Share

CHAPTER 2

JAZ POV:

Continues of flashback..........

Habang kumakain ako ng tinapay at gatas ay may nakita akong ina-asikaso ni Manang na isang basong tubig at isang platitong tinapay.

"Ah... Manang para kanino Po Yan??" Tanong ko kay Manang.

"Ahh iha.. eto ba?? Kay tine toh napansin ko kasi hindi pa kumakain ng hapunan Ang Ate mo... Kaya ibibigay ko ito sa kanya..." Sagot sakin ni Manang.

"Ahh Manang... Ako na po magbibigay sa kanya po para maka-pagpahinga na rin po kayo... Kasi po parang wala pa po kayong tulog po eh... kaya ako na lang po ang mag-aabot po Kay Ate.." Sabi ko kay Manang.

"Sige iha salamat... Ikaw na lang magbigay kay Ate mo pagtapos mong kumain..."  sagot sakin ni Manang.

"Sige po Manang... Magpahinga na po kayo... Ako na pong bahala dito po..." Sabi ko kay Manang.

"Salamat iha.. oh sya iha mauna nako sayo... Pahinga ka narin pagtapos mong ibigay kay Ate mo..." Sabi ni Manang.

"Sige po goodnight Manang.." Sagot ko Kay Manang.

Nang pag-alis ni Manang ay tinuloy ko na lang ang pagkain ko at nang matapos na ko sa pagkain ay hinugasan ko na lang ang pinagkainan ko. Nang matapos ay dumeretso na ako sa kwarto ni Ate para ibigay sa kanya ito.

Nang akmang kakatok ako ay napatigil ako dahil sa narinig ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang kwarto ni Ate. Nagulat ako ng makitang may kinakausap syang litrato nang subukan kong silipin kung ano o sino ang nasa litrato. Nagulat nalang ako dahil nakita kong kinakausap nya yung picture ng Kuya ni Natasha...

Bumalik ulit ako sa bandang pinto para kumatok ng kunwari.

~~~~~~~Tokk~~tokk~~tokk~~~~~~

"Pasok.." Sabi ni Ate

Kaya pumasok ako at nagulat naman sya na makita akong gising.

"B-bakit.. g-gising.. k-ka.. p-pa??" Hinihingal na Tanong ni Ate.

"Nagising po ako dahil sa gutom.." sagot ko kay Ate.

"Ate.." tawag ko kay Ate.

"Bakit??" Sagot ni Ate.

"Ate.. Bakit hini-hingal pa kayo Ate??" Kunware kong inosenteng Tanong Kay Ate.

Pagtapos kong itanong yung ay bigla nalang namula si Ate na parang nagpipigil ng tae.

"Ahh.. Wala toh.. wag mo ng pansinin... Ano yan dala mo??" Iwas na sagot sakin ni Ate at Tanong Rin sakin ni Ate.

"Ahh... pagkain po... pinapa-abot Po ni Manang dahil pansin nya pong hindi pa daw po kayo kumakain... Kaya ipinahanda toh ni Manang..." Mahabang sagot ko Kay Ate.

"Ahh.. sige Ako na bahala dito... tulog kana.." sagot sakin ni Ate.

"Ahh.. sige po Ate tulog na po ulit Ako... Goodnight Po.." Paalam ko Kay Ate.

"Sige... goodnight din.." Sabi ni Ate sakin.

Pagtapos kong ibigay kay Ate ay agad akong bumalik sa kwarto ko para bumalik sa pagtulog...

END OF FLASHBACK

Pagtapos kong ikuwento kay Tasha ang dahilan. Eto naman ni gurl ay kilig na kilig na parang walang bukas

(Hihihi... Bes kinikilig Ako sa Ate mo at Kuya ko.. taray Bes mukang magiging sister in law Tayo ah.. hihihi) kinikilig na sabi ni Tasha.

"Bes.. gawa Tayo paraan para magkatuluyan si Ate at Kuya mo hihihi" kinikilig na sabi ko.

(Sige bes... gawa tayo paraan hihihi) pag sang ayon sakin ni Tasha

Magsasalita palang sana ako ng may narinig ako ng pagtawag sa pangalan ni Tasha

Mukang tinatawag na sya ng Kuya nya...

(Ahh.. Bes kita nalang Tayo bukas tinatawag na Kasi Ako Kuya eh) sabi ni Tasha.

"Sige Bes.. bukas na lang... sige bye.." sabi ko at sabay patay ng tawag

Bumalik na ko sa kung saan nanood ang mga kapatid ko..

.

.

.

NATASHA POV:

Tinago ko na ang cellphone ko at pinuntahan kung saan si Kuya Drake

Nang makita ko si Kuya ayun may kausap sa phone. Nang makita ako ni Kuya binaba nya agad ang cellphone nya.

"Kuya Drake.. bakit mo po ako tinawag??"tangong ko kay Kuya

"Ah.. tinawag kita dahil, ikaw ang gusto ng kambal na sumundo sa kanila sa school nila..." Sagot ni Kuya

"Ah.. ganon ba sige.. ako na ang susundo sa kanila..." sagot ko kay Kuya

"Ah.. sige kuya, alis na po ako..."paalam ko kay Kuya

"Sige.. sunduin mo na sila.. at mag-ingat kayo ahh. At ikaw mag-iingat ka sa pagda-drive mo ha!.."sabi ni Kuya.

"Sige po.." sagot ko

Pagkatapos kong sabihin kay Kuya yun ay agad akong pumunta sa kwarto ko at nagbihis ng pang labas.

Ano ako lalabas ng naka sando na spaghetti at Short? Haynako Hindi ko kineri yan...

Nang makabihis nako ay agad akong pumunta sa may garahe para kunin ang kotse ko para masundo kona rin ang kambal.

Nagsimula nakong magmaneho habang nagmamaneho ako ay may nakita akong pamilyar na tao.

Sya yun lalaking nakatingin kay Jaz kanina sa klase. Napansin ko yun kanina habang nagsusulat si Jaz pansin ko yun tingin sya ng tingin kay Jaz pati yung kasama nyang isa pero hindi ko na yon pinansin at nagpatuloy sa pagmamaneho

Nang makarating ako sa school ng kambal ay agad kong nakita ang kambal sa may waiting shed kaya agad akong pumuweto sa may tapat nila para makasakay na sila.

Nang makasakay na sila ay umupo at kinabit ang seatbelt. Nagsimula na akong magmaneho pauwi sa bahay.

Habang nasa byahe kami ay naririnig kong nagkukwentuhan ang kambal.

"Kambal.. alam mo bang.. ang cute nung classmate natin hihihi..."kinikilig na sabi ni Zylene kay Xylene

Kaya agad akong naintriga sa usapan ng kambal. Ang bata pa tapos may crush agad? Eh 4yr old palang may crush na aba! ang tindi ng mga nito ah!

"Ay tama ka dyan kambal... ang cute din ng kasama nyang girl hihihi.."sagot Xylene kay Zylene.

Nang makarating na kami sa bahay ay agad na bumati at b****o ang kambal kila Kuya.

"Ah.. Ate.. thank you po sa pag-sundo po.."nakangiting sabi ni Zylene

Kaya nginitian korin sya

"Thank you din po.. ate.." sabi din ni Xylene

"You're welcome kambal..." nakangiting sabi ko sa kanila

Nang matapos kong sabihin yon ay agad akong pumunta sa kwarto ko para magpahinga dahil sa pagod ko kaya humiga ako sa kama at hindi ko namalayang binalot na pala ako ng antok kaya nakatulog ako. Zzzz

zzzz zzz

.

.

.

JAZ POV:

Nang magsawa na kaming manood ay pumunta kami sa hapagkainan para kumain ng hapunan.

Hangang sa matapos na kaming kumain ay agad akong pumunta sa kwarto ko para maglinis at magtoothbrash. Nagbihis narin ako ng pantulog. Nang matapos kong gawin lahat ng retwal sa banyo ay humiga nako sa kama ng akmang pipikit na ko ay biglang tumunog ang phone ko kaya tinignan ko ito.

May nag pop sa notification ko friend request mula kay Chelle at Cass kaya hindi ko lang muna pinansin dahil inaantok na ko at maaga pa pasok ko bukas at nagsimula nakong matulog. Zzz zz zzz

.

.

.

KINABUKASAN

Nagising nalang ako ng biglang tumunog ang alarm ko kaya tumayo nalang ako at pumunta sa CR para maligo.

Habang naliligo ako ay sinasabayan ko ng kanta para malibang ako dahil mahaba pa naman ang oras ko at tapos nako maligo at kumanta.

Nagbihis nako ng uniform ko at naghintay ng kunti para matuyo ang buhok para maipitan ko na at halos 10minutes akong naghintay. Ay sa wakas natuyo narin ang buhok ko kaya ay inipitan ko na ito na braidstyle.

Pagtapos kong gawin lahat ng kung ano anong kaartehan sa buhok ko ay bumaba na ko at pumunta sa kusina para mag almusal. Nang matapos na ang pagkain ko ay bumalik na ako sa kwarto ko para magtoothbrash ulit para mabango ang hinanga ko pag may kumakausap sakin para hindi na kakahiya sa mga tao.

Nang tignan ko ang oras ay 5:07 palang kaya maaga pa kaya habang naghihintay ako sa quadro ay nag cellphone muna ako. Nag scroll muna ako sa f******k habang nag iiscroll ako ay biglang kong nakita ko yung friends request nila Chelle at Cass kinonpirm ko yung friends request nila.

Matapos kong iconpirm ay tinuloy ko nalang ang pagiiscroll hanggang sa tumunog yung doorbell namin.

Pumasok si Manang pagtapos tignan kung sino yung nag doorbell.

"Iha Jaz.. nandyan na yung mga kaibigan mo sa labas... hinihintay kana.."sabi ni Manang.

"Sige po.. salamat po Manang.."sagot ko kay Manang.

Tumango naman si Manang kaya ngumiti nalang ako, tumingin ako kay Ate.

"Ate,.. alis na po ako.." paalam ko kay Ate

"Sige.. ingat kayo sa byahe.."sabi ni Ate

Kaya tumango na lang ako bilang sagot sa kanya.

Lumabas nako at nakita ko na sila, kaya lumapit ako sa kanila.

"Good morning sa inyo..."nakangiting bati ko sa kanila.

"Good morning din Minnie..."nakangiting bati ni Turon.

"Good morning din Bes.."bati Tasha.

"Good morning din Jazzi.."bati naman ni Carl kaya ngumiti lang ako sa kanila.

At sinimulan na namin sumakay sa kotse ni Carl at bumayahe papuntang GIHS ng makarating na kami ay agad kaming pumunta sa building ng room namin. Nang maka punta na kami ay agad kaming umakyak papuntang 4th floor ng makarating kami agad kaming pumasok sa room at umupo sa sari sarili namin upuan magkakatabi kaming apat.

Carl-Tyron-Natasha at Me.

Habang nag aayos ako ng gamit naramdaman kong may nakatitig sakin mula sa likod kaya lumingon ako sa likod ko.

Tama nga ang hinala ko dahil paglingon ko ay agad kong nakita yung dalawang lalaki na ka titig sakin, nang makita nila akong tumingin sa gawi nila ay agad silang nag iwas ng tingin kaya nginitian ko na lang sila at umayos nalang ako ng upo dahil malapit ng dumating ang adviser namin.

At nang dumating na si Ms Donna ay agad itong tumingin samin.

"Good morning class.. Today is we need to choise for our President and Vice President.."sabi Ms Donna.

Haysst nako kailangan pa ba Yan?Wala na mang kwenta Yan eh... puro kaartihan lang yan president Hindi naman yan nasusunod! Takas Gawain lang yan!!

"Okay po.." sagot nilang lahat except saming apat.

Pumunta si Ma'am sa board at nagsulat ng Presidents

"So.. class, who do you want to nominate as President??" tanong samin Ma'am

Nagtaas kamay ang klasamate namin babae. Ano nga ulit pangalan nito? Mukang palaka kasi

"Oh.. What's your name again Miss??" tanong ni Ma'am

"Ah.. My name is Shantelle Dane F. Sarmiento po.."malanding ani nya!

"Oh.. Go Miss, Sarmiento.."sabi ni Ma'am

"Thank you po,, Ms. Donna.. i nominate for president is Mr. Dela Santos.."malanding sabi nya!

"Ah.. okay miss Sarmiento... Do you agree Mr. Dela Santos for as president??"sabi ni Ma'am

Tumayo naman yung Dela Santos daw kuno. Nagbotohan rin sila at halos lahat ay bumoto sakanya. Tumingin sya sakin at ngumisi.

Ano kayang problema nitong Kurikong nato? At kailangan pang tumingin sakin eh... Hindi ko naman kilala may sapak din tong Kurikong na toh!

"It's okay for me as President and thank you Miss Sarmiento for nominating me as President of this section.."sagot nya

"Okay.. thank you Mr. Dela Santos.."sabi Ma'am at ngumisi lang naman yung lalaking Kurikong

"And thank you.. Ms. Sarmiento.."dagdag ni Ma'am

"You're welcome po Ms. Donna and you're Mr. Dela Santos..."malanding ani nya impakta!

Tulad ng karaniwang ginagawa ay nagbotohan ulit sila para sa mga susunod na officer.

Nagsimula ng mag taasan ng kamay ang mga klassmate namin. Pero eto kaming apat nanatiling tahimik dahil parehas kaming apat na hindi gusto ang President at mga officers na yan dahil walang kwenta ang pagpili ng president sa school. Puro yabang lang kasi President sya kaya pwede nyang ipagawa lahat at iwas gawain!

"Ma'am.. Ma'am ako po.."taas kamay na sabi ni i dont know

"Okay.. and What's your name again??"tanong ni Ma'am

"Ah.. My name is Clea Shantelleleigh po Ms. Donna.."malanding ani din nya

"Okay.. who's your nominate for our Vice President.. Miss Shantelleleigh??"tanong ni Ma'am

"Okay po.. Ms. Donna.. i nominate for our Vice President is Mr. Montenegro.."malanding ani nya

"Okay.. So Mr. Montenegro it's okay to you??"tanong ni maam

"It's okay.. No problem..."bored na sagot nya

Nang matapos na lahat ng kaekkehan ay agad na sumunod ang next teacher namin sa tle na si Ms. Mary kaya agad kaming umayos ng upo.

Nang matapos syang mag turo tungkol sa mga nail polish na yan. ay tumunog na ang bell kaya tumayo na kami nagsimula nang malakad habang tumutunog ang bell.

~~~~~kkrrriinnnnggggggggg~~~~~

Sa totoo lang ay parang musika sa kin ang tunog ng bell dahil lunch na kainan naaaaa.

Habang naglalakad kami ay nakita namin sina Chelle at Cass na kasama ang President at Vice President namin daw kuno.

Nang napansin nila kami na lalakad ay agad silang kumaway samin kaya kinawayan din namin sila, kita ko naman ang pagtataka sa mukha ng dalawa nilang lalaking kasama.

.

.

.

.

.

.

.

.

=====

Pasensya na po sa mga wrong spellings at typo at wrong grammars.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status