MARYCOLE
Late ako gumising kinabukasan kaya naman nagmamadali ang kilos ko at tumatakbo ng pababa sa hagdanan. Nasa baba pala si Nana Sally na matagal ng kasambahay at naging katuwang ni Mama sa pag-aalaga noong maliit pa ako. Sinita ako nito dahil linampasan ko lang siya ng lakad upang maaga ako pumasok sa eskwela."Hija! Hindi ka mag-a-almusal?" tanong niya sa akin na meron pagtataka sa mukha niya.Ngayon lang ako hindi kakain ng umaga dahil sa puyat kagabi, late akong nagising kanina."Bakit naman kasi ang lalaking 'yon, ay ayaw umalis sa isipan ko. Nakakapagod ang ginagawa nito na pabalik-balik sa isip ko't nakakahilo," mahina kong sabi."Huh? Meron ka sinabi Marycole?" ani ni Nana parang naulinigan ang pagbulong-bulong ko."Po? W-wala po Nana, ibig ko pong sabihin sa school na lang po ako kakain dahil late po ang gising ko. Bye po Nana," natataranta kong sagot sa kaniya. My gosh naintindihan kaya ni Nana, 'yon? Bubulong-bulong ko pang sabi habang mabilis na lumakad palabas ng bahay."Good morning Senorita Cole." Bati ni Mang Pilo pag-abot ko sa kotse. Ngumiti lamang ako rito at sumenyas na papasok na ako sa loob ng sasakyan. Mabilis naman binuksan ni Mang Pilo ang pinto ngunit napalingon ako ng babahing bahing ito."May sakit po kayo?" tanong ko agad sa kaniya."Parang tra-trangkaso in 'ata ako Senorita." Paos na sagot niya sa akin. Tumalikod pa dahil muli ito bumahing."Inom po kayo agad ng gamot Mang Pilo para hindi lumala 'yan," saad ko sa kaniya. Mahirap magkasakit si Mang Pilo at Linggo ang aabutin bago ito gumaling. Ayaw ko pa naman mag-commute sa totoo lang dahil hassle at nakakapagod makipag unahan sa mga pasahero upang sumakay ng taxi.Pagkarating ko ng school ay mabilis akong bumaba ng sasakyan. Nakita ko na sila Jethro, nakaabang na sa akin. Nang makita ng mga ungas, ang sasakyan na ginagamit pag hatid sundo sa akin ay agad na sinalubong ako ng mga kaibigan."Babe, Cole." Magkasabay na sigaw ng mga ito. Inirapan ko silang apat na nakatayo sa harapan ng sasakyan ko."Ang iingay! Ano isang taon lang na hindi nagkita kung maka asta?" nakairap kong sabi sa kanila pero masaya ako at nakita ko sila.Tinawanan lang ako ng apat at kinurot pa ni Jethro ang pisngi ko. Mabilis ko ito sinamaan ng tingin dahil napalakas ang pagkurot niya sa pisngi ko.."Masakit 'yon ha!" sabi ko sa kaniya, hinawakan ko ang pisngi kong nasaktan. Tiyak na namumula ito ngayon."Sorry," sabi nito sa akin. Hindi ko siya sinagot. Nagpapaawa ang mukha pinalungkot pa nito."Sorry na babe. Hindi na uulit please," ulit ni Jethro."Kung hindi ko lang kayo tropa hindi ko talaga tanggapin ang sorry mo. Nakadami ka na kasi ng kurot sa mukha ko–""Yayakapin na lang pala kita hindi n kurot simula ngayon,""Loko, ito gusto mo?" nakaamba ang kamao ko sa kaniya."Pasok na nga tayo, magsisimula na ang klase nandito pa rin kayong lahat. Mga bulakbol talaga kayo," wika ko sa kanila."Grabe ka naman babe, nakakatampo ka naman. Nag-antay kami rito para kasabay ka namin sa pagpasok 'yon pala ay wala lang sa'yo ang effort namin," kunwari na nagtatampo na sabi ni Jethro.Tumaas ang kilay ko sa sinabi nito."So, kasalanan ko na nag-antay kayo ganoon?" nakataas ang kaliwang kilay ko na sumagot din sa kanila."Tsk! Alam mo naman na ikaw lang ang muse namin, kapag wala ka. Hindi buo ang araw namin," sabi ulit ni Jethro na nilangkapan pa ang boses na animo malungkot sa nakuhang sagot galing sa akin."Masyado kang ma drama. Ano pala pag Saturday and Sunday? Wag n'yo sabihin na-miss n'yo rin ako at baka itakwil ko kayong mga kaibigan dahil sa kalokohan na 'yan," wika ko pa nakairap.Oh, 'di nasapol ang mga tukmol dahil napapakamot sa buhok."Mabuti pa magsipasok na tayo? Sayang ang baon na binibigay sa inyo kapag magtatambay lang kayo rito." Nakangisi kong sabi at nauna akong lumakad sa kanila.Iniwanan ko ang mga ito. Tinawanan lang ako dahil naabutan pa nila ako. Sa tangkad ba naman nila walang nakakapagtaka na mahaba ang mga binti. Sampu kong hakbang kanila ay Lima lang. Talaga maabutan nga ako.Dahan-dahan pa ang pagpasok ko sa classroom sa pag-aakala na may teacher na kami. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi dumating ang first subject namin.Binati ako ng mga classmates namin dahil sa rank nakuha ko sa buong grade Ten maliban sa mga babaeng may gusto sa mga kumag kong kaibigan mga bitter, subalit hinayaan ko lang sila.Parang mga kinikiliti sa kilig ang mga may crush sa mga kaibigan ko ng sabay-sabay na pumasok sa classroom.Sino ba ang hindi e, pwede maging model ang mga ito sa kakisigan at gandang lalaki. Pero walang tatalo sa crush ko, mali mahal ko na. Maliban sa tangkad ni Kuya Rowan na abot sa lampas anim na talampakan ay daig ang artista sa taglay nitong kagwapuhan.Natapos ko ang lahat ng klase na madalas ay lutang ako. Kaya naman ang apat kong mga kaibigan ay hindi maiwasan na magtaka pagsapit ng oras ng lunch break dahil inulan ako ng tukso galing sa mga ito."Cole, parang uulan. Isabay na lang kita baka matagal ang sundo mo." Sabi ni Jethro na tumabi sa kinatatayuan ko habang nag-aantay ako sa pagdating ni Mang Pilo.Pinauna na ni Jethro ang tatlo pa naming kaibigan at siya na raw ang mag-antay sa akin hanggang sa dumating ang sundo ko. Tutol sana ako dahil bahagya na rin siya nababasa pinauuna ko na ngunit mapilit ang loko kaya hinayaan ko na.Kalahating oras na ang dumaan ngunit wala pa si Mang Pilo. Marahil ay lumala ang sakit nito. Wala kasi ang isa naming driver at kasama ng Daddy ko na bumisita sa Quezon province at aabutin sila Dad ng isang Linggo roon dahil daw humihina ang branch ng Barraca textile roon. Ayusin daw ni Daddy.Nang hindi nagtagal ay mayroon tumatawag sa phone ko. Alanganin sana ako na sagutin dahil unknown number ang tumatawag sa akin subalit wala itong tigil sa pag-ring kaya napilitan ako na sagutin."H-hello," sagot ko nagtataka ang boses ko."Baby, 'wag kang aalis d'yan mataas na ang baha sa daanan at sa matao ka mag tambay at madilim na." Sabi sa kabilang linya. Tulala ako at kasing lakas ng kulog ang tahip ng dibdib ko ng marinig ang boses niya."Hello, baby...are you still there?" tanong pa nito nang wala ako maisagot sa kaniya."Marycole?!" iritableng na nitong sabi dahil siguro hindi ako nagsasalita."Y-yess kuya Rowan," nauutal at natataranta ako. "Totoo ba ito? Si Rowan ang pupunta dito?!" mahina ko pang bulong.Dahil sa pagkataranta ko na end call ko ang tawag. Tulala pa ako pagkatapos at tinitigan ko ang phone ko tila makikita ko roon si Rowan.Lalong lumakas ang ulan. Sinabihan ko si Jethro na pumasok na sa kotse at pareho na kami basa. Tinawanan lang niya ako at ayos lang naman daw ano ang silbi ng pagiging tropa namin kung hindi raw ako dadamayan sa ganitong sitwasyon.Sagitsit ng gulong ang nagpalingon sa kwentuhan namin ni Rowan. Tamang-tama ang dating nito dahil itong maloko si Jethro ay kinikiliti ako nito sa leeg kaya puro ako tawa gano'n din ang binata.Meron nagbusina at nakabukas na pala ang pinto nito at si Rowan iyon na seryoso ang mukha. Mabilis pa sa alas-kwatro ang ginawa kong pag distansya kay Jethro."Sh*t! Hindi pa nga ako nililigawan ng crush ko ay badshot na agad ang beauty ko. Saklap naman nito argh,"Mabilis na bumaba sa kanyang mamahaling kotse si Rowan. Gano'n pa rin walang kangiti-ngiti sa labi nito. Napanguso ako at inirapan ko dahil salubong ang dalawang nitong kilay."Ahm k-kuya Rowan, kaibigan ko si po Jethro," mahina kong sabi.Napakagat ako sa labi dahil hindi niya ito tinapunan ng tingin. Nagkibit balikat ako sa reaction nito at nagpaalam sa kaibigan ko."Paano, ingat pauwi ha? Tsaka mag chat ka pagdating mo sa bahay." Nakangiti na sabi ko kay Jethro. Tumakbo naman ito sa nakaparada nitong kotse habang nakasunod ako ng tingin dito. Nag-wave pa ng kamay si Jethro, bago paandarin ang sasakyan niya."Ano pa ang inaantay mo?" narinig ko sabi katabi kong si Rowan. Lihim akong napakamot sa kilay ko dahil sa sobrang seryoso ang mukha niya."Ay o-opo," tila shunga na wala ako sa aking sarili at mabilis na sumugod sa ulan. Narinig ko pa ang pagmura ni Rowan, nakasunod sa likuran ko dahil sa aking ginawa.Kaagad naman nito binuksan ang pintuan sa tabi ng driver seat at nakasaklob pa ang isang kamay sa ulo ko sa pag-alalay na mauntog ako paglulan sa loob ng kotse.Pagpasok ko sasakyan ay mabilis ito umikot sa driver side. Hindi pa ito nakakaayos ng upo ay dumukwang ito sa likuran ko at mayroon kinuha. Damit pala nito iniabot sa akin."Magpalit ka muna ng damit baka magkasakit ka. Sumugod ka ba naman ng ulan, tss pasaway," nakasimangot ito na nakatingin sa mukha ko. Napangiwi ako ewan ko rin bakit ko ba naisip din iyon."Gusto mong magkasakit?""Ah, eh kasi–""Lalabas muna ako para makapag bihis ka,""H-hindi na malakas pa ang ulan. Uhm, talikod ka na lang at–wag kang titingin," nakanguso ko pang sabi rito."Okay,"Pagtalikod nito mabilis ako kumilos sa pagbibihis. Palihim ko pa inamoy ang damit niya. Ang bango ng damit niya grabe, ilan downy kaya ang inilagay rito. Ngunit ng maisip ko baka mahuli ako nito hindi ko tinagalan.Parang naging duster ang t-shirt niya nang maisuot ko. Nanunuot ang bango nito sa ilong ko ang sarap amoy-amuyin. Hindi ko mapigilan na pumikit. "Ang sarap siguro na makulong sa yakap niya," bigla kong naisip habang nakapikit."Ehem!""Kuya Rowan," namumula ang mukha ko. Shitty nahuli ako nito nakakahiya.Nagiwas ako ng tingin dito. Sandali kasi niya ako pinasadahan ng tingin. Seryoso lang walang reaction pagkatapos ay nag-umpisa ng magmaneho."Uhm- basa na ang damit mo! hindi ka ba magpapalit?" saad kong hindi makatingin dito.Lihim kong pinanood ang pagpapatakbo niya ng sasakyan. Ang sexy nitong magmaneho labas ang mga ugat sa kamay at braso na lalong nag padagdag sa kapogian nito."Are you done checking on me?" tanong nito na pinipigilan ang pagngiti.S'yempre hindi ako aamin magkagipitan man. "Ang assuming mo po, hindi lang sinasadya na napatingin ikaw na agad ang pinanonood," mariin na depensa ko sa pagkahuli nito sa akin.Narinig kong mahina lang siyang tumawa."Baby, p'wede pakuha sa likod ang isa kong t-shirt." utos nito sa akin."A-ano?" nauutal ako.He chuckled. "T-shirt ko sa likuran pakikuha,"Taranta akong tumingin sa likod at hinanap ang sinasabi niyang t-shirt. Nang makita ko ito ay nanginginig pa ako ng inabot ko iyon sa kaniya. Napansin naman nito na hindi ako komportable kaya tinawanan ulit ako. Itinigil niya ang sasakyan sa tabi.Walang babala na naghubad ito sa aking harapan ng t-shirt niya. Lentek namumula ang mukha ko mabilis na nag-iwas ng tingin dito."Wala man lang pasabi na magbibihis," bubulong-bulong ko pang pagreklamo."Baby, pwede ka na lumingon." Natatawa nitong sabi. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa labis na hiya."Ang bastos mo po Kuya, walang pasabi, eww," nakairap ko pang sabi sa kaniya. Malakas na halakhak nito ang sagot sa akin pero ano ba, hihimatayin 'ata ako sa kilig ng mabilis niyang abutin ang ilong ko at pabiro pinisil bago masayang ipinagpatuloy ang biyahe.MatthiasIt's been 3 years, simula ng ikinasal kami ni Lorelei, sa Sanctuary Hotel pero feeling ko noong isang Linggo lang nangyari ‘yon.Araw-araw kasi mas lalo kong minahal ang mabait kong asawa. Oo minsan may away kami ngunit inaayos agad namin ‘yon. Nag-uusap agad kami at gumagawa ng maganda solusyon. Ngunit ang away lang naman namin ay simpleng hindi lang pagkakaunawaan bilang buhay mag-asawa.Ayaw kasi rin namin patatagalin kung sino sa aming dalawa ang may tampo kailangan solve agad hindi pinaabot kinabukasan.If I look back to the past, when Lorelei was Mommy's daughter, it seemed impossible for us to be together. She can never be mine because everyone believes we are siblings.Marami na nga kaming sinuong na pagsubok. But thankful kay God, kasi nalampasan namin ang pinagdaanang unos, at sa kung may darating man na matinding problema kaya naman namin ‘yon lampasan. Ngayon pa ba na may mga anak na kami at mas mahal namin ang isa't isa.Lalo pa nga naging matibay ang aming pagsas
LoreleiAfter four months…“Uh? Anong masamang hangin ang nagdala sa inyo dalawa at alam ko may trabaho pa kayo ngayon?” kunot ang noo ko pareho ko silang tiningnan.“Besh…punta tayo ngayon sa Sanctuary Hotel and resort n'yo,” wika ni Ricky at Regina. Pumasok agad sa loob ng condo hindi ko pa man naaya pumasok. Tsk, ang weird ng mga bestfriend ko.“Lorelei! Tara minsan lang magyaya–”“Ha? Walang kasama si Zanelle, besh, si Tatay kasi nagpaalam maaga pa pumunta sa kaibigan niya.”“Edi isama natin,” wika nilang dalawa.“Paano? Wala si Mang Raul, baka hindi pumayag si Matthias. Pinagmaneho kasi siya patungo raw sa Sanctuary, may asikasuhin.”“Pak na pak? Sakto malilibre tayo ng asawa mo sa entrance ng beach,” palatak ng dalawa.“Sure kayo? Malayo ang Zambales pagod din mag-drive,” paliwanag ko sa kanila.“Girl Scout itong mga BFF mo, may driver akong kasama. Grabe kasi besh, ang init gusto naming mag-swimming,” magpanabay na saad nila.Pumayag ako OA pa ang dalawa nag-apir pa ng sumang-ay
Lorelei“Babe, it's not obvious that you're the excited one,” tudyo ng asawa ko dahil kanina ko pa ito minamadali ng magbihis.Ngayon nasa labas na kami ng pinto sa kwarto ni Tatay. Ngayon araw na kasi ang birthday nito at ang pangako kong sorpresa sa kanya.Bitbit ni Matthias ang ginawa kong vanilla cake, na pinagtatalunan pa namin ‘to, kasi nga suggestion nito paglabas na ni Tatay ng silid niya ngunit mahigpit akong tumutol.Eh, bakit ba? Gusto kong ito agad ang bubungad pag gising ni Tatay ngayong umaga sobrang pakialamero lang itong asawa ko pero nasunod din naman.“Ako ang napapagod sa'yo, Misis. Kasi kagabi ka pa isip nang isip kung anong pagkain ang iluluto mo at hanggang umaga ala-sais pa lang maingay ka na,” wika ulit ni Matthias.Natawa na lang ako sa kaniya.“Hindi ko naman itatangi kasi totoo naman na excited ako kaya ‘wag ka ng komontra, Mister. Para happy tayong dalawa,” wika ko sa kanya kinaangat ng sulok ng taas ng labi niya.“Bakit may mali ba sa sinabi ko?” ulit kong
Lorelei“Mang Raul, sa Pasig po ulit tayo. Sa Manggahan po sa dating apartment na pinuntahan natin ng dalawang beses,” magalang kong sabi rito.“Sige Lorelei," wika ni Mang Raul. "Mabuti na lang pinayagan ka ng asawa mo," mahina itong tumawa tila ba may naalala."Bakit po?" nangiti na rin ako."Noong una, nagalit sa akin iyon at pumayag daw akong ipagmaneho ka rito sa Pasig.”“Inaway ko po masyadong maarte. Ayon wala siyang nagawa,”Masayang humalakhak si Mang Raul.“Kaya pala nakasimangot na lang ng sabihin ko paalis tayo,” natatawa pa wika ni Mang Raul.Kasama ko rin si Ricky at Regina, full support itong dalawa kong bestfriend. Dumating na kasi ang isa ko pang Ate na galing pa ng Province pumayag na mag-usap kami.Sakto lang dahil nangako tutulungan daw ako mapapayag ang panganay naming kapatid.Dalawang Linggo ko rin ito kinumbinsi na pumayag. Kasi grabeng sungit noong una. Mabuti talaga mabilis nalusaw ang kasungitan nito ng mai-kwento ko rito kung gaano pangarap ni Tatay, na mak
Lorelei“Lo!”“Lolo…” napahagulgol ako nang tuluyan itong sumuko nasa sasakyan pa lang kami.Sa ospital dapat ang punta ng ambulance ngunit sa St. Martin funeral home napunta.Busy na si Matthias na tawagan sila Mommy at Lola. Ako tahimik lang habang pinagmamasdan ko ang payapang tulog na si Lolo.Humahangos sila Mommy at Lola Liza maging si Kuya Mattheus at si ate Mayang namumula ang mata katulad kay Daddy.Hinanap ko si Zanelle kila Mommy kasi hindi nila kasama.“Si Rina ang kasama nasa bahay, ‘nak,” wika ni Mommy.“Eh, si Tatay po Mhie?”“Nasa mansyon pa anak. Gusto nga umuwi sa condo n'yo kaya lang sabi ng Dad n'yo, sa bahay muna kasi nandito pa kayo wala siyang kasama roon,”Nilapitan ko si Lola, sa harapan ng Lolo Ronald. Tahimik ito umiiyak sa harapan ng tila tulog lang na si Lolo.“Lola, ayos lang po ba kayo?” ani ko nginitian siya at tumabi ako rito ng tayo hinaplos ang likuran niya.“Apo,” hikbi nito kaya kinabig ko upang yakapin at hinayaan itong umiyak habang yakap ko.“Nag
LoreleiWedding day…Tapos na akong mag-ayos, si Zanelle na ngayon ang binibihisan ko. Twiny kami ng suot na dress ng anak ko kaya hindi ko mapigil mangiti at nanggigil sa cuteness overload nito.“Ang pretty naman ng Zanelle ko,” I giggled. Magkabilang pisngi niya pinanggigilan kong hinalikan.“Itaw lin po Mama, same po Zael, pletty,” aniya niyakap ako sa leeg, tapos ulit-ulit na hinahalikan ako sa pisngi. Iyon ang naabutan ng ka papasok na si Matthias.Tinaasan ako nito ng kilay ng mapansin nito napapangiti ako tiningnan siya mula ulo hanggang paa.“Daddy!” nilapitan ni Zanelle ang ama. “Wow…wapo Daddy ni Zael,” wika nito akala mo matanda na kung nagsalita.“Ikaw din anak ang ganda-ganda,” sagot ni Matthias.“Hehehe opo Daddy, same Mama to danda,” sagot pa nito sa ama.“Sobra! Same kayo ni Mama mo ang pinakamaganda para sa Daddy.”“Babe, tapos ka na?” saad ni Matthias.“Patapos na. Mauna na kayo lumabas ni Zanelle, dadaanan ko pa si Tatay.”“Nauna na, babe kasama nila Mommy,”“Ay hind
Lorelei“Tay!” masaya kung sigaw sabay tinakbo ko ang pinto upang salubungin si Tatay, kasama na siya ni Matthias at si Kuya Mattheus na seryoso.Hindi kasama si Eleazar, kasi may pasok pa sa school ngunit susunod daw kapag naka graduate na payag naman si Tita Candy. Isa pa ayaw na ni Eleazar. Mag-transfer. Kung nakatapos na raw luluwas ng Maynila.Dito na kami nakatira ni Zanelle sa condo unit ni Matthias. Pag-alis kahapon, iniwan naman ang susi sa condo niya bago kami iwanan sa bahay nila Mommy.Nakangiti si Tatay kahit hindi niya ako nakikita. Mahigpit ko itong niyakap. Larawan pareho naming mukha ng saya. I looked at Matthias.“Thank you,” I uttered.Inalalayan ko si Tatay patungo sa sala at pinaupo. Pinagmasdan ko ito baka napagod sa biyahe ngunit mukhang maaliwalas naman ang bukas ng mukha nito.“Tatay ayos lang po ba ang naging biyahe n'yo?” wika ko.“Oo naman ‘nak, ngunit mahinang tumawa. Aba'y nagmamadali itong katipan mo dahil nga kasal n'yo na bukas, ginawa lang pasyalan an
Lorelei“Mommy,” nakanguso kong sabi. Nahihiya akong tumingin sa kaniya kasi kanina pa ako nito tinutukso kung saan daw ako natulog kahit alam niyang magkasama kaming dumating ni Matthias.“Halika ka nga rito anak,” wika nito hinila ako upang mayakap niya.Napangiti ako at hindi na ako nag-aksaya ng oras. Niyakap ko si Mommy Cole ng husto.“Salamat naman nagkabalikan na kayo ni Matthias. Ako ang unang masaya para sa inyong dalawa ‘nak. Mapapanatag na ako kaso mabubuo na rin ang pamilya n'yo ni Matthias,” aniya.“Mhie, susunduin ko lang po pala si Zanelle ha? Diba nagpaalam na si Matthias kanina umalis agad?” “Bukas na kayo umuwi hija,” sagot nito.“Inantay po kasi ako nila Ricky at Regina, Mommy.”“Ganoon ba? Sige, binilin pala ni Matthias, ihatid daw kayo ni Mang Raul,”“Opo Mhie, kaka tawag lang din ulit sa akin akala naman nakakalimot ako.”“Siya sige na baka abutin kayo ng gabi. Naroon ang anak mo sa silid ng ate Mayang mo,”“Sige po tatawagin ko na lang Mommy,” paalam ko sabay
Lorelei“Ang lamig!” tili ko kahit ako'y nakapikit.Gusto kong may mayakap kaso alam ko, wala ang anak ko. Mamaya pa 'yon ibablik nila Mommy kasi hapon pa ang flight namin ni Zanelle.Iniisip ko nasa k'warto ako ni Regina. Nakangiti pa ako kinapa ko ang tabi ko upang hilahin ang gamit na unan ni Zanelle, upang iyon ang yapusin.Gusto kong yakapin upang maibsan ang ginaw. Maybe it rained last night, so it was cold. Electric fan lang naman ang gamit namin ni Zanelle, sa silid na bigay ni Regina, pero dinaig pa ngayon ang naka aircon.Mahigpit kong niyakap ang unan at sinubsob ko pa ang aking mukha dahil nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy ni Matthias.Sandali...natigilan ako...hanggang dito ba naman sa silid ni Regina, ginugulo ako ng hudas na si Matthias?Ganito talaga ang amoy ng lalaking 'yon hindi ako maaaring magkamali. Letse pati ba naman sa pagtulog ko, ang lalaking ‘yon sumasagi sa isip ko?Pero paano naman mapupunta ang unan ni Matthias sa silid namin ni Zanelle? Grabe na ba a