Beranda / Romance / SEQUEL STORY: MARRY ME BEFORE I DIE / CHAPTER 03: UNEXPECTED VISITOR

Share

CHAPTER 03: UNEXPECTED VISITOR

Penulis: Rhenkakoi
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-21 01:11:20

ISANG LINGGO ang nakakalipas simula ng pumayag si Isabella sa offer ni Spade, wala itong naging paramdam si Spade sa kaniya sa buong isang linggo pero nakatutok si Isabella sa pagme-memorize ng kailangan niyang matandaan, once dumating na ang araw na ipakilala siya ni Spade sa mga magulang nito.

Kahit sa kaniyang trabaho ay ginagawa niya ang kaniyang assignment. Kaya may pagkakataon na napapansin siya at tinatanong ng mga kasama niya sa trabaho, na nginingitian niya lang.

"Ang ginagawa ko ay katumbas na rin pala ng pangloloko, for sure makakaramdam ako ng guilt once ipakilala na ako ni Spade sa mga magulang niya. Pero wala kasi akong choice, ang offer ni Spade ang opportunity na dumating sa akin para mapa-operahan ko si Alina." pagkausap ni Isabella sa kaniyang sarili.

"Kailangan kong lunukin ang gagawin ko huwag lang mawala ang anak ko sa akin." ani pa ni Isabella bago niya muling tinutok ang focus niya sa kaniyang pagta-trabaho.

After ng kaniyang shift ay nagtungo si Isabella sa opisina ng boss nila para sahod niya. Habang naglalakad siya patungong opisina ay nag-iisip na siya ng mga bibilhin niyang pagkain na gusto ni Alina.

"Hindi ko na kailangang magtipid ng pagkain na bibilhin ko para kay Alina since si Spade na ang bahala sa operasyon ng anak ko."

Pagkadating ni Isabella sa harapan ng pintuan ng boss niya ay kumatok na siya dito.

"Come in." rinig ni Isabella mula sa loob tsaka siya pumasok.

Nadatnan ni Isabella ang boss niya na busy sa harapan ng laptop nito. Isang taon ang tanda ng kaniyang boss, mabait ito at marunong makisama sa mga empleyado nito. Guwapo din ito, at ilan sa mga costumers nila ay nagpupunta sa restobar dahil dito.

Hindi naiwasan ni Isabella na ikumpara ito kay Spade, dahil kung pagtatabihin ang dalawa, masasabi ni Isabella na matatabunan ng face card ni Spade ang face card ng boss niya.

"Hello boss." pagbati ni Isabella na ikinalingon nito sa kaniya at ngumiti pa.

"Good work for this month, Bella."

"Thank you boss Tristan." pasasalamat ni Isabella bago siya lumapit sa mesa ng kaniyang boss na si Tristan Allejo.

"Here's your paycheck, dinagdagan ko since alam kong kailangan mo sa gamutan ng iyong anak."

"Naku boss Tristan, hindi niyo naman po kailangang gawin 'to. Nakakahiya naman po." ani ni Isabella na ikinangiti sa kaniya ni Tristan.

"I insist. Besides, you are one of my good employee dito sa restobar, you earned it." ani ni Tristan na ikinayuko ni Isabella dito.

"Salamat boss Tristan."

"No worries. I'm looking forward na makilala ko na ang anak mo, i'm sure she's pretty like you."

"Pag may pagkakataon po boss, salamat po ulit." saad ni Isabella bago nito kinuha ang sahod niya at lumabas na ng opisina ng boss niya.

Malapad ang ngiting naglakad na si Isabella upang makauwi na. Pero naisipan ni Isabella na dumaan sa grocery store at namili na ng mga pagkain para kay Alina. Nakakaramdam ng na ng antok si Isabella pero tuloy-tuloy lang siya sa kaniyang pamimili.

After niyang mag grocery ay sumakay na siya ng jeep para makauwi na. Pagkarating ni Isabella sa barangay nila ay bitbit ang pinamili niya ay dinaanan na niya si Alina sa bahay ng mabait niyang kapitbahay.

"Ang dami niyo naman pong dala nay."

"Sumahod na kasi ang nanay mo kaya namili ako ng mga gusto mong pagkain at prutas." ngiting sagot ni Isabella habang naglalakad na sila pauwi sa apartment nila.

"Salamat po nay."

"May sasabihin pala ako sayo nak pag uwi natin sa bahay, isang linggo ko 'tong pinaghandaan kaya huwag ka masyadong magugulat, makakasama sa lagay mo okay?"

"Nakakagulat po ba ang sasabihin niyo po nay?" inosenteng tanong ni Alina.

"Hmm medyo, ayoko kasing maglihim sayo."ani ni Isabella nang paglingon niya sa kaniyang harapan ay napakunot ang noo niya nang may isang mamahaling kotse ang nakatigil sa tapat ng apartment niya.

Ilan sa mga tsismosa niyang kapitbahay ay nakatingin sa mamahaling kotse.

" Kaninong mamahaling kotse ang nakatigil sa tapat ng apartment ko, tsaka bakit may ganiyang klaseng sasakyan ang pumasok sa barangay namin?" takang tanong ni Isabella hanggang sa makalapit na sila sa apartment nila, ay siyang pagbukas ng pintuan ng kotse kung saan nanlaki ang mga mata ni Isabella nang makilala kung sino ang lumabas mula sa loob ng kotse.

"I-Ikaw?!" gulat na bulaslas ni Isabella habang nakatingin si Alina sa guwapong lalaking lumabas ng kotse.

"I was waiting here for thirthy minutes." saad ni Spade na ikinalingon ni Isabella sa mga tsimosa niyang mga kapitbahay.

"A-Anong kailangan mo at talagang nagpu--teka? Paano nalaman kung saan ako nakatira?" takang tanong ni Isabella kay Spade.

"Nay sino po siya?"

Sabay na napalingon si Spade at Isabella kay Alina na inosenteng nakatingin kay Spade.

"Is she your child?" tanong ni Spade.

"Ta-Tara sa loob ng apartment ko, mas okay ng doon tayo mag-usap kaysa dito sa labas." pag-aya ni Isabella bago niya isinama si Alina papasok sa loob ng bahay nila.

Sumunod naman si Spade sa pagpasok sa loob kaya agad sinara ni Isabella ang pintuan ng apartment niya.

"Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman itong lugar namin?" agad na tanong ni Isabella kay Spade.

"I have ways, and i came here for an important reason. Hindi mo lang ba ako pauupuin?"

Nagtataka man ay pinaupo ni Isabella si Spade sa luma niyang sofa, nakaupo na rin si Alina sa usual na upuan nito habang nakatingin kay Spade.

"Anong dahilan ng pagpunta mo dito?"tanong ni Isabella kay Spade pagkaupo niya sa tabi ni Alina.

"Aren't you going to introduce me to your child first? Wouldn't it be better if she already know me?"ani ni Spade.

" Hi-Hindi ko pa kasi nasasabi sa kaniya, iniisip ko kasi ang kondisyon niya. Actually ngayon ko dapat sasabihin kaya lang hindi ko naman expected na darating ka."sagot ni Isabella na ikinalingon ni Spade kay Alina.

"Sino po kayo? Bakit niyo po kilala ang nanay ko?" tanong ni Alina kay Spade.

"My name is Spade Cedric Vasile, and i'm going to be yo--"

"--magiging tatay po ba kita?" putol na pagdugtong ni Alina sa sasabihin ni Spade.

"Alina tingin ka muna kay nanay." agaw pansin ni Isabella kay Alina na ikinalingon din naman nito sa kaniya.

"Di'ba sabi ni nanay kanina may sasabihin ako sayo, ang sabi ko huwag kang magugulat. Ano kasi anak, papayag ka bang ikasal ako at maging tatay mo siya?" pahayag ni Isabella na nag-aalala sa magiging reakayon ni Alina.

"Sa kaniya po ba kayo ikakasal?" tanong ni Alina na ibinalik ang tingin kay Spade.

"Ano kasi anak..."

"...kung masaya po kayo sa kaniya at gusto niyo po siya, okay lang po sa akin nay. Isa pa po, gusto ko rin magkaroon ng tatay." pahayag ni Alina.

Sorry anak, ginagawa ko 'to para sayo..ani ni Isabella sa kaniyang isipan.

Tumayo si Alina sa pagkakaupo niya at naglakad palapit sa kinauupuan ni Spade na nakatingin lang sa kaniya.

"Okay lang po ba sa inyo na may anak si nanay? Huwag po kayong mag-alala, hindi naman po ako tunay na anak ni nan--"

"--Alina, huwag mong sabihin 'yan." putol ni Isabella na agad nilapitan si Alina. Iniharap niya si Alina sa kaniya at lumuhod si Isabella upang mapantayan ang anak.

"Hindi ba sabi ko sayo na huwag mo ng sabihin 'yan? Anak kita, Alina."

"Huwag kang mag-alala, i can be your father when your mother marry me." pahayag ni Spade na ikinalingon ni Isabella sa kaniya.

"Alina, bakit hindi ka muna pumunta sa kuwarto natin. Susunod si nanay." saad ni Isabella na ikinaharap ni Alina kay Spade.

"Ako po si Alina Fuentes, kinagagalak ko po kayong makilala at maging tatay ko po."ngiting ani nito bago nagtungo sa kuwarto nilang mag-ina.

" About sa anak ko--"

"--it's fine. Once we get marry, i'll play a father figure to her. She's your daughter and you agreed on my offer because of her, so i won't set her aside." putol na ani ni Spade na ikinatayo ni Isabella at bumalik sa pagkaka-upo nito.

"A-Ano bang reason ng pagpunta mo dito? Magsisimula ba tayo?"

"Not yet, i came here to tell you that your daughter's operation is already have a date." walang paligoy-ligoy na pagbibigay alam ni Spade.

"O-Ooperahan na ang anak ko? I-Ibig sabihin..."

"Yeah, Sandro already found a heart to your daughter, she will have the heart transplant this friday."

Hindi napigilan ni Isabella na mapaluha sa magandang balitang inihatid ni Spade sa kaniya.

"Thank you Lord! Salamat Spade, sobrang thank you."

"You don't have to say thank you to me, that's what i promised to you for helping me also."

"Pero salamat parin, madudugtungan na ang buhay ng anak ko." ani ni Isabella na pinapahid ang mga luha niya habang seryosong nakatingin si Spade sa kaniya.

"Why?" tanong na lumabas sa labi ni Spade na bahagyang ikinakunot ng noo ni Isabella.

"Anong why?"

"You accepted my offer because of a child that is not even yours, so why?" tanong ni Spade na ikinaayos ni Isabella sa kaniyang sarili bago sinalubong ang tingin ni Spade sa kaniya.

"Anak ko si Alina."

Nakita ni Spade ang kaseryosohan sa expression ni Isabella kaya bahagya siyang nagpambuntong hininga.

"Sorry about my question." ani ni Spade bago ito tumayo sa pagkaka-upo nito.

"I'm leaving. Sandro will fetch you and your daughter by friday, make her prepare mentally." saad ni Spade bago ito dere-deretsong naglakad palabas ng apartment ni Isabella.

Nagpambuntong hininga si Isabella ng siya nalang mag-isa sa kaniyang salas, masaya siyang maooperahan na si Alina yet, pakiramdam niya mali ang response niya sa itinanong ni Spade sa kaniya.

"Wala namang masama sa sinagot ko, pero bakit parang nakaka guilty 'yung naging reaksyon ko." ani ni Isabella sa kaniyang sarili.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • SEQUEL STORY: MARRY ME BEFORE I DIE   CHAPTER 04: HOPE IS NOT FOR HIM

    LUMALALIM NA ang gabi ng lumabas si Spade sa banyo ng kaniyang kuwarto after niyang maligo. Late na siyang nakauwi galing sa kaniyang opisina dahil sa dami ng kailangan niyang pirmahan para sa launching ng bago nilang product. Spade is just wearing a towel, half naked walking out in his room. Deretso siyang nagtungo sa bar counter niya at nagbukas ng whisky at nagsalin sa babasagin niyang baso. Simula ng malaman ni Spade ang taning sa buhay niya, he act like before na parang wala siyang sakit na ikamamatay niya. Ginagawa niya ang usual niyang routine, and hindi iniisip ang kaniyang tumor. He was thinking how can he spend his five years remaining life before he dies. Alam ni Spade na masasaktan ang kaniyang mga magulang, especially ang kaniyang ina kaya inilihim niya ito. At kahit hindi maganda ang gagawin niyang pagpapakasal sa babaeng hindi niya masyadong kilala maliban sa struggles nito, ay wala siyang choice dahil gusto niyang tuparin ang ipinangako niya sa kaniyang ina at ama n

  • SEQUEL STORY: MARRY ME BEFORE I DIE   CHAPTER 03: UNEXPECTED VISITOR

    ISANG LINGGO ang nakakalipas simula ng pumayag si Isabella sa offer ni Spade, wala itong naging paramdam si Spade sa kaniya sa buong isang linggo pero nakatutok si Isabella sa pagme-memorize ng kailangan niyang matandaan, once dumating na ang araw na ipakilala siya ni Spade sa mga magulang nito.Kahit sa kaniyang trabaho ay ginagawa niya ang kaniyang assignment. Kaya may pagkakataon na napapansin siya at tinatanong ng mga kasama niya sa trabaho, na nginingitian niya lang."Ang ginagawa ko ay katumbas na rin pala ng pangloloko, for sure makakaramdam ako ng guilt once ipakilala na ako ni Spade sa mga magulang niya. Pero wala kasi akong choice, ang offer ni Spade ang opportunity na dumating sa akin para mapa-operahan ko si Alina." pagkausap ni Isabella sa kaniyang sarili."Kailangan kong lunukin ang gagawin ko huwag lang mawala ang anak ko sa akin." ani pa ni Isabella bago niya muling tinutok ang focus niya sa kaniyang pagta-trabaho.After ng kaniyang shift ay nagtungo si Isabella sa opi

  • SEQUEL STORY: MARRY ME BEFORE I DIE   CHAPTER 02: AGREEMENT BOTH WILL BENEFITS

    TAHIMIK AT PARANG naka glue si Isabella sa pagkakatayo niya sa loob ng elevator na sinakyan niya kasama si Spade at ng secretary nito. Nakatayo lang siya sa likuran ni Spade na wala ring imik, habang sa tabi naman niya ang secretary nito na na hindi niya maipaliwanag bakit ramdam niya ang pagka-kalmado nito. Pagkabukas ng elevator ay hindi maiwasan ni Isabella na mamangha dah opisina agad ni Spade ang bumungad sa kaniyang mga mata. "Take her to seat at visitor's area, Sandro." "Ms. follow me." ngiting ayaw ni Sandro kay Isabella na ikinasunod niya dito nang dalhin siya sa parte ng opisina ni Spade na may mga sofa. Pagkaupo ni Isabella ay yumuko si Sandro sa kaniya bago naglakad at pumasok sa isang glass door saoib ng opisina na kinalalagyan niya. "You came here for my offer, isn't it?" saad na tanong ni Spade na ikinalingon ni Isabella dito. Nakita niyang inalis nito ang suot na coat bago naglakad patungo sa kinauupuan ni Isabella, at umupo sa harapan nito. Siguro nang nagsabo

  • SEQUEL STORY: MARRY ME BEFORE I DIE   CHAPTER 01: HER DECISION

    "Siraulo ba ang lalaking 'yun? Bakit basta-basta nang-aalok ng kasal ang lalaking 'yun?"Hindi makapaniwala si Isabella sa alok na ibinigay sa kaniya ng guwapong lalaking na-encounter niya sa labas ng ospital kanina lang. Akala niya ay nagbibiro ito, pero seryoso itong nakatingin sa kaniya kaya hindi niya naiwasang makaramdam ng pagkailang dito.Naisip pa ni Isabella na baliw ito pero sa porma at tindig nito ay mukha itong respetado na tao. Naglalakad si Isabella pauwi sa apartment niya nang tumila kahit papaano ang ulan, at iyon ang naging way niya upang iwan ang wirdong guwapong lalaking nakita niya sa ospital."Sinong nasa matinong pag-iisip ang mag-aalok ng isang kasal lalo pa at hindi naman namin kilala ang isa't-isa." ani pa ni Isabella nang huminto siya sa kaniyang paglalakad at kunin mula sa bulsa ng pants niya ang calling card na ibinigay sa kaniya ng guwapong lalaki sa ospital.*FLASHBACK*"Marry me before i die and after that, i will make sure your daughter will get a new h

  • SEQUEL STORY: MARRY ME BEFORE I DIE   PROLOGUE: THE OFFER

    "I'm sorry to say this Mr. Vasile but you have a Glioblastoma Multiforme brain tumor, the reason you experience headaches and the blurry of your vision. The tumor was located at your Cerebral Hemispheres, in this area can cause a range of symptoms, including motor weakness, cognitive decline, and changes in behavi--" "--i understand Doc. Emil." putol ni Spade na bumakas ang pag-aalala sa kaniya ng family doctor ng kanilang pamilya. Ang akala ni Spade, ang sunod-sunod na pananakit ng kaniyang ulo, panlalabo ng kaniyang mga mata ay normal lang since naging tutok at abala siya sa kaniyang kumpanya. Yet, napapansin niya sa kaniyang sarili the past few days ang ilan problema sa kaniyang sarili, he's cognitive function are declining, his attention, sometimes his memory and just recent his problem-solving affects his daily routine in his paper works. At kanina lang, his right feel numbed, kaya nagpasya siyang magpa check up sa family doctor nila. "Spade, when did you first felt the pain

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status