sa malamig na rooftop. Sa kabilang linya, tahimik si Eros — hindi dahil wala siyang masabi, kundi dahil pinaparamdam niyang naroroon siya, buo, totoo, at handang makinig.Ilang saglit pa, narinig niyang muli ang boses nito. “Vee… what happened?”Suminghot si Veronica. Boses niya ay paos, parang hiniwa ng bawat hikbi. “Pinatigil nila… ang surgery ni Clarisse. Walang medical reason. Kompleto lahat. Pero… ayaw nila. Ayaw ni Ethan.”Tahimik muli sa kabilang linya, pero dama niya ang lalim ng paghinga ni Eros. “He really did that?”“Yeah…” Mahinang tawa, pero masakit. “Alam mong ang tanging gusto ko lang naman… ay tulungan siya. Kasi… kasi nakikita ko 'yung sarili ko sa kanya, Eros. 'Yung takot, 'yung hiya, 'yung sakit. She deserves a chance… na makaramdam na buo ulit siya.”Tumugon si Eros, mababa ang boses pero puno ng d

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status