MasukIto ay kuwento ng isang binata at dalaga na bigla na lamang nagkakilala sa hindi inaasahang panghuhula. Si Jaq, isang simpleng I.T student na pilit tinatago sa mga taong malapit sa kaniya ang mga hiwa na siya mismo ang may gawa sa ilalim ng kaniyang paboritong bomber jacket. Si Sining, isang business major at dean's lister sa parehong unibersidad; ang makulit na dalagang gustong pumasok sa magulo at miserableng buhay ng binata. Sa likod ng masigla at makulit na si Sining, ano nga ba ang kaniyang motibo upang ipagsiksikan ang kaniyang sarili sa magulong buhay ni Jaq?
Lihat lebih banyakTHIS IS A WORK OF FICTION.
All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, establishments, is purely coincidental.
This story includes programming code/terminologies. The code written in the story are from a source code and/or from the writer itself.
TRIGGER WARNING:
CERTAIN SCENES MAYBE DISTURBING TO SOME MEMBERS OF THE PUBLIC/NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. This story contains sensitive scenes that might be troubling to some readers, including, but not limited to, depictions of and references to death, suicide, cutting and self-harm, substance abuse, homelessness, childhood trauma, PTSD, misogynistic remarks, domestic violence, verbal/physical abuse, adult humor, and foul words. If you need help at any time, please call or text the following hotlines:DSWD (for psychosocial assistance) : (02)8931-8101 to 07 or 09189122813National Mental Health Crisis - DOH (Luzon-wide landline toll-free) : 1553 for Globe - TM subscribers : 09663514518 / 09178998727 for Smart-Sun-TNT subscribers: 09086392672 F*: ncmhcrisishotline Twt: ncmhhotlineRead at your own risk and enjoy.
***
Si Jaq
Buwan ng hulyo, miyerkules ng umaga, taong dalawang libo't labing-walo. Sa ikatlong palapag ng isang mumurahing paupahan, sa pasimano ng bintana roon ako'y nakaupo, nagmumuni-muni.
“Hush little kiddo don’t you cry. Don’t slit your skin, don’t say goodbye. Put down that blade, put out that light, I know it’s hard, but you’ll win this fight…”
Ilang beses ko na ba kinanta 'yan sa sarili ko? Halos hindi ko na mabilang. Kasabay ng pagmumuni-muni ay yosi ang nasa aking labi, matalas na blade naman ang hawak ng aking kanang kamay na dahan-dahang gumagawa ng linya sa aking kaliwang palapulsuhan na wala man lang kahit isang kapitbahay ang nakakapansin sa aking ginagawa dahil wala namang tao sa kalsada. O sadyang wala lang pakialam ang mga tao sa akin, O baka naman akala nila parte pa rin ito ng puberty phase ng mga rebeldeng kabataan na kagaya ko ngayon.
Ilang beses ko na ba ito ginagawa? Halos hindi ko na rin mabilang. Lagpas sa sampung linya para sa aking kaliwang kamay sa araw na ito. Pinagmasdan ko ang pagtulo ng dugo sa aking balat pabagsak sa sahig, hindi ko namamalayan na ganito na pala ako kamanhid.
Nilinis ko ang aking palapulsuhan, kumuha ako ng bendahe sa isang drawer at tinakpan ang mga hiwa sa aking kamay. Hindi ko alam kung anong oras na dahil wala naman akong relo o wall clock dito sa aking inuupahan, feeling ko kasi palagi akong minamadali nito kaya mas okay ng walang gano'n para maramdaman ko man lang na tumitigil din ang oras. Pero ang tanging alam ko ay may klase pa ako ng alas syete at alam ko rin na late na ako dahil tirik na ang araw sa labas.
Nag-aaringit akong kumilos, buti na lang at naligo na ako no'ng madaling araw pa lang. Palagi akong nagigising ng gano’ng oras tapos nahihirapan na ako bumalik sa pagkakatulog. Nagmadali akong isinuot ang aking uniporme, isinuot ang aking I.D.
Matteo, Jaq S.
BSIT 4-A
Na pinatungan ko rin ng paborito kong kulay blue na bomber jacket para maitago ko rito ang dapat itago, ang bendahe ko sa aking palapulsuhan. Pagkatapos ng pag-aayos sa aking sarili, nilisan ko na ang maliit na kwartong aking inuupahan. Yosi sa aking labi at earphone sa aking tainga na nakasalpak sa aking cellphone na kasalukuyang pinapatugtog ang kantang Welcome to My Life ng The Simple Plan. Handa na ako upang makipagsapalaran na naman sa lugar kung saan nakakatanggal ng enerhiya kahit nakaupo ka lang naman…ang school.
Nasa sidewalk ako at malapit na sa gate ng school ng biglang may tumigil sa gilid ko na isang itim na e-bike.
"Hi!" bati ng may-ari ng e-bike na may helmet na hindi natatakpan ang mukha.
Hindi ko siya pinansin kasi sabi ng magulang ko don’t talk to strangers lalo na kung ‘di mo kilala.
"Sabi ko, Hi.” aniya habang dahan-dahang pinapatakbo ang e-bike niya para magkasabay kami.
Lumingon-lingon pa ako sa paligid baka kasi may nakikita siyang hindi ko nakikita, e hindi ko naman siya kilala. Baka ibang jaq ang tinutukoy niya...rare spelling 'yong akin, e?
"Ikaw 'yong kinakausap ko! Ikaw si jaq, hindi ba? BSIT student?" aniya.
"Hindi ako 'yon." pagsisinungaling ko sa kaniya para layuan niya na ako agad.
"Ganito na lang, huhulaan na lang kita..." aniya pero patuloy pa rin ako sa paglalakad.
"Hulaan ko na kusa kang lalapit sa akin at aangkas sa scooter ko...tapos magiging boyfriend kita."
Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya at napalingon pa nga sa gawi niya, nagkibit-balikat lamang siya sa akin habang nakangiting pabebe.
"Atsaka hula ko rin...kulay red ang suot mong brief? Hahahaha!" pagkasabi niya no'n ay agad niyang pinaandar ang kaniyang e-bike palayo sa akin.
Pinagsasabi ng isang 'yon? Baliw na yata? Nasisiraan na ng ulo, kung sino-sino pinagttripan!
Pagkapasok ko sa loob ng university ay marami pang tao sa hallway. Agad kong tinungo ang banyo ng mga kalalakihan, pumasok ako sa isang cubicle at doon sinilip ang suot kong brief.
"Ha! white!" bulalas ko.
Niloloko lang yata ako ng babaeng 'yon! Akala ko pa naman may superpower na siya...boang, ah!
Agad kong inayos ang suot kong pantalon at tinungo ang classroom namin. Ang kagandahan sa course ko ay kahit late kami ay walang pakialam ang prof namin dahil sa huli siya nag a-attendance check at magbibigay lang naman siya ng isang problem sa board na aming hahanapan ng solution at gagawan ng program tapos ilang oras siyang matutulog kasi five hours ang isang subject namin sa kaniya.
Pagkapasok ko sa room ay agad kong tinungo ang paborito namin puwesto sa computer lab ng kaibigan kong si Niccolo—ang dulo.
"Ano na naman pinapagawa niyan?" tanong ko sa kaniya habang paupo sa katabing upuan.
"Nagpapagawa ng app na who wants to be a millionaire tapos wala man lang tinuro. Paano kaya 'yon? Self-study na naman? Sana sa akin na lang napupunta 'yong sahod ni sir." pabulong niyang reklamo.
"Malamang ang ending nito, e, manghihingi na naman tayo ng tulong sa mga indyano. May load ka bang pang-youtube?"
"Oo, may load ako palagi. Alam mo, real talk lang pre, mas may natututunan pa ako sa mga indyano kaysa r'yan sa tamad na 'yan, e. Kahit naaadapt ko na 'yong accent ng mga indyano na 'yon...ayos lang sa’kin, e! May natututunan kasi ako kaysa r’yan," Sabay turo ni niccolo kay sir na nakatulog na naman sa harapan.
"Sana nga nag-enrol na lang ako sa Y.U, e." sambit ko.
"Y.U?"
"Youtube University, free tuition pa tapos sa bahay ka lang."
"Hoy! Ang iingay niyo na, ah?! Tapos niyo na ba 'yong pinapagawa ko sa inyo?! Siguraduhin niyong tapos ninyo 'yan, ah! May ma-present kayo sa'kin!" medyo pasigaw na sabi ni Sir Vergario na kakagising lang.
"Naistorbo yata 'yong tulog niya, nananaginip siguro." pabulong kong sabi kay niccolo.
Lumapit si niccolo kay shiela upang makahingi ng source code na alam namin na pinasahan siya ni kuya ace gamit ang flashdrive dahil may umuusbong na pag-iibigan sa kanila. Si Kuya Ace ang veteran sa amin pagdating sa programming, sa kaniya nagmumula ang source code at dahil pinagpala siya sa pagiging advance mag-isip, pinapamahagi niya ang kaalaman na iyon sa mga kapos sa karunungan na katulad namin.
"O ayan, nasa flashdrive na 'yong code, nakafolder, mob prog 'yong pangalan." sabi ni shiela habang inaabot 'yong flashdrive sa amin.
"Salamat, Shiela. Bagay kayo ni kuya Ace, sana magtagal kayo hangga't gusto niyo! Kahit kunin niyo pa akong ninong ng anak niyo sa future ayos lang sa akin, walang sama ng loob!" pambobola ni niccolo sa kaniya.
"Atsaka huwag kang mag-alala shiela, babaguhin naman namin 'yong variables para hindi mahalata ni sir." paninigurado ko sa kaniya.
"Siguraduhin niyo lang, ah?"
"Oo naman! Atsaka output lang naman tinitignan ni sir, e, hindi ang buong code." sabi ni niccolo.
"Dalian mo na, pre! I-copy mo na sa laptop mo!" utos ko kay niccolo na agad naman niyang ginawa.
Ganito manduga ang isang I.T student. Kapag masyadong strict ang prof at hindi maipasa ang flashdrive ng aming source, gagawin namin through email 'yan na naka g****e drive. Minsan sa messenger na nakabukas sa pc at nasa incog para walang history na makita. Minsan screenshot ng code tapos i-se-send sa gc. Ganiyan kami kung manduga dapat nga lang keyboard warrior ka at fast hand para hindi mahuli, close window agad at syempre dakilang madamot sa wifi ang university namin kaya hinack na namin ang password para sa aming pangangailangan. Magkano tuition namin dito tapos 'di kami makakagamit ng wifi? Nasaan ang hustisya?
At isa pang nakakainis dito ay ang mga computer sa computer lab na display lang naman. Ayaw ipagamit kasi bago raw baka ma-virus-an. Takot na lang ng school na gumastos ng ka-ching para sa panibagong pc kaya mas pinipiling ipaayos na lang 'yong luma at outdated dahil mas mura, ayon nga lang ay mabilis din ulit masira. Dapat talaga sa Y.U na lang ako nag-enrol pero buti na lang may aircon ang comp lab, may awa pa rin pala ang College President namin.
} public Question(String quest, String ans1, String ans2, String ans3, String ans4, int correct){ question = quest; answer1=ans1; answer2=ans2; answer3=ans3; answer4=ans4; correctAnswer=correct; } public void printAll() { System.out.println(question); System.out.println("A: " + answer1); System.out.println("B: " + answer2); System.out.println("C: " + answer3); System.out.println("D: " + answer4); System.out.println("Correct answer is answer number "+ correctAnswer); } public String getQuestion() {
return question;
} }"Ayan run mo na." utos ko kay niccolo.
Pagka-run namin ay gumana naman na siya agad ng maayos kaso kailangan pa namin baguhin ang original design at tanong na nakapaloob sa code dahil baka ro'n pa kami mayari. Ang dami kasing arte nitong Mob Prog at Android Studio parang 'yong prof lang namin!
Limang oras. Limang oras kaming mukhang may ginagawa at nahihirapan kahit ang totoo no'n ay tapos na talaga kami kanina pa. Tamang pagpapanggap lang dahil baka magpagawa na naman ng isang app si sir sa amin na hindi na naman niya itinuro.
Pagkatapos ng klase tinungo namin ang isang maliit na karinderya na katapat lang ng university. Bumili ako ng hotkalog na thirty pesos lang samantalang si niccolo ay porkchop na forty pesos naman.
"Nasasayang limang oras natin kay Sir. Vergario, ano?" reklamo niya.
"Limang oras natutulog ka lang pero bayad? Sana gano'n kadali maging trabaho ko sa future."
"Gago sayang tuition! Napupunta lang sa kaniya!"
"May tama ka ro'n pare," pagsang-ayon ko kay niccolo, "Gawa tayo petition para mapatalsik siya?" dagdag ko pang biro.
"Gantihan na lang natin sa evaluation, bad remarks ibigsabihin no'n minus sa subject na hahawakan nila!" suggest ni niccolo sa akin na mas maganda nga namang ideya.
"Hi, Jaq!" Ikinabigla ko naman ang biglaang pag-akbay sa akin ng isang babae at tumabi sa upuan ko. Sapilitan pa nga niya akong pinaurong.
"Ikaw na naman?!" sabi ko sa babaeng katabi ko at agad kong tinanggal ang pagkaka-akbay niya sa akin.
Ano kami, close?
"Wow, akalain mo nga naman at nagkita ulit tayo! What a small world, noh?" aniya.
Baka sinusundan na ako ng isang ito ng hindi ko namamalayan? Atsaka anong maliit ang mundo? Kitang radius no'n ay 6,371 kilometers! Maliit ba 'yon?
"Hindi ka manghuhula kaya huwag mo akong pagtripan!" sabi ko sa kaniya dahil naalala ko 'yong pang-uuto niya sa akin kanina.
"Paano mo naman nasabi 'yon?" alinlangan niya pa.
"Hindi red ang kulay ng brief ko, kulay white." medyo mahina kong sabi para hindi marinig ni niccolo.
"Ha! Paano ko malalaman na totoo ang sinasabi mo?"
"Kasi tinignan ko mismo kanina!"
"Ayon na nga, ikaw lang nakakita kaya paano ko malalaman na white talaga 'yan? baka niloloko mo lang ako tapos red pala talaga 'yan?"
"Anong gusto mong gawin ko, ipakita ko pa sa'yo? Patawa ka? Tatawanan na ba kita?"
"Kung ayon ang magpapatunay e di 'yon ang gawin mo!" panghahamon niya sa akin.
Ano siya sinuswerte? Ipapahiya ko sarili ko para patunayan lang na tama ako?
"Ayan oh! PUTI! WHITE!" Pinasilip ko sa kaniya ang kapirasong tela ng brief ko dahil sinabi rin ng magulang ko sa akin na, huwag magsinungaling, It's bad.
Mabilisan din niya itong sinilip, ewan ko kung nakita nga ba niya dahil mabilis ang pag galaw ng kaniyang mata.
"Okay tama ka nga, puti nga." sabi niya habang nakangiti pa rin, 'yong ngiting mapang-asar.
"Ha!" pagmamalaki ko dahil tama ako pero hindi ko alam kung bakit na naman ako nagpauto. Hini-hypnotize yata ako ng babaeng 'to?
Hinampas ko na lamang ang aking noo atsaka bumalik sa pagkain ng hotkalog.
"Teka teka teka..." pagsabat ni niccolo, muntik ko na malimutan na kasama ko nga pala siya. "Sino ka? Bakit tungkol sa brief pinag-uusapan niyo? 'wag niyong sabihin sa akin na nagkapalit kayo ng brief!?" dagdag niyang sabi ngunit medyo mahina.
"Baliw! Hindi gano'n, hinulaan niya kasi kulay ng brief ko kaninang umaga. Sabi niya red, e, kulay white—" sagot ko pero tinakpan lamang ni niccolo ang bibig ko gamit ang isa niyang palad.
"Hep hep hep! Hindi ikaw tinatanong ko jaq kundi ang magandang dalaga na katabi mo." aniya sabay kindat sa babae.
Taragis 'tong h*******k na 'to masyadong hapit sa chixx.
"Crush ko kasi si Jaq." confident na sagot ng babaeng katabi ko kaya napaubo ako bigla. Agad naman napabitaw si niccolo sa pagtatakip sa aking bibig.
"Crush mo siya?!" pagtataka ni niccolo, "Tignan mo nga itsura niyan! Mukhang walang mararating sa buhay!" sambit niya habang tinuturo ang buong pagkatao ko.
Totoo naman, gano'n din paniniwala ko.
"Oo gusto ko siya, gusto rin kaya niya ako?" nakangiting tinitignan ako ng babae.
"Tigilan mo nga 'yang pagtingin mo sa akin, hindi kita gusto!" sambit ko.
"Alam ko pero gusto talaga kita."
Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o hindi, e. Nakakatuwa ba akong lokohin?
"Sigurado ka na ba r'yan? baka naguguluhan ka lang, ah? Madami pang oras para magback-out miss!" paninigurado ni niccolo sa babae.
"Oo naman siguradong sigurado ako! Final answer!"
"Sasabihin ko lang sa'yo na hindi kami future engineer, architect, doctor or piloto, ah! Future may-ari ng computer shop lang kami, kapag minalas-malas baka taga-bantay lang o kaya 'yong nagre-repair ng sirang cellphone at laptop sa mga public mall." sabi ni niccolo na sinang-ayunan ko naman.
Ganiyan kami ka positibo sa buhay.
"Ayos lang, feeling ko naman future online seller lang ako. Kapag minalas-malas baka may-ari lang ng sari-sari store." sabi ng babaeng katabi ko na confident pa habang nakangiti.
"Ibang klase ka rin…" sabi ko sa babae.
"I know right! So, tayo na ba?" tanong niya na nagpabuga sa iniinom ni niccolo at nagpagulat sa akin.
"Ano, mabilisan?! Atsaka hindi nga kita gusto! At sa apat na taon ko rito sa univ ngayon nga lang kita nakita!" sabi ko.
"Hindi mo pa ‘ko gusto, pero soon...hindi ka sure! Tandaan mo 'yong hula ko sa'yo, ah?" pagkasabi niya no'n ay tumayo na siya sa pagkakaupo at sinuot ang dala-dala niyang itim na helmet at tinungo ang nakaparada niyang e-bike sa gilid ng karinderya.
"Teka! Anong pangalan mo, miss?! Hoy!" pasigaw na tanong ni niccolo kasi wala naman akong interes na makilala ang babaeng 'yon.
"Sining, Jaq. Sining ang pangalan ko!" sigaw niya sa akin atsaka umalis.
"Siraulo na yata 'yong babaeng 'yon...ako nagtanong tapos sa'yo sumagot!" reklamo ni niccolo.
"Hayaan mo na 'yon, kulang yata sa pansin ng magulang o baka kulang sa tulog."
"Hay, pre! Mukhang ga-graduate kang hindi single, ah? Nice one! Kusang lumalapit sa'yo ang blessing! Sana sa'kin din!"
"Asa! Pinagsasabi mo? Tsss!"
"Atsaka hanep 'yong pangalan niya pare... sining?"
Sining...
Hindi ko alam pero masyadong madilim ang buhay ko para magpapasok ng kahit na sino, kaya nga single kasi why let someone else ruin your life when you're perfectly capable of doing it on your own?
***
TBC.
I Am Not Nice To Anyone But You••After that event, sabay sabay kami umuwi no'n. I was so happy I finally got a picture of Parokya ni Edgar band with me. I was checking my phone gallery and watching a video I took around at no'ng makita ko ro'n si jaq ay bigla kong naalala iyong picture niya sa camera ko."Oh, yeah, I have to send that to him!"Ibinagsak ko ang aking iphone sa kama. Agad kong kinuha ang camera ko sa loob ng aking bag na nakasabit sa may pinto ng aking kwarto. Kinalas ko ang aking camera at kinuha ang memory card nito. Binuksan ko ang aking lappy na nakapatong sa aking study table. Mabilis ang pagtingin ko sa file para makita agad ang pakay ko."Should I edit this a little o huwag na?" I was talking to myself and the screen of my lappy.Masuri kong tinignan muli ang picture ni jaq na nakablack and white filter. Good profile...side view. Matangos ang ilong, makapal ang kilay, mahaba ang pilik mata, mata'y bilugin at kahit itim ang kulay ng mata niya alam kong kayumangg
I saw you looking at someone else••At sa hindi ko alam na dahilan...sa tuwing nakikita ko 'yong apat sa canteen ay ginugulo ko na ang buhay nila. Jaq and I made a joke about sa nangyari sa amin ni Aaron, kesyo may gusto kami sa isa't isa na naging dahilan ng pagiging malapit namin sa isa't isa...but not that close na i-co-consider ko siyang friend like maki, but close enough to make jokes with each other. And of course sa iba rin...except kay lance...sama ng loob ang binibigay niya sa akin palagi na sinasabayan minsan nila lucas at jaq kaya mas lalong lumalakas ang loob ng bwisit!"Xowie, I know its a good thing na close ka sa mga friends ng pinsan mo pero...its making noises and chismis na naman about you!" maki said habang naglalakad kami papuntang library."I heard, and I don't care. Sila lang ba may karapatan na maging close sa opposite sex? Tss.""Tinatawag ka nilang malandi..." mahina ang pagkakasabi no'n ni maki."Pfft! They keep calling me such, and I don't fucking care. I h
Like teenagers in a novel book••Nagkita pa ulit kami no'ng sining...same pa kami ng team sa pagtakbo bilang SSC. I don't know why destiny keeps making the same mistake twice na? I see myself not being her friend pero parang pinagtutulakan siya sa akin ng tadhana. My gosh!"Hala! Nagkita na naman tayo, xowie! Still remember me?" masaya niyang sambit.Ano akala nito? May amnesia ako? E, ilang araw pa lang lumilipas no'ng huli naming kita."No, who are you again?" I sarcastiacally told her."Sining, iyon ang name ko. We met at the debate competion last last week!"Patola naman ang isang 'to. Can't read the air."Ohh! Right."Tapos hindi ko na siya pinansin pero siya itong daldal ng daldal pa rin sa akin habang naglalakad kami sa mahabang hallway ng building ng mga business major."Sining, I bet you know a lot of students here. Ang daldal mo kasi." sambit ko para naman hindi siya magmukhang stupid na nagsasalita sa walang may pake sa mga sinasabi niya."I have lots of friends kasi madal
Every encounter with you••I tried my best na hindi magkasalubong ang landas ko kala niccolo sa univ. Kapag nakikita ko sila sa canteen sa favorite spot nila ay tinatalikuran ko iyon and then sit somewhere else o sa malapit na fastfood sa labas ng school kami kumakain ni maki. She never asks naman kung bakit nilalayuan ko ang pinsan ko. I guess she thinks I'm not close with him...which is the total opposite.After ng pangyayaring iyon tinadtad ako ni niccolo ng chat na nagsosorry at huwag ko raw siya isumbong kala daddy at sa mommy niya. Wala naman akong balak magsumbong dahil ayoko mag-explain at naiinis lang ako kapag naaalala ko ang humiliation na iyon sa harapan nila!"Alam mo xowie, narinig ko lang 'to kala athena..." maki started saying out of nowhere.Nasa CR kami at naghuhugas ng kamay. After no'n kaunting ayos sa mukha at buhok. Sa salamin kami nag e-eye contact. Kaming dalawa lang naman ang tao rito."What?""Alam mo ba na may isang varsity player daw na nagkakagusto sa'yo?
(Based on Salem's own story - SiguradoA sneek peek of chapters onwards.)The Boys••The first semester went well, and the second semester came out like a bullet in target. Ang bilis ng panahon. Maki was still with me, and she was the only friend I made. Iyong iba, I just treat them as blockmates and groupmates. There are times when I see Niccolo in the canteen with his friends, but I don't approach him because I don't want to know his friends that much o hindi lang ako gano'n kainteresado sakanila. I know Niccolo well enough; he gives his all, lalo na't mayroon naman siyang maibibigay, and that was his weakness. He gives his all for friendship and love, na hindi niya namamalayan na inaabuso na pala siya. At iyong katangahan niyang iyon ay minsan hinahayaan ko lang hanggang sa isang araw ay matuto siya."Nakatingin ka na naman sakanila...kilala mo ba mga 'yon?" tanong ni maki.We are drinking our shake na binili namin dito sa canteen."Have I told you na cousin ko 'yong isa sa mga 'y
Surprise••Niccolo's POV"Nandiyan na siya! Ready na, ready na!" sigaw ni lance pagkapasok sa bahay.After ng graduation, nagimpake na si jaq upang tumira sa bahay nila. Wala naman siyang halos gamit kaya mabilis lang siyang nakapag impake. Sa huli, iniwan din niya ako at mag-isa na naman ako sa bahay. Ang lungkot tuloy! Fifty-Five days ang tinagal ni Arroz caldo na akala namin hanggang Forty-nine lang. Close yata sila ng Diyos kasi it's a miracle!"Patayin mo na 'yong ilaw, niccolo!" utos ni lucas sa akin na agad ko naman sinunod.Dalawang linggo na rin ang nakakalipas no'ng tuluyang graduate na kami sa college at nag-aayos nang resume para makapag apply next month. Next month aalis na rin sina xowie at si maki papuntang spain. Badtrip kapag iinisin mo si xowie ngayon, kung dati ini-ingles niya kami, ngayon naman nag-espanyol na siya! Lumelebel up ang super katarayan niya! Anong laban ko sa spanish skills niya, eh, spanish bread lang alam ko!Hindi pa rin ako makapaniwala kung paano












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen