“SO, you've been acting weird with me because you think I like her?”Nakagat ni Lalaine ang pang-ibabang labi. “Narinig ko ang tawag no'ng gabing pumunta ka sa abroad para kay Gwyneth. Pero bago ka umalis ng gabing 'yon, lasing na lasing ka. Narinig ko mismo sa bibig mo na tinawag mo ang pangalan ni Gwyneth...” pag-amin ni Lalaine.Nagsalubong ang makakapal na kilay ni Knives saka sandaling nag-isip. Pilit inaalala ang mga nangyari ng gabing iyon. “I'm sorry, believe me, I don't remember calling her name. Maybe I was just really drunk that night so it came out of my mouth without me realizing it. But no, that doesn't mean I like her.”“And so I left that night because her doctor called and said Gwyneth was awake. I didn't think you could misinterpret my actions,” dagdag pa ni Knives.Hindi naman nakakibo si Lalaine sa mga narinig at nanatili lang na nakatingin sa lalaking kaharap.Kumilos naman si Knives at muling ginawaran ng masuyong halik sa labi si Lalaine. “You have so much in yo
KINABUKASAN, sandaling ipinikit ni Knives ang mga mata saka muling nagdilat. Hindi safe ang lugar na iyon kung saan sila. The truth is, he wasn't comfortable in that place, but he just didn't want to let Lalaine know because he didn't want her to worry. Sa tabi n'ya, mahimbing na natutulog si Lalaine na para bang isang sanggol habang nakaunan ito sa kanyang braso. Masuyo niyang pinagmasdan ang maamong mukha nito ng mga oras na iyon. She had been obedient to him all night, but her small body had bruises and red marks left by the all-night sex. Habang pinagmamasdan n'ya ang magulo nitong buhok at maamong mukha ay muli niyang naramdaman ang pagkabuhay ng kanyang pagkalalaki. Mahinang natawa si Knives sa sarili. Hindi talaga n'ya alam kung anong klaseng gayuma ang ipinainom nito sa kan'ya kaya baliw na baliw siya rito. Hindi mapigilang bigyan ni Knives ng magaan na halik ang kissable lips nito bago dahan-dahang bumangon sa kama. He went straight to the bathroom and then took a shower, a
“DON'T be afraid. Hinding-hindi ko hahayaang mapahamak ka.”Marahan namang tumango si Lalaine saka mahigpit na kumapit sa mga braso ni Knives. Ilang sandali pa, pumailanlang sa paligid ang isang classical music. Ang host ng party ay nag-arrange ng paunang sayaw para mabuhayan ang mga naroon sa party.Isang grupo ng magagandang babae at lalaki ang nagpunta sa gitna at sumayaw. Subalit hindi lang iyon basta sayaw kundi isang malansang sayaw. Wala na ring mga saplot ang mga ito, at kung titingnan ay parang mga lulong ito sa droga.Napisil ni Lalaine ang braso ni Knives dahilan para mapatingin siya sa babae. Ang mga ganitong eksena ay normal na lang para kay Knives at walang epekto sa kan'ya, subalit alam niyang para kay Lalaine ay abnormal ang ganoon.Inangat niya ang mga kamay at tinakpan ang mga mata nito saka bumulong sa mga tenga. “Close your eyes if you can't bear it.”Sinunod naman ni Lalaine ang sinabi ng lalaki. Mariin niyang ipinikit ang mga mata.Nang matapos ang sayaw ay saka
ANG rules sa party na iyon ay kung sino ang unang makakuha ng babae ay siya na ang nagmamay-ari nito. Ang mga kalalakihang nakapalibot kay Knives at Lalaine ay may nakakahilakbot ang mga anyo habang nakangisi. Tila mga uhaw na hayop na naghihintay makasipsip ng sariwang dugo.“Xiōngdì, hǎo dōngxī jiùshì yào fēnxiǎng de, (Brother, good things are meant to be shared)” anang lalaki na may malaking tiyan sabay hila sa kamay ni Lalaine.Naging mabilis naman ang pagkilos ni Knives at kaagad hinila si Lalaine para ikubli sa kanyang likuran. “Bié pèng tā! (Don't touch her!)” banta niya rito.Sandaling natahimik ang paligid dahil sa pagbabantang iyon ni Knives. Iyon kasi ang kauna-unahang pagkakataon na may pumalag sa grupo ng mga kalalakihang iyon na magkakaibigan pala.Lumapit ang isang lalaki na may malaking pangangatawan. “Wèi, gēgē! Wǒmen dōu shì lái wán de, bié shēngqì a, (Hey, brother! We're all here to have fun. Don't be angry),” anang lalaki sabay unday ng suntok kay Knives. But it s
NANLILISIK ang mga mata at masamang-masama ang itsura ni Knives habang naglalakad papalit kay General Yu. Walang sabi-sabing sinakal niya ito tinitigan ng mga matang nag-aapoy. “Where is she?!” mariin niyang tanong kay General Yu na noon tila nagulat sa ginawa niya. Unti-unting nangingitim ang buong mukha ni General Yu, senyales na kinakapos na ito ng hininga. “I-I don't... know... S-She suddenly disappeared from my side,” nahihintakutang sagot naman ng general. “It hasn't been fifteen minutes since I left her to you!” galit na galit na saad ni Knives sa lalaking halos nangingitim na ang buong mukha dahil kinakapos na ng hininga. General Yu was terrified as he looked into Knives' burning eyes. Although he was a general, he only got that position because of money and connections. So when it came to combat, he knew he was no match for Knives Dawson. Dahil alam ni General na handa siyang patayin ni Knives Dawson ay nag-isip siyang mabuti kung saan napunta ang babaeng hinahanap n
ANG dalawa ay ligtas na nakasakay sa military car na pagmamay-ari ni General Yu. May kasama pa ang mga itong dalawang sundalo na pawang tauhan ng heneral para matiyak ang kaligtasan ng dalawa.Habang palayo ng palayo ang kinalululang kotse sa Hidden Palace ay bagahagya kumalma ang dibdib ni Lalaine. Isa pa'y mahigpit ding hawak ni Knives ang kanyang kamay na para bang ayaw siyang mawala sa kanyang tabi.Si General Yu ay nakaupo sa driver's seat subalit napansin ni Knives na panay ang lingon nito kay Lalaine at para bang nag-aalinlangan kung sasabihin o hindi ang nais. “If you have something to say, just say it,” ani Knives sa general.“Miss, I hope you will never come to Chína again,” ani General Yu. “In China, the Black Emperor will still be a little wary.” Mayroon kasing usap-usapan na si Mr. Zhou ay mahilig mangolekta ng mga internal organs ng mga batang babae at dalagita.Nang marinig naman ni Lalaine ang pangalang Mr. Zhou ay muling nanumbalik sa kan'ya ang nakakatakot na anyo ni
HINDI maisip ni Lalaine kung gaano maraming dugo ang nawala nang makita ang sugat ni Knives. May isang dangkal ang haba ng sugat nito at medyo malalim kaya naman ganoon na lang ang takot niya at pag-iyak niya.Ang mga kamay ni Lalaine na mayroong hawak na cotton balls at iodine ay nanginginig habang ang mga luha niya ay walang ampat sa pagpatak. Marahan namang pinisil ni Knives ang pisngi ni Lalaine at masuyong sinabi na, “Don't cry. Hindi naman 'yan malubha,” pagpapatahan niya.Subalit sa halip na kumalma ay lalo namang lumakas ang pag-iyak ni Lalaine. At matapos malinisan ang sugat at malagyan ng benda ay nag-angat ng tingin siya ng tingin habang basa ng luha ang mga maya't pisngi.“K-Knives, magiging masunurin na talaga ako sa'yo sa susunod...” nauutal at naiiyak na wika niya sa lalaki.Nang makita naman na tila ilog na walang tigil sa pag-agos ang luha ng babae ay sinadya pa ni Knives na mas tuksuhin ito. “How obedient are you?” nakangising tanong n'ya.Nagyuko naman si Lalaine n
“KUNG gano'n, ayaw mo nang sumama sa'kin? Why? Are you... Are you in love with him?”Biglang tumahimik ang paligid sa tanong na iyon ni Elijah. Si Knives nang mga sandaling iyon ay kinakabahang matiim na nakatitig kay Lalaine. “Answer me!” sigaw ni Elijah sa megaphone. “Mahal mo ba ang lalaking 'yan?”Naisip naman ni Lalaine na hangga't nasa China pa siya ay hindi n'ya dapat masyadong galitin si Elijah dahil alam niyang teritoryo nito ang China. Kaya kahit gustong-gusto niyang aaminin ang totoong nararamdaman ay nagkaila siya. Saka na lang niya sasabihin ng personal kay Knives ang mga katagang iyon kapag tama na ang sitwasyon at magandang pagkakataon.“'Wag ka nang magsabi pa ng kung anu-ano. Padaanin mo na lang kami...” sagot ni Lalaine sa baliw na lalaki.Matapos sabihin iyon ay naramdaman ni Lalaine na lumuwang ang pagkakahawak ni Knives sa kanyang kamay. Nang lingunin niya ito ay nakita niyang madilim ang anyo nito ng mga oras na iyon. Alam niyang na-misinterpret na naman nito a
“BRUHA... Grabe! Hiyang-hiya ako sa katangahang ginawa ko kanina. Kung p'wede lang akong magpalamon sa lupa, ginawa ko na.”Kasalukuyan nasa pool area si Abby at ang best friend niya dahil nagyaya itong mag-night swimming habang umiinom ng wine. Pinaunlakan naman niya ito pero hati pa rin ang isip niya ng mga sandaling iyon dahil sa nangyaring eksena kanina.Hiyang-hiya talaga siya sa nagawa at Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ano na lang ang mukhang ihaharap niya sa lalaki pagkatapos ng kagagahang ginawa niya? Paano niya ito haharapin pagkatapos ng lahat? “Don't mind him. Masungit lang talaga si Kuya Kairi pero mabait naman ang isang 'yun,” nakangiting sagot naman ng kaibigan niya habang tumitipa sa kaharap na laptop.Mangiyak-ngiyak naman si Abby sa narinig. “Paanong 'wag intindihin? Galit na galit s'ya sa'kin, bruh! Sinabihan ko siyang magnanakaw at maniac!” bulalas pa ni Abby napahawak sa kanyang noo na parang stress na stress.“Well kahit ako naman magagalit,” pagbibiro nam
“WHO the hell are you?”Awtomatikong nanigas ang katawan ni Abby nang marinig ang baritonong boses na iyon ng lalaki na nasa ilalim niya. At dahil tanging lampshade lang ang nakabukas na ilaw sa kwartong iyon kaya umahon ang matinding takot sa kanyang dibdib dahil sa pag-iisip na baka masamang tao iyon. “I-Ikaw sino ka?! Bakit ka nandito? Magnanakaw ka ba?!” bulalas ni Abby saka nagpa-panic na tumayo mula sa kandungan ng lalaki pero nanlaki ang kanyang mga mata nang hapitin siya nito sa kanyang baywang. Hindi lang iyon, naramdaman pa niyang ang pagkabuhay ng pagkalalaki nito sa kanyang pang-upo.“This is my fucking house! Who are you? Are you a thief?”sigaw naman nito na hindi pa rin siya pinakakawalan.Ginawa ni Abby ang lahat para makawala sa lalaki pero dahil malakas ito kaya hindi nito ininda ang pagpupumiglas niya. Takot na takot na si Abby kaya dahil sa pagiging desperado, ang tanging naisip niyang gawin ay kagatin ito sa kamay.“What the fuck!” bulalas naman ni Kairi saka wala
“BRUH!”Mangiyak-ngiyak na tumakbo si Abby papalapit sa kanyang best friend na si Keiko. Niyakap niya ito nang mahigpit dahil sa wakas, nagkaroon na rin siya ng kakampi.“Bruh, how are you? Bakit gan'yan ang itsura mo?” nag-aalala namang tanong ng kanyang kaibigan habang kumot nakatingin sa kan'ya.Alam naman ni Abby kung ano ang tinutukoy nito. Malaki na kasi ang ipinagbago niya simula noong naghiwalay sila nito. Bumagsak ang kanyang katawan dahil sa stress at nanlalalim at kanyang mga mata dahil may mga gabing nahihirapan siyang makatulog kapag naiisip niya ang kahayupan ni Henry.Nagbitiw sa pagkakayakap ang dalawa matapos ang ilang sandali. Matagal silang hindi nagkita kaya sobrang na-miss nila ang isa't-isa.Nang hindi sumagot si Abby sa tanong ng best friend niyang si Lalaine ay inakay siya nito paupo sa mahabang sofa at puno ng pag-aalalang pinagmasdan siya. Pero ang isip ni Abby ay kasalukuyang lumilipad sa kabuohan ng opisina ng kanyang kaibigan. Hindi niya akalain na magigi
“I'M sorry, Kairi. I can't marry you...”Naomi returned the ring to Kairi with tears in her eyes. Kairi couldn't understand why her fiancé did that. They were planning to get married but why is she suddenly returning the ring to him now? What the fuck is really happening?“But why? Did I do something wrong, babe?” gulong-gulo na tanong ni Kairi sa nobya saka hinawakan ang kamay at bakas ang matinding pagtatanong sa mga mata.Pero iwinaksi ni Naomi ang kamay na hawak ng nobyo at saka tinakpan ang mukha gamit ang palad at umiyak. “Akiko-san to no o miai ga kimarimashita. Gomen'nasai, Kairi. (My arranged marriage meeting with Akiko has been arranged. I'm so sorry, Kairi.)”Nang marinig iyon ni Kairi ay natigilan siya. Si Akiko ay ang lalaking gusto ng mga pamilya ng kanyang nobya para rito. Kairi thought the man had completely backed out of the agreement, but why would the two get married now? No! Hindi siya makakapayag. Noong una pa lang niyang makita si Naomi, alam niyang ito ang baba
“MASAKIT ba, hija? Pasensya ka na. Wala akong magawa sa t'wing sinasaktan ka ni Sir Henry. Natatakot din kasi akong baka pag-initan n'ya ang pamilya ko.”Mula sa kawalan ay bumaling ang tingin ni Abby kay Manang Ising. Kasalukuyan niyang nilalagyan ng ointment ang sugat niya sa bibig, braso, at binti na katulad ng dati ay tinamo niya mula sa pagmamaltrato ng demonyong si Henry.Her whole body was covered in bruises and scratches, a sign of Henry's sadism. Mas lalo kasi siyang ginagahan kapag nakikita niyang nagmamakaawa ang dalaga sa kan'ya. He feels like he's the lookking and she's his slave. “O-Okay lang po, Manang Ising. Naiintindihan ko po kayo,” saad ni Abby na pilit ngumiti sa matanda.Muling kumuha ng cotton buds si Manang Ising at muling nilagyan ng ointment saka magaang ipinahid sa mga sugat ng kawawang dalaga. Habag na habag siya rito pero wala naman siyang magawa para matulungan ito.“Bakit ba kasi hindi ka na lang umalis? Magpakalayo-layo ka. Magtago ka kahit saan. Basta
ALAS-SINGKO ng hapon ang eksaktong labas ni Abby, at awtomatikong nanginig ang kanyang mga kamay nang makita ang isang itim na Rolls Royce na naka-park sa tapat ng banko kung saan siya nagtatrabaho. Isang bodyguard ang nakatayo sa labas habang hinihintay siya. Habang papalapit ay nanlumo si Abby dahil alam niya na kahit anong gawin niya ay hindi na siya makakatakas pa sa kamay ni Henry Scott. Ni mga pulis ay ayaw tumulong sa kan'ya dahil marinig lang ang pangalan nito ay parang asong nababahag ang buntot.Gustuhin man niyang tumakbo at tumakas kay Henry ng mga sandaling iyon, alam ni Abby na magiging useless lang ang lahat dahil magkikita't makikita din siya nito. Nang minsan ngang sinubukan niyang magtago, sa halip na hanapin siya ay ang kanyang pamilya sa Capiz ang pinuntahan ng mga ito. Sa takot niya na may mangyaring masama sa pamilya ay kusa na siyang lumabas sa pinagtataguan.“Good evening, Ms. Del Rosario,” bati ng bodyguard ni Henry sabay bukas ng pinto ng back seat. Doon, ki
“LET'S break up, Abby. I can't do this anymore...”Tila pinagbagsakan ng langit at lupa si Abby sa narinig. Ang mga salitang iyon ay para bang kutsilyo na paulit-ulit na sumasaksak sa kanyang puso. Maging ang kanyang luha ay biglang bumalong na para bang isang ulan na walang tigil sa pagbuhos.Paano na lang siya kung iiwan siya ni Jake? Si Jake na lang ang tanging kakampi niya pero iiwan pa siya nito. Bakit? Paano nito nagagawang makipaghiwalay sa kan'ya gayong pitong taon na sila nito? Ganoon lang ba talaga kadali para kay Jake na iwan siya pagkatapos ng lahat? Ang akala niya ay tanggap siya nito, tanggap nito ang pagkatao niya. Pero bakit bigla na lang itong makikipaghiwalay sa kan'ya? Did she do something wrong? Aren't they planning to get married? Hinawakan ni Abby ang kamay ng nobyo habang umiiyak. “Jake naman. Seven years na tayo. B-Bakit ngayon ka pa makikipaghiwalay sa'kin? Did she do something wrong? Don't you love me anymore?” umiiyak niyang tanong. Nagulat si Abby nang
•••••“ANAK, sigurado ka na ba? Pwede namang dito ka na lang sa probinsya natin maghanap ng trabaho habang nag-aaral. Bakit kailangang sa Maynila pa? Ang balita ko, maraming masasamang tao doon sa Maynila,” nag-aalalang tanong ni Letisha sa anak na si Abby. Matamis na ngumiti si Abby sa kanyang Nanay Letisha. “Naku nay! Kung kailan naisangla na natin ang lupang sakahan, saka mo pa sasabihin sa'kin 'yan? Paano ko matutubos ang lupa natin kung aatras ako?” pabirong sagot naman ni Abby.Ang totoo, nasasaktan si Abby dahil ang lupang iyon ang tanging alaala ng kanilang tatay na maagang nawala dahil sa pneumonia. Kaya naman bilang panganay, ipinangako niya sa sariling magsisikap siya at magtatrabaho nang sa gayon ay matubos nila iyon sa lalong madaling panahon.“Nag-aalala lang naman ako sa'yo, anak. Mag-isa ka lang doon. Paano ka na lang kapag may sakit ka? Sinong mag-aalaga sa'yo?” Hindi pa rin mapalagay ang puso ni Letisha para sa pag-alis ng panganay na anak, dahil iyon ang unang be
——— Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire Book 2: “SAVE ME, LOVE ME, ATTORNEY.” (Kairi Inoue and Abby del Rosario Story) SYNOPSIS: Bitbit ang pangarap na makapag-aral ng kolehiyo habang nagtatrabaho, mula probinsya ng Capiz ay lumuwas si Abby sa magulong siyudad ng Maynila. Subalit hindi niya akalain na sa halip na pag-asa, bangungot pala ang naghihintay sa kan'ya. Nakaranas siya ng pang-aabuso mula sa mayamang negosyante na sinamantala ang kanyang murang edad at pagiging walang muwang mundo. Wala siyang mapagsabihan ng kahayupang iyon na ginagawa sa kan'ya, kahit sa best friend niyang si Keiko. Ilang taon ang lumipas, naging maalawan ang buhay ng kanyang kaibigan nang makilala nito ang tunay na ama at mangibang-bansa. Naiwan siyang nag-iisa at patuloy na dumaranas ng kalupitan. Ni wala siyang lakas ng loob para sabihin iyon sa kanyang pamilya dahil ayaw niyang mabigo ang mga ito sa kan'ya. Hanggang sa muling magbalik ang kaibigan niyang si Keiko sa Pilip