Share

CHAPTER 03

Penulis: JENEVIEVE
last update Terakhir Diperbarui: 2023-10-07 15:45:00

MARYCOLE

Madilim pa nang siya ay sunduin ng pinsan sa kanilang bahay. Nang nasa biyahe na sila dinalaw nang antok si Marycole kaya naman naisipan niyang umidlip habang nasa biyahe sila.

"Kuya, gisingin mo na lang ako pag andoon na tayo," wika niya sa pinsan at umayos ng puwesto sa pag-upo.

"Kawawa naman ako nito, ang akala ko may kausap ako sa buong biyahe," sagot ng pinsan niya na si Kuya Wyatt at kunwari pang nalukot ang mukha nito.

"Sorry na agad Kuya kong pogi at macho, hindi ko lang kayang labanan ang antok ko," naghihikab pa na sagot ni Marycole sa pinsan.

May sinasabi pa ito subalit pumikit na siya at hindi na niya pinagkaabalahang pakinggan ang huling sinabi nito.

"Pambihira kaya sinama para may madaldal sa daan." ani nito na bubulong-bulong.

Halos lampas dalawang oras ang biyahe mula Antipolo papuntang Laguna kaya mahaba ang naging tulog niya.

"Princess, gising na andito na tayo." Mahinang tapik nito sa balikat niya.

Inaantok na umayos siya ng upo. Hindi na niya inantay na pagbukas siya nito ng pinto kaagad siyang bumaba at iniwan sa pinsan ang bagahe at mabilis na lumapit sa gate ng resort.

Nakangiting katiwala ang sumalubong sa kanila.

"Magandang umaga Senyorito, at Senyorita Cole," nakangiti nitong sabi.

"Magandang umaga din Manang Lourdes kumusta po kayo? Pakiwari ko lalo po kayong bumabata," sagot niya at niyakap pa ang ginang.

"Naku ang batang ito, sadyang napakalambing at lalo pang gumanda," nakangiting sagot nito sa kaniya.

"Hindi nga lang marunong magsuklay," pakikisakay ng pinsan sa biro ng katiwala sa resort ng pamilya.

"Hindi naman halata Senyorito, baka pag mayroon ng crush maghahanap na 'yan si Cole ng suklay," nakatawang sagot nito.

Inirapan niya ang pinsan dahil sa inis.

"Ang bully mo sa 'kin Kuya, hindi na kita sasamahan kahit kailan!" kunwari niyang galit dito.

"Aba't nanakot pa, hindi mo ako matitiis ako 'ata ang nag-iisang mong pinsan na mabait at gwapo," natatawa nitong sabi sa kaniya.

"Tsk! Siguro pagtulog p'weding mabait, kapag gising, uhm...never mind," ganti niyang sa pang-aalaska nito sa kaniya at sabay na malakas na tumawa.

Ginulo nito ang buhok niya na kinapadyak ng kaniyang paa.

"Kuya naman!" sabi niya at sinamaan ito nang tingin.

"Pasok na tayo sa loob, mamaya may umiyak dito," wika ng pinsan niyang mapang-asar at natatawang lumakad nang mabilis papasok sa loob ng resthouse.

Naiwan siyang asar talo. Hindi siya tumuloy sa loob napagpasyahang ni Marycole na pumunta sa likod bahay.

Gusto niya laging nagtatambay doon, bukod sa oval shape na swimming pool na mayroon bubble ay tahimik din ang lugar, malayo sa mismong public pool sa gustong mag-outing.

Hindi pinapayagan ang outsider sa villa. Tanging pamilya lang ang p'weding maligo. Sadyang naka reserve para mapanatili ang kalinisan.

Nang marating ni Marycole ang lugar nakangiti siya habang pinagmamasdan ito. Umupo siya sa gilid ng pool na nakalaylay ang dalawang paa habang pakanta- kanta pa siya habang ginagalaw ang nakaloblob na paa.

Nakapikit siya at humuhuni ng kanta sa paborito niyang singer na si Ariana Grande.

Hindi niya mapigilan ang tumayo sa gilid at sintunado na kumakanta gamit ang kamay na animo microphone.

Nang biglang may umahon sa katapat niya.

"Ayy...!" malakas niyang sigaw at dumausdos ang dalawa niyang paa patungo sa swimming pool.

Umuusok ang kanyang bunbunan sa taong gumambala sa imagination niya.

"Hey you, how dare you! At parang kabote na bigla nalang susulpot at nasalo ang lahat ng kabastusan!" sabi niyang nakabusangot ang mukha.

Kunot noo at matiim itong tumitig sa kanya.

"Sino kaya sa atin ang bastos ha?! Nauna ako rito at gustong mapagisa eh, ano ang ginawa mo? Nag-iingay na parang wang-wang ang boses!" ganti nitong sagot sa kaniya.

"Hoy...! Mamang mayabang! Dapat tinakpan mo 'yang tainga mo kung ayaw mo sa magandang kanta ko, ang feeling naman nito hmp!" nakairap niyang sagot sa guwapo lalaki.

'Paano ko nasabi na guwapo? Hindi pangit pala,' ani ng isip ni Marycole.

"Iba na pala ngayon ang description ngayon ng magandang boses," bulong nito.

Matalim niyang tiningnan dahil sa narinig na sinabi nito. "Dahil kasalanan mo at nabasa ang mamahaling rubber shoes ko, dapat bayaran mo!" mariin niyang sabi sa kaharap na lalaki.

Humalakhak ito sa mga sinabi niya.

"Ano naman kaya ang nakakatawa, baliw lang, seryoso naman ang pagkakasabi ko,''

Tumigil ito sa pagtawa at matiim na tiningnan. Nagtagal sa mukha at pagkatapos napako sa kaniyang dibdib.

'Bakit bigla itong naputulan ng dila, ano naman mayroon ang katamtaman niyang dibdib?'

Nakita niyang napalunok ito ng napako ang tingin sa kaniya dibdib, kaya tiningnan niya ang suot para at nang makita halos gusto na niyang lumubog sa kinatatayuan, nakalimutan niyang mababa ang neckline ng kanyang blouse.

'Sh-t gusto na lamang ni Marycole na kainin siya ngayon ng tubig dahil nakita na ng kaharap na lalaki ang pinakakaingatan niyang dibdib,'

Dahil off shoulder ang yari ng dress niya atwala siyang suot na bra dahil may kasama na itong foam at hindi mahahalata ang katamtaman niyang dibdib.

"Ang bastos mo!" wika niyang masama ang tingin sa lalaki.

"Tsk! Ano naman ang bastos doon? Kasalanan ko na wala kang bra?" nakataas ang kilay na wika nito sa kaniya.

"Wala din naman makikita, sanay ako na makakita niyan nahawakan pa nga!" seryoso na muli nitong sabi sa kaniya.

Dahil sa inabot na sobrang kahihiyan nagmamadaling umahon si Marycole sa pool at nadulas pa sa paghakbang kung hindi siya nahawakan nito sa baywang ay panigurado subsob siya sa semento.

"S-salamat po," Nauutal niyang sagot at napahawak sa dibdib nito. Mabilis siyang lumayo dahil bigla siyang napaso sa simpleng dikit ng kanilang balat.

Ngunit hindi pinansin ng nakayakap na binata patuloy lang nakatitig ito sa kaniyang mukha.

"P-pwede mo nang bitawan ang baywang ko." Nauutal niyang sabi sa kaharap na lalaki. Tinitigan muna siya nito bago tuluyang bitawan.

Mabilis ang kanyang lakad papasok sa loob ng resthouse. Dahil alam niya na doon dadalhin ang gamit sa lagi niyang kwarto pagka nag-o-overnight sila rito at 'yon kaagad ang pinupuntahan ni Marycole.

Napahawak siya sa kanyang mukha. 'Ang bilis ko naman lumandi, sandaling hawak lang ay napaso na agad sa binata? Pero aminin, ang hot niya hindi kalang nagpahalata.' ani ng isipan niya.

'Erase, erase, matanda na 'yon gurl! Dapat mga kasing age mo lang, so pag ka-age ko pwede?" tukso pa ng isip niya.

Nagbanlaw agad siya pagkapasok ng kwarto. Binilisan lamang niya at konting suklay sa buhok ay pwede na.

Tama lang ng pagkatapos niya nang kumatok si Manang Lourdes.

"Senyorita, baba kana raw at kakain na," nakangiti bungad nito pagbukas niya ng pinto.

"Susunod na po Manag Lourdes,"

"Halika ka na Hija, sabay na tayo,"

Ingay ng mga lalaki ang naulingan niya habang papalapit sa komedor. Marahan ang lakad ni Marycole na palapit sa lamesa.

Sabay-sabay nagsilingon ang mga nakaupong nag gu-guwapuhan na mga lalaki sa kanila ni Manang Lourdes. "Salamat naman at natapos din," biro ng pinsan niya nang makita sila na papalit sa lamesa.

Nanlaki ang mata ni Marycole nang makalapit siya sa mga ito. 'Ang lalaki sa swimming pool? Barkada ng pinsan ko? Sh-t bakit hindi ko naisip kanina?'

Pinakilala siya ng pinsan sa lahat. Nang tumapat sa lalaki kanina halos hindi makatingin si Marycole. "Rowan, Princess," pakilala ng pinsan niya rito.

Ayaw sana niyang titigan sa mukha ngunit nanadya itong nakatitig sa kanya at pilit hinuhuli ang tingin niya rito. Palihim n'yang Inirapan ito dahil sa awkward na nararamdaman.

"Dude bakit ngayon lang namin nalaman na may pinsan kang maganda," wika ng isang katabi ni Kuya Wyatt. 'Wag n'yong isama sa kalokohan sa babae itong pinsan ko ha!" ani ng pinsan niya sa isang makulit na katabi.

Theo pala ang pangalan nito sabi ng pinsan niya.

"Uhm, Kuya mag tinapay lang ako malayo pa ang tanghalian," wika niya sa pinsan, ngunit tinaasan siya ng kilay ng nagngangalang Rowan na kinairap sa pagiging usyosero nito.

Lihim itong napangisi dahil sa naging asal niya. Napanguso siya na lumakad paupo sa bakanteng upuan na katabi nito. Nanadya ba talaga ang panahon at dito pa talaga ang bakante.

Nang lumapit ang pang-upo niya sa tabi ng upuan nito ay patay malisya si Marycole na hindi niya kilala ito.

Kahit ang pagkain ay binilisan niya ang kilos at hindi siya komportable sa katabing binata. Pakiramdam ni Marycole pinanunuod siya nito.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • SECRETLY IN LOVE WITH YOU    BOOK 2 WAKAS

    MatthiasIt's been 3 years, simula ng ikinasal kami ni Lorelei, sa Sanctuary Hotel pero feeling ko noong isang Linggo lang nangyari ‘yon.Araw-araw kasi mas lalo kong minahal ang mabait kong asawa. Oo minsan may away kami ngunit inaayos agad namin ‘yon. Nag-uusap agad kami at gumagawa ng maganda solusyon. Ngunit ang away lang naman namin ay simpleng hindi lang pagkakaunawaan bilang buhay mag-asawa.Ayaw kasi rin namin patatagalin kung sino sa aming dalawa ang may tampo kailangan solve agad hindi pinaabot kinabukasan.If I look back to the past, when Lorelei was Mommy's daughter, it seemed impossible for us to be together. She can never be mine because everyone believes we are siblings.Marami na nga kaming sinuong na pagsubok. But thankful kay God, kasi nalampasan namin ang pinagdaanang unos, at sa kung may darating man na matinding problema kaya naman namin ‘yon lampasan. Ngayon pa ba na may mga anak na kami at mas mahal namin ang isa't isa.Lalo pa nga naging matibay ang aming pagsas

  • SECRETLY IN LOVE WITH YOU    BOOK 2 EPILOGUE

    LoreleiAfter four months…“Uh? Anong masamang hangin ang nagdala sa inyo dalawa at alam ko may trabaho pa kayo ngayon?” kunot ang noo ko pareho ko silang tiningnan.“Besh…punta tayo ngayon sa Sanctuary Hotel and resort n'yo,” wika ni Ricky at Regina. Pumasok agad sa loob ng condo hindi ko pa man naaya pumasok. Tsk, ang weird ng mga bestfriend ko.“Lorelei! Tara minsan lang magyaya–”“Ha? Walang kasama si Zanelle, besh, si Tatay kasi nagpaalam maaga pa pumunta sa kaibigan niya.”“Edi isama natin,” wika nilang dalawa.“Paano? Wala si Mang Raul, baka hindi pumayag si Matthias. Pinagmaneho kasi siya patungo raw sa Sanctuary, may asikasuhin.”“Pak na pak? Sakto malilibre tayo ng asawa mo sa entrance ng beach,” palatak ng dalawa.“Sure kayo? Malayo ang Zambales pagod din mag-drive,” paliwanag ko sa kanila.“Girl Scout itong mga BFF mo, may driver akong kasama. Grabe kasi besh, ang init gusto naming mag-swimming,” magpanabay na saad nila.Pumayag ako OA pa ang dalawa nag-apir pa ng sumang-ay

  • SECRETLY IN LOVE WITH YOU    BOOK 2 CHAPTER 80

    Lorelei“Babe, it's not obvious that you're the excited one,” tudyo ng asawa ko dahil kanina ko pa ito minamadali ng magbihis.Ngayon nasa labas na kami ng pinto sa kwarto ni Tatay. Ngayon araw na kasi ang birthday nito at ang pangako kong sorpresa sa kanya.Bitbit ni Matthias ang ginawa kong vanilla cake, na pinagtatalunan pa namin ‘to, kasi nga suggestion nito paglabas na ni Tatay ng silid niya ngunit mahigpit akong tumutol.Eh, bakit ba? Gusto kong ito agad ang bubungad pag gising ni Tatay ngayong umaga sobrang pakialamero lang itong asawa ko pero nasunod din naman.“Ako ang napapagod sa'yo, Misis. Kasi kagabi ka pa isip nang isip kung anong pagkain ang iluluto mo at hanggang umaga ala-sais pa lang maingay ka na,” wika ulit ni Matthias.Natawa na lang ako sa kaniya.“Hindi ko naman itatangi kasi totoo naman na excited ako kaya ‘wag ka ng komontra, Mister. Para happy tayong dalawa,” wika ko sa kanya kinaangat ng sulok ng taas ng labi niya.“Bakit may mali ba sa sinabi ko?” ulit kong

  • SECRETLY IN LOVE WITH YOU    BOOK 2 CHAPTER 79

    Lorelei“Mang Raul, sa Pasig po ulit tayo. Sa Manggahan po sa dating apartment na pinuntahan natin ng dalawang beses,” magalang kong sabi rito.“Sige Lorelei," wika ni Mang Raul. "Mabuti na lang pinayagan ka ng asawa mo," mahina itong tumawa tila ba may naalala."Bakit po?" nangiti na rin ako."Noong una, nagalit sa akin iyon at pumayag daw akong ipagmaneho ka rito sa Pasig.”“Inaway ko po masyadong maarte. Ayon wala siyang nagawa,”Masayang humalakhak si Mang Raul.“Kaya pala nakasimangot na lang ng sabihin ko paalis tayo,” natatawa pa wika ni Mang Raul.Kasama ko rin si Ricky at Regina, full support itong dalawa kong bestfriend. Dumating na kasi ang isa ko pang Ate na galing pa ng Province pumayag na mag-usap kami.Sakto lang dahil nangako tutulungan daw ako mapapayag ang panganay naming kapatid.Dalawang Linggo ko rin ito kinumbinsi na pumayag. Kasi grabeng sungit noong una. Mabuti talaga mabilis nalusaw ang kasungitan nito ng mai-kwento ko rito kung gaano pangarap ni Tatay, na mak

  • SECRETLY IN LOVE WITH YOU    Book 2 CHAPTER 78

    Lorelei“Lo!”“Lolo…” napahagulgol ako nang tuluyan itong sumuko nasa sasakyan pa lang kami.Sa ospital dapat ang punta ng ambulance ngunit sa St. Martin funeral home napunta.Busy na si Matthias na tawagan sila Mommy at Lola. Ako tahimik lang habang pinagmamasdan ko ang payapang tulog na si Lolo.Humahangos sila Mommy at Lola Liza maging si Kuya Mattheus at si ate Mayang namumula ang mata katulad kay Daddy.Hinanap ko si Zanelle kila Mommy kasi hindi nila kasama.“Si Rina ang kasama nasa bahay, ‘nak,” wika ni Mommy.“Eh, si Tatay po Mhie?”“Nasa mansyon pa anak. Gusto nga umuwi sa condo n'yo kaya lang sabi ng Dad n'yo, sa bahay muna kasi nandito pa kayo wala siyang kasama roon,”Nilapitan ko si Lola, sa harapan ng Lolo Ronald. Tahimik ito umiiyak sa harapan ng tila tulog lang na si Lolo.“Lola, ayos lang po ba kayo?” ani ko nginitian siya at tumabi ako rito ng tayo hinaplos ang likuran niya.“Apo,” hikbi nito kaya kinabig ko upang yakapin at hinayaan itong umiyak habang yakap ko.“Nag

  • SECRETLY IN LOVE WITH YOU    Book 2 CHAPTER 77

    LoreleiWedding day…Tapos na akong mag-ayos, si Zanelle na ngayon ang binibihisan ko. Twiny kami ng suot na dress ng anak ko kaya hindi ko mapigil mangiti at nanggigil sa cuteness overload nito.“Ang pretty naman ng Zanelle ko,” I giggled. Magkabilang pisngi niya pinanggigilan kong hinalikan.“Itaw lin po Mama, same po Zael, pletty,” aniya niyakap ako sa leeg, tapos ulit-ulit na hinahalikan ako sa pisngi. Iyon ang naabutan ng ka papasok na si Matthias.Tinaasan ako nito ng kilay ng mapansin nito napapangiti ako tiningnan siya mula ulo hanggang paa.“Daddy!” nilapitan ni Zanelle ang ama. “Wow…wapo Daddy ni Zael,” wika nito akala mo matanda na kung nagsalita.“Ikaw din anak ang ganda-ganda,” sagot ni Matthias.“Hehehe opo Daddy, same Mama to danda,” sagot pa nito sa ama.“Sobra! Same kayo ni Mama mo ang pinakamaganda para sa Daddy.”“Babe, tapos ka na?” saad ni Matthias.“Patapos na. Mauna na kayo lumabas ni Zanelle, dadaanan ko pa si Tatay.”“Nauna na, babe kasama nila Mommy,”“Ay hind

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status