Home / Romance / ENSLAVED by his TOUCH (TAGALOG) / CHAPTER 5: ALMOST HEAVEN

Share

CHAPTER 5: ALMOST HEAVEN

Author: ColaPrinsesa
last update publish date: 2022-09-23 22:04:02

Paunti-unti na inilapit ni Michael ang mukha sa kaniya habang yakap pa rin nito nang mahigpit ang kaniyang maliit na baywang.

Tumatama sa kaniyang ilong ang amoy alak nitong hininga. Hibla na lang ang kanilang pagitan nang siya ay matauhan.

Naalala niya ang mga sinabi nito sa kaniya noong nagdaan na araw. Malaki ang pagtutol nito na may mangyari sa kanila kaya tiyak niyang bugso lang ng kalasingan kaya kakaiba ang mga ikinikilos nito.

"S-sandali, Sir Michael!"

Pinilit niyang kalasin ang malalaking braso nito sa kaniyang balakang na animo'y sawa kung makapulupot.

"Ayaw mo ba?" May tono ng pang-aakit sa tinig nito.

Humakbang siya paatras para makagawa ng pagitan sa kanilang dalawa.

"Natatandaan ko pa ang sinabi mo sa akin, Sir Michael. Sinabi mo na babae ako at dapat ay iniingatan ko ang aking sarili. Tama ka naman kaya gagawin ko ang lahat para makaiwas sa ‘yo."

Humakbang naman palapit sa kaniya si Michael. Ang mga mata ay tila naninimbang. Muli siyang humakbang paatras ngunit nagpatuloy ito sa pag-abante hanggang sa napaupo na siya sa kaniyang kama. Wala na siyang maatrasan pa.

"Kaya ba naghahanap ka na ng boyfriend? 'Yan ba ang nag-iingat sa sarili?" pauyam nitong tanong.

Sa tono pa lang ng tinig nito ay batid niyang galit ito. Sinabi niya lang naman iyon para hindi na nito isipin na may gusto pa rin siya rito, para hindi rin magbago ang pagtrato nito sa kaniya.

Itinuon nito ang kaliwang kamay sa kama at ang isa naman ay humaplos pataas sa kaniyang maputi at makinis na hita. Naghatid ng kakaibang pakiramdam ang kiliti at init na nagmumula sa palad nito.

"S-Sir M-Michael." Nanginginig ang kaniyang tinig.

Naglalaban ang kaniyang takot at excitement sa ginagawa ng lalaki. Kagat ang pang-ibabang labing napasinghap na lamang siya nang tuluyan na marating nito ang kinaroroonan ng kaniyang pinakamaselan na parte.

Inilihis ni Michael ang kaniyang suot na panty at saka hinagod ng gitnang daliri nito ang kaniyang naglalawa ng pagkababae.

"U-ugh... S-Sir M-Michael."

Mahigpit na napahawak siya sa malaking braso ng lalaki. Nagsalubong ang kaitiman ng kaniyang mga mata habang patuloy naman sa ginagawa ang kaniyang amo.

Bagama't inosente pa sa mga ganitong gawain sa edad na bente-singko, bihasa na ang kaniyang isip sa araw-araw niyang panonood ng porn. Dahil rin sa mga rated r+18 na mga pinapanood niya, lalong lumaki ang kagustuhan niya na mapalapit at maranasan kung paano makipagtalik sa kaniyang amo.

"M-Michelle... Basang-basa ka na... Horny ka rin pa lang babae ka, ano?" bulong sa kaniyang tainga ni Michael.

Napaliyad siya nang bilisan nito ang paghaplos sa kaniyang gitna gamit ang middle at index finger. Napapaungol siya kapag natatamaan nito ang maliit na laman na nakausli.

"G-ganito pala ang pakiramdam, S-Sir M-Michael. S-sige pa po... B-bilisan mo pa! G-galingan mo pa!"

Pakiramdam niya ay papanawan na siya ng ulirat. Kaunting-kaunti na lang, alam niyang may lalabas na mula roon.

"U-ugh! S-sige pa, S-Sir Michael!"

Nagtatagis ang kaniyang mga ngipin. Kaputian na lang ang kita sa kaniyang mga mata dahil sa labis na ligaya na kaniyang nararamdaman ngunit naudlot ang ligayang iyon nang biglang huminto si Michael at bigla na lang napasubsob sa kaniyang dibdib.

"S-Sir Michael?" tawag niya sa lalaki. Hindi ito kumibo kaya sinilip niya ang mukha nito.

Nakapikit at bahagyang nakanganga ang mapula nitong labi. Nakatulog sa kalagitnaan ng kasarapan.

"Sir Michael! Nakakainis ka naman eh! Ang sakit tuloy ng puson ko!"

Sa inis niya ay itinulak niya ang lalaki. Bumagsak ito sa sahig at tinadyakan pa niya ng ilang beses dahil sa sobrang inis.

Kinabukasan, nagising si Michael na nakahigang namamaluktot sa sahig ng kuwarto ni Michelle. Pupungas-pungas siyang bumangon habang inililibot ang mga mata sa kabuuan ng kuwarto.

"Bakit nandito ako?" Wala siyang maalala sa mga nangyari kagabi. Ang huling alaala niya ay nasa bar siya ni Erwin. After that, wala na. Blangko na ang lahat.

Napatingin siya sa banyo, sa kuwarto ng kaniyang maid. Bumukas iyon at inuluwa ang nakatapis lang na si Michelle.

Dinaanan lang siya nito na parang hindi nakikita kasunod ang pagkahulog ng tuwalyang nagsisilbing tabing sa katawan nito sa sahig.

Kusang umawang ang mga labi ni Michael nang bumalandra sa kaniyang harapan ang hubo't hubad nitong perpektong katawan. Nakatalikod ito sa kaniya kaya naman sa matambok na pang-upo nito siya napatitig.

"M-Michelle… A-aware ka naman na narito ako, right?" he asked sabay baling ng kaniyang tingin sa ibang direksyon. Ayaw niyang magkasala.

"Opo, Sir Michael," walang emosyon nitong tugon na hindi karaniwan sa kaniyang pandinig.

Madalas ay malambing ang pagsagot nito sa kaniya. Napaisip tuloy siya kung may nagawa siya kagabi na naging dahilan ng pagsama ng loob nito.

Kampante na nagbihis si Michelle kahit naroon si Michael. Nang maisuot ang sexy na maid's uniform ay humarap na siya sa kaniyang boss.

"May gusto po ba kayong almusal?" Maging ang mga mata nito ay wala ring emosyon.

"K-kahit ano na lang ang iluto mo. Kumakain naman ako kahit ano," aniya.

"Sana pala kinain mo kagabi para nailabas ko," bulong ni Michelle.

"M-may sinabi ka ba?"

"Wala po, Sir Michael. Ang sabi ko lang sa susunod po huwag kayong mambibitin este maglalasing dahil hindi niyo po alam ang mga ginagawa niyo. Diyan pa kayo natulog sa sahig, hindi ko naman kayo kaya na buhatin. Paano kung magkasakit kayo? Konsensiya ko pa."

Ngayon ay kumpirmado na nga niyang galit si Michelle kaya naman tumayo siya at tiningnan nang seryoso ang babae.

"Alam ko naman na aalagaan mo ako if ever na mangyari 'yon, right?"

Bahagyang bumuka ang mapulang labi nito ngunit walang salita na lumabas. Tila naumid ang dila sa kaniyang tanong.

"Anyway, whatever happened last night… Just forget whatever it is, okay? I am just drunk and I can't remember anything. And take note, huwag kang magbibihis sa harapan ko kahit na nasa sariling mong silid! Do you understand?!" Binigyan diin ni Michael ang kaniyang tinig para hindi na nito ulitin pa ang ginawa kanina. Baka hindi mapigilan ang sarili'y magahasa niya ang babae.

"O-opo, Sir Michael," mahinang tugon naman ni Michelle.

"Good."

Nilagpasan na niya ang maid at saka dumiretso sa kaniyang silid. Nang maisara ang pintuan, awtomatiko na napahawak siya sa kaniyang pagkalalaki.

"Lintik ka Michelle 'yon! Kaaga-aga ginagalit ang junior ko," nahihirapan niyang sambit bago dali-dali na ibinaba ang zipper ng kaniyang pantalon.

Mula sa butas ng dingding sa silid ni Michael, nakasilip si Michelle sa ginagawa ng lalaki.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ENSLAVED by his TOUCH (TAGALOG)   CHAPTER 29 🛑🛑🛑🛑🛑

    DINALUHAN siya ni Fuego. Hinawakan nito ang isang braso niya para alalayan na makatayo. Ramdam pa rin niya ang hapdi sa kaniyang pisngi, pakiramdam niya’y nangangapal iyon.“Are you alright?” alalang tanong ni Fuego. Napailing naman siya dahil totoong hindi siya okay, masakit ang sampal ni Julio.Isang matalim na tingin ang ibinato ni Fuego sa matandang lalaki, kuyom nito ang mga kamao. Tinitikis lamang nito ang sarili na huwag patulan ang kaharap.“Siguradong pagbabayaran mo ang ginawa mong ito, Mr. Zaltua,” ani Fuego.Sarkastikong tumawa lamang naman si Julio. Lumakad ito ng ilang hakbang papalapit, tumigil ito nang isang hakbang na lang ang layo sa kanila. Isang malakas na tapik sa balikat ang iginawad nito kay Fuego. “Kakampihan mo ba talaga ang malanding babae na ’yan, Fuego? Matagal mo na akong kilala! Batid mo na ang kasintahan ng amo mo ay ang anak ko. Kasal na sana sila kung hindi dahil sa babaeng ito!” Idinuro nito ang mukha ni Michelle.Ngunit, napangiwi ito nang may bigla

  • ENSLAVED by his TOUCH (TAGALOG)   CHAPTER 28

    LUMAMBITIN sa leeg ni Michael si Michelle. Pinugpog nito ng mga halik na may kasamang kagat ang leeg ng lalaki na nag-iiwan ng mga pulang marka roon.“Shit!” anas niya nang unti-unting mabuhay ang nakatagong sandata sa ilalim ng pantalon. Dinama niya ang noo at leeg ni Michelle.“Sobrang init mo! May lagnat ka ba?” aniya na pilit pa rin pinaglalabanan ang tawag ng kamunduhan. Mabilis itong umiling. “I– just want you to touch me!” Mahihimigan ang tinig nito ng pakiusap. Muli na naman siyang napamura sa isip nang dalahin nito ang kaniyang kamay sa dibdib nito, habang ang mapupungay na mga mata ay sa mga labi niya nakatutok.“K-kiss me, Michael . . .”Nagtaas-baba ang adams apple niya habang pinagmamasdan ang buong mukha ng kasintahan. Butil-butil ang pawis nito sa noo, habang ang mga mata ay tila inaakit siya. Lalo pang nanuyo ang kaniyang lalamunan nang ilabas nito ang dila at pinalandas iyon sa pang-itaas na labi na para bang takam na takam sa kaniya.Hindi siya kumilos, nakikiramda

  • ENSLAVED by his TOUCH (TAGALOG)   CHAPTER 27

    ISANG lalaking sakay ng motorsiklo ang pumarada sa tapat ni Gemma. Kasalukuyan itong nasa liblib na lugar, nag-aabang sa pagdating ng hinihintay niyang bagay.“Boss, ito na ang white lotus na order mo. Twenty-thousand pesos,” sabi ng rider sabay abot sa kaniya ng isang maliit na pakete na naglalaman ng kulay puting tila pulbura.Nakangising kinuha niya iyon sabay abot ng isang bungkos na pera sa lalaki. “Walang ibang makakaalam ng tungkol dito, naiintindihan mo ba ako?” ani Gemma sa lalaki.Nakangising inamoy-amoy nito ang pera at inihampas-hampas pa iyon sa sarili nitong palad. “Makakaasa ka, boss. Sabihan mo lang ako kapag kailangan mo ulit.” Pinaharurot nito ang motorsiklo pagkatapos.Hindi mapuknat ang ngiti sa mga labi ni Gemma. Nang araw rin na iyon ay tumungo si Gemma sa kompanya ni Michael, ngunit hindi para sa lalaki kundi para kay Raymond.“Ano ang kailangan mo?” kunot ang noong tanong ni Raymond nang magkita sila sa isang restaurant malapit sa building ni Michael. Tinawaga

  • ENSLAVED by his TOUCH (TAGALOG)   CHAPTER 26

    NANG magsawa si Michael sa ginagawa, gumapang ito pataas para pantayan siya. “Ipapasok ko na,” paos ang boses na bulong nito.Kahit maraming beses na nilang nagawa iyon, hindi pa rin maiwasan ni Michelle pamulahan ng pisngi. Sino bang hindi? Bukod sa sobrang guwapo ng kaniyang nobyo ay mahal na mahal siya nito. And she felt nothing but complete overwhelm, every sense consumed by the moment.Michelle felt his hard manhood grazing against her wet womanhood. She could not do anything but bite her lower lip and moan until he entered. Kahit masakit ang kaniyang brasong napilayan ay balewala, natatabunan iyon ng ligayang hatid ni Michael.“Ahh!”“Shit!”Both of them gasped as he pushed deeper, and then he began to move. Mabilis na mabilis; malalim. Hanggang sa marating nila ang rurok.Hinihingal na pabagsak na nahiga si Michael sa tabi niya, sabay ang pagdampi ng mga labi nito sa kaniyang pisngi. “I love you, Mich. Can't wait to marry you,” bulong nito sa kaniyang punong tainga.Hindi niy

  • ENSLAVED by his TOUCH (TAGALOG)   CHAPTER 25

    AKALA ni Michael ay saglit lamang doon si Raymond, ngunit tumagal ito ng ilang oras na para bang gusto na nito roon na tumira. Kasalukuyan na nakaupo ang bisita sa tabi ng kama ni Michelle, masayang nagkukuwento ng tungkol sa kung ano-ano. Pinagbabalat pa nito ng prutas ang babae.“Naalala mo ba noong una tayong magkita? Tinanong kita kung nasaan si Maricar, ngunit sa halip na sagutin mo ako ay tumakbo ka. Bakit? Natakot ka ba sa akin?” Tumingala si Michelle na parang inaalala kung kailan nangyari iyon, maya-maya’y biglang nagliwanag ang mukha nito. “Iyon ba? Hindi ako natakot, hindi ko lang naintindihan ang tanong mo dahil English speaking ka. Eh, mahina ako sa English kaya napatakbo ako. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko.” Sabay na nagtawanan ang mga ito.Kung nakamamatay lang ang masamang tingin ay baka kanina pa bumulagta si Raymond. Kuyom ang kaniyang mga kamao habang tahimik na nakikinig sa pinag-uusapan ng mga ito. Kunwari na lamang ay abala siya sa kaniyang laptop.Nag-deci

  • ENSLAVED by his TOUCH (TAGALOG)   CHAPTER 24

    DUMERETSO siya sa kanilang tahanan kung nasaan ang kaniyang kapatid. Nang makapasok siya sa bahay, kasalukuyan nitong kasama ang babaeng tumulak kay Michelle sa hagdanan, si Gemma.Nadatnan niya ang mga ito na masayang nag-uusap sa sala habang kumakain. Ang lakas pa ng hagikhik ng mga ito, tila ba balewala lamang kay Gemma ang ginawa nito kay Michelle na muntikan ng ikapahamak ng kaniyang kasintahan.“And do you still have the guts to have fun here after what you did to my girlfriend!” galit niyang bungad sa mga ito. Tila kulog na bumagasak ang kaniyang boses sa buong kabahayan. Salamat na lang dahil wala roon ang mag-asawang Esperanza.Napatayo ang dalawang babae sa kani-kanilang upuan dahil sa gulat. Kunot ang noo ni Maricar na nakatingin sa kaniya, si Gemma naman ay tila inosenteng nakatitig din sa kaniya. Kung pagmamasdan ay hindi aakalain na may taglay itong kasamaan. Maamo ang mukha nito na parang hindi makabasag ng pinggan. Totoo nga ang sabi ng ilan, don't judge the book by it

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status