Share

CHAPTER 4.

CHAPTER 4 :

Shantal POV :

"Tay kanino po yan ginagawa niyong kubo?" tanong ko kay tatay kasi may ginagawa silang kubo kasama si tito lance asawa ni tita luisa.

"Ito ba shasha para ito parating na isang taohan dito hacienda nakiusap sa akin sila donya celeste ipagawa daw namin ng tatay mo at iba pa na pag tulungan itong pag gawa ng kubo para mabilis matapos at para may matirahan daw pag dating niya dito, taga manila daw yun at kaylangan pang turuan sa mga dapat gawin dito sa hacienda kasi alam mo na basta taga manila walang alam sa mga gawain dito sa probinsya pero hindi naman lahat may iilan din may alam sa pamumuhay dito" mahabang saad ni tito lance na ikinatango-tango ko nalang.

"Ganun po ba bakit dito pa mag trabaho eh mas maganda naman sa manila sabi ng mga kaibigan ko marami daw mga malalaking building doon gusto ko nga po pumunta doon pagkagraduate ko ng master degree ko para doon makapag trabaho sa mga malalaking kompanya at taga design ng mga bahay o mga building na gustong ipatayo ng mga mayayamang nesgosiyante" nakangiti kong wika kay tito kaya napangiti din itong nakatingin sakin.

"Alam mo shasha hindi lahat ng nakatira o pumupunta sa manila pinapalad makapag trabaho sa maayos na kompanya yung iba isang kahig isang tuka lang may iba naman halos hindi makakain mas maswerte pa nga tayo dito probinsiya puro sariwa ang kinakain natin dito at makakain ng tatlong beses sa isang araw may meriyenda pang sariwang kamoteng kahoy saging kamote at kung ano-ano pa na pwede nating kainin" mahabang sabi ulit ni tito na sinangayunan ko tama naman kasi ito pero gusto ko talaga makapunta sa manila balang araw.

"Tama ang tito lance mo anak kaya kontento na tayo sa anong meron tayo dito, pero alam kong pangarap mo narin makatungtong sa manila kaya dito lang kami para suportahan ka" saad naman ni tatay na ikinatuwa ng kalooban ko.

"Salamat tay basta i will do my best to be a successful architect someday" pumalakpak ko pang wika.

"Oo na wag mo kaming inglisin ng tito mo my nose my head is mag dugo-dugo na" natatawang sagot ni tatatay kaya natawa nalang din kami ni tito.

"Tito ano po pala ang pangalan ng may ari nitong ginagawa niyong bahay?" tanong ko ulit kay tito.

"Hindi sinabi ni donya celeste basta ang sinabi lang, isang malaking parusa daw ito sa binata dahil sa suwail itong anak at ubod ng babaero at tamad pa mag trabaho umaasa lang daw sa kayamanan ng mga magulang" sagot ni tito.

"So ibig sabihin ba nun tito mayaman pero masama ang ugali ng titira dito saka anong babaero tito?" muli kong tanong.

"Siguro mayaman at masama nga siyang anak kaya tinapon dito kasi ayon pa sa kuwento ni donya wala daw galang ang batang lalaking yon kaya tinapon ng mga magulang dito probinsiya para matoto, at wag mo munang alamin ang kung anong babaero shantal basta sinasabi ko sayo iwasan mo ang lalaking yun pag dumating na dito sa sunod na linggo daw darating yun dito, mahirap na ang ganda mo panaman bata baka masira ang kinabusan mo kung sakali" makahulugang wika ni tito na ikinakonot ng noo ko.

"Nako anak tama na yan kakatanong mo kay tito mo ginawa mo siyang dakilang maritos" sabat ni tatay.

"Anong maritos tay marites yon" biglang sabat ng tiyanak mula sa likod ni tatay este si sam pala ang dakilang batang marites.

"Pag lalaki maritos pag babae mari--- ay tiyanak ka nandito ka nanaman para makipag marites" gulat na sigaw ni tatay napalingon kay sam na mabilis napalapit kay tito.

"Ay malamang tay kasi may paa ako na kusang nag lalakad tahakin ang dapat puntahan kaya dito ako napadpad kung saan kayo" pakindat-kindat pang sabi ni sam kay tatay.

"Pambira kang bata akala mo ba nakalimutan ko na may kasalanan kapa ha" singhal ni tatay kay sam.

"Hehehe peace na po Tayo tay saka nauna lang ako kila nanay mag hatid ng meryenda sa inyo kaya wag na po kayo magalit tay may dala akong biko na favourite mo po" pag uuto ni sam sa ama nila na pinakita pa ang dala nitong bilao na biko tama lang ang laki, natawa nalang ako sa kalokohan ng bunso kong kapatid.

"Kaylan ko pa naging favourite yan aber baka magka-diabetes pa ako niyan"

"Si tatay talaga diabetes agad hindi ba pwede rayuma muna" sambit ulit ni sam kaya natawa si tito lance sa kakulitan nito.

"Ikaw talaga sam ang kulit at daldal mo talagang bata kaya tuwang-tuwa ako sayo" saad ni tito dito na ikinalawak ng pag ngiti ni sam.

"Ay buti pa po kayo tito natutuwa sa akin si tatay kasi laging naiinis sa akin pasaway daw akong bata pero alam ko lablab ako ni tatay kasi ako ang bunso" nakangusong ani ni sam.

"Aba'y bakit hindi anak kita kaya wala na akong choice pa" muling sambit ni tatay kaya napapailing nalang ako sa bangayan nila.

"Sam puro ka daldal pinag titripan mo nanaman yan ama mo, tama na yan " awat ni nanay kay sam na kararating lang kasama ang dalawa ko pang kapatid.

"At ikaw naman shasha anong ginagawa mo dito? pag katapos mong mag hugas ng plato kanina sa bahay nawala kang parang bola dito kalang pala nag punta" baling ni nanay sa akin.

"Wala naman na po akong gagawin sa bahay nay kaya sumunod ako kay tatay dito nag tataka kasi ako kung kanino itong gawin nilang kubo saka dito pa sa mediyo malayo sa mga tao, walang kuryente o gripo gaya sa bahay natin tanging yung poso lang ang malapit dito pag kunan ng tubig" aniya ko kay nanay.

"Siguro nga totoong suwail na anak ang batang yun kaya dito pinalagay para matoto pero wala tayong karapatan manghusga sa kapuwa natin" saad ni nanay.

"Yes nanay dont judge the books by its cover" sabat muli ni sam.

"Oo na, Sabat ka ng sabat bata ka" ani ni nanay sa madaldal na sa bunsong anak na ubod ng kulit.

"Siya mag meryenda na kayo sandro tawagin mo na yung iba para makapag meriyenda na rin sila" utos ni nanay kay sandro na agad naman nitong sinunod.

Makalipas ang ilang araw natapos din agad ang kubo na ginagawa nila tatay kasi nag bayanihan sila para matapos daw agad mediyo may kalakihan din ito at maganda ang pagka gawa kahit yari lang sa kahoy kawayan ang sahig kogon ang atip may balkonahe at kusina na rin kahit isang pamiliya kasya dito, at ito nga tinutulongan ko si tita luisa sa pag ayos ng mga gamit dito.

"Shasha ilapag mo itong banig sa katri pati yan unan at kumot" utos ni tita sakin na agad ko naman ginawa.

"Tita kakilala po ba nila donya celeste yung bagong parating na taohan kuno dito?" tanong ko kay tita habang inaayos ko ang punda ng unan.

"Siguro anak ng malapit nilang mga kaibig ang batang yon napaka suwail daw kasing bata at napakababaero pa kaya siguro hindi natiis ng mga magulang ang ugali pinatapon dito kaya mahirap din lumaki sa luho ang isang tao lalo na kung mayaman ang angkan lahat ng gusto makukuha pero pag sumusubra na maging masama na kahit respeto nawawala na rin" mahabang saad ni tita.

"Hmmm kayanga po tita" sang ayon ko nalang sa sinabi ni tita.

"O siya tapos kanaba diyan ilagay na natin yung mga gamit sa kusina pati yung kunting groceries na pinabili ni donya"

"Opo tita tapos na po" sagot ko.

Nang matapos kami ni tita umuwi na rin kami agad binigiyan pa ako ng pera ni tita galing daw kay donya celeste kahit ayaw kong tanggapin pinasok ni tita sa bulsa ko ako kasi ang nag linis sa boong kubo pati sa labas tinaniman ko narin ng mga bulaklak para kahit papano maaliwalas ang kapaligiran parang nakakalungkot titira doon walang kuryente tapos malayo pa sa kapit bahay at kami lang ang laging nagagawi doon banda mediyo malapit kasi dito sa bahay namin.

Ace POV.

Samantala alburoto si ace ng tignan ang mga damit na dalahin sa probinsya pano ba naman kasi puro pang farm at iilan piraso na pambahay at panlakad lang ang nandoon at mga low class pa na mga damit hindi aayon sa taste niya, ang mommy niya ang namili, kasi yung mga damit at iba pang gamit niya sa kuwarto niya pinagkukuha ng mommy niya para wala nadaw siya madala kahit ano kaya padabog sumalpak sa pag upo sa tyles si ace habang sapo ang mukha sa inis.

"O hindi mo ba nagustohan ang mga bagong damit mo?" sakartikong tanong ng ama kaya masama ko itong tinignan pero tinaasan lang ako nito ng kilay.

"Look hijo pupunta ka doon para manilbihan sa hacienda hindi mag model o gagala kung saan-saan at mag hanap ng babaing malabas mo ng init sa katawan mo" saad ng mommy niya na may halong babala.

"Babalaan na kita ace walang sinoman sa mga babae doon ang pakialaman mo at lahat ng kilos mo doon malalaman at makikita ko kung umiinit yan katawan o nag hahanap ng paglabasan sa init maraming saging doon mag butas kalang doon mo ilabas" muling ani ng ama na ikinausok ng ilong ko sa tinuran ng aking ama.

"What the fvck dad ano ako nasisiraan ng ulo at isa pa hindi ko type ang mga babae doon mga low class probinsyana never in my dead body" naiinis kong saad.

"Lets see balita ko pa naman may dalaga doon na ubod ng ganda mala diyosa innocent pero kung sayo ang bagsak niya kawawa siya dahil napunta siya sa maling tao kagaya mo walang detection ang buhay" mapanuyang muling sabi ng ama kaya parang napantig ang tainga ko ganun naba ang tingin ng sarili kong pamilya sa akin? natanong ko sa sarili ko.

"I don't ever care kahit gaano pa siya kaganda mas maganda parin ang mga babae dito sa manila high class and wild" naiirita kong sagot.

"Alam mo anak makakahanap karin talaga ng katapat mo tignan natin kung anong gagawin mo i can't wait for it"

"O common mom hindi yan mangyayari" paniguradong giit ko.

"Lets see ace wag kang hihingi ng tulong sa amin ng mommy mo kung sakali" muling ani ng ama hindi nalang ako umimik napagod na makikipag talo sa mga ito dito sa bahay simula nung naka uwi ako dito sa mansion hindi na ako pinayagan makalabas tudo bantay pa ako ng mga guards baka daw tatakas ako saan naman ako pupunta ni singkong kusing wala akong hawak lahat kinuha nila dad pati cellphone ko mga alahas ko pati yung hikaw ko na iisa lang kinuha narin pinasadiya ko panaman yun pinagawa sa ibang bansa pero hindi nakaligtas kay mommy kahit anong pigil ko na hayaan nalang nila yun wala akong nagawa ng hilain ni mommy ang tainga ko at sapilitan kinuha ang hikaw nahalata kasi ni mommy mamahalin yun kaya baka daw ipasanla o ibenta ko para makatakas sa miserable kong buha na haharapin start tomorrow yes bukas na ako pupuntang probinsiya i don't have any choice.

"O ito mga I'd mo at ibang katibayan na hindi ka bilang sa mga monteverde" saad ni mommy at inabot sa akin ang mga papeles kasama ang mga I'd ko kuno kaya kahit labag sa loob ko tinanggap ko nalang at nalundag ako sa pangalan na binigay nila sa akin.

"What the heck mom kaganda ng pangalan kong prince ace naging Toyjun Lingat, Masangkot are you two pranking me mom, dad?" singhal ko.

"O ayaw mo ba sa bagong mong pangalan pinag samang pototoy at junjun at malilingat lang ang mga babae nasasangkot na sayo” mapanuyang sabat ng kambal kong si ashley at natatawa pa mula sa likod ko kahit hindi ko ito lingunin kilalang-kilala ko na ang presensya at boses nito wala pa kasi dito yung ibang kapatid ko na mas lalong ikinasakit ng ulo ko ang pag asar sa akin ng mga ito.

"That's not funny anymore" singhal ko subrang nakakaasar na talaga sila sa pinag gagawa nila sa akin.

"Just accept it remember this is your fault anyway, kaya ka napunta sa sitwasyon mo ngayon" muling saad ni daddy at tumayo na ito inalalayan si mommy.

"Tomorrow morning maaga kang gumayak ihatid ka ni mang ustin sa bus terminal pag dating sa pampanga may susundo sayo doon"

"Dad bakit ba kasi sa bus pa niyo ako pasakayin we have a chopper para mapabilis ang biyahe" reklamo ko.

"May reklamo ka?" seryosong sabi ni daddy na matalim ang mga matang nakatingin sa akin kaya umiwas nalang ako ng tingin hindi na ulit ako nag salita pa, minsan talaga nakakatakot ang mga titig ni daddy lalo na kung galit ito.

Kinabukasan nga, maaga palang nandito na ako sa terminal ng bus first trip to pampanga tinulungan lang ako ni mang ustin sumakay at iniwan na ako dito gustohin ko man tumakas nalang sa parusang ipapataw nila daddy sa akin hindi ko magawa baka mas lalo lang silang magalit sa akin at tuloyan nila ako itakwil bilang anak, ayaw ko naman aabot ako sa ganun punto tanggapin ko nalang ang parusa nila sa akin kahit lubag sa kalooban ko' ngayon umpisa ako sa wala i dont know what happened to me next.

"O umayos na kayo ng upo aalis na tayo" asunsyo ng kunduktor kaya unayos ako ng upo sinandal ko ang ulo sa likod humalikipkip ako at pinikit ang aking mga mata kasi naka ramdam ako ng antok 2 am palang kasi kanina binulabog na ako ni mommy mukhang excited pa itong palaysin ako sa mansion, how poor i am now sabi ko sa isipan at bumuntong hininga nalang.

"ser ser ser" nagising ako sa pag tapik ng kung sino sa balikat ko mukhang ginigising ako hindi ko namalayan naka-tulog na pala ako, dinilat ko ang mga mata ko bumungad sa akin kunduktor ng bus na sinasakyan ko kaya kunot noo ko itong tinitigan.

"Pasensya na sa pag storbo sa pag tulog mo ser" hinging paumanhin nito.

"What do you want" seryosong tanong ko dito.

"Ah eh ser yung tikit niyo po kanina ko pa sana kayo gisingin pero mukhang puyat na puyat po kayo" napakamot ulong ani nito, kinapa ko naman agad ang bulsa ng jacket ko ng makuha ng kapirasong papel inabot ko agad dito.

"Here" tipid kong saad, tinignan naman nito agad ang tikit ko at tumango-tango.

"Salamat ser" anito at umalis na.

Tinignan ko ang oras sa mumurahing relo nasa bisig ko binigay ito ni mommy kanina bago ako umalis para daw kahit papano alam ko kung anong oras na, now its 9:30 am na so more than 3 hours akong nakatulog habang nasa biyahe at hindi ko alam kung saan banda na kami ayaw ko naman mag tanong kasi ayaw kong makipag usap ngayon, mag sabi din ang driver o kunduktor ng bus na ito kung saan na kami, pumikit akong muli.

"O yung gustong mag cr diyan o kung gusto niyo bumili ng makain niyo baba na kayo" muli akong napadilat ng mga mata ng marinig ko ang ansunsyo ng kunduktor kaya napatingin ako sa kapaligiran, huminto na pala ang bus dito sa gasoline station at may nakita din akong maliit ng grocery store at kainan kaya tumayo ako sa pag kakaupo para bubaba sa bus saka naiihi narin ako at nakaramdam narin ako ng gutom dalawang bread lang ang kinain ko kanina kasi madaling araw pa wala pa akong gana kumain kaya ngayon nagugutom na ako, may binigay naman si mommy kanina ng kunting halaga pag kasyahin ko daw yun hanggat wala pa akong sasahurin sa hacienda kasi under training padaw ako pagdating ko doon, ngayon palang feeling ko napapagud na ako hindi ako sanay mag hirap kumita lang ng pera kasi nakahiga na ako sa pera, pero sa isang iglap nawala lahat sa akin, napahimas ako sa puwitan ko namamanhid na kasi sa kakaupo sa biyahe ilan oras pa kaya bago kami makarating sa pampanga nakakapagud na kasi umupo first time ko ito bumyahe ng naka bus lang tapos ang layo pa ng pupuntahan ni hindi ko nga naisip na mapunta ako sa ganitong sitwasyon basta ang nasa isip ko lang gagasto gagala kung saan kasama ang mga barkada ko syempre mambabae pero kabaliktaran na ngayon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status