Share

"MASANAY KA NA"

“WALA ka bang pinagkakaabalahan sa buhay at ako ang palagi mong napagti-tripan ng ganito?”

Nang makabawi ako sa sinabi niya ay iyon ang nasambit ko. Hindi pa rin nagbabago ang tono ko. At dahil nga hindi sa akin nakatingin si Marius, kahit pa naiinis ako sa kanya ay nagkaroon ako ng chance na pagmasdan siya kahit na papaano.

Well, at least maitatago ko iyon o mas madali kong maide-deny dahil sa pagsaalubong ng mga kilay ko.

“Sa totoo lang sobrang busy kong tao, Sam,” ang maikling salitang isinagot sa akin ni Marius.

“Ganoon naman pala eh. Bakit parang ang dami mong time?” tanong ko ulit sa kanya. Pilit na iniignora ang posibleng ibig niyang sabihin sa huli niyang sinabi.

“Alam kong alam mo kung bakit ako nagkakaganito, Sam,” aniyang sandali akong sinulyapan kasabay ng pag-angat ng makakapal nitong mga kilay.

Sa totoo lang, bulag lang ang hindi hahanga sa angking karisma at kagwapuhan ng lalaking ito. Aminado naman ako doon kahit kung tutuusin ay sanay ang mga mata ko sa mga gwapo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status