Hello guys! Kumusta po ang lahat? Dasal ko po na sana'y maging ligtas ang lahat nasaan man po kayo naroroon. Siya nga pala, i-mention ko lang po itong mga readers ko na followers ko pa sa main account ko na Iamblitzz na si Mr. Eros at Mr. Eduardo. If gusto niyo po magbasa ng ibang story habang naghihintay, marami po akong kompletong story na naka-post doon. Just simply search my story “BEHIND THE BLINDFOLD” or “HIS VILE OBSERVATION”. Mention ko rin po mga readers ko na laging naghihintay ng update na si Mrs. Kim at Ms. Raine Se. Maraming salamat po. ( ◜‿◝ )♡ By the way, inform ko lang po kayo na isang update lang po ang magagawa ko po dahil LABA day ko po bukas. Maraming salamat po sa pang-unawa. LOVE, GennWrites (。♡‿♡。)
CHAPTER 63 – ”A Waltz of Masks.”For a split second, the world froze. Dalawang kamay ang nakalahad sa harap ni Elle—si Nathan na may dalang sincerity at ngiti, at si Knox na malamig ang anyo pero nagbabaga ang mga mata.The chandeliers gleamed above, casting golden light, habang ang mga tao sa paligid ay nagbubulungan, halos hindi makahinga sa tensyon ng eksenang nakikita.Pero bago pa makapili si Elle, isang boses mula sa likuran ang pumunit sa bigat ng sandali.“Mr. Evans?”Sabay-sabay na napalingon si Elle, Nathan, at ang ilan pang nakikiusyoso. Mula sa crowd ay lumapit ang isang lalaking nasa late fifties, naka-three-piece suit, halatang may awtoridad. Kasama nito si Ayah, naka-gown na kulay crimson, confident ang tindig at may bahid ng ngisi sa labi.“Mr. Santiago,” maayos na bati ni Knox, kahit naninigas ang panga.Ngumiti ang board member, si Mr. Santiago, isa sa shareholders ng kompanya. “Would you mind dancing with my daughter? It would be an honor for our family, Knox.”Naro
CHAPTER 62 – The Dance of ShadowsThe music shifted. From the steady hum of background classical pieces, biglang nagpalit ang string quartet ng mas mabagal na tugtog—isang timeless waltz na sumakop sa buong banquet hall. The chandeliers glimmered warmer, parang sinadya para maging malamlam ang gabi at gawing mas intimate ang atmosphere.Unang nagsilabasan ang mga pares—department heads with their spouses, ilang investors with elegant dates, at mga empleyado na game na sumayaw sa gitna. The dance floor started to fill, each step choreographed by etiquette, each smile carefully calculated.Pero para kay Elle, parang tumigil ang oras. Nasa mesa pa rin siya, half-empty ang champagne flute sa harapan, habang pinapanood ang mga pares na nagsasayaw. Pero hindi doon nakatuon ang isip niya. Ilang metro ang layo, sa kabilang mesa, nakaupo si Knox at mula pa kanina, hindi inaalis ang tingin sa kanya.Nagtagpo ang kanilang paningin. Walang salita, pero sapat para maramdaman ni Elle na parang may
CHAPTER 61 – The Gala NightPagbukas ng malalaking pinto ng banquet hall, sinalubong si Elle ng malamlam na liwanag ng chandeliers at musika ng live string quartet. Ang venue ay eleganteng inayos—mahahabang mesa na may crystal centerpieces, mga waiter na naka-black and white uniform, at mga bisitang nakasuot ng kanilang pinakamagagarang kasuotan.Halos lahat ng department heads ng Evans Motors ay naroon, pati na rin ang ilang kilalang investors at business partners mula sa ibang bansa. Ang bawat galaw at ngiti ng mga tao ay pormal, pero puno ng pagsusuri at para bang bawat tingin ay may sukatan.Kasabay niyang pumasok si Nathan, na nakaayos sa kanyang navy suit. Magaan ang usapan nila habang naglalakad. Sa simpleng biro nito kanina, kahit paano’y nabawasan ang tensyon na nararamdaman niya.“Looks like a battlefield,” biro ni Nathan, bahagyang yumuko sa kanya habang naglalakad sila papasok.Elle chuckled softly. “You’ll survive. First Gala mo, right?”“Yeah,” sagot nito, halatang kinak
CHAPTER 60 – Fire and GlassMadaling araw na nang magising si Elle sa mainit na haplos sa kanyang leeg. Dahan-dahan, tila may dumudulas na apoy sa bawat dampi. Napaigtad siya, agad napadilat ang mga mata.“Knox…” mahina niyang tawag, halos mabasag ang boses sa kaba at pagkagulat.Nasa ibabaw niya ang asawa, nakasout lang ng itim na robe na nakabukas ang harap, lantad ang matipuno nitong dibdib at ang init ng katawan na dumadagundong sa kanya. Naka-boxer shorts lamang ito, at ramdam niya ang bigat ng presensya nito, pati ang tibok ng puso na parang may hinahabol.Nagtagpo ang kanilang mga mata. Hindi iyon malamig ngayong gabi. Hindi rin blangko. Sa halip, puno ng apoy—selos, takot, at isang uri ng pagnanasa na parang matagal na nitong kinikimkim.“I can’t lose you, Elle,” bulong ni Knox, paos, halos nanginginig. “You’re mine. Only mine.”Naglakbay ang mga labi nito sa leeg niya, pababa sa balikat, pababa pa sa gilid ng dibdib niya. Napasinghap si Elle, pilit na pinipigil ang sariling t
CHAPTER 59 – Shadows at the GateHindi na tinapos pa ni Knox ang panonood mula sa SUV. Nang makita niyang nagbabayad na sina Elle at Nathan sa counter at naghahanda nang lumabas, mabilis niyang sinenyasan si Rodel.“Let’s go,” malamig na utos niya.“Sir, susundan pa ba natin sila?” tanong ni Rodel habang pinaandar ang makina.“No. Take me home.”Walang dagdag na salita. Walang paliwanag. Habang umaandar ang sasakyan, nakatingin lang si Knox sa bintana, malamig ang ekspresyon pero sa ilalim niyon ay nag-aalab ang dibdib.---Pagdating nila sa Forbes Park, hindi agad siya pumasok sa loob ng mansyon. Pinili niyang manatili sa labas, nakatayo sa gilid ng hood ng kotse. Naka-krus ang mga braso, nakapako ang tingin sa maliwanag na kalsada. Malamig ang hangin, pero hindi iyon sapat para pahupain ang apoy sa kanya.Fifteen minutes ang lumipas bago dumating ang isang ride-hailing taxi. Huminto ito sa tapat ng gate, at bumaba si Elle. May bahagyang gulat sa mukha nito nang makita siyang naroon,
CHAPTER 58 – “Brewing Tension.”Mainit pa ang hangin sa BGC nang pumarada si Nathan sa harap ng isang sikat na coffee shop. Maliwanag ang lugar, puno ng glass walls na halos kitang-kita ang loob mula sa labas. Mga neon signs at minimalist interiors ang bumati sa kanila, mahogany tables, industrial lights, at mga taong naka-business attire na pawang galing din sa opisina.Maingat na inalis ni Nathan ang helmet ni Elle. Hawak nito ang strap, saka siya inalalayan pababa.“Careful,” aniya, simpleng ngiti ang ibinigay.“Thanks,” tipid na sagot ni Elle, inaayos ang buhok na medyo nagulo sa biyahe.Magkasabay silang pumasok sa café. Pagbukas ng pinto, sumalubong agad ang aroma ng freshly brewed coffee, halo ng espresso at caramel. May pop playlist na mahina lang sa background, sakto para gawing cozy ang ambience.Pumili sila ng mesa sa tabi ng glass wall. Naupo si Elle, iniikot ang tasa ng tubig na ibinigay ng barista. Si Nathan naman ay pumila para um-order.---Samantala, mula sa di kalayu