Share

Chapter 42

Nakatingin lang ako sa lawak ng dagat na animo walang hanggan. Hinihintay ang pagsabog ng bukang liwayway.

Napabuga ako ng hangin, naalala ko ang mga nangyari kagabi. Ang ligayang pinagsaluhan namin ni Axel. Ang mapupusok niyang halik, ang mga haplos nito sa bawat sulok ng katawan ko. Ang pagpapaubaya ko sa taong hindi ko alam kung kilala ko ba talaga.

Umaga na ng magising ako. Tulog siya ng iwan ko, sinadya kong 'wag siyang gisingin dahil wala akong mukhang maihaharap sa kanya. Nakalapag rin sa table ni Cathy ang resignation letter ko. Maghahanap na lang ako ng ibang trabaho, ayaw kong harapin si Axel. Hindi ko yata kaya.

Nang tuluyan ng sumabog ang bukang liwayway ay tinalikuran ko na ang dagat saka naglakad na pauwi. Mag-iisip pa ako ng alibi dahil sigurado akong tatadtarin ako ng tanong ng mga naiwan sa bahay kung bakit inumaga ako.

At hindi nga ako nagkamali.

"Erica, inumaga ka yata?" Tanong ni Tatay Arman.

Nakatayo ito sa may pintuan habang may bitbit na isang tasa ng kape.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status