Home / Romance / SLEEPING ADONIS / Chapter 4 - Encounter

Share

Chapter 4 - Encounter

Author: AshQian
last update Last Updated: 2023-07-07 12:50:56

HUMANTONG sa isang villa na hugis kabibe sina Vhendice at Safhire. Sa unang malas ay makikitang sophisticated ang villa na gawa sa high-end materials. Cozy and everything but the touch of simplicity remained. Moreover, it was situated on the hilltop overlooking the sea. Parang higanteng kabibe na nasa burol.

"Kaninong villa ito?" tanong niya matapos pag-aralan ang lugar at tinulungan ang agent na ibaba ang mga bagahe nila mula sa sasakyan.

"Sa ninong ko. He's the former city administrator here," sagot ni Vhendice.

"Mukhang wala yatang tao."

"Only a care-taker lives here to watch over the house but he's not around right now. He took a vacation and went back to his hometown somewhere in Visayas."

"Ibig sabihin tayong dalawa lang ang titira dito pansamantala?" Hindi niya napansin na nasa tinig niya ang pag-aalinlangan.

"Certainly," kumindat ito. "Scared?"

"Sa girlfriend mo, oo. Ayaw ko ng iskandalo."

"I don't have one. Women are so afraid to have an affair with me. Baka raw bigla akong mamatay, kawawa sila." Ngumiti ng pilyo si Vhendice.

"No girlfriend? I don't believe you." Inirapan niya ito.

Nainis siya nang tumawa ito. Why is he so attractive? This guy...she hates him! She hates his disarming good looks! She hates his guts! 

She tried to ignore him and gained back her composure calmly. Nandito siya para hanapin ang pumatay kay Ray at pagbayarin. Dapat iyon lang ang iisipin niya. Kailangan niyang mag-focus.

Inipon niya sa isang sulok ng sala ang kanyang mga gamit at nilibot ang paningin. Perfect ang interior design. The grandeur cannot be concealed even with the furnitures purely made of native materials.

"There were only two bedrooms available here at the moment because the other rooms are packed and crowded. Would you like to sleep alone or would you prefer to share my bed? After all, we're here for our honeymoon." Nagsalita si Vhendice mula sa likuran niya. Nanunukso na naman.

"Quit joking." Sinipat niya ito ng nakamamatay na tingin. "Namimihasa ka na."

"We're couples here, Safhire. Why not play along?" Kinindatan siya nito. Sadyang sinasagad ang pasensya niya.

Kung iintindihin niya ang lalaking ito, tiyak tatanda siyang bigla. "Napagod ako sa biyahe. Gusto ko nang magpahinga." Pumihit siya at tinungo ang hagdanan.

"Hey! What about your things here?"

"I supposed you're a gentleman?" Tinaasan niya ito ng kilay.

"But I can't possibly bring all these alone upstairs."

"Eh, 'di balikan mo. Common sense, agent!" Umakyat na siya at napabungisngis. 

***

"NANDITO na po tayo,ma'am," sabi ng driver ng taxi na sinasakyan ni Safhire.

"Ito na ba ang Victoria's Garden?" aniya.

"Opo." Itinabi ng driver ang sasakyan sa shoulder ng highway.

Kumuha siya ng pamasahe mula sa kanyang purse at inabot rito. "Salamat."

"Walang anuman po."

Bumaba siya. Natanaw niya di-kalayuan ang isang waiting shed. Iyon marahil ang sinabi ni Vhendice. Doon daw siya maghintay. Pupunta sila ngayong araw sa lugar kungsaan nahulog ang sasakyan ni Ray. Halos isang linggo ring pabalik-balik sa police station si Vhendice para makipag-negotiate sa may kapangyarihan bago sila pinayagang makita ang site. 

Private road daw iyon patungong Chrysanthemum mansion, ang ancestral home ng mga Andromida at kasalukuyang naka-off limits. Kahit ang ibang miyembro ng Andromida clan ay hindi basta-basta nakapapasok. Pero himalang nakakuha ng permiso si Vhendice sa tulong ng isang kakilalang malapit sa city administrator.

Tinunton ni Safhire ang kongkretong waiting shed. Alas-dos pa lamang ng hapon. Napaaga yata siya. Alas-tres ang usapan nila ni Vhendice bago ito umalis kaninang umaga. Nakakainip maghintay. Mabuti pa maglibut-libot muna siya. 

Tumawid ang dalaga. Naglakad-lakad. Victoria's Garden is an open garden of pine trees and flower fields. Iba't ibang uri ng mga bulaklak ang nakikita niya. The garden itself is captivating like a sheltered paradise beneath the open sky.

May natanaw na burol si Safhire. Siguradong mula sa tuktok niyon ay magandang pagmasdan ang buong hardin. Para makapunta doon ay kailangan niyang tawirin ang malawak na patag na nababalutan ng Bermuda grass na wari'y luntiang carpet na nakalatag. Mukhang malayo yata pero sulit naman ang tanawin.

Tinawid ng dalaga ang patag. Hiningal siya ng sapitin ang paanan ng burol. Makipot ang daang natagpuan niya paakyat. Nag-umpisa siyang baybayin iyon. Narating niya ang tuktok. May malaking puno ng acasia at iilang pine trees doon. 

Humugot siya ng hangin at pinahupa ang abot-abot na hininga. Humakbang siya papalapit sa punong Acacia. At natigagal nang masumpungan ang lalaking kahit sa panaginip ay hindi niya inaasahang makikita roon.

Her Sleeping Adonis!

But what is he doing here? Could it be that he woke up after she left that day? Sana pala naghintay muna siya.

Sumalampak siya sa lupa na binalot ng carabao grass at malayang pinagmamasdan ang lalaking nakaupo sa usling ugat at nakasandal sa puno. Mukhang nakatulog ito ng mahimbing. Sinusuyo ng hangin at pinaglalaruan ang maitim at malambot nitong buhok na bumabagsak ng malaya sa napakaguwapo nitong mukha.

Suminghap siya. May kung ano'ng natanggal sa puso niya na nagpapabilis ng husto sa tibok nito. Masaya siya at muli niyang nakita ito kahit pa tulog na naman. Parang may nagbago. Now, the aura of life and strength is overflowing on him.

"Mabuti naman. Masaya ako para sa iyo," bulong niyang napapangiti. Natutukso siyang haplusin ang mukha nito at hagkan ang nakapikit na mga mata sa likod ng makukulit nitong buhok na sumasayaw sa simoy ng hangin. Kaya lang, kapag ginawa niya iyon ay tiyak magigising ito. Huwag na lang. 

***

BINUKSAN ni Athrun ang mga mata at nagtagis ng bagang. Just a dream again. That Safhire Magdalene was there just now and that she was kissing his forehead. This is bad. He kept dreaming about that woman lately. He has to see her sooner or else his mind and heart would never cease becoming restless day after day.

Tumayo ang binata at tumingala. Saglit na pinagmasdan ang kalangitan. The weather is just so good. And he still have few more hours before sunset. Pwede pa siyang mamasyal. Binawi ni Athrun ang paningin at pumihit. Tinunton ang daan pababa ng burol.

His next stop will be Sta.Rosa.

Biglang nahinto ang binata nang may naalala. No...he can't take that way down. Baka makasalubong niya ang kanyang mga bodyguards.Tumakas lang siya kaya siguradong pinaghahanap na siya ng mga ito ngayon. He can't certainly have them ruin his day.

Samantala'y panay ang buntong-hininga ni Safhire habang tinatawid ang patag pabalik sa waiting shed. Hindi ulit niya napigil ang sarili na hagkan si Sleeping Adonis. Mabuti na lang at hindi ito nagising. She's the worst. Completely lost by his charms. 

Limang lalaking naka-black suit ang kanyang nakasalubong. They're much more like a personal bodyguards of some high-profile VIP. Napahabol siya ng tingin sa mga ito. Kung hindi siya nagkakamali, ang burol na pinanggagalingan niya ang distinasyon ng mga lalaki. Binawi niya ang mga mata at binilisan ang hakbang.

Pagkalabas ng bukana ng hardin ay kaagad niyang natanaw si Vhendice na naghihintay. He was leaning against an expensive sports model motorbike while toying the keys.

"Kanina ka pa?" tanong niya.

"Fifteen minutes ago. Where have you been?" ganti nitong tanong.

"Naglakad-lakad, tumitingin sa paligid. Napaaga ang dating ko. Na-bored ako."

"You should learn time management," kastigo nito. "Umalis na tayo." He gave her the extra helmet.

Tinanggap niya iyon at isinuot. Si Vhendice ay nagsuot na rin ng sariling helmet saka ito sumakay sa motorbike at binuhay ang makina.

"Let's go."

Umangkas siya sa may likuran nito ngunit hindi nag-abalang humawak sa lalaki.

"Mabilis akong magpatakbo. Baka mahulog ka," babala nito.

Napilitan siyang kumapit sa balikat nito. Kaagad nitong pinasibad ang motorbike. Mabilis nga itong magpatakbo. Pakiramdam niya ay matatangay siya ng hangin kung hindi siya kakapit ng husto rito. Mula sa balikat ng agent ay ibinaba niya ang mga kamay at mahigpit na yumapos sa baywang nito. Ipinikit niya ang mga matang kumikirot dahil sa hangin at sumubsob sa likod ni Vhendice.

Makaraan ang ilang saglit ay napansin niyang bumagal ng kunti ang takbo ng motorbike. Nang buksan niya ang mga mata ay tumambad sa kanya ang pagkaganda-gandang bridge na kanilang binabagtas. 

Wow! This city is just amazing! And she felt, there was more she has yet to see.

Sinapit nila ang portal gate ng private road patungong Chrysanthemum mansion. Saglit silang huminto sa tapat ng guardhouse. Isang guwardiya ang lumabas at lumapit sa kanila.

"Atty. Vhendice Queruben?" tanong nito.

"Yes," sagot ni Vhendice. "And this is my wife Safhire."

"Okay na po,sir. Pumasok na kayo. Tinawagan na kami kanina ng director."

"Thank you."

Sumaludo ang guwardiya bilang tugon.

Mabagal lamang ang takbo nila. At hindi mapigil ni Safhire ang mabatu-balani na naman sa tila mala-paraisong daan. The road was marked by expensive decorative lamp posts, native trees, flower beds and breathtaking center island landscapes. Hanggang sa napadaan sila sa isang kurbada kungsaan agad niyang napansin ang nasirang guardrail. Di-kalayuan pagkalampas nila ay huminto ang motorbike.

"Doon nahulog ang fiancé mo. Sasakyan niya ang sumira sa guardrail."

"Bumalik tayo." She demanded.

"Hindi pwede."

"Bakit hindi?"

"Kapag may nakakita sa atin na huminto sa bahaging iyon, tiyak pagdududahan tayo." 

"Ano pala ang dahilan at nandito tayo? Di ba para makita ang pinangyarihan ng aksidente at makahanap ng clue?"

"Tama. Pero hindi sa paraang iniisip mo. Kapag nahuli tayo ngayon, it will be game over. Hindi ka naman siguro nagmamadali?"

Hindi siya umimik. Muling pinatakbo ng agent ang motorbike. Saan pala sila pupunta kung ganoon? Nilampasan lang nila ang lugar kungsaan naganap ang krimen?

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sumunod kana lang Safhire kay Vhendice ng hindi kayo mapahamak
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • SLEEPING ADONIS    Chapter 105 - happy ever after

    Life. Love. Pain.These three are the only constant and absolute among anything. Kahit minsan ang buhay ay hindi nabuo nang ayon sa ninanais ng dalawang nagmamahalan ngunit sa pagdating nito pagmamahal pa rin ang humubog at sakit ang nagpapatibay."Are you happy?" tanong ni Gabrylle sa kanya at niyakap siya nito mula sa likod habang pinagmamasdan nila ang payapang lawa sa ibaba. Sinalo niyon ang liwanag ng buwan at lumikha ng mumunting kislap na animo'y diyamante tuwing hinahagkan ng hangin."Very much. Ikaw, masaya ka ba?" ganting tanong niya sa asawa. Tama. Asawa. Kahapon lang sila ikinasal at ngayong araw ay nakatakda sanang lumipad patungong Hawaii para sa kanilang honeymoon. Pero nagbago ang isip niya dahil kaarawan ni Eliseo sa makalawa at gusto niyang samahan ang ama upang ipagdiwang ang mahalagang araw na iyon."Ano bang nasa itenirary mo ngayon?" Hinalikan ng lalaki ang balikat niya.Pumihit siya paharap sa asawa at ngumiti. "Sa kama lang kasama ka. Hahayaan kitang bumawi sa

  • SLEEPING ADONIS    Chapter 104 - prank

    GABREYELLA JENEVA.Pangalang nakaukit sa burda ng kumot ng sanggol na kanina pa pinagmamasdan ni Gabrylle.Nakatuon lamang sa kuna ang lalaki at maya't maya ay natutulala sa kanyang anak. Like how he fell in love with her mother at first sight, he fell hard in love with his daughter the moment his eyes found her.She had the shape of her mother's face. The eyebrows and the mouth too. But she has his eyes. The color, the slit and the lashes as well as the nose.Wala siya roon sa hospital nang isilang ito. Hindi niya nakita at narinig ang unang iyak nito. Wala siya nang dalhin ito sa tabi ng ina, sa mga sandaling humingi ito ng gatas.At pinagsisisihan niya iyon. Naging mahina siya at makasarili. Inuuna niyang kalingahin ang sariling emosyon at nakalimutang kailangan siya ng kanyang mag-ina. Kailangan siya ni Jeneviv para bigyan ito ng lakas ng loob at kailangan siya ng kanyang anak para alalayan ang pagdating nito sa mundo."I'm sorry." Nanginginig ang mga daliring hinaplos niya sa dal

  • SLEEPING ADONIS    Chapter 103 - kidnap

    Bumangon si Jeneviv at maayos na inihiga sa kanyang tabi ang sanggol. Katatapos lamang niyang mapadede ang anak. Inayos niya ang pagkakabuhol ng sintas ng suot niyang bathrobe nang matanaw mula sa glass panel si Alexial na pumasok galing ng terrace.It's been a week since she was discharged from the hospital and she decided to stay at Gabrylle's unit in Sky Garden. Kungsakali bumalik ang lalaki ay hindi na ito mahihirapang hanapin siya. Pero babalik pa ba ito? Gusto niyang maniwala at kumapit sa sinabi nito dati na hindi siya nito isusuko at sa huli ay magiging asawa niya ito.Pero nasaan na nga ba ang binata? Kahit ang mga kapatid nito sa Nephilims ay walang ideya. The night he went away, he obviously hinted everyone that he is giving up and left everything. Noong gabing iyon ay nagpunta muna siya kay Raxiine para magpaalam at sabihing si Gabrylle ang pipiliin niyang papakasalan.On some point, that was a wrong move. Basically wrong. Kaya hindi niya masisisi ang lalaki kung umalis it

  • SLEEPING ADONIS    Chapter 102 - choice

    Kasabay ng mabilis na paggulong ng mga araw ang pagbaba naman ng desisyon sa korte para sa hatol ni Jeneviv. Isa hanggang dalawang taon ang sintensya ng dalaga. Kung matutuloy ang pagkakukulong nito'y doon ito aabutan ng panganganak sa kulungan."Good thing the court asked us to file for a petition to bail like what you have predicted," balita ni Alexial kay Gabrylle sa telepono."That's a good one, Alex. Coordinate this to the legal team." He instructed pulling himself out of the swivel chair. "And keep in touch," dagdag niyang lumabas na ng opisina at ibinaba ang cellphone.He's in the Monarch for the monthly board meeting. Katatapos lamang pero kailangan niyang bumalik sa conference dahil hiniling ng mga kamag-anak niya ang isang pribadong family meeting.Hula niya tungkol na naman sa mga pagbabagong ipinatutupad niya sa kompanya ang magiging agenda. Useless people. Kahit bumuo pa ng rebelyon ang mga ito'y hindi niya babawiin ang kanyang salita."I don't have much time to waste. Sp

  • SLEEPING ADONIS    Chapter 101 - tears

    Hindi na natiis ni Gabrylle na panoorin lamang si Jeneviv habang umiiyak at sinasabayan ang malakas na buhos ng ulan sa labas. It's been hours and no sign of her stopping, like the rain that's been pouring out since this morning. He stood up from the couch. Nilapitan niya ang dalagang nasa may bintana at niyakap ito nang mahigpit.Dalawang araw nang ganito si Jeneviv. Sabi ng psychiatrist hayaan na lamang muna ang dalaga na ilabas ang bigat ng loob at sakit na matagal nitong ibinaon sa mahabang panahon.Mahigit isang buwan na mula nang umpisahan ang gamutan. The group was able to determine the triggering factor of Jeneviv's split personality. Jeneva re-surfaced again but only just for a day. Hindi na muling nagparamdam ang personalidad na ito matapos magtagumpay si Jeneviv na labanan ang bawat masalimuot na proseso ng pagpapalit lalo na ang nose bleeding at pagkawala ng malay-tao nito.Sa nakaraang linggo ay unti-unti nang naaalala ng dalaga ang kabataan nito kasama si Jeneva. Partiku

  • SLEEPING ADONIS    Chapter 100 - sweet strikes

    Pagkatapos ng unang session ni Jeneviv para sa araw na iyon ay nakatulog nang mahimbing ang dalaga. Mistulang uminom ng pampatulog na sa sobrang himbing ay dinaig ang mantika.Ayon sa paunang report na binigay ng multi-disciplinary team, barado ang mga alaala ni Jeneviv sa kabataan nito. May isang bahagi ng utak nito ang patuloy na tumatangging buksan ang mga alaalang iyon dahil sa matinding trauma.Doon muna magsisimula ang grupo upang matukoy ang pinagmumulan ng trauma. Only then the team can design a program to help Jeneviv moved on. The trauma caused from a wounded past cannot be healed. They would focus her energy how to fight it and sealed it with a new and positive experience from the present.Binuklat ni Gabrylle ang sunod na pahina ng folder at tumayo mula sa inuupuang couch. Nagsalin ng inumin ang lalaki sa malinis na wine glass at binitbit palabas ng balkonahe ng silid habang patuloy na binabasa ang nilalaman ng dokumento."Gab, where are you?" tanong ni Vladimir na narinig

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status