Share

"ANOTHER DINNER INVITATION"

MABILIS ang naging paglipas ng mga oras. Ni hindi ko namalayan na lunch time na pala kung hindi pa sa ginawang pagpapaalala sa akin ni Alicia, ang bagong hire kong sekretarya.

“Gusto po ba ninyong ipag-order ko nalang kayo para hindi na kayo lumabas?” ang mabait pa nitong tanong sa akin.

“Yes, please,” sagot kong tipid siyang nginitian.

Tanging iyon lang at iniwan na nga niya ako. Ilang sandali pa at muli na naman akong nilamon ng kaabalahan ko sa pagtatrabaho. Wala pa naman ang pagkaing inorder ni Alicia para sa akin kaya gugugulin ko nalang muna ang oras ko para tapusin ang iba pang kailangang tapusin.

Nasa ganoong ayos ako nang marinig ko ang pagtunog ng message alert tone ng cellphone ko. Parang wala lang ko iyong dinampot at tiningnan upang mapangiti. Si Marius.

“Kumain kana, huwag puro trabaho. Baka magkasakit ka,” ang text message na ipinadala ni Marius sa akin.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung kinailangan lang na magkaroon ng closure ang inis na nararamdaman ko sa kanya kanin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status