DAHIL sa kaiisip ay hindi nakatulog si Safhire. Alumpihit sa kanyang higaan ang dalaga at pagpatak ng alas kwatro ng madaling araw ay nagpasya na siyang bumangon. Naligo siya at naghanda ng almusal. Pasado alas-singko ay lumakad na siya. Sakay ng taxi, nagpahatid siya sa bus terminal. Sa may entrance ng terminal ay agad niyang namataan si Vhendice Queruben. Kausap nito ang dalawang security guards.
Huminto ang taxi sa unloading area at doon siya bumaba. Isang shoulder bag at dalawang malalaking traveling bags na namumutok sa laman ang dala niya. Sinalubong siya ng agent nang makita siya nito.
"You're late," sita nito. Kinuha ang mga bagahe niya.
"Five minutes lang. Masyado ka namang istrikto," mataray niyang sagot.
"Self-discipline is important."
"Oo na po." Pinaikot niya ang bola ng mga mata.
"Mukhang dinala mo na yata lahat ng gamit mo," puna nito. "Balak mo bang doon na tumira?"
"None of your business at all if I do."
Nagsukatan sila nang matalim na tingin. Pagkuwa'y huminga ito nang malalim at marahang umiling. Akala marahil nito ay siya ang susuko.
"And you look terrible. Wala ka bang tulog?"
"Wala," angil niya. Hinding-hindi siya bibigay sa lalaking ito.
"Iniisip mo ako?" Now he teased her again.
Muli ay sinipat niya ito ng masamang tingin. "You've got some nerve! Bakit naman kita iisipin?"
"Very defensive. Don't worry, I'll be a good husband to you, better than the one you've lost."
"Stop being so arrogant in front of me, Queruben. I don't remember considering that lame idea of yours in the first place," naiinis niyang atungal. "As much as I am stupid in your eyes, but putting an act and becoming your wife is more than stupid."
But he just smiled. "What a handful woman. You're fiancé must have had a hard time dealing with your stubborn head that's why he chose to run away."
Nahinto sa paghakbang si Safhire. Nabigla sa sinabi ni Vhendice.
"Paano mo nalaman?"
"I've seen the report. The night before he went to Nephilim city, you both had a terrible fight."
"Dahil ayaw kong pumayag na umalis siya. I know someone was after him. At natakot ako," kompisal niya.
"How did you know that someone was after him?"
"Minsan sinabi niya na nakapatay siya."
"That's one thing we need to dig up later. It might give us trail to the culprits."
"Pero hindi ako makapaniwala. Sobrang bait ni Ray para pumatay." Namuo ang luha sa kanyang mga mata.
"Ang isang tao, gaano man kabait, kung nalalagay sa panganib ang mga bagay na gusto niyang protektahan, gagawin kahit ang pinakamasama."
Napatitig siya sa lalaki. At nakita niya ang lambong sa mga mata nito. Restlessness. Sadness. Cold anger. Those were shadowed in the corners of his eyes.
"Let's go." Nagyaya na itong umalis.
"Wala pa akong ticket."
"I brought my car."
Naka-park ang sasakyan ni Vhendice sa private parking ng terminal. Sinilip ng dalaga ang backseat. Naroon ang mga gamit nito. Isang traveling bag, bag pack at attaché case na tila napaka-confidential ng laman.
Dumaan sila ng convenience store at bumili ng makakain nila habang nasa biyahe. Mukhang pinaninindigan na nga ng lalaki ang pagpapanggap na asawa niya. Ito ang nagbayad sa lahat na pinamili nila kasama na ang ilang personal items na kinuha niya.
Pagbalik nila sa sasakyan ay kumuha siya ng pera sa kanyang wallet para bayaran ito.
"I've got lots of them in my pocket, you can keep it for now." Pabiro nitong tanggi at kinindatan siya.
"Salamat," ibinalik na lamang niya sa wallet ang pera. At umiwas nang tingin.
This agent has a killer charms and the fact that he's good when it comes to women's term almost made her want to forget about Ray. Nakatatakot ang ideyang isang araw ay madadarang siya sa karisma ng taong ito at makakalimutan niya ang fiancé.
Itinuon niya ang atensiyon sa super-highway na binabagtas nila at sa magandang awitin sa stereo ng sasakyan. Dahil sa kawalan nang tulog ng nagdaang gabi ay mabilis na naidlip si Safhire. Ginising na lamang siya ni Vhendice para sa tanghalian. Sa isang sea-food restaurant sila kumain.
"Malayo pa ba tayo?" tanong niya sa lalaki.
"Almost half-way," anito at sumimsim ng fruit juice mula sa crystal glass.
Napansin niyang panay ang sulyap nito sa table na nasa gawing likuran niya. Na-engganyo tuloy siyang lumingon, para lang matulala.
Ang naroon sa table at nag-iisa ay ang sikat na singer at model na si Jenni May Amores. She's wearing a dark fashion sunglasses, a bullcap and white skinny jeans paired with light pink long-sleeved shirt.
"Totoo palang hindi lang boses niya ang mala-anghel kundi pati ang mukha," komento niya sa tinig na halos pabulong. "May photo shoot kaya siya dito?" tanong niya kay Vhendice.
"Seems like she's waiting for someone," sagot ng lalaki.
"Boyfriend?"
"Who knows?"
Binawi niya ang paningin. "Kilala mo ba siya?"
"She's in every corner of the country, everybody knows her."
"Of course, I mean personally, you know her, don't you?"
"What made you think I knew her personally?"
"Instincts," muli niyang nilingon si Jenni May Amores. Panay ang tingin nito sa relos.
"There's no doubt, she's waiting for him."
"Him?" Nalipat kay Vhendice ang atensiyon niya.
"Haydees Andromida. She is Haydees' fiancee."
"What?" Laglag ang panga niya. Si Jenni May Amores ay fiancée ni Haydees Andromida? Bakit hindi iyon napabalita? Hindi ba alam ng media? Imposible. "Maghintay tayo.Gusto kong makita si Haydees Andromida," pahayag niya.
Naghintay sila. Makaraan ang ilang minuto, isang lalaki ang pumasok sa main entrance ng restaurant. Wearing a hooded turtle neck jacket with extended collar hiding almost half of his face plus a dark shades concealing his eyes.
"There he is," pabulong na sabi ni Vhendice.
Tumigil sa paghinga si Safhire habang sinusundan nang tingin ang lalaking bagong dating. Pakiramdam ng dalaga ay puputok sa sobrang kaba ang puso niya nang dumaan ito sa tapat nila papunta sa table kung saan naghihintay si Jenni May Amores.
Haydees Andromida. He emitted a provoking atmosphere so powerful and striking. It seems time stops when he came in. Ganito kalakas ang dating ng isang Haydees Andromida? His sight alone is frightening.
"Let's keep moving," yaya ni Vhendice at tumayo.
"H-ha?" Nahimasmasan siya.
"Nakita mo na siya kaya tayo na."
"A-ang bill?"
"Nabayaran ko na."
Napakurap siya. "Kailan?"
"Masyado kang natulala sa kanya kaya hindi mo napansin."
"Hindi naman ako natulala, no?" deny niya na napapahiya.
"Let's go." Hinatak siya nito palabas ng restaurant.
***
NAKATULOG muli sa biyahe si Safhire na ang laman ng isip ay si Haydees Andromida. Nang magising ang dalaga ay latag na ang dilim. Labis siyang nabaghan. Ganoon kalayo ang La Salvacion? Inabot na sila ng buong araw sa biyahe at gumagabi na ay hindi pa rin sila makarating-rating sa lugar gayong pakiramdam niya ay nasa dulo na yata sila ng mundo.
"Gising ka na pala. Tamang-tama," nagpreno si Vhendice at binagalan ang takbo ng sasakyan.
"Bakit? Malapit na ba tayo?" tanong niya.
"As a matter of fact, we're here." Itinabi nito ang sasakyan at may iniabot sa kanya.
"Ano ang mga ito?"
"Passes cards natin. Hindi tayo makapapasok kung wala ang mga iyan."
Passes cards? Naroon ang pangalan nilang dalawa ni Vhendice ngunit na-shock siya ng mabasa ang sa kanya. Mrs. Safhire Queruben? Over-night lang nabago na ang status niya? Pati apelyido!
"Wait, kailangan ba talaga ang mga ito?"
"SOP 'yan ng siyudad. Wala kang alam 'di ba? Kaya tumahimik ka na lang at sumunod."
Suplado! Grabe! Ganoon kahigpit ang lugar na iyon? Napailing na lamang siya.
Muling pinausad ni Vhendice ang sasakyan. Napaunat siya sa pagkauupo nang matanaw di-kalayuan ang mala-higanteng portal gate.
NEPHILIM CITY...WELCOME
Sa bungad ng gate ay hinarang agad sila ng limang security guards na armado ng matataas na kalibre ng baril at mga canines.
"Show those passes," instruct ng agent sa kanya.
Ibinaba niya ang salamin sa bintana ng sasakyan at ibinigay ang passes sa guard na sumilip. Kinuha nito ang passes at tiningnan.
"Atty. Vhendice Queruben at Mrs.Safhire Queruben?"
"Yes," tango niya.
"Mag-asawa kayo?"
"Yes." Tumingin siya kay Vhendice. Saglit na nag-usap ang mga mata nila at nagkaintindihan. "We're here to spend our honeymoon." Baling niya muli sa guard. Duda siya kung convincing ang sinabi niya.
Ibinalik nito ang passes sa kanya. "We need to check your luggage," anito at senenyasan ang mga kasama. Tatlong guwardiya pa ang lumapit kasama ang canines. Binuksan ng mga ito ang pinto sa tapat ng backseat at pumasok ang aso. Sininghot ang mga bagahe. Nang matiyak na walang kahina-hinala sa mga gamit nila ay nag-thumbs up ang isang guwardiya.
"Okay na. Pwede na kayong tumuloy. Enjoy your stay."
"Salamat," aniyang nakahinga ng maluwag at itinaas na muli ang salamin ng bintana.
Pinausad ni Vhendice ang sasakyan. Nandito na rin sila sa wakas.
City of the fallen angels...
***
MULA sa floor to ceiling window ay pinagmamasdan ni Athrun ang maulap na kalangitan. Hindi niya makita ang buwan at mga bituin. Ayaw siyang pagbigyan ng mga ulap. Narinig ng binata ang pagbukas ng pinto ng silid at ang muling pagsara niyon.
"You should go to bed," sabi ni Ghaile. Inihawak ang isang kamay sa tinted na salamin ng bintana.
"Isn't it too early to sleep? Besides I've been sleeping for about five weeks you said," sagot ni Athrun. Sinulyapan ang doctor.
"You need a lot of rest, Athrun."
"Hmn."
"Naiinip ka ba?"
"Ghaile, where's the moon. I couldn't see it."
"Maulap kasi."
"Another storm is coming?"
"According to the news, it is just a low-pressure area. But eventually, it will become a storm."
"Umalis na ba ang nurse?"
"Yes. Are you sure you don't need her anymore?"
Tumango si Athrun. "I'm fine now."
Katahimikan.
"Are you thinking of going home soon?" tanong ni Ghaile. Pumihit at sumandal sa salamin.
"You won't allow me, would you?" Athrun heaved a subtle breath.
"Unless you are strong enough."
"Have you talked to the boys? How are they?"
"They're all fine. Stop worrying about them."
"And Haydees?"
"He's with me during the operation. I don't know if he's still there, he hasn't called me yet. I think he's got some business to take care of in Boston regarding the Boston hijackers. Anyway, I've talked to Rheeva this afternoon. He's coming. Everyone will be coming to see you. Great news, huh?"
"Hm." Huminga ng malalim si Athrun.
"Something wrong?" tanong ni Ghaile.
Matagal bago nagsalita ang binata. "Where is she, Ghaile?"
"Who?"
"That woman who's with me before I woke up. Safhire Magdalene, where is she?"
Natigilan ang doctor. How did Athrun know about her?
"I'm sorry, I shouldn't have...but I...I can't stop thinking about her. She's real, isn't she, Ghaile? She's not just a dream or someone created by my subconscious. She really existed. I know, I heard her in my sleep. She was talking to me. Telling me so many things. I can sense her presence when she's around."
Ghaile was stunned. So, she's the one who brought Athrun back to life.
"I know I shouldn't have asked something stupid like this but I want to see her. Bring her back to me, Ghaile. Bring that woman back."
"Is that an order?"
"An order and a request, from your brother. That woman saved me from the darkness. I should at least extend my gratitude to her in person."
Katahimikan.
Pagkuway nagsalita si Ghaile. "I understand. I'll bring her back, if that's what you wish," pahayag ng doctor.
"Thank you, Ghaile. I'll go to bed now." Pumihit si Athrun at banayad na humakbang patungo sa king-sized four-poster bed.
Life. Love. Pain.These three are the only constant and absolute among anything. Kahit minsan ang buhay ay hindi nabuo nang ayon sa ninanais ng dalawang nagmamahalan ngunit sa pagdating nito pagmamahal pa rin ang humubog at sakit ang nagpapatibay."Are you happy?" tanong ni Gabrylle sa kanya at niyakap siya nito mula sa likod habang pinagmamasdan nila ang payapang lawa sa ibaba. Sinalo niyon ang liwanag ng buwan at lumikha ng mumunting kislap na animo'y diyamante tuwing hinahagkan ng hangin."Very much. Ikaw, masaya ka ba?" ganting tanong niya sa asawa. Tama. Asawa. Kahapon lang sila ikinasal at ngayong araw ay nakatakda sanang lumipad patungong Hawaii para sa kanilang honeymoon. Pero nagbago ang isip niya dahil kaarawan ni Eliseo sa makalawa at gusto niyang samahan ang ama upang ipagdiwang ang mahalagang araw na iyon."Ano bang nasa itenirary mo ngayon?" Hinalikan ng lalaki ang balikat niya.Pumihit siya paharap sa asawa at ngumiti. "Sa kama lang kasama ka. Hahayaan kitang bumawi sa
GABREYELLA JENEVA.Pangalang nakaukit sa burda ng kumot ng sanggol na kanina pa pinagmamasdan ni Gabrylle.Nakatuon lamang sa kuna ang lalaki at maya't maya ay natutulala sa kanyang anak. Like how he fell in love with her mother at first sight, he fell hard in love with his daughter the moment his eyes found her.She had the shape of her mother's face. The eyebrows and the mouth too. But she has his eyes. The color, the slit and the lashes as well as the nose.Wala siya roon sa hospital nang isilang ito. Hindi niya nakita at narinig ang unang iyak nito. Wala siya nang dalhin ito sa tabi ng ina, sa mga sandaling humingi ito ng gatas.At pinagsisisihan niya iyon. Naging mahina siya at makasarili. Inuuna niyang kalingahin ang sariling emosyon at nakalimutang kailangan siya ng kanyang mag-ina. Kailangan siya ni Jeneviv para bigyan ito ng lakas ng loob at kailangan siya ng kanyang anak para alalayan ang pagdating nito sa mundo."I'm sorry." Nanginginig ang mga daliring hinaplos niya sa dal
Bumangon si Jeneviv at maayos na inihiga sa kanyang tabi ang sanggol. Katatapos lamang niyang mapadede ang anak. Inayos niya ang pagkakabuhol ng sintas ng suot niyang bathrobe nang matanaw mula sa glass panel si Alexial na pumasok galing ng terrace.It's been a week since she was discharged from the hospital and she decided to stay at Gabrylle's unit in Sky Garden. Kungsakali bumalik ang lalaki ay hindi na ito mahihirapang hanapin siya. Pero babalik pa ba ito? Gusto niyang maniwala at kumapit sa sinabi nito dati na hindi siya nito isusuko at sa huli ay magiging asawa niya ito.Pero nasaan na nga ba ang binata? Kahit ang mga kapatid nito sa Nephilims ay walang ideya. The night he went away, he obviously hinted everyone that he is giving up and left everything. Noong gabing iyon ay nagpunta muna siya kay Raxiine para magpaalam at sabihing si Gabrylle ang pipiliin niyang papakasalan.On some point, that was a wrong move. Basically wrong. Kaya hindi niya masisisi ang lalaki kung umalis it
Kasabay ng mabilis na paggulong ng mga araw ang pagbaba naman ng desisyon sa korte para sa hatol ni Jeneviv. Isa hanggang dalawang taon ang sintensya ng dalaga. Kung matutuloy ang pagkakukulong nito'y doon ito aabutan ng panganganak sa kulungan."Good thing the court asked us to file for a petition to bail like what you have predicted," balita ni Alexial kay Gabrylle sa telepono."That's a good one, Alex. Coordinate this to the legal team." He instructed pulling himself out of the swivel chair. "And keep in touch," dagdag niyang lumabas na ng opisina at ibinaba ang cellphone.He's in the Monarch for the monthly board meeting. Katatapos lamang pero kailangan niyang bumalik sa conference dahil hiniling ng mga kamag-anak niya ang isang pribadong family meeting.Hula niya tungkol na naman sa mga pagbabagong ipinatutupad niya sa kompanya ang magiging agenda. Useless people. Kahit bumuo pa ng rebelyon ang mga ito'y hindi niya babawiin ang kanyang salita."I don't have much time to waste. Sp
Hindi na natiis ni Gabrylle na panoorin lamang si Jeneviv habang umiiyak at sinasabayan ang malakas na buhos ng ulan sa labas. It's been hours and no sign of her stopping, like the rain that's been pouring out since this morning. He stood up from the couch. Nilapitan niya ang dalagang nasa may bintana at niyakap ito nang mahigpit.Dalawang araw nang ganito si Jeneviv. Sabi ng psychiatrist hayaan na lamang muna ang dalaga na ilabas ang bigat ng loob at sakit na matagal nitong ibinaon sa mahabang panahon.Mahigit isang buwan na mula nang umpisahan ang gamutan. The group was able to determine the triggering factor of Jeneviv's split personality. Jeneva re-surfaced again but only just for a day. Hindi na muling nagparamdam ang personalidad na ito matapos magtagumpay si Jeneviv na labanan ang bawat masalimuot na proseso ng pagpapalit lalo na ang nose bleeding at pagkawala ng malay-tao nito.Sa nakaraang linggo ay unti-unti nang naaalala ng dalaga ang kabataan nito kasama si Jeneva. Partiku
Pagkatapos ng unang session ni Jeneviv para sa araw na iyon ay nakatulog nang mahimbing ang dalaga. Mistulang uminom ng pampatulog na sa sobrang himbing ay dinaig ang mantika.Ayon sa paunang report na binigay ng multi-disciplinary team, barado ang mga alaala ni Jeneviv sa kabataan nito. May isang bahagi ng utak nito ang patuloy na tumatangging buksan ang mga alaalang iyon dahil sa matinding trauma.Doon muna magsisimula ang grupo upang matukoy ang pinagmumulan ng trauma. Only then the team can design a program to help Jeneviv moved on. The trauma caused from a wounded past cannot be healed. They would focus her energy how to fight it and sealed it with a new and positive experience from the present.Binuklat ni Gabrylle ang sunod na pahina ng folder at tumayo mula sa inuupuang couch. Nagsalin ng inumin ang lalaki sa malinis na wine glass at binitbit palabas ng balkonahe ng silid habang patuloy na binabasa ang nilalaman ng dokumento."Gab, where are you?" tanong ni Vladimir na narinig