Home / Romance / Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire / CHAPTER 151 - “The Son Of Lucifer, Benjamin Scott“

Share

CHAPTER 151 - “The Son Of Lucifer, Benjamin Scott“

Author: GennWrites
last update Last Updated: 2024-12-04 21:55:46

TINATAGAN ni Lalaine ang loob, hawak nang mahigpit ang pepper spray ay nag-spray din siya sa mukha ng mga ito dahilan para magkagulo ang dalawang bodyguard. Muli, mabilis na tumakbo si Lalaine patungo sa elevator pero pagdating niya roon ay dalawa na namang bodyguards ang nakabantay sa entrance niyon. Tila ba maingat na pinagplanuhan ni Benjamin ang lahat ng iyon.

Dahil hindi makadaan si Lalaine sa elevator, sa fire exit siya kumaripas ng takbo. Kakaunti na lang din ang pepper spray niya at ang dalawa na huli niyang ini-spray-an nito at hindi masyadong napinsala kaya naman kaagad din siyang hinabol ng mga ito.

At bago pa tuluyang makapanaog si Lalaine sa hagdan ay kaagad siyang nahawakan ng dalawang guard. Desperadong sumigaw si Lalaine para humingi ng tulong pero dahil arkilado ni Benjamin ang buong palapag na iyon kaya walang makaririnig sa kan'ya.

Humahagulhol si Lalaine nang lapitan siya ni Benjamin na galit na galit. Pinagsisipa siya nito dahilan para mapaluhod siya sa sakit.

“P
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (38)
goodnovel comment avatar
Gemma Andrade Celoso
Tapos ngayon hahabol habol ky knives.. mag aminan na kasi no tagal malaman ni knives na sya una ky lalain..
goodnovel comment avatar
Gemma Andrade Celoso
Hayts!! Ang taas nman ng pride ni lalaine ha.. bawasan mo nman author d nako natutuwa!!!
goodnovel comment avatar
Ne Nette
Boring, puro kmalasan, update nmn ng mgnda author
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 3: “SCARS OF THE HEART."

    CHAPTER 41Pagkatapos ng emergency operation na tumagal ng halos dalawang oras, halos madilim na nang makalabas si Veronica mula sa ER. Pagod man ang katawan, iba ang tibok ng puso niya ngayong gabi. Nasa isip pa rin niya ang mga sinabi ni Eros, ang hiling nitong pormal siyang ligawan. Para bang kahit sobrang stressful ng trabaho, may dahilan pa rin para ngumiti.Pagkarating niya sa locker room, nadatnan niyang may message na siya mula kay Eros.Eros: "Anong oras ang uwi mo? Susunduin kita."Napangiti siya. Agad siyang nag-reply.Veronica: "Give me 20 minutes. Magpapalit lang ako."Eros: "Noted, future girlfriend. 😉"Hindi niya napigilang mapailing habang pinipigilang tumawa. Pagkatapos ay mabilis siyang nagpalit at inayos ang sarili. Ilang saglit pa, bumaba na siya at nakita ang itim na sasakyan ni Eros na nakaparada malapit sa entrance.Pagbukas ng pinto, sinalubong siya ng pamilyar na ngiti ni Eros. "Hi," sabi nito, habang inaabot ang payong para sa kanya."Hi," sagot niya, at aga

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 3: “SCARS OF THE HEART."

    CHAPTER 40 — Napatigil si Veronica sa tanong ni Eros. “Pwede ba kitang ligawan? Nang pormal?” Parang huminto ang mundo niya sa mga sandaling iyon. Hindi dahil sa gulat, kundi dahil sa dami ng emosyon na sabay-sabay na sumalpok sa dibdib niya. Ilang beses na siyang tinanong sa ganitong paraan noon—pero iba ito. Iba dahil si Eros ang nagtanong. Iba dahil hindi lang salita ang narinig niya, kundi ang sinseridad sa likod ng bawat titik. “Veronica?” tawag ni Eros, nang mapansing hindi siya agad sumagot. May kaba sa boses nito, kahit sinubukan nitong panatilihing kalmado ang itsura niya. Huminga nang malalim si Veronica, at ngumiti. “Sure ka ba?” tanong niya, parang biro pero may bahid ng alinlangan. “Baka kasi… baka kasi pag sinimulan natin ‘to, wala na tayong balikan.” Umiling si Eros. “Wala na akong balak balikan, Vee. Gusto ko ng bago. At gusto ko, ikaw ang simula.” Hindi na siya nakasagot agad. Sa halip, tumingin siya sa mga mata ng lalaki. Naroon ang liwanag na ilang beses na

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 3: “SCARS IF THE HEART.”

    CHAPTER 39 —Tahimik ang paligid ng Smith Medical Center habang magkaharap sa bench sina Veronica at Eros. Isang oras din siyang naghintay sa lobby habang nakaupo at nang dumating ito ay muntik na siyang makatulog. Wala na ang ingay ng mga nurse, wala na ang kalituhan sa isip ni Veronica, pero may namumuong tensyon sa pagitan nilang dalawa—hindi galit, kundi pag-aalinlangan, at pagtatapat na matagal nang tinatago.Si Veronica, bagama’t pagod sa buong araw na trabaho, ay gising na gising ngayon. Hindi siya mapakali. Mula sa sandaling nakita niya si Eros kasama si Claire, hanggang sa mga salitang binitiwan ng binata bago ito abalahin ng emergency call, isa lang ang tanong sa isip niya—ano ba talaga ang nangyari noong gabing nalasing siya? At higit pa roon, ano ba talaga sila ni Eros?Nasa tabi niya ngayon si Eros, hawak ang isang bote ng tubig habang maingat na pinagmasdan ang kanyang mukha. Hindi ito ang tipikal na tahimik na gabi para sa kanila—ito ang gabi ng katotohanan."Vee," simu

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 3: “SCARS OF THE HEART."

    CHAPTER 39 — Makalipas ang ilang araw mula sa beach getaway, balik-trabaho na ulit si Veronica. Isang linggo ng rounds, mga pasyente, case conferences, at charting. Bumalik na sa dating ikot ang mundo niya, pero sa kabila ng lahat ng ito, may isa siyang hindi maipaliwanag na pakiramdam—parang may kulang. Parang may hindi siya matandaan.At ang nakakainis pa roon? Parang nagsisimula nang mabuong muli ang isang alaala—isang malabong eksena na hindi niya matukoy kung totoo ba o guni-guni lang. May liwanag ng bonfire. May boses. May init ng hangin. At may halik. Pero hindi niya maipaliwanag kung ito ba ay parte lang ng panaginip o isang totoong pangyayari sa gabing nalasing siya.Lalo siyang nainis sa sarili.Bakit hindi niya maalala nang buo? Bakit may bahagi ng gabing ‘yon na parang sinadya ng utak niyang kalimutan?Pagkatapos ng mahabang araw sa ospital, hindi na siya dumiretso sa bahay. Imbes na umuwi, nagpasya siyang dumaan sa Smith Medical Center kung saan naroon si Eros. Kailangan

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 3: “SCARS OF THE HEART.”

    CHAPTER 37 —Pasado alas-diyes ng umaga. Katatapos lang mag-breakfast nina Veronica at Eros sa veranda ng villa. Tahimik lang ang paligid. Ang simoy ng hangin, malamig pa rin kahit pa unti-unting lumalakas ang sikat ng araw. Sa halip na bumalik sa kanya-kanyang kwarto, nagyaya si Eros na maglakad-lakad muna sa tabing dagat."Fresh air is good for your hangover," aniya, sabay abot ng shades kay Veronica."Salamat," tugon ng dalaga, saka niya isinuot ang shades. Nakangiti siya kahit medyo mabigat pa rin ang ulo. "Basta huwag mo akong yayain mag-jogging, ha.""Walk lang. Promise," nakangiting sagot ni Eros.Tahimik silang naglakad sa baybayin. Barefoot, habang ang malamig na tubig-dagat ay dumadampi sa kanilang mga paa. Wala masyadong tao sa paligid. Malayo sa ingay ng siyudad, at malayo sa anumang responsibilidad na naiwan sa lungsod."Tahimik," ani Veronica matapos ang ilang sandali. "Nakakapanibago.""Oo. Lalo na para sa atin na halos buong linggo nasa ospital," sagot ni Eros. "Parang

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 3. “SCARS OF THE HEART.”

    CHAPTER 36 — Tahimik ang buong beach resort nang gabing ‘yon, pero hindi ang mga puso ng dalawang taong nasa loob ng villa.Hindi pa rin maalis ni Eros ang tingin kay Veronica habang nakahiga ito sa kama, lasing na lasing at tila walang kamalay-malay sa ginawa nito kanina.Ramdam pa niya sa labi ang mainit na halik ng babae, at paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga salitang binitawan nito habang nakalambitin sa kanyang leeg.“Matagal na kitang gusto… noon pa… kahit limang taon kang nawala, nanditobka pa rin sa puso ko…”Ramdam niya ang sincerity sa tinig ng dalaga, kahit pa nga wala ito sa tamang wisyo ng mga oras na iyon.Pinilit niyang kumalma. Dahan-dahan niyang hinila ang sarili palayo sa babae, pero bago pa siya tuluyang makatayo, bigla siyang hinatak ulit ni Veronica, mahigpit, tila ba natatakot itong iwanan siya.“Vee…” mahinang tawag niya, pero wala nang tugon si Veronica. Nakapikit ito, ngunit ramdam niya sa haplos nito ang hinanakit at pagkalito.At sa isang iglap,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status