MAHIGPIT ang hawak ni Kairi sa babasaging baso habang nakatingin sa dalawang tao na nag-uusap sa labas ng gate ng mansyon. Kung nakamamatay lang ang tingin, baka bumulagta na ang dalawa ng mga sandaling iyon. Hanggang sa mayamaya pa'y naghiwalay na rin ang dalawa. Pumasok na si Abby sa loob at umalis na rin ang lalaking kasama nito. Sandaling nag-isip si Kairi. Parang may bumubulong na demonyo sa kanyang isip na komprontahin ang dalaga. Na tanungin ito kung bakit madaling-araw na umuwi at may kasama pang lalaki.But Kairi restrain himself. What right did he have to confront her? She wasn't even his sister and even less so, she wasn't his girlfriend to interfere in her personal life.Ngunit marahil sa epekto ng alak na nainom, ay kusang kumilos ang katawan ni Kairi. Mabilis siyang nagtungo sa hallway at inabangan ang pagdaan ni Abby. Tulog na ang lahat ng tao sa mansyon kaya naman kampante si Kairi na walang makakakita sa kan'ya ng mga oras na iyon. Isa pa, gusto lang naman niyang k
SA APARTMENT ni Jake tumuloy ang dalawa. Hindi rin maintindihan ni Abby kung bakit pumayag siyang sumama doon. Gulong-gulo ang kanyang isipan at okupado iyon ng sari-saring tanong kung bakit pati si Jake ay idinamay ni Henry Scott. Paano nakilala si Jake ng demonyong iyon? “W-What do you want? Gusto mo ba ng tubig?” nahihiyang tanong ni Jake kay Abby habang kumakamot sa batok. “Sorry, tubig lang kasi ang mai-aalok ko sa'yo. W-Walang laman ang fridge.”Naupo si Abby sa three-seater sofa habang inililibot ang paningin sa kabuohan ng apartment ng ex-boyfriend. Ang laki na ng ipinagbago ng lugar na iyon simula noong huli siyang nakapunta roon. Magulo ang loob ng apartment at para bang napabayaan na. Ang mga kurtina, mga appliances, at furniture ay nanggigitata na at puno ng alikabok na para bang walang taong nakatira doon.“Sige, water na lang,” sagot ni Abby na sinulyapan ang lalaki habang isa-isang dinadampot ang mga maruruming damit na nagkalat sa sahig.“O-Okay. Magluluto rin muna a
“ABIGAIL, is that you?”Naputol ang sana'y sasabihin ni Abby nang marinig niya ang pamilyar na boses mula sa kanyang likuran. Puno ng pagtataka niyang nilingon ang taong iyon ay gayon na lang ang gulat niya at kabog ng dibdib nang makitang si Jake iyon.“J-Jake...” mahina niyang usal. Hindi maintindihan ni Abby ang nararamdaman ng mga sandaling iyon. May ilang buwan na rin matapos ang kanilang breakup pero naroon pa rin pala ang matinding sakit sa kanyang dibdib. Ang akala niya, nabura na iyon simula noong makilala niya si Kairi at magkaroon siya ng feelings para rito.Pero napagtanto niyang mali pala siya. Pansamantala lang niyang nakalimutan ang sakit pero hindi iyon nawala sa kanyang puso. At ngayong nasa harapan niya si Jake ay para bang nanumbalik ang sakit na ipinaramdam nito sa kan'ya nang iwan siya nito sa ere.“Oh my god! Ikaw nga!” bulalas ni Jake habang nakatingin sa ex-girlfriend na mangiyak-ngiyak. Gustong-gusto niyang yakapin ang babae pero nang maisip niya kung gaano n
“ARE you okay?”Habang sakay ng sasakyan at naglalakbay ang isipan, ay bumaling ang paningin ni Abby kay Kairi na noon ay nakatuon ang paningin sa madilim na kalsada habang nagda-drive.Nagpunta sila ng presinto para magbigay ng kanyang statement hinggil sa patong-patong na kasong kinakaharap nito. At sa awa ng Diyos, ay naging maayos naman ang proseso ng pagtatanong sa kan'ya at nasagot naman niya iyon ng maayos kahit pa nga kinakabahan siya.Mabuti na lang din at hindi sila nagkita pa ni Henry Scott dahil hindi n'ya alam kung paano haharapin ang demonyong lalaki. Hindi naman siya natatakot dito dahil alam niyang kasama niya si Kairi, pero alam niyang hindi pa siya handa para harapin ang hayop na lalaki.Next month ang magiging unang hearing at naisip ni Abby na may oras pa siya para mag-prepare. Hindi lang sa isip kundi maging ang kanyang katawan ay kailangan niyang ihanda. She wants to be strong and healthy to show Henry that she's not affected by all the misery he has caused her.
“WHAT?” iritableng tanong ni Kairi nang makitang nakangisi ang gago niyang kaibigan sa kan'ya ng mga sandaling iyon pagkatapos nitong sabihin na gusto nitong ligawan si Abby.“Wala naman. Kitang-kita ko kasi sa mukha mo na parang galit ka, bro. Nagseselos ka ba?” nakangising tanong pa ni Seiichi.“What? At bakit naman ako magseselos kung liligawan mo siya? Go on, I have nothing to do with her.”“Really? Sigurado ka ba d'yan?”“Fuck off! Kung wala ka nang gagawin, lumayas ka na. Marami pa akong gagawin,” pagtataboy ni Kairi sa kaibigan saka kumuha ng magazine at binato rito.Mabilis naman ang naging reflexes ni Seiichi at nasalo niya ang ibinato nito sa kan'ya. “Okay, sabi mo eh!” tatawa-tawang sagot niya saka tumayo na at lumabas ng study room.Naiwan naman si Kairi na iiling-iling habang nakatingin sa mga files tungkol sa patong-patong na kasong isinampa niya kay Henry Scott tulad ng rape, physical abuse, at grave threats. Hindi pa kasama doon ang iba pang kaso nito tungkol sa drug c
LAHAT ng kapulisan sa Metro Manila Police District ay nagulat nang isang puting SUV na walang plaka ang huminto sa harapan ng kanilang presinto at ilaglag sa kalsada ang isang lalaking naka-posas at para bang wala nang buhay.Dahil hindi inaasahan ang mga kapulisan ang eksenang iyon ay hindi kaagad nila nasundan ang puting SUV nang pinaharurot ng mga ito ang sasakyan paalis sa lugar.“Sundan n'yo ang puting SUV na 'yun at 'wag hayaang makatakas. I'll call the police on standby in nearby areas to conduct a checkpoint!” utos ng hepe ng pulisya.“Copy, Sir!”Sakay ng mga service car ay mabilis na tumalilis ang mga pulis at sinundan ang puting SUV. Ang iba namang natira ay kaagad sinaklolohan ang lalaki na kasalukuyang nakabulagta sa kalsada. Ang buong akala ng mga naroon ay patay na ang lalaki, pero nang lapitan nila nito ay nagulat sila nang makitang si Henry Scott iyon.“S-Si Henry Scott ang taong ito, chief!”Nanlaki naman ang mga mata ng hepe nang makitang si Henry Scott nga ang lala