"NAGYAYA si Andross, sasama ka Angela?" tanong ni Joni kay Angela. Napatingin si Angela sa kanya at inirapan siya na kina-ngiti niya, "sayang din kung hindi ka sasama, lahat ng barkada sasama tapos ikaw dahil lang sa LQ niyo ni Andross ay hindi ka na sasama."
"Saan ba kasi nagyaya ang pangit na 'yon?" tanong na rin ni Angela, na ikinangiti niya dahil mukhang sasama na ito.
"Sa rest house raw nila sa Baguio. Sabi nila Froilan, malaki raw ang bahay doon nila Dross at mansyon nga raw eh, kaya lang parang hunted house na dahil wala naman naglalagi doon. Nililinis lang iyon ng caretaker nila kaya laging malinis."
"Haunted house pala iyon eh, hindi ka ba natatakot doon? Mamaya makakita tayo ng multo doon."
"Iyon nga ang mas masaya doon eh, ang mag-ghost hunting! Naalala mo noong bata pa tayo, lagi natin ginagawa ang mag-ghost hunting, wala naman tayong napapala at nakikita. Malay mo doon makakakita na tayo at may make-kwento na tayo na sarili nating horror experience!" excited na sabi niya kay Angela.
"Nababaliw ka na ba? Baka nga ma-trauma pa tayo dahil diyan!"
"Ang kj mo, alam mo! Masyado kang takot eh, multo lang naman iyon at hindi tayo magagawang masasaktan n'on! Kaya sumama ka na Angela, please. Hindi talaga ako sasama kapag wala ka." Napabuntong hininga si Angela, kaya siya nagkaroon ng pag-asa.
"Sige. Kailan ba? Nang makapag-leave na ako sa trabaho," tugon ni Angela.
"Actually, pinagpaalam na rin kita kay Hendrix. Sabi ko, sasama tayo kila Dross," nakangiting sabi niya.
"Ang galing! Mukhang fix na fix na sa'yo ang lahat, ah?" sarkastikong sabi ni Angela.
"Oo naman! Hinanda ko na nga rin ang maleta mo sa bahay, eh." Hindi makapaniwalang napatingin sa kanya si Angela. Ngiting-ngiti naman siya rito kaya napangiti na rin s Angela.
"Hindi ka ba makakapunta ng wala ako?" tanong nito sa kanya.
"Hindi. Alam mo naman na mahal kita, eh." Napangiti na naman ito.
Magkababata sila ni Angela at parang magkapatid na rin ang turingan nila, kung nasaan siya ay gusto niya nandoon lang din si Angela o kaya ay magkalapit sila. Kahit naman ito sa kanya. Kaya nga nang makapag-tapos sila ng Kolehiyo ay 'agad silang naghanap ng trabaho na magkasama sila at rumenta ng bahay na magkasama pa rin sila.
"Kailan ba ang alis natin?" untag na tanong nito sa kanya.
"Sa makalawa na. Kaya mag-ayos-ayos ka na rin ng mga dadalhin mo mamaya pag-uwi natin, ha."
"Nilabas mo na rin naman ang maleta ko ay sana inayos mo na rin ang mga dadalhin ko."
"Aba! Inayos ko na 'yong leave at maleta mo pati ba naman mga dadalhin mo ako pa mag-aayos? Sobra na ang katamaran na 'yan," nakangising tugon ni Joni. Natawa naman ito.
"Oo na! Sinu-sino pala mga kasama?"
"Si Andross, Colt, Camilla, Viena, Froilan, Levi, Mia. Alam ko sila sila lang, eh!" Nag isip-isip pa siya kung sino pa kasama nila sa bakasyon.
"Kasama rin pala ang manyak na si Colt?" umirap ito," saka sila Viena at Camilla? Sure ka, sasama tayo sa mga iyon eh 'di ba, inis naman sila sa atin?"
"Eh, sa totoo lang naman talaga ayaw ko sana kaso si Dross," napakagat-labi siyang amin.
"Ano si Dross?" takang tanong ni Angela.
"Kapag hindi raw ako sumama ay bu-bully-hin niya raw ako rito. Alam mo naman na isa sa mga boss natin 'yon, saka drinamahan ako na para raw hindi ako kaibigan."
"Baliw talaga ang pangit na 'yon!" inis na sabi ni Angela.
"Pero feeling ko talaga kaya pinilit ako ni Dross, dahil sa'yo."
"Ako? Eh bakit naman? Nakataas na ang kilay nito.
"Sus! Siyempre para magkaayos na kayo! Kilig-kilig siya!" tudyo niyang sabi sa kaibigan.
"Tigilan mo nga ako!"
"Bakit kasi hindi ka na makipag-usap sa lalaking iyon para magkaayos na kayo?" tanong niya.
"Alam mong hindi basta ang ginawa niya. Kaya pwede ba, 'wag mo akong ina-advice ng ganyan dapat nga galit ka rin diyan kay Dross eh, dahil ako ang kaibigan mo. Nakakatampo ka naman!"
"Alam mo naman sa'yo ako kumakampi, eh! Kaya nga 'di ba niresbakan ko 'yon pero dahil kaibigan ko rin naman si Dross, kailangan ko ring pakinggan panig niya at may katwiran naman siya, eh."
"Ewan! Basta ayoko na munang makipag-ayos sa kanya!"
"Bahala ka. Sige na, trabaho na tayo at patapos na ang lunch time natin. Ba-bye," paalam niya sa kaibigan.
---
ANGELA POV
BUSY si Angela nang tumunog ang cellphone niya kaya kinuha niya ito at may text message siya sa unknown number. Binuksan niya ito para basahin.
Hi Gela, I miss you.
Nagsalubong ang kilay niya. Tumunog na naman ang Cellphone niya at isa na naman text message.
Buti naman sasama ka sa rest house namin. Promise, mag-e-enjoy kayo doon.
Napabuntong hininga siya. Alam na niya kung sino ang nag-text sa kanya kahit hindi ito magpakilala. Hindi na rin siya magtataka kung bakit nakuha nito ang bagong number niya, siguradong ibinigay ito ng mabait niyang kaibigan,
"Traydor! Sino ba talaga best friend niya? Bakit sa lalaking iyon siya kumakampi?" may inis na sabi niya sa isip.
Pero kahit bad trip siya dahil nalaman ni Andross, ang bago niyang number at dahil pa sa kaibigan niya ay hindi naman niya makuhang magalit sa kaibigan. Alam niya na may magandang dahilan ang kaibigan niya kaya ibinigay nito ang bago niyang number. O baka tinakot na naman si Joni ni Andross, kaya napiltan ito. Hindi na lang niya ni-replayan ang text ni Andross at pinatay na niya ang cellphone at muling tumutok sa pagtatrabaho. Pagtapos ng trabaho ay bago sila umuwi ni Joni, ay pumunta muna sila ng mall para mamili ng mga dadalhin nila sa bakasyon at mga susuutin na rin pero bago sila namili ay kumain na muna sila sa isang restaurant.
"Hoy! Kumain ka na puro ka cellphone d'yan, eh!" sita niya kay Joni dahil halos hindi nito magalaw ang pagkain nito kaka-cellphone."
"Oo, wait lang. May tini-text pa ako."
Mayamaya rin naman binaba nito ang cellphone at nag-umpisa ng kumain kaya na tahimik na rin siya at sumabay sa pagkain.
"Oh, he's here!" sabi ni Joni. May kinawayan ito sa likuran niya kaya napalingon din siya. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ang tinutukoy ng kaibigan. Bumalik ang tingin niya kay Joni.
"Joni, anong ginagawa niya rito?" inis na tanong niya.
"Gusto lang sumabay sa atin ni Dross, mamili. Hayaan mo na girl, maganda nga iyon may tutulong sa atin sa pagdala ng mga pinamili natin. Tapos libre pa pamasahe saka siya naman ang nag-insist." Magsasalita pa sana siya nang umupo sa tabi niya si Andross, kaya tumahimik na lang siya.
"Hi Gela," bati sa kanya nito. Hindi niya ito tinutugunan at ni tingin hindi niya ginawa.
"Mag-order ka na Dross, 'di ba sasabay ka rin sa amin kumain?" sabi ni Joni kay Andross.
"Oo. Saka ako ng bahala diyan sa kinakain niyo. And if you want to order pa, feel free. I'm in charge!
"Yabang!" bulalas niya. Tumawa ng pilit si Joni at nararamdaman niya nang may sumipa sa paa niya kaya napaiki siya.
"Bakit Gela? Okay ka lang?" tanong ni Andross sa kanya. Nang makitang naipaiki at napangiwi siya sa sakit ng ginawa ng mabuti niyang kaibigan.
"Ayos lang ako!" inis na tugon niya kay Andross at masamang tumingin kay Joni. Nginitian siya ng hilaw ni Joni.
"Ahm, mag-order ako ng dessert. Ganoon din si Gela, iyong paborito niyang cake, Dross." sabi ni Joni na nakatingin na kay Andross.
"Hindi na. Okay na sa akin-
"Okay lang 'yan, Gela. 'Di ba sabi mo kanina ka pa nagki-crave sa paborito mong cake," putol sa sasabihin pa sana niya ni Joni. Masama niya ulit itong tinignan pero wala rin naman siyang nagawa ng nagtawag na ng waiter si Andross at nag-order na ito.
Matapos kumain namili na sila. Magkasama silang tatlo pero nagtataka siya dahil bigla na lang nawala si Joni sa paningin niya at si Andross na ang kasama niya. "Nasaan si Joni?" magkasalubong ang kilay na tanong niya kay Andross.
"Hindi ko nga alam, eh." Napakamot pa ito sa batok niya.
"Bwesit talaga ang babaeng iyon! Bakit niya ako iniwan!" iritadong sabi niya.
"Baka may bibilhin lang iyon. Hindi naman siguro siya nang-iwan," tugon naman ni Andross. Hindi na siya nagsalita at mabilis naglakad. "Angela!" tawag sa kanya ni Andross.
"Bakit?"
"Please, 'wag ka ng magalit sa akin. Alam ko mali ang nagawa ko pero 'wag mo naman tapusin ang relasyon natin ng ganito lang Gela, ikaw ang mahal ko hindi-
"Mahal mo? Pero nangbabae ka? Ano bang klaseng pagmamahal meron ka?" may pait na tanong niya rito.
"Angela please, believe me. She's nothing to me at hindi ko siya babae-
"Sa totoo lang wala naman na akong pakialam na sa'yo, eh. Tapos na tayo kaya dapat hindi ka na nagpapaliwanag ng ganito." puno ng pait na putol pa rin niya sa sasabihin ni Andross.
"Because I want you back! Kaya ako ang nagpapaliwanag ng ganito sa'yo," may pakiusap ang himig ng salita nito, "kaya please, listen to me."
"Wala na akong planong makipagbalikan sa'yo Dross. Kaya please, stop me!" diin niya.
"Gela, hindi ka ba nanghihinayang sa tatlong-taong relasyon natin? Ganito mo na lang ba pakakawalan iyon?" may sama ng loob na tanong sa kanya ni Andross.
"Ikaw, bakit hindi mo tanungin ang sarili mo? Hindi ka ba nanghihinayang sa tatlong-taon na relasyon natin at naisipan mong lokohin ako ng ganun ganun na lang?" balik niyang sumbat sa binata.
"Pakinggan mo naman muna ako, Angela-
"Bakit kapag pinakinggan ba kita ay mababago ba ang lahat ng mga masasakit na naramdaman ko dahil sa panloloko mo?" may bahid na ng galit ang boses niya.
"Angela, please."
"Andross, please!" diin na niya," tigilan mo na ako at 'wag mo na akong kulitin pa!" Saka siya naglakad para iwan ito.
"Hindi kita titigilan, Angela. Hangga't hindi tayo nagkaka-ayos!" pangako nito. Hindi na niya ito hinarap at dire-diretso na iniwan ito.
"Hoy! Gela, saan ka pupunta?" Nakasalubong niya si Joni na may mga hawak ng paper bag at mukhang nakarami na itong nabili.
"Saan ka ba galing, ha? Bakit iniwan mo ako?" galit niyang tanong dito. Nakita niyang nabigla ito at napatitig sa kanya.
"Sorry. Akala ko kasi kailangan niyo ni Dross, ang mapag-isa-
"Inisip mo na baka kailangan namin mapag-isa pero hindi mo iniisip na paano ang nararamdaman ko? Joni naman! Alam mo, kung paano ako nasaktan sa ginawa niya! Nasa tabi kita sa tuwing umiiyak ako pero parang wala kang alam at naiisip mo pang hayaan ang lalaking iyon na makausap at saktan ako ulit! Gumuhit ang guiltiness sa mukha nito.
"Sorry Gela. Gusto ko lang naman na magkalinawan kayo."
"Hindi pa ako handa diyan, Joni. Sana naman intindihin mo iyon at 'wag mong pilitin pa na magkaayos kami ni Dross."
"Sorry na Gela," nagsisising hingi ng paumanhin ni Joni. Napabuga siya ng hangin. Naiinis talaga siya kay Joni, pero nawawala rin naman iyon kapag ganito na ka-sincere mag-sorry ang kaibigan niya. Isa pa, alam naman niya na may mabuti talaga itong dahilan kung bakit umaayon ito kay Andross.
"Umuwi na tayo! Bukas na lang ako mamimili!"
"Ako nakapamili na! Nandito naman na tayo mamili ka na," pamimilit ni Joni sa kanya.
"Ayoko! Nandito pa ang lalaking iyon!"
"Sa ibang store na lang saka iti-text ko na rin iyon na hindi na tayo sasabay sa kanya. Kawawa naman iyong tao. Pinapunta ko lang dito para iwan natin," parinig pa sa kanya ni Joni kaya matalim niya itong tinignan. "Oo na. Hindi na ako magpaparinig." Nakataas ang dalawang kamay na sabi nito.
"Tama na, Joni. Baka magbago pa isip ko na sumama sa bakasyon doon sa rest house nila Dross."
"Ay! 'Wag naman! Sayang itong pinamili ko, oh!
"Kaya tigilan mo ako!" pairap niyang banta rito.
"Oo na. Tara na doon tayo sa isang store at nang makapamili ka na."
Inangkla nito ang braso sa braso niya at hinila siya nito para lumakad. Wala naman siyang nagawa kundi magpaubaya na lang dito. Mangungulit at mangungulit din ito sa gusto nito kaya inayunan na lang niya.
ANDROSS POVNAGLALAKAD si Andross, sa malaking bahay.Ang bahay na ito? Paano siya nakapunta kaagad dito? Ang alam niya nasa biyahe pa lang sila patungo Rito at nakaramdam siya ng antok kaya pinaubaya na niya sa pinsan niyang si Froilan, ang pag-drive sa van na sinasakyan nila.
ANGELA POVNANGINGINIG si Angela, habang iniinom ang tubig sa baso. Matapos siyang magsisigaw ay nagising ang halos lahat ng tao sa bahay na iyon kaya lahat ay sinaklolohan siya. Dinala siya ng mga ito sa kusina at pinainom ng tubig. Nanginginig pa siya sa sobrang takot dahil sa kakilakilabot na nasaksihan niya sa lugar na iyon."Ano bang nangyari sa'yo, Gela? Baki
JONI POVNASA hapag-kainan na silang lahat at wala ni isang nagtatanong kay Angela, sa nangyari rito kagabi na ipinagtataka ni Joni. Para ngang wala talagang nangyari kagabi."Dross," tawag niya nang makita itong patungo sa hardin at sinundan niya ito.
ANGELA POV"BAKIT naman? Eh, nandito naman na tayo, bakit hindi natin alamin kung anong meron diyan?" tanong ni Viena. Nilapitan ni Angela, ang babaeng nakahiga sa kama at niyugyog ito."Hey! What the hell are you doing?" sita sa kanya ni Colt.
JONI POVGUMUGULO pa rin sa isip ni Joni, ang Cassandra na iyon. Paano napunta ang babaeng iyon sa ilalim ng basement at sino ba talaga ang babaeng iyon? Isa pa, ano ang sinasabi nitong kinulong at pinatulog daw siya ng isang mangkukulam? Nahihiwagaan talaga siya sa babaeng iyon. May misteryo nga ba ang babaeng iyon o nasisiraan lang ito ng bait?Napabuntong
ANDROSS POVLAHAT SILA AY kinilabutan at nagulat sa biglaang pagkamatay ng care taker ng pamilya nila Andross. Mabait si Manang Cora at malakas pa ito, nakakagulat na mamatay itong bigla. Hinawakan ni Andross ang balikat ni Mang Lando para damayan ito, dinala na sa punerarya ang katawan ni Manang Cora at ang mga anak na nito ang nag-asikaso at si Mang Lando, naman ay nanghihina na nakaupo lang sa sofa nila sa bahay at umiiyak pa rin.
JONI POV"ANG WIERD NI Colt, ngayon ano?" Napalingon si Joni sa kaibigan. Nasa isang mall sila at naisipan nilang mamasyal matapos kumain ng agahan."Oo nga, eh. Saka bakit nagkagano'n ang itsura niya?"
JONI POVNANLAKI ANG MATA ni Joni, sa sinabi sa kanya ni Markus. Anong sinasabi nito? Nagulat siya lalo nang hilahin siya nito."Markus, ano ba! Saan mo ako dadalhin?" sigaw na niya.