HIRED AS THE TEMPORARY MOMMY OF THE MAFIA BOSS' TWINS

HIRED AS THE TEMPORARY MOMMY OF THE MAFIA BOSS' TWINS

last updateLast Updated : 2025-11-11
By:  LOUISETTEOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
10Chapters
489views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Penelope Costarelli married Marcus Ramirez at 21, lived a fairy tale like marriage, and gave birth to a precious baby boy at 23. But her perfect marriage crumpled in her feet like a nightmare when she discovered her husband's affair with her cousin, and left her in a huge debt. Akala niya ay doon na matatapos ang paghihirap niya, but her life took a tragic turn when she lost her son, her parents, and her voice. Unable to carry the weight of her misfortune, Penelope decided to end it all. Pero sa kalagitnaan ng magulo niyang pag-iisip, isang estranghero ang nagligtas sa kanya. Aleksander Nikolai Montalvo, a shipping magnate whose name and reputation could shake every powerful name and conglomerate in the country—and is rumored to be a mafia boss. This powerful man offered Penelope a tempting bargain, he'll become her lifeline, in exchange for becoming his new born twin's wet nurse. Their temporary mother, until the twins don't need nursing from her. Agad na tinanggap ni Penelope ang alok nito, at mas lalo pa niyang pinagbutihan ng malaman niya na ang taksil niyang asawa ay may importanteng transaksyon kay Aleksander. Nakasilip siya ng pagkakataon para gumanti, at hindi niya sasayangin iyon. She'll make him crawl into her feet, at gusto niyang ipakita rito na nagkamali siya ng taong sinaktan at niloko.

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

Apat na buwan nalang sana ay icecelebrate na ng baby ni Penelope ang 1st birthday nito, pero sa halip na pagpaplano ng isang masayang birthday party para sa pinakamamahal na anak ay ataul, mga bulaklak, at libing ang pinagkaabalahan niya nitong mga nagdaang araw.

  Dapat sa isang cute na cake nakasulat ang pangalan ng anak niya, ngunit sa lapida nakaukit ang pangalan ni baby Elijah matapos nitong mamatay dahil sa isang autoimmune disease.

  "Sa narinig ko ay maisasalba naman sana ang buhay ng bata kung nakapagbone marrow transplant ito. May pera naman sila, pero bakit hindi nila ginawa?" Bulong ng isang kamag-anak sa araw ng libing ni baby Elijah.

  “Di ba nga sabi ng doktor ang tanging compatible donor ay ang tatay ng bata. Eh kaso nga hindi maganda ang relasyon ng mag-asawa kaya hindi natuloy ang transplant." Pabulong ding sagot ng isa pang kamag-anak.

  "Tsk, tsk. Nakakalungkot naman. Naging biktima pa ang bata sa kapabayaan ng mga magulang." Muling sagot ng nauna.

  Nanginginig ang ibabang labi ni Penelope habang pinapakinggan niya ang mga bulungan ng mga kamag-anak na dumalo sa libing ng anak niya. Pinag-uusapan nito ang buhay ng pamilya nila na parang alam ng mga ito ang buong katotohanan.

  Oo totoo, Elija’s rare disease could have been cured with a bone marrow transplant from his father—Marcus Ramirez, Penelope’s husband, and the only perfect match. Pero tumanggi si Marcus na gawin ang procedure na magliligtas sana sa buhay ni baby Elijah.

  At ang dahilan nito? Dahil hindi siya mahal ng asawa. Kinamumuhian siya ni Marcus.

  “I never wanted that child, so don’t involve me in anything to do with him. Kahit mamatay pa yan, wala akong pakialam!” Sikamat sa kanya ni Marcus nang pakiusapan niya ito na iligtas ang anak nila.

  Ginawa ni Penelope ang lahat, paulit-ulit siyang lumuhod at nagmakaawa sa asawa. Nakasilip siya ng pag-asa ng pumayag si Marcus na iligtas ang anak nila sa kondisyon na iaannul nila ang kasal nilang dalawa. Out of desperation ay pinirmahan ni Penelope ang annulment papers. She didn't contest it para mas mabilis maaprubahan tulad ng gusto ni Marcus. But in the end, hindi pa din nito iniligtas si baby Elijah kahit ginawa niya lahat ng gusto ng asawa.

  At ngayon nga ay wala na si baby Elijah, hindi dahil walang lunas ang sakit nito, kundi dahil ang sariling ama nito ay ayaw siyang iligtas. He needed his father just this once, pero binigo siya nito.

  Nang matapos ang libing ay mabilis na nagsiuwian ang mga kamag-anak at kaibigang nakiramay. Naiwan si Penelope na nakatulala sa puntod ng anak. Hindi pa din nagsisink-in sa kanya ang pagkamatay ni baby Elijah. Noong nakaraang linggo lang ay karga karga pa niya ito at hinehele sa hospital suite habang pinapangako na gagaling pa ito.

  Naramdaman ni Penelope ang pagvibrate ng cellphone niya kaya agad niya iyong tiningnan. Nakatanggap siya ng isang video message mula sa isang unregistered number. Curious, she pressed the play button. Halos bumaliktad ang sikmura niya nang makita niya si Marcus na may kasamang ibang babae. Si Priscilla, her cousin.

  “Tang-ina, ang sarap mo, Cilla.” Boses ni Marcus ang narinig ni Penelope sa video.

  Humagik-ik naman ang babae sa video. “So sinong mas gusto mo? Si Penelope o ako?" Tanong nito.

  “Huwag mo ngang banggitin ang pangalan ng babaeng iyan. Nakakawalang gana." Inis na sagot nito. “Just focus on me, baby, at buong magdamag kitang paliligayahin.” Puno ng pagnanasa na dugtong ni Marcus.

  Nanginig ang mga kamay ni Penelope sa napanood at mga narinig. Matagal na siyang may suspetsa na may relasyon ang asawa niya at ang pinsan niyang si Priscilla, pero wala lang siyang ebidensya. Pero hindi ang pagtataksil ng mga ito ang dumudurog sa puso niya ngayon, kundi ang katotohanan na habang nasa hospital si baby Elijah, agaw buhay at hinihintay ang ama nito para iligtas siya, ay nagpapakasarap pala ito sa piling ng iba.

  Iooff na sana ni Penelope ang cellphone niya bago pa man siya makatanggap ulit ng ganoong mga mensahe ay bigla namang nagpop sa screen ng cellphone niya ang pangalan ni Priscilla. She sent her a text message.

  'Did you enjoy my small gift? Look to your right, cuz.' Nang mabasa iyon ni Penelope ay agad siyang napalingon sa kanan niya.

  Bumilis ang tibok ng puso ni Penelope nang makita ang pinsan. Napuno ang puso niya ng galit at sakit, lalo na ng makita ang malapad na ngiti ni Priscilla habang papalapit ito sa kanya.

  "Anong ginagawa mo rito?" Puno ng pagkamuhi niyang tanong sa pinsan.

  Tumawa naman si Priscilla, ni hindi mo ito mababakasan ng kahit na kaunting konsensya sa ginawa. “Ano pa ba, eh di visiting my poor nephew who died because his own father didn’t care. Kaya ayun, ako nalang ang pumunta. Kawawa naman kasi." Sagot nito.

  Nagpanting ang tainga ni Penelope sa narinig. "Patay na ang anak ko, at nasaiyo na rin ang asawa ko. Wala ng natira sa akin, kaya ano pang gusto mo? Lubayan mo na ako, Priscilla!" Sigaw niya rito.

  "Ayoko nga. Ang saya mo kayang panoorin na nahihirapan at nagdurusa." Her smile was arrogant and cruel.

  "Masaya kang nakikita akong nahihirapan at nagdurusa?" Hindi makapaniwalang ulit ni Penelope. "Bakit, Prescilla? Ano bang nagawa ko sayo? Naging mabuti naman ako sayo. I gave everything to you, at trinato kita na parang isang tunay na kapatid, kaya bakit mo to ginagawa sa akin? Ano bang nagawa ko sayo?" Napahagulgol na siya sa sobrang sakit.

  "Your whole existence pisses me off, Penelope!" Singhal sa kanya ni Priscilla.

  Nagulat naman siya sa narinig. Anong ginawa niya para kamuhian siya ng ganito ng pinsan niya?

  “Ako dapat ang nasa posisyon mo! I hate you because you have the life that I should have! Kaya dapat mamatay ka na!" Pagkatapos sabihin iyon ni Priscilla ay itinulak siya nito ng malakas.

  Dahil sa pagkabigla ay hindi nagawang iwasan ni Penelope ang pagsugod sa kanya ng pinsan, kaya naman ng itulak siya nito natumba siya, at tumama ang ulo niya sa lapida.

  Sa lakas ng impact ay nakadama siya ng matinding pagkahilo. She tried to get up, pero walang lakas ang katawan niya. Naramdaman ni Penelope na parang mainit ang likuran niya. Wala siyang ideya na naliligo siya sa sariling dugo mula sa sugat sa likuran ng ulo nya.

  "Tulong! Someone call an ambulance. May babaeng natumba rito!" Narinig pa ni Penelope ang kunwaring paghingi ng tulong ni Priscilla, pero habang ginagawa niya iyon ay napakalapad ng ngiti nito.

  Unti-unti ng nanlalabo ang paningin ni Penelope habang nakatingin siya sa kalangitan. Mula sa mga ulap ay para bang unti-unting nabubuo ang mukha ng munti niyang anghel na si Elijah. It feels like he's comforting him from the pain.

  "Baby ko, pupuntahan ka na ni mommy. Hintayin mo lang ako..." Mahinang bulong niya bago tuluyang lamunin ng kadiliman ang malay niya.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

reviews

Batino
Batino
Maganda.. Highly Recommended! 🫰
2025-12-10 09:44:03
0
0
10 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status