Share

CHAPTER 9

“SAN ka ba nanggaling na bata ka? Kagabi pa kami nag-aalala saiyo, ni hindi ka man lang nagpasabing uumagahin ka ng uwi,” Sita ni Vicky sa kanya nang makauwi siya.

“Pasensya na po, Tita Vicky, may inasikaso lang ako. Saka nawawala ang cellphone ko kaya di ko na po kayo natawagan,” nahihiyang sabi niya dito. Ayaw na niyang ikwento pa rito ang mga detalye sa nadiskubre niya dahil ayaw na niyang madamay pa ito sa mga problema niya. Iyong pagkupkop sa kanya ng mga ito ay malaking bagay na para sa kanya.

“Ganun ba? Gamitin mo muna iyong pinaglumaang cellphone ni Marcus para naman may magamit ka. Sa panahon ngayon, napakaimportanteng may dala ka palang cellphone.”Anang babae sa kanya, “O siya, magpalit ka na muna ng damit at mukhang kung saang lugar ka napasabak, nangingitim na ‘yang suot mong tshirt.”

Napakamot siya sa ulo, “Salamat po.” Sabi niyang pumasok na sa kwarto ni Leanne at hinanap sa kanyang mga gamit ang box na hinahanap ng lalaki. Nguni
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Yzeljud Mondejar
Ang Tanga nmn ng Bida dito,gusto Kong batukan,bakit naging Bida pa ito sa kwento...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status