Andrew and Lana's Wedding...
"LET'S go sweetie, hayaan muna natin si Mommy mauuna na tayo sa church para hintayin doon si Mommy," ang malambing kong paliwanag sa pamangkin kong si Andrea na nang mga sandaling iyon ay ayaw talagang iwan ang ina nitong si Lana na hindi pa tapos ayusan ng stylist na kinuha ng kuya kong si Andrew.
"Pero Tita Sam gusto kong samahan si Mommy," giit ni Andrea na sa kabila ng pagtanggi nito ay nagawa paring iabot sa akin ang maliit niyang kamay.
Natawa ako ng mahina saka nakangiting sinulyapan si Lana na tahimik na nakikinig lang sa usapan namin ng kaniyang anak.
"Si Daddy nalang muna ang samahan mo tapos si Mommy sasamahan ni Lola," ang tinutukoy ko ay ang tiyahin ni Lana na si Mama Cecille.
Noon ko nakitang lumabi ang maganda kong pamangkin. Kahit hindi naman sabihin obvious na photocopy ko ang batang ito. At kapag tinitingnan ko siya parang tinitingnan ko ang batang version ng sarili ko.
"Mauna na kami," paalam ko kay Lana kasabay ng isang simpleng senyas na tinugon naman nito ng ngiti.
"Bye Mommy!" kaway pa ni Andrea sa kaniyang ina bago tuluyang sumama sa akin palabas ng silid.
*****
"NINONG MARIUS!" ang maliit subalit matinis na tinig na iyon ang nagbigay ng dahilan kay Marius upang lingunin ang kaniyang likuran.
Si Andrea iyon at napakaganda nito sa suot na bestidang pang-abay. Nakita niyang tumakbo ang bata patungo sana sa kinaroroonan niya pero mabilis itong pinigil ng isang pamilyar na mukha. Kung tutuusin, iyon pa lamang ang ikalawang pagkakataon na nagkaharap sila ni Sam, ang bunsong kapatid ni Andrew at hipag ni Lana. Pero kahit minsan ay hindi niya nakalimutan ang maganda nitong mukha.
"Tita Sam pupuntahan ko lang po si Ninong Marius," ang narinig niyang pagpupumulit ni Andrea na itinuro pa ang direksyon na kinaroroonan niya. Dahil sa ginawing iyon ni Andrea ay napatingin sa gawi niya si Sam. At marahil nang mamukhaan siya nito ay saka pa lamang ito nagkaroon ng dahilan para bitiwan ang kamay ni Andrea.
Napangiti si Marius sa isiping iyon. Walang duda na protective si Sam kay Andrea na pamangkin nito. What more pa kaya kung sa sarili nitong anak? For sure magiging mabuti at maaruga itong ina balang araw.
Doon biglang natigilan si Marius.
Ano bang iniisip niya at bakit nauwi roon ang tinatakbo ng kanyang utak?
Sa kagustuhang iwala iyon ay malalaki ang mga hakbang niyang sinalubong nalang si Andrea saka buong pananabik na kinarga. Alam niyang nakatingin sa kanila si Sam, pero hindi ito lumalapit at kumikilos sa kanina pang kinatatayuan nito kaya bilang lalaki siya nalang ang gumawa niyon.
Habang palapit ay hindi niya mapigilan ang sariling hangaan ang klase ng kagandahan na nakikita niya ngayon sa kaniyang harapan.
"Ngayon ko napatunayan na napakaganda ngang kombinasyon ng isang pure British at pure Filipino," iyon ang mga salita na kung tutuusin ay nasa isip niya at hindi niya inasahang nanulas ng kusa sa kaniyang mga labi.
Hindi rin naman niya pinagsisihan ang sinabi niyang iyon dahil nakita niya ang naging epekto niyon sa dalaga. Katulad nang una niya itong makita, labis na namula ang napakaganda nitong mukha.
*****
"M-MARIUS, right?" hindi ko man aminin pero bahagya akong nakaramdam ng inis sa sarili ko dahil sa naging epekto sa akin ng sinabing iyon ng lalaking kung tutuusin ay estranghero sa akin.
Estranghero sa point na iyon ang kung tutuusin ay ikalawang beses namin pagkikita. At matagal na rin ang mula nang mangyari 'yung una. Pero ang pakiramdam na ibinibigay sa akin ng mga titig niya, pati na rin ang kilabot na hatid sa akin ng tono ng pananalita nito at boses, hindi ko kaya ipaliwanag kung ano.
"Mabuti naman at naalala mo," aniya saka inilahad ang sarili nitong palad sa akin.
Sa ginawi niyang iyon ay nakakatawa mang isipin pero kailangan kong aminin na nag-alangan akong tanggapin ang pagkikipagkamay niya. Kaya lang dahil nga nandoon si Andrea at pinanonood kaming dalawa ay minabuti kong gawin ang tama.
Ayoko naman kasing magmukhang bastos at ayokong makita iyon ng pamangkin ko. Kahit kung tutuusin ay ang kaba na nararamdaman ko ang tanging dahilan kaya parang ayoko ngang tanggapin ang pakikipagkamay sa akin ni Marius.
"Of course, kapatid ko na si Lana at ang lahat ng kaibigan niya ay kaibigan ko na rin," ang pinakamatalinong pangungusap na naisipan kong isagot.
Nababalisa ako at hindi ko maintindihan. Pero ayokong ipahalata iyon. Ayokong makita ni Marius na apektado ako sa kaniya kaya kailangan kong pagsikapan na gawing normal ang mga kilos ko.
*****
"I hope hindi ito ang huling pagkakataon na magkikita tayo?" si Marius iyon nang paalis na kami sa venue kung saan idinaos ang reception.
Ngumiti lang ako saka hinanap ng paningin ko ang pamangkin ko na kanina pa hinahabol ng yaya nito dahil takbo ng takbo.
"Sigurado naman iyon, best friend mo ang hipag ko at ninong ka pa ng pamangkin ko kaya hindi imposible ang gusto mong mangyari," sagot ko saka kinawayan ang driver ng kotse na maghahatid sa amin pabalik ng mansyon.
"Andrea, pagod na si Lola, tumigil ka na," saway ko sa pamangkin ko nang sa wakas ay mukhang napagod na rin ito at nagpaakay na sa yaya niyang si Joan kasama si Mama Cecille na pinapayagan rin ako na tawagin siya sa ganoong paraan.
"Gustuhin ko man pero I do not have enough time to entertain you," iyon naman kasi ang totoo kaya minabuti kong iyon na rin ang sabihin kay Marius na mas pinili kong huwag tingnan dahil ayoko ma-magnet na naman sa mga mata nito.
"It's okay, marami pang pagkakataon," meaningful ang sinabing iyon ni Marius na naging dahilan kaya ako napatingala sa kaniya.
"What?"
"Kailangan ko na ring mauna, mag-iingat kayo," ang sa halip ay isinagot sa akin ni Marius bago niya ako iniwan na tila nanghuhula kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng huli nitong sinabi.
"Sam, halika na hija," ang boses ni Mama Cecille ang narinig kong tumawag sa akin.
Sa honeymoon na kasi nagtuloy ang mga bagong kasal at Mama at Papa ay tumalak na rin pabalik ng UK pagkaalis nina Kuya at Lana.
"Oh, okay po," ang tanging nasambit ko at parang noon lang ako natauhan.
*****
KINABUKASAN araw ng Lunes ay bumalik na sa normal ang buhay ko. At dahil nga wala ang kapatid ko ay solo ko muna ang pagpapatakbo sa aming coffee shop.
Hapon at saktong katatapos ko lang magtrabaho nang tumunog ang cellphone ko. Agad na nagsalubong ang mga kilay ko nang makitang unregistered ang number na rumehistro sa screen ng aking telepono.
Wala talaga akong planong sagutin iyon dahil hindi ko ugaling kumausap ng mga taong hindi ko kilala. Sa paniniwala ko kasi at base na rin sa experience ko kung tungkol iyon sa negosyo ay magte-text muna iyon bago tumawag.
Natapos ang buong call ng hindi ko iyon sinagot. Inisip ko na titigil na iyon pero nagkamali ako. Dahil muli na namang tumunog ang phone ko at ang kaparehong number parin ang tumatawag. Sa pagkakataong iyon ay minabuti ko nang baliin ang dati ko nang nakaugalian. Sinagot ko ang tawag sa kaisipan na baka emergency iyon.
"Hello?" sagot ko.
"Hello, Sam? This is Marius, nakuha ko ang number mo kay Lana, I hope you don't mind," sagot ng nasa kabilang linya.
Agad na bumilis ang tahip ng dibdib ko kasabay ng bigla kong pagtayo sa upuan. "M-Marius!"
"Yes, yayayain sana kitang mag-dinner, kung okay lang sa'yo?" ang deretsahan nitong tanong sa akin.
"D-Dinner?" ang hindi makapaniwala kong tanong.
Si Marius na yata ang pinakamabilis na lalaking nakilala ko. Pero sa kabila ng lahat bakit wala akong makapang inis sa dibdib ko para sa kanya.
"I won't take no for an answer. Nandito ako sa parking space ng building ninyo, hintayin kita okay?"
"Parking? W-Wait!" at naputol na nga ang linya.
Noon ako napaisip saka ko inilapag sa mesa ang hawak na cellphone. Parang naririnig ko pa si Marius habang sinasabi ang mga salitang I won't take no for an answer!
Nababaliw na ba siya? Magyayaya ng dinner, tinanong ako pero nandito na pala siya sa premises ng building at hinihintay na lang ang paglabas ko?
Well, kung tutuusin pwede ko naman siyang i-reject. Pero bakit parang hindi ko kayang gawin iyon?
Naguguluhan akong nagbuntong hininga kasabay ang mga salitang isinigaw ng aking isipan.
Bahala na!
"WHAT do you think you are doing?" ang naiinis kong bungad kay Marius nang makalapit ako sa kaniya. Sinadya ko talagang ipakita sa kaniya ang inis na nararamdaman ko dahil sa ginawa niya. Pakiramdam ko kasi isa akong daga na na-corner ng isang pusa at si Marius ang pusa na iyon. Pero sa halip na maapektuhan sa pagtataray na ginawa ko ay matamis pa niya akong nginitian, pagkatapos ay niyuko at saka dinampian ng simpleng halik sa pisngi bilang pagbati. "Pauwiin mo na ang driver mo, ihahatid nalang kita kung saan mo man gustong umuwi ngayong gabi," ang sa halip ay isinagot niya sa akin saka na nagpatiuna sa pagbubukas ng pintuan ng passenger side ng kotse nito. Noon lalong nagtumindi ang iritasyon na nararamdaman ko para sa kanya. Pero kahit naiinis ako sa kanya, bakit ba para akong wala sa sarili ko na humakbang at sumakay sa kotse nito. Pagkatapos noon ay tinawagan ko pa si Mang Poldo para sabihan itong mauna nang umuwi dahil sumama akong mag-dinner sa isang kaibigan. "So, saan mo g
TUNOG ng cell phone ko ang gumising sa akin kinabukasan. Agad ko iyong dinampot upang tingnan kung sino ang nag-text. Para lang matigilan nang makita kong si Marius iyon. “Ang aga naman,” ang reklamong kumawala sa mga labi ko saka nagbuntong hininga at bumangon. Alas-singko na rin naman ng umaga kung tutuusin. Pero inunahan pa ni Marius ang alarm clock ko kaya medyo nainis ako. At dahil nga inis ako ay hindi ko siya ni-reply-an sa pagbati niya sa akin ng “good morning”. Although deep in my heart, alam kong napakilig niya ako kahit na papaano. Pero mas nangingibabaw lang talaga sa akin ang inis na nararamdaman ko nang mga sandaling iyon. Dahil una sa lahat pagod na pagod pa rin ako at gusto ko pang matulog. May thirty minutes pa ako kung tutuusin. Pero dahil nga sa si Marius na ang nagmistulang alarm clock ko. Wala ng sense kung babalik pa ako sa tulog ko. Nagtuloy na ako sa banyo para maligo. Alam kong busy na sa kusina ang mga kasambahay na naghahanda ng almusal. Well, mainam na r
“WALA ka bang pinagkakaabalahan sa buhay at ako ang palagi mong napagti-tripan ng ganito?” Nang makabawi ako sa sinabi niya ay iyon ang nasambit ko. Hindi pa rin nagbabago ang tono ko. At dahil nga hindi sa akin nakatingin si Marius, kahit pa naiinis ako sa kanya ay nagkaroon ako ng chance na pagmasdan siya kahit na papaano. Well, at least maitatago ko iyon o mas madali kong maide-deny dahil sa pagsaalubong ng mga kilay ko. “Sa totoo lang sobrang busy kong tao, Sam,” ang maikling salitang isinagot sa akin ni Marius. “Ganoon naman pala eh. Bakit parang ang dami mong time?” tanong ko ulit sa kanya. Pilit na iniignora ang posibleng ibig niyang sabihin sa huli niyang sinabi. “Alam kong alam mo kung bakit ako nagkakaganito, Sam,” aniyang sandali akong sinulyapan kasabay ng pag-angat ng makakapal nitong mga kilay. Sa totoo lang, bulag lang ang hindi hahanga sa angking karisma at kagwapuhan ng lalaking ito. Aminado naman ako doon kahit kung tutuusin ay sanay ang mga mata ko sa mga gwapo
MABILIS ang naging paglipas ng mga oras. Ni hindi ko namalayan na lunch time na pala kung hindi pa sa ginawang pagpapaalala sa akin ni Alicia, ang bagong hire kong sekretarya.“Gusto po ba ninyong ipag-order ko nalang kayo para hindi na kayo lumabas?” ang mabait pa nitong tanong sa akin.“Yes, please,” sagot kong tipid siyang nginitian.Tanging iyon lang at iniwan na nga niya ako. Ilang sandali pa at muli na naman akong nilamon ng kaabalahan ko sa pagtatrabaho. Wala pa naman ang pagkaing inorder ni Alicia para sa akin kaya gugugulin ko nalang muna ang oras ko para tapusin ang iba pang kailangang tapusin.Nasa ganoong ayos ako nang marinig ko ang pagtunog ng message alert tone ng cellphone ko. Parang wala lang ko iyong dinampot at tiningnan upang mapangiti. Si Marius.“Kumain kana, huwag puro trabaho. Baka magkasakit ka,” ang text message na ipinadala ni Marius sa akin.Sa totoo lang, hindi ko alam kung kinailangan lang na magkaroon ng closure ang inis na nararamdaman ko sa kanya kanin
“SERYOSO ka bang mahihintay ka dito?”Kalahating oras na ang nakalilipas mula nang dumating si Marius nang itanong ko iyon sa kanya.Nagtatrabaho pa rin naman ako. Siya nang mga sandaling iyon ay hindi kumilos at nanatiling nakaupo sa silyang nasa harapan ng working table ko. Habang inaabala niya ang kanyang sarili sa binubuklat na magazine.“Pwede kang lumipat doon sa couch para mas komportable ka,” ang muli kong sambit nang sulyapan lang niya ako saka nginitian.“Seryoso naman talaga ako sa lahat ng ginagawa ko para sa’yo eh,” aniyang sinagot ang una kong sinabi. “At sa totoo lang, hindi ko alam kung matutuwa ako o mao-offend sa pangalawa mong sinabi,” pagpapatuloy pa niya.Agad na nagsalubong ang mga kilay ko matapos kong marinig ang huling sinabi ni Marius.“Bakit ka naman mao-offend eh ikaw lang ang inaalala ko?” tanong ko sa kanyang hindi napigilan ang matawa ng mahina pagkatapos.Nagkibit ng mga balikat niya si Marius bago sumagot. “Naalala ko lang kasi na baka nagsasawa ka na
MASASABI kong malaki ang pagkakaiba ng dinner na iyon kung ikukumpara sa ginawa namin kahapon ng gabi ni Marius. Siguro nga dahil officially ay magkaibigan na kaming dalawa. “Okay ka na?” tanong sa akin ni Marius nang mapuna niyang tapos na akong kumain. Tumango ako saka sa panghuling pagkakataon ay uminom ng tubig sa baso ko. “Yeah, grabe nabusog ako ng sobra,” pagsasabi ko ng totoo saka ko iyon sinundan ng mahinang tawa. Nakita kong nangislap ang maiitim na mga mata ni Marius habang nanatili siyang nakatitig sa akin. Nasa mga iyon ang paghanga na aware naman akong noon pa mang umpisa ay hindi na niya itinago sa akin. “Gusto mo na bang umuwi?” tanong niya sa akin nang naglalakad na kaming dalawa patungo sa kinapaparadahan ng kotse niya. Mabilis akong nagkibit ako ng mga balikat bago nagsalita. “Okay lang naman sa akin kung gusto mong maglakad-lakad muna sa park,” sabi ko. Hindi kasi malayo sa kinaroroonan namin ay tanaw ang isang parke na may nangilan-ngilan ring naglalakad. Paw
HINDI ko alam kung dahil lang ba iyon sa pagiging busy ko. Pero naging mabilis ang takbo ng mga araw to the point na hindi ko na namamalayan.“Are you sure, Mama Cecille?” tanong ko habang kumakain kami ng agahan sa komedor.Nagsabi kasi ako sa kanya na niyaya akong lumabas ni Marius para sa araw na iyon. At dahil maraming ganap ang inaasahan ko ay pinaunahan ko na si Mama Cecille na baka gabihin ako ng uwi.“Akong bahala kay Andrea, Sam,” aniyang ngumiti pa sa akin.Alam ko naman iyon. Bakit nga hindi gayong sa loob ng mahabang panahon noon na wala ang kuya ko sa piling nina Lana at Andrea, bukod kay Marius ay si Mama Cecille ang nakasama ng mga ito. Kaya kung sa pag-aalaga at pagtingin lang sa pamangkin ko. Tiyak akong nasa mabuting kamay si Andrea.Ang totoo, hindi ko lang kasi maiwasan ang makaramdam ng hiya kay Mama Cecille. Kung kaya ko nga lang kontrolin ang sarili ko, hindi ako sasama kay Marius. Pero hindi ko rin kasi kayang i-deny ang totoo. Na gusto ko palagi ko siyang naka
PAGKATAPOS naming magsimba ay sa mall ako niyaya ni Marius. Nagkape muna kami sa isang coffee shop at doon napasarap ng husto ang aming kwentuhan.“Bakit hindi tayo doon sa coffee shop ninyo nagkape?” tanong niya sa akin.Nang mga sandaling iyon ay kasalukuyan kong ine-enjoy ang bibingka na inorder ko kasama ang black coffee sa nasa aking tasa.Nagkibit ako ng mga balikat saka humigop ng kape bago sinagot ang tanong ni Marius.“Ayoko lang kasing isipin ng mga empleyado namin na nag-i-store visit kami.,” sagot ko. “At isa pa, gusto ko ring matikman ang kape at bibingka nila dito para naman magkaroon ako ng idea kung paano namin sila matatapatan,” dugtong ko pa saka ko sinadyang hinaan ang huli kong sinabi para hindi marinig ng kahit sino.Tumawa si Marius sa sinabi kong iyon. At masasabi kong naging mas attractive siya sa paningin ko. Although hindi iyon ang unang beses na narinig ko ang kanyang tawa na totoong nagmimistulang musika sa aking pandinig.“Negosyante ka nga,” sagot niyang