Two years later… "AHHHH!" nagulat ako sa isang tili na umalingaw-ngaw sa loob ng bahay nila Edward. Kakapasok ko pa lang sa bakuran nila. Balak ko kasi silang dalawin at para ibigay na rin pasalubong namin galing paris. Tili iyon ni Edward, ah. "Mommy, si Daddy Ed iyon. Ano kayang nangyari?" tanong ng anak kong si Xelarie. Manilis na kaming pumasok sa loob ng bahay upang usisain ang nangyayari. "Ate," gulat na sambit ni Edward ng makita ako. Pawis na pawis siya at namumutla. "A-anong nangyari, Ed?" "Edward!" sigaw ni Cathy. "Ed?" "M-Manganganak na si Cathy," aniya sa malambot na boses saka kinagat pa ang kuko. Mukhang tensyunado siya. "Oh, tapos? Bakit mo iniwan?" "K-kasi…" Narinig na naman namin ang sigaw ni Cathy. "Doc Edward, pumutok na po ang panubigan ni Cathy. Baka bata na po ang susunod no'n," imporma ni Nurse Jean. Hindi ko alam kung bakit nandito siya. "Ano pa bang ginagawa niyo? Dalhin niyo na sa ospital!" bulyaw ko sa katangahan nila. Mangangana
"S-SIGURADO KA BA?" tanong ko sa kaniya nang pareho na kaming nasa kuwarto at wala ni isang saplot sa katawan. Napapikit ako nang ilapat niya ang kaniyang mainit na palad sa balikat ko pababa sa braso ko. He even kissed my shoulder na nagbigay sa akin ng kakaibang sensasyon. Mga boltaheng nabubuhay sa kaugatan ko sa bawat halik at haplos niya. Napalunok ako dahil pakiramdam ko hindi ako humihinga. Tila isang tensyon para sa akon ang kaganapang ito. "Yes, I am dead sure," aniya sa paos na boses. Bigla tuloy nagsitayuan ang mga balahibo ko. "P-pero baka…" naputol ko ang sasabihin ko dahil tila kinapos na naman ako sa hininga ng dumako ang malambot niyang labi sa leeg ko. Hindi ko mapigilan ang mapaungol. Napalunok ako para ituloy ang sasabihin ko. "Mabuntis ulit ako." Nakaramdam ako ng pagsisisi dahil sa sinabi ko nang tinigil niya ang ginagawa niya. Minulat ko ang mga mata ko at nagsalubong ang mga mata naming kapwa nag-aapoy dahil sa paghahangad sa makamundong pagnanasa
BUTI at naawat ko si Edward, pati na rin sarili ko. Kaya hindi natuloy ang init na namamagitan sa amin na muntik na ring maghatid sa amin sa pagkalimot. Naghanda na rin ako ng pananghalian dahil dito raw siya kakain. May dala rin siyang ulam kaya lang naiwan sa kotse niya. Na-excite daw siya masyado na makita ako kaya bulaklak lang ang bitbit niya.Napangiti ako, ngiting may kilig at galak. Kailan ko kaya matatanggap na totoo lahat ng ito. Para kasing panaginip lang, mahal ako ng taong mahal ko. Hindi lahat biniyayaan ng ganito, hindi lahat ng bakla papatol sa isang katulad ko. Tanggapin ko na kaya ngayon? Okay fine totoo 'to, this is the reality. I chuckled dahil sa mga naiisip ko. Tsk. Naiiling na rin ako sa kabaliwan ko."Mukhang masaya ka."Napapitlag ako dahil may baretonong boses na bigla na lang nagsalita sa likod ko. Agad naman akong lumingon."Nanggugulat ka, Edward," paninitang sabi ko saka pinanlakihan siya ng mata habang himas-himas ko ang dibdib ko.He smiled an
NAKALABAS na ako ng hospital isang linggo na ang lumipas. Masaya ako dahil unti-unti nang bumubuti ang pakiramdam ko. Araw-araw din akong dumadalaw sa mga anak ko. Napaisip akong umupa ng bahay noong lumabas ako para sa matutuluyan ko. Hindi pa kasi ako handang sumama kay Edward. Not because galit ako sa kaniya o may tampo ako. Nahihiya lang ako sa kaniya. Noong sunduin nga niya ako sa hospital ay sa bahay pa sana niya ako itutuloy pero pinigilan ko siya. Pinilit niya akong tumira sa bahay niya pero hindi ako pumayag kasi nga 'di ba nahihiya pa ako. Hindi pa masyado gano'n kalakas ang loob ko. Kalaunan naman ay pumayag na rin siya na bumukod na muna ako, tinulungan nga niya akong maghanap ng apartment. Pero hindi niya gusto ang mga apartment na napupuntahan namin. Hanggang sa nagdesisyon siyang dito na lang ako sa condo niya. S'yempre hindi ako pumayag noong una dahil mas nakakahiya pero pinipilit niya ako. "Dito ka sa condo ko o doon ka sa mga unsafety apartments pero sasamah
PAGPASOK ko sa silid ni Cathy ay naabutan ko siyang tulog. Minsan lang ako nagpapakita sa kaniya dahil baka sumama ang loob niya kapag makita ako. Napangiti ako nang paglapit ko ay napansin ko na konti na lang ang mga prutas. Ibig sabihin kumakain na siya ng maayos. Napangiti ako. This is a signed of her progress sana magtuloy-tuloy na ito. Nakita ko na yakap-yakap niya ang ipad. Hindi niya raw ito binibitawan sabi ng mga nurse na tumitingin sa kaniya kaya hinayaan ko munang gamitin niya. Pero na-curios ako kung ano ang mga ginagawa niya sa ipad kasi sabi rin nila Nanay no'ng minsang dumalaw sila ay may kinakalikot daw si Cathy sa Ipad. Sinubukan kong abutin ang kamay niya at dahan-dahang itinaas upang makuha ko ang aparato sa dibdib niya. Succes naman dahil nakuha ko nga na hindi siya nagigising. Pag-open ko pa lang sa screen ng ipad ay nakarehistro na sa screen saver ang naka-collage na larawan ng kuwadro. Napangiti ako nang makita ko ang mga pangalan na nakatapat sa larawa
NAKATULALA lang ako sa kawalan habang nakahiga sa hospital bed na naka-recline. Iniisip ko kung ayos lang ba ang mga anak ko. Kung bakit nangyayari ang lahat ng pahirap na ito sa buhay ko. Pati mga anak ko na inosente nadamay. Pinahid ko ang luhang kumuwala mula sa mga mata ko. Gusto kong magalit sa mundo. Hindi ko naiintindihan ang sarili ko. Galit ako sa sarili ko dahil pabaya akong ina. Wala akong kwenta, ang hirap mabuhay. Minsan nagsisisi ako kung bakit pa ako nabuhay. "Anak Cathy, kumain ka muna. Hindi ka pa kumakain eh. Kailangan mong magpalakas." Napalingon ako sa nagsalita saka bumaba ang tingin ko sa hawak niyang binalatang mansanas. Nag-iwas ako ng tingin. Wala akong ganang kumain, pakiramdam ko wala na akong sikmura. Hindi ako makaramdam ng gutom. "Busog po ako, Nanay Celia," sabi ko na lang out of respect. "Pero wala ka pang kinakain simula nang magising ka kahapon," anito. Bumuntonghininga ako saka umiling. Hindi naman niya ako pinilit. Napatingin ako sa