Axel's POVHINATID ko lang ako sa asawa ko ng tingin habang papalabas sila ng office kasama ang secretary ko. Pero isang panauhin ang hindi ko inaasahan na papasok.Ang anak o long lost son ng traydor kong tiyuhin. Why? Dahil ganid siya sa pera, lahat gagawin para lang sa pera, kahit pa ikasama ng pamilyang pinagkakautangan iya ng loob at nagbigay sa kanya ng magandang buhay.At ito namang anak nito na anak sa labas, ay hindi maipaikakailang nananalaytay ang traydor na dugo mula sa ama nito. Siya si Harold Lim. Papalapit ito sa executive table ko at feeling close na umupo ito sa visitor's chair sa harap ko at naka de kwatro."What do you want?" Cold kong sabi habang, ipinagpapatuloy ko ang pagbabasa ng mga papeles na pipirmahan ko."Ang ganda pala ng asawa mo," bagkos ay sagot nito.Napatigil ako sa narinig ko, hindi ko alam kung bakit pero biglang umakyat ang dugo ko sa ulo. Kumuyom ang mga palad ko."Don't you ever touch my wife, Harold! Or else you will pay 10 folds." Banta ko sa k
Nang dahil sa nangyari mas lalong humigpit ang security sa mansion. Nagtawag na rin si Axel ng mga high skilled body guards para mapanatili ang kaligtasan namin. Bawat sulok ng villa ay may nakabantay, mga de armas ang mga gwardiya. Bantay sarado bawat tarangkahan, walang natutulog.Hindi ko akalain na mangyayari ang ganitong pangyayari. Halos hindi ako makatulog matapos ang insidenting iyon. Who would've thought naman 'di ba na pwede pala naming ikapahamak ang pagiging mayaman.Naisipan kong tumawag sa bahay para kamustahin ang magulang ko, para naman akong nabunutan ng tinik ng sabihin ng katulong sa hindi pa nakakauwi sina mommy. Ibig sabihin malayo sila sa panganip, I hope so. Grabeng bakasyon naman ng lovers na iyon. Uuwi lang raw ang mga ito pag kailangang kailangan si dad sa office. Tumatawag naman daw ito at kinukumusta ang bahay. Nakasimangot pa ako ng hindi ko man lang narinig na kinukumusta ako ng magulang ko. Grabe naman talagang tiniis nila ako, nakaka disappointed. Nai
Third Person POVGusto pa sanang umiyak ni Erica pero dahil sa sakit na nararamdaman ay wala ng luha ang lumabas pa, tuyo na ang namumugtong mata ng lumabas sa building na iyon.Lulan na siya ng kotse sa mga sandaling iyon. Nakatoon lang ang mga namumugtong mata sa labas ng bintana ng sasakyan. Minsan pa ng tanungin siya ni Jessie, pero ngiti lang ang isinasagot niya. Ngiting hindi niya alam kung gumuhit ba sa labi niya. Kahit naman masakit ang ginawa ni Axel ayaw pa rin naman nitong masira ito kaya itatago niya pa rin ang nangyari. Gano'n niya ito ka mahal, hindi mali gano'n siya hibang at tanga dahil nagawa pa rin niyang protektahan ito.Nakaramdam ng pag baliktad ng sikmura si Erica. Actually, kaninang umaga pa niya iyon naramdaman pero pinipigilan niya lang."Jessie, ihinto mo muna ang sasakyan..." aniya ng marahil hindi na mapigilan ang pagkasuka.Agad namang tumalima ang driver nito, paghinto ng sasakyan ay mabilis pa sa alas kwatro itong lumabas nang sasakyan. Buti na lang at
*Erica POV*Napatayo ako, sinasabi ko na nga ba."Yes honey, it's me," anito na dahan dahang lumapit sa akin. Naasiwa ako sa mga ngisi nitong nakakaluko."Hayop ka Harold!" sigaw ko."Oh. Relax, I won't hurt, not now." Habang palapit ito ng palapit ay paatras naman ako ng paatras hanggang sa wala na akong maatrasan dahil isang malamig na wall na ang lumapat sa likod ko. Ikinulong niya ako sa kanyang dalawang braso na inilapat sa wall. "You're still beautiful, Erica," anito, habang titig na titig sa mga mata ko. A monster! Nagulat ako ng bigla na lang nitong inamoy ang leeg ko. Kaya naitulak ko siya saka sinampal. Napahawak siya sa kanyang baba, animo na disaline iyon dahil inayos ayos niya pa iyon. Saka humalakhak na parang demonyo, nakatingala pa ito. Maya maya ay nag iba ang expression ng mukha nito ng ibalik sa akin, nanlilisik ang mga mata.Nakakatakot ang mga titig niya, para itong sinapian ng masamang espirito. Ikinagulat ko ang susunod niyang ginawa, hinawakan ng malaki
Erica's POV Isang linggo ulit ang lumipas wala pa ring nagligtas sa akin. Naiiyak ako sa tuwing naiisip ko na nandito pq rin ako. Wala man lang bang nakapag report na nawawala ako, do my parent know about what happen? Ang saklap naman nito parang wala namang nagmamahal sa akin eh. Kinapa ko ang tiyan ko ramdam ko ang maliit na umbok sa puson ko, saka bumuntong hininga. Hindi ako makapag-isip ng maayos kong paano ako tatakas. Sino bang makakatakas dito sa lugar na 'to? Araw araw nanghihina ang katawan ko, dahil sa kakasuka. Kawawa naman ang anak ko wala man lang siyang vitamins sa nakukuha sa akin. Napahagulhul pa ako, ng walang makapang pag-asa. Napatigil ako ng biglang nag unlock ang pinto. Gaya ng karaniwan kong ginagawa ay hinihintay ko ang taong luluwa roon. Napatayo ako ng si Harold ang naroon. Nasa likuran nito si David at ang dalawang lalaking hindi ko kilala. Lumapit si Harold sa akin, bumalik ako pagkakaupi at nanatili lang sa posisyon kong naka upo sa kama habang hin
Erica's POV "Men, alam niyo na ang gagawin," anang Harold matapos makuha ang attache case na kaninay bit bit ni Axel.Napapaligiran kami ng mga armadong kalalakihan na tauhan ni Harold, nakatutuk ang mga armalite nila sa amin. Naramdaman ko na lang ang mahigpit na yakap ni Axel. Kaya napa siksik na lang rin ako sa malapad na dibdib nito at mahigpit ko rin siyang yakap. "I love you Erica. Mahal na mahal." Narinig kong bulong ng asawa ko. Napaiyak ako sa narinig ko, hindi ko alam kung guni guni ko lang iyon. Pero kung mamatay man ako ngayong araw na'to, masaya akong mamamatay, dahil sa narinig ko. Sunod sunod na putok ang narinig ko, napapikit ako, at pigil ang hininga ko. Katapusan na namin. "Tumakas na kayo sir Axel!" Sigaw ni David. Gulat kami pareho ni Axel ng maghiwalay dahil buhay pa kami at walang tama ng bala. Nakita ko pa ang ilang mga tauhan ni Harold na nakahandusay sa lupa. At may ilang mga naka unipormeng mga sundalo nakikipagbarilan sa mga armadong tauhan ni Harold.
Isang putok ng baril, ang umalingawngaw sa abandonadong building na pinaglagyan sa akin ni Harold. Napasigaw ako sa putok ng baril, nakita ko si Harold na nakatutok ang baril sa gilid ko. Nag aapoy ang mga mata nito sa galit, at nakangising parang demonyo ang mga labi nito. Hindi ko mapigilan ang panginginig, isang putok pa ang ginawa nito, napapikit pa ako. Hanggang sa maramdaman ko ang isang katawan ng tao na bumagsak sa gilid ko. Nakadapa na ito at naliligo ng sariling dugo. Sunod sunod ang paghinga ko sa nasaksihan ko. Napaatras ako, pero natigil ako ng makilala ang nakadapang lalaki. "Erica!" Isang boses ang umalingawngaw sa loob ng building. Binalik ko ang tingin ko sa kinaroroonan ni Harold pero wala na iyon doon. Muli kong binalik ang tingin ko sa lalaking nakahandusay sa harap ko. Hindi na iyon nakadapa dahil at this time nakatihaya na ito at mulat ang mga mata, at may tama ng bala ang noo ito. Ang mukha nito ay puno ng dugo. Lumakas pa lalo ang kalabog ng puso ko. No! No
Axel's POV Abala ako sa pagrereview ng mga papeles na nakatambak sa mesa ko. Isang linggo ko na rin itong hindi nagagalaw at ngayon lang ito magagalaw dahil ngayon ang deadline. Kaya tudo tutok ako sa mga papeles isa isa. Hindi naman pwedeng permahan ko ng hindi ko nababasa, kung pwede lang sana, dahil sabik na rin akong makita ang asawa ko at naiwan ko pa naman siyang wala pang malay kanina. Baka mas lalong magtampo iyon sa akin. Napatigil ako sa ginagawa ko, hindi ko mapigilan ang mapangiti. Hindi ko alam pero masaya ako kahit na sinusungitan niya ako.Kailangan kong bilisan ito dahil, aaminin ko na sa kanya ang lahat. Kung gaano ko siya ka mahal. Ang corny ko pero totoo naman kasi, mas lalo ko siyang gustong makita araw-araw. Kung pwede lang oras oras nasa tabi niya lang ako, kaso ang sungit. Sabi ni Mommy Yza, gano'n daw talaga kapag buntis, baka nga raw maging kamukha ko ang mga anak ko dahil pinaglilihian ako ng asawa ko.Napapailing na lang ako sa isiping iyon, I can't believ