Share

CHAPTER 5.

CHAPTER 5.

Shantal POV.

"Ate ate ate!!!!!" rinig kong sigaw ng bunso kong kapatid halos sirain pa ang pinto ng kuwarto sa kakatok nito kaya dali-dali kong binuksan ang pinto baka emergency ang pakay ni sam.

"O' ano ba yun bunso halos sirain mo na itong pinto sa katok mo" tanong ko dito at humalikipkip ako, pumasok muna ito sa kuwarto ko at parang hingal na hingal umupo sa minipis kong kama.

"Wait lang po ate napagud ako" hingal nitong sabi, kaya tinaasan ko ito ng kilay saan naman kaya galing ito parang hinabol ng sampong kabayo.

"Saan ka ba kasi galing bakit pagud na pagud kang bata wag mong sabihin may nasagap ka na naman tsismis at dito itsismis muli sa akin sinasabi ko sayo sam hindi ako intiresado kaya makakaalis kana inistorbo mo ako eh" singhal ko dito.

"Ah basta ate may good news ako sayo ito na siguro ang oras maka jowa kana para mawala na yan kaignorantehan mo" tila excited pang usal ni sam.

"Aba-aba ignorante talaga sam hindi ba puwede hindi ko lang alam ang ibang bagay, at saka anong jowa yan pinag sasabi mo ha?"

"Kasi ate dumating na yon bagong taga silbi dito sa hacienda"

"O ngayon paki ko doon hindi ako intiresado" iritang sagot ko sa makulit kong kapatid tinaasan ko pa ito ng kilay.

"Nako ate pag makita mo lang siya tiyak titigil ang pag-ikot ng mundo mo" may pag hangang wika ni sam.

"Aba malamang titigil ang ikot ng mundo pag napagud yung higanteng may hawak ng mundo natin at gusto niyang mag pahinga ikaw ba naman naka tayo sa mag mahapon at mag damag" pambabara at pilosopo aniya ko pa.

"Kahit kaylan ka talaga ate wala kang alam kaya sinasabi ko sayo manood ng kdrama o di kaya mag basa ka ng mga love story sa pocketbook"

"Kdrama pocketbook, wala akong oras sa mga ganiyan sam kaya makakaalis kana iatorbo ka eh" taboy ko dito ang kulit talaga.

"Ate naman eh, basta ang pogi-pogi at maskulado yong lalaki na bagong dating dito ate bagay nga kayo eh"

"Mas pogi si tatay at hindi kami bagay sam kundi tao" naka simangot kong sabi.

"Sige ka ate baka maunahan ka pa ng iba sayang ang pogi panaman" giit muli nito.

"Kahit siya na ang pinaka poging lalaki dito sa mundo hindi parin ako intiresado sa kaniya kaya doon kana nga sam tapusin ko na itong pag tutupi ko kay mag luto pa ako ng hapunan natin maya" taboy kong muli dito.

"Basta ate tingin ko siya na ang destiny mo kahit sabihin nilang babaero at arogante siya people change naman diba at ikaw ang susi ng pagbabago niya ate ayieehhh" napairap ako sa tinuran ng kapatid ko.

"Tumigil ka nga sam para kang kiti-kiti diyan anong destiny at ako ang susi bakit siya ba ay kandado saka wala akong susi gaya ng pinag-sasabi mo sam hindi ko gets sasakit itong ulo ko sayo umalis kana nga dito daig mo pa ang matanda daming alam hala tsupi" hinila ko na palabas ng kuwarto ko itong napaka kulit kong kapatid kasi parang wala itong planong lubayan ako.

"Hayy bakit ba may ate akong napaka-inosente" mahinang sabi ni sam na sapat lang para marinig ko pero hindi ko na pinansin pa, sinara ko na ulit ang pinto.

Ace POV.

"Ano jude syos kana ba dito sa bahay mo?" tanong ng matandang lalaki nag sundo sa akin sa terminal kanina nakalimutan ko na agad ang pangalan nito hindi ko kasi ugali tandaan ang pangalan ng ibang tao maliban kung malapit sa akin, at jude ang pangalan na binigay ko parang nakakahiya kasi yung juntoy, wow ace kaylan kapa may hiya asik ko sa sarili, tinignan ko ang boong sulok ng kubo na sinasabi nila mommy na tirahan ko daw halatang bagong gawa at bago narin ang nakikita kong ilan kagamitan may mga bagong tanim narin mga halaman sa paligid pero saan ako maliligo dito?

"Saan ako maligo o banyo dito" tanong ko i need to be a good person sa ngayon para mapabilis ang pag alis ko sa lugar na ito hindi ko kayang tumira ng matagal sa ganitong lugar ang boring i can't take it anymore.

"May palikoran sa likod puno narin ng tubig yung dram at kung maligo at mag laba ka doon ka sa poso doon kana rin iigib ng tubig ilagay sa dram" saad nito sabay turo kung saan kaya napatingin ako kung saan ito naka turo napakunot ang noo ko.

"What? poso palikoran?" nalilitong tanong ko.

"Ah Poso na kuhaan ng tubig gawa sa kawayan para daanan ng tubig doon kanarin kukuha ng inomin malinis ang tubig na yon at palikoran yung cr o banyo" paliwanag nito malay ko ba sa mga ibang bagay na yun wala naman kasi sa manila ng mga yan oo nakapunta na ako dito noon pa pero hindi naman ako gumala sa mga lugar dito o alamin man lang mga ibang bagay nakikita dito napilitan lang naman ako sumama kila daddy noon.

"Okay i need to some rest you may go now" my sarcastic answer to him.

"Wag mo akong englisin jude dudugo ang ilong ko niyan" natatawang ani nito, pero kunot noong tinignan ko lang ito.

"Puwede mo na akong iwan mag pahinga muna ako" tamad kong usal ulit at pumasok na ako sa loob ng bahay.

"Sige maiwan na kita dito kung may kaylangan ka maari mong puntahan yung bahay ng brother in law ko yun lang kasi ang mediyo malapit dito sa tinitirahan mo" aniya nito lumingon ako dito at tumango lang ako, tuloyan na ako pumasok sa loob ng kubo napatingin ako sa katri na may banig at napabuntong hininga ako ng malalim ito ang simula ng pag-hihirap ko at hindi ko alam kung kakayanin ko ba maka survive dito, humiga ako at ramdam ko ang tigas ng higaan malayong-malayo sa napakalambot kong kama sa mansion sa manila maging sa mga lugar kung saan ako nag papalipas ng gabi, pinikit ko nalang ang mga mata ko at dinantay sa noo ko ang isang braso ko mediyo malamig sa lugar kasi napapalibutan ng mga kahoy kaya no need ang aircon, hindi ko namalayan naka tulog na pala ako.

"Ace wake up!!!!"

Rinig at ramdam ko may gumigising sa akin parang familiar ang malambing niyang boses pero tamad akong dumilat pakiramdam ko subrang pagod ko ang sakit ng likod ko maging ang ibang parte ng katawan ko kaya umayos ako ng higa.

"Ace gumising kang bata ka!!!" Muli nanaman nitong pagising sa akin kaya umungol nalang ako bilang tugon.

"Hmmmmm"

"Jusme!!! tulog mantika talaga ang batang ito gisingin mo nga yan asthon baka kung hindi ako makatiis buhosan ko yan ng malamig tubig" rinig kong usal muli ng may katandaan boses ng babae very familiar to me and what asthon that's my lolo's name at minsan ko lang sila nakakasama pag bumisita ang mga ito dito sa manila so nandito sila, kaya wala sa sariling napabaliwas ako ng bangon at napadaing ako sa sakit ng boo kong katawan.

"Ouch!!" d***g ko at napapikit pa ako sa sakit ng likod ko.

"Finally gumising kanarin bata ka" may diin saad muli ni lola yes kahit nakapikit pa ako alam kung si lola yon, at unti-unti kong dinilat ang mga mata ko bumungad sa akin ang unfamiliar place na madilim tanging huni ng kung anong insekto ang naririnig ko sa labas nasaan ba ako? tanong ko sarili ko.

"Where i am? natanong ko at napatingin kila lolo at lola na seryoso ang tingin nila sa akin.

"O' nagka-abnisya kana ba apo you didn't remember anything why are you here?" sakartikong usal ni lolo kaya napakunot ang noo ko nilibot ang boo kong paningin sa lugar tanging lampara lang ang nag sisilbing liwanag na sapat na para maaninag ko ang itsura nila lolo at lola na seryoso parin nakatitig sa akin until everything flash in my mind na dito pala ako sa hacienda de monteverde para makipag sapalaran at harapin ang parusa nila sa akin.

"Grandpa, grandma nandito ba kayo para sunduin na doon na ako titira sa mansion?" natanong ko sa mga ito na umaasa na sana yon nga ang pakay ng mga ito dito.

"Nope apo nandito kami para tignan ang kalagayan mo at nag dala narin kami ng hapunan mo kanina pa kami dito at anong oras na tulog mantika ka kasing bata muntik na kitang buhusan ng malamig na tubig para gumising" seryoso parin usal ni lola kaya nawalan na ako ng pag-asa bumuntong hininga nalang ako hindi na umimik pa at paika-ikang tumayo para sumilip sa maliit na bintana ang dilim sa labas at ang tahimik.

"Bueno hijo ito ang una at huling bisita namin sayo dito gusto lang namin ng lola mo linawin sayo na umakto kang hindi mo kami kaano-ano ng lola mo para hindi ka makuha ng special treatment mula sa ibang tao dito sa hacienda maging sa boong bayan alam ko na pinaalalahanan kana ng daddy at mommy mo about this kaya don't brake our rules hanggang sa makita namin ang pag babago mo, please apo help your self to change kung sakaling mangyari yon ikagagalak namin at maging proud sa pagbabago mo" may halong lungkot at desapoited na saad ni lolo kaya parang kumirot ang puso ko ganun na pala ako kawalang kuwentang anak at apo sa kanila kaya nagawa na nila akong ikulong dito sa hacienda para gawin simpling taohan lamang dito.

"Apo pag pasensyahan mo kami kung nagawa namin ito sayo pero ito lang ang naisip namin na makakatulong sa pagbabago mo iparanas namin sayo pano mag hirap para maisautak mo na hindi pala tama yan ginagawa mo sa buhay at sa pinapakita mong hindi magandang asal sa ibang tao" malungkot na usal ni lola kaya napatingin lang ako dito nawalan na ako ng isasagot sa mga ito kundi ang malalim na buntong hininga lang.

"Sige uuwi na kami lumalalim na kasi ang gabi kaylangan na namin mag pahinga ng lola mo, and one more thing apo wag mong dalahin dito ang pagiging babaero mo ang number one rules na hindi mo puwedeng gawin kasama yan sa pag-bagong buhay mo" banta ni lolo sa akin.

"I will grandpa" lubag sa loob kong sagot.

"Sige aalis na kami kumain kana ng hapunan mo apo dinalahan kana namin kasi alam namin hindi ka naman marunong mag luto kaya simula bukas mag practice kang mag luto para sa sarili mo" habilin ni lola sa akin na tanging tango lang ang naisagot ko at lumapit ako dito para halikan ito sa noo si lolo naman tinapik lang ang balikat ko at umalis na ng tuloyan ang mga ito, kaya naiwan akong nabibingi sa subrang katahimikan.

Tinignan ko ang dalang pagkain nila lola nalanghap ko ang amoy ng masarap na ulam kaya bigla akong nakaramdam ng gutom napahaba pala ang tulog ko kaya hindi ko na namalayan ang oras maging ang pag dating nila lola.

Kinabukasan nagising ako sa sinag ng araw mula sa labas at huni ng mga ibon kaya bumangon ako kahit masakit parin ang katawan ko dahil sa matigas na higaan umunat-unat ako para kahit papano maibsan ang sakit ng katawan ko, tumayo ako para pumunta sa cr sa labas pa ng bahay' na tinuro ng di katandaang lalaki nag sundo at hatid sa akin dito' nang nasa tapat na ako ng di kalakihang cr binuksan ko na ito at nakita kong may dram nga doon puno ng tubig at bowl sink, ginawa ko na anong pakay ko ang lamig ng tubig kaya nag hilamos lang ako may nakita akong sabon toothbrush at toothpaste doon kaya yun nalang ang ginamit ko alam kong para naman sa akin yon kasi ako lang naman ang tao dito, nang matapos ako lumabas na ako sa cr tumingala ako sa maliwalas na langit mediyo mataas na ang sinag ng araw masakit narin sa bahat tinignan ko ang pambising kong orasan 8:49 in the morning na pala.

"Shit" mura ko ng ilan beses ko ng buhayan ng apoy ang sinalang kong kahoy sa kalan kahit papano alam kong kahoy ang gamitin dito para makagawa ng apoy pero halos maubos ko na ang ilan box na pusporo at halos half hour na ako dito sa harap ng lutuan hindi ko parin mabuhay-buhay ang apoy sa subrang inis ko tinapon ko kung saan ang hawak kong pusporo at naupo sa kawayang upuan napasabuno ako sa sarili kong buhok lalo na ng kumukolo na ang tiyan ko dahil sa gutom, damn this life sa pag gawa palang apoy suko na ako ano pa kaya sa ibang bagay na gawain dito.

"Damn it" mura ko ulit.

Samantala walang kaalam-alam si ace na may isang makulit at bibong bata ang nakamasid sa bawat kilos niya at napahawak sa tiyan nito para pigilan lumabas ang tawa habahg nakatingin kay ace na naiinis, aliw na aliw ang bata sa kilos ng binata halata talagang wala itong alam sa buhay, kaya humagikgik na ang bata, kaya kunot noong napalingon si ace sa may pinto ng kusina at doon nakita niya ang batang babae na humagikgik napalunok ng laway si ace sa isip niya kasi sa bata ay anak ng maligno o tiyanak ang bata kasi ang pag kaalam niya malayo siya sa kapit bahay kaya impossible naman may magawing bata dito, at lumaki ang mga mata ni ace ng lumahakbang palapit sa kaniya ang batang babae naka suot ito ng itim na malaking t'shir hanggang sa tuhod nito naka tsenelas narin ng itim at nakalugay ang mahaba nitong itim na itim na buhok na may pagkakulot sa dulo pero hindi naman nakakatakot ang mukha ng bata bagkos subrang cute nito maputi narin ang balat kaya iposibli talagang anak ng anongmang maligno ito sa isip ni ace.

"Wh-who a-are you? nahihintakutan usal ko sa bata nang papasok na ito sa loob ng kusina kaya napatayo na ako at kinuha ang malaking tipak ng kahoy kung sakaling susugodin siya ng bata may magamit siyang ihampas dito kaya hinawakan niya ng mahigpit ang kahoy at akmang itaas na ito ng mediyo malapit na ang bata sa kaniya at napaatras pa siya.

"Hello kuyang pogi magandang araw po" magiliw ng usal ng bata weew may batang maligno ba nakapagsalita ng ganun kagiliw aniya ko sa isip, at tinitigan ng mabuti ang bata na ngayon nakangiti na akin ang cute pa nito sarap kurutin ang matambok nitong mapupulang pisngi na may dalawang dimple pa, kaylan kapa mahilig sa bata ace ayaw mo nga sa mga bata lalo na kong makulit usal kong muli sa sarili ko.

"S-sno ka?" muling tanong ko dito nauutal parin ako shit.

"Ako nga po pala si samantha, Sam for short po kuyang pogi ikaw anong pangalan mo po?" magalang na pag pakilala nito kaya nabitawan ko ang kahoy na hawak ko at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko dahil kinabahan na ako kanina dahil lang dito sa bata pinagkamalan ko pang tiyanak o anak ng maligno halata naman totoong tao ito.

"Jude" maikling sagot ko at naupo ulit.

"Nice meeting you kuya jude nakita na kita kahapon kasama si tito lance ikaw yung bagong tirira dito diba?" aniya nito, lance pala ang pangalan nung di katandaang lalaking nag sudo sa akin ani ko sa sarili.

"Ah oo, anong ginagawa mo dito diba may kalayuan itong bahay ko sa tinitirahan niyo?" saad ko shit kaylan pa ako nakikipag usap ng ganito sa ibang tao at sa bata pa.

"Hindi naman po masyadong malayo galing doon sa amin katunayan yung bahay lang namin ang mediyo malapit dito at madalas po akong nagagawi dito simula nung ginagawa nila tatay itong bahay mo po kuyang pogi" nakangiting usal ng bata este sam pala mukhang madaldal na bata kaya napapailing nalang ako at binalingan ang ginagawa ko kanina.

"Okay, tipid kong sagot at pinulot ang puspuro na tinapon ko.

"Hindi ka po marunong mag buhay ng apoy kuyang pogi kasi kanina pa kita pinag masdan" natatawang usal naman nito susilip pa sa kalan na hanggang ngayon wala parin apoy mag tanghaling tapat na, hindi ko pinansin muli kung sinindihan ang pusporo pero ganun parin mamatay lang ito pag ihagis ko sa kahoy.

"Hahaha hindi naman po ganiyan kuyang pogi eh" natatawang sabi nito kaya kunot noong tinignan ko ito.

"Paanong hindi ganiyan" naiiritang sagot ko.

"Basic lang po yan sandali" aniya nito at may hinahanap sa loob ng kusina sinundan ko lang ito ng tingin ayaw kong sitahin ito kasi tingin ko makakatulong sa akin batang ito kahit nakukulitan na ako sa kaniya.

"Heto kuyang pogi buhosan mo ng kunti yan mga kahoy sa kalan saka hindi ganiyan ang pag ayos para mabuhay agad ang apoy, ganito kuya tignan mo para sa sunod alam mo na" saad nito na parang matanda ito kung turuan ako pero nakikinig at pinapanood ko nalang ang kilos ng bata.

"Wait what is this?" turo ko sa galon na may laman parang tubig.

"Gas po laman niyan kuya ginagamit para sa lampara o kahit pag buhay ng apoy" aniya nito na ikinatango-tango ko nalang.

"Yan buhosan mo na ng kunting gas kuyang pogi" utos nito sa akin gustohin ko man kumontra sa pag utos nito sa akin ay sinunod ko nalang dahil sa gutom na talaga ako, inalis ko ang takip ng galon at binuhosan ng kunti yung mga kahoy sa kalan.

"Then what next?" tanong ko.

"Gamitan mo ng pusporo kuya then ihagis mo jn" muling sabi nito na agad ko naman sinunod, at pag hagis ko sa pusporong na may maliit na apoy bigla lang nag liliyab ang apoy kaya nagulat ako nahila ko si sam, pero kalaunan natuwa ako dahil sa wakas makapag luto na ako pero wait how to cook nga pala? nausal ko sa sarili fvck boong buhay ko hindi ko pa sinubukan mag luto kasi may sariling chef kami sa mansion kung wala naman ako sa mansion sa mga mamahalin restaurant naman ako kakain o di kaya mag order nalang ako online.

"Oa mo kuyang pogi apoy lang po yan pero ingatan mo yan baka masunog itong boong bahay mo lalo na kung aalis ka tiyakin mo munang wala ng apoy dito sa kalan mo baka pag balik mo wala kanang madatnan bahay kundi abo nalang" paalala ng madaldal bata sakin na ikinatango ko nalang.

"Do you know how to cook?" wala sa sariling natanong ko dito wala na nilamon na ako ng gutom ko tatandaan ko nalang pag tinuturuan ako ng batang ito mukhang may alam ito sa kusina kahit ang bata-bata pa nito.

"Opo kuyang pogi kasi tinuturuan po ako ni nanay at ni ate lalo na pag ako lang ang maiwan sa bahay namin pero yung basic lang po" tila proud na sabi nito kaya napangiti ako na tila naka jackpot ng lotto.

"So you can teach me how to cook some rice and this sardines" tanong ko kay sam, saka itong sardinas ang nakita ko at yung ibang delata pero itong sardinas ang napili kong ulamin, nakita ko naman napanguso ito at tumango, at di nag tagal tinuruan na nga ako ng isang mosmos na bata sinabi lang nito kung anong dapat kong gawin at sinusunod ko naman agad kahit ako ang matanda pero no choice ako ito lang pag-asa ko para makakain, nag dilang angel ang batang ito ngayon araw sa buhay ko.

Nang tapos na kami sa pag luto ni sam nag hain na ako para sa amin dalawa, sa totoo lang first time kong mag luto at kumakain ng ginisang sardinas, and thanks to this tiyanak este to sam kasi binisita ako dito sa bahay ko ito ang first visitor ko this day ang daldal at ang kulit nito.

"So friend na tayo kuyang pogi?" tanong ni sam sa akin pag katapos namin kumain, at marami akong nakain naubos nga yung sinaing namin siguro dahil sa subrang gutom na ako.

"Yep from now on we're friend" sagot ko dito at nilahad ang kamay ko sa napacute na batang si sam, na agad naman nitong tinangkap, at ginulo ko ang buhok nito aminin kong hindi ako mahilig sa bata pero pag dating kay sam parang gumaan ang loob ko sa kakulitan nito at kabibohan.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Amelita Luces Mobo
.wow nice story
goodnovel comment avatar
Rechylcheng Onabla
Nice story update po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status