แชร์

TRES

ผู้เขียน: Gladyjane
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2022-02-16 20:32:15

Katulad kahapon ay maaga akong nakauwi,dahil na rin sa mabilis na naubos ang mga paninda ko.Naglalakad na ako ngayon papuntang sakayan kasama si Fely,na hanggang ngayon ay hindi pa rin maka move on sa nangyari kanina.

“Bakit kasi hindi mo nalang sinagot si Jordan?Palagi ka pa naman tinatanong no’n.Ako na nga ang ka-text,pero ikaw pa rin ang hanap!” Nakangusong lintanya nito kaya napatawa nalang ako at napailing.

Sinamaan niya naman ako ng tingin at naunang maglakad ng malapit na kami sa sakayan.

“Ayaw mo no’n,p’wede ka ng pumorma sa kanya.Solong-solo mo na siya ngayon!”

Tinaas baba ko pa ang kilay ko,pero ang bruha ng irap lang.Mas lalo naman akong natawa.

“Sana nga gano’n lang kadali ‘yon! Patay na patay kaya ‘yon sa’yo!”

Nauna na itong pumasok sa traysikel at naupo.Sumunod akong tumabi sa kanya.

“Eh,patay na patay ka rin naman sa kanya!Kaya bagay kayon--aray!”

Natatawa akong napahawak sa tagiliran kong kinurot niya.

“Tseh,tigilan mo nga ako Nerissa!Kung hindi ko lang alam na may hinihintay ka rin.Kaya mo nga binasted si Jordan eh!”

Nawala ang ngiti sa labi ko at natahimik sa sinabi niya.

“Oh,natahimik ka na.Bakit kasi hindi mo nalang siya lapitan,kilala mo naman siya.Ang problema nga lang,mukhang hindi kana niya maalala pa.Mas masaklap ang love life mo kesa sa’kin bes!”

Napapailing nitong saad at ikinawit ang kamay niya sa braso ko.Napabuntong hininga naman akong tumingin nalang sa labas ng traysikel.

Hindi ako lalapit sa kanya.Pinanghahawakan ko pa rin ang pangako niya.Pero mukhang pangako na mapapako nalang.Hindi niya ako maalala,kasi kung naalala man niya ako dapat noon pa.Dapat nahanap niya ako ngayon.Alam niya naman ang buong pangalan ko.Ibinigay ko pa sa kanya ang address namin dito sa probinsya.Pati ang number ko na hanggang ngayon ay hindi ko mapalit-palitan dahil sa kanya.Sa pag-aasam na tatawag siya.Pero limang taon na ang nakakalipas ,wala pa rin.At hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako.

Nangako siya,’yon ang pinanghahawakan ko.Hangga’t hindi pa kami nagkikita aasa ako.At sana,hindi mabaliwala ang paghihintay ko.

Nakarating kami sa bahay at agad na nagsilapit ang mga kapatid ko sa’kin.Niyakap ko sila at hinalikan sa ulo.Gumanti din naman sila ng yakap.

“Ate,mas maaga ka ngayon,ibig sabihin p’wede ka pa naming makalaro? ”Inosenteng tanong ni Arjun isa sa kambal.

Ginulo ko ang buhok nito at nakangiting sumagot.

“Oo naman,kakain at magbibihis lang si ate tapos maglalaro na tayo!”

“Yehey!”Sabay na sigaw ng kambal at nag-apir.

“Kasama ba si ate Fely sa laro?”

Tanong ni Arnold kaya napatingin kami sa isa’t isa ni Fely.

“Naku eh,pasensya na mga bebe.Kailangan ko din kasi na umuwi at may inuutos ang nanay sa’kin.”

Tugon ni Fely ,pero napanguso ang dalawang kambal sa kanya.

“Hayaan niyo at sa susunod na araw hihingi ako kay nanay ng day-off,para makapag-laro tayo!”

Nakangising saad nito at nagliwanag naman ang mukha ng dalawang bata sa harap niya.

“O sige,basta pangako ‘yan ha?Kun’di bawal ka na pumunta dito at hindi ka na namin bati!”

Nagkatinginan kami ni Fely at sabay na natawa.Close din kasi ang kambal kay Fely,dati ay napag-iiwanan ko pa siya sa dalawa kapag may lakad si tiyang at hindi p’wedeng isama ang dalawa.

“Pramis ko ‘yan!"

Sagot ni Fely at nag-apir silang tatlo.

Matapos ang pag-uusap nila ay pumasok na rin kami sa bahay at naabutan namin si tiyang na naghahanda ng pagkain sa mesa.

“Tiyang ako na po d’yan!”

Lumapit na ako at tumulong sa paghain at nagmano.Maging si Fely ay nagmano din at tumulong .

“Magandang araw tiyang,parang mas gumaganda tayo ngayon ah!Ano’ng sikreto mo tiyang,skin care reveal naman d’yan!”

“Naku,tigilan mo nga ako Fely.Wala akong sikreto,natural na ganda ‘yan!”

Nagtawanan kami at naupo na, nagsimula ng kumain .Si tiyang naman ay lumabas at pupunta daw muna sa bahay nila.Matapos kami kumain at magligpit ay nagpaalam na si Fely.

“Ang totoo,pumunta ka lang talaga dito para makikain ‘no?”

Natatawang saad ko,na ikinabusangot niya.

“Alam mo naman kung bakit ayaw ko umuwi sa bahay ngayon na wala pa si nanay eh.” Nakangusong saad nito.

Ayaw niyang umuwi sa bahay nila na wala ang nanay niya dahil sa step father nito.Lasenggo at kung minsan ay napagbubuhatan ng kamay si Fely kapag wala ang ina.

Katulad na lang ngayon dapat ay uuwi na siya sa bahay nila dahil nga may inuutos ang nanay niya.Pero dahil alam niyang nando’n sa mga oras na ito ang ama-amahan ay nagpalipas muna siya ng oras dito sa bahay.

“O siya sige na at lumayas ka na. Magbibihis pa ako at maglalaro pa kami ng dalawang kapatid ko.”

Taboy ko sa kanya at winaksi -waksi naman nito ang kamay ko ,pareho kaming natawa.

“Oo na kita nalang tayo bukas,mag-iingat ka!”

Paalam nito at nagpa-alam na din sa mga kapatid kong ngayon ay palapit sa’kin.

“Ate laro na tayo?” Tanong ni Arjun na yumakap sa beywang ko.

“Oo halina kayo.Ano ba ang gusto niyong laruin natin?”

Mabilis naman silang pumasok sa loob at kanya-kanyang upo sa sahig at may inilabas na laruan.

Masaya kaming naglaro at naaliw din akong kasama sila.Minsan lang ang ganitong tagpo,kaya napaka-memorable ng bawat oras na kasama ko sila.At sa sobrang aliw ko sa pakikipaglaro sa kanila ay hindi ko na namalayan ang oras kung hindi pa kami pinasok ni tiyang at sinabi kung ano’ng oras na.

Dali -dali naman akong pumasok sa kwarto at mabilis na naligo at nagbihis.Sa sobrang bilis,bitbit ko na ang suklay at sa labas nalang ako magsusuklay.

“Magpaka-bait kayo ha.Huwag magpasaway kay tiyang.” Bilin ko sa dalawang nakakabatang kapatid .Agad naman silang sabay na tumango at yumakap sa’kin .

“Sige na at late ka na,huwag mo ng alalahanin ang mga kapatid mo.Ako na ang bahala sa kanila.”Saad ni tiyang at hinawakan na ang mga kamay ng kapatid ko.

Nagpaalam na ako at nagmamadaling pumunta sa paradahan kahit pa may napansin akong itim na sasakyan sa malapit ay hindi ko na ito pinansin pa.Ang mahalaga ay hindi ako mahuli sa trabaho.Nang makasakay sa tricycle ay agad naman akong nagpahatid sa restaurant .Naabutan ko pa na busy na sila sa dami ng costumer.

Mabilis akong pumasok at mabilis din na nagbihis.Matapos matali ang buhok ko pa-ponytail ay nagsimula na rin akong magtrabaho.

Hatid doon,hatid dito.Kukuha ng mga order at nagwe-welcome sa mga bagong dumarating.Wala na akong oras para umupo kahit saglit.Kulang pa ang tao ngayon at hindi nakapasok ang isa sa mga katrabaho namin at nagkasakit daw.

“Pasensya ka na at ginabi kana ngayon,ihatid na lang kaya kita.Masyado ng gabi at delikado na sa daan.”Nag-aalalang saad ni Echo ng maihatid ako nito sa labas.

“Hindi na Echo,ayos lang..Tsaka doble sahod naman ako ngayon ‘di ba?”

Natatawang sagot ko at natawa na rin siyang ginulo ang buhok ko.

“Oo na sige na,samahan na lang kitang makakuha ng masasakyan.”

“Hindi na,pumasok ka na doon para naman ,makapagpahinga ka na din.Kaya ko ang sarili ko!”

Tinulak ko pa siya papasok sa restaurant.

“Sigurado ka?”Tanong nitong lumingon pa sa’kin mula sa kanyang balikat.

“Oo nga,ang kulit nito..Ayos lang ako,makakauwi ako ng bahay ng ligtas!Huwag ka ng mag-alala.”

Napabuntong hininga itong pumasok at tiningnan pa ako bago nagpatuloy sa pagpasok.Ako naman ay sinimulan ng maglakad papuntang sakayan.Kumakanta-kanta pa ako habang naglalakad.

Napatigil ako ng biglang may humarang sa sa’kin.Napatingin ako sa harapan ko at may dalawang lalaking nakatayo doon.Pumihit ako patalikod ,pero may biglang sumulpot din doon na dalawang lalaki.Kinilabutan ako sa uri ng tingin nila sa’kin.Ito rin ba ang mga lalaki kagabi?

“Ah,excuse me po.Dadaan po ako.” Magalang kong saad pero napangisi lang ang lalaking nasa harap ko ngayon.

Hindi ko masyadong maaninag ang mga mukha nila dahil malayo na kami sa poste na may ilaw.Kaunting liwanag lang ang mayro’n sa p’westo kung nasaan kami ngayon.At lalong nagpakaba sa’kin ay wala ng taong masyadong dumadaan dito.

“Sumama ka nalang ng maayos miss,para hindi ka na masaktan pa!”

Nanindig ang mga balahibo ko sa batok ng biglang may nagsalita sa likuran ko.Kaagad akong napaharap at napasinghap ng muntik pa akong matumba kung ‘di ako nahawakan ng lalaking katabi.Napaayos ako ng tayo.

“A-ano'ng kailangan niyo?Wala po kayong makukuha sa’kin,mahirap lang po kami.”

Nanginginig na ang kamay ko sa takot.

“Sumama ka sa’min para malaman mo!Dalhin na ‘yan!” Nakangising saad nito at tumalikod.

Hahawakan na sana ako ng tatlong lalaki ng bigla kong nilabas ang nasa bag kong pepper spray at ini-spray sa kanila. Agad naman silang napalayo sa’kin.

‘Ahh!!”

Sabay-sabay nilang sigaw kaya mabilis akong tumakbo.Binilisan ko ang pagtakbo,hindi nila ako p’wedeng maabutan.

Napalingon ako ng may marinig akong yabag sa likod.May nakasunod sa’kin at hindi nga ako nagkamali.Ang isang lalaking tumalikod kanina, ngayon ay humahabol na sa’kin.Sa pagkataranta ko ay bigla akong nadapa.At naramdaman ko ang hapdi sa dalawang tuhod ko kahit pa naka-pantalon ako.Pinilit kong makatayo at paika-ikang tumakbo.At sa malas ko ,naabutan na ako ng lalaki.

“Bitiwan mo ‘ko!” Nagsisigaw ako at nagpumiglas sa hawak niya.

“Ahh!!!”

Nagsisigaw ako ,baka sakaling may makarinig.Hindi nila ako p’wedeng makuha,hindi ako sasama sa kanila!Magkakamatayan muna kami!

Kinalmot ko ang mukha ng lalaki nabitawan ako nito.Pero nasalo din ako ng isa pang lalaki.Nakabawi na pala sila at papikit-pikit pa dahil na rin siguro sa hapdi.

“B’wesit kang babae ka!”

Napaubo ako sa sakit ng tumama ang kamao ng lalaki sa tiyan ko.

“Kung sumama ka lang ng maayos,sana hindi ka nasaktan!

Hinawakan nito ang baba ko at inangat paharap sa kanya.

“Gago ka Greg,malalagot tayo kay boss n’yan.Bakit mo sinuntok!”

“Manahimik ka nalang!”

Ang sakit!At parang mawawalan ako ng ulirat lalo na ng maramdaman kong may tinusok ito sa braso ko.Diyos ko,tulungan niyo ako!

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (2)
goodnovel comment avatar
Märilyn Näno
yan ayaw kc pahatid. lakas ng loob...
goodnovel comment avatar
Nikk Mo Ferrer
dto na pala sya kinuha...
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( MONDEÑEGO SERIES)    FINAL CHAPTER

    “ Hi love!”Napangiti nalang ako ng maramdaman ang yakap ni Hace mula sa likod. Hinalikan niya ang balikat ko,hanggang ulo .Nakangiti ko siyang nilingon ng hindi bumibitaw sa yakap niya.“ Ang mga bata?”“ They are all out,but they’ll get home before dinner like they promise. Just that princess here is left.”Napabuntong hinga siya na binalingan ng tingin ang bunso namin na nasa sopa at nanonood ng mag-isa. Nagpaalam ang mga nakakatanda niyang kapatid sa’kin kagabi na aalis sila para kitain ang mga kaibigan. Maaga silang umalis kaya hindi ko na naabutan pa ,at itong bunso nalang namin ang naiwan . Napabuntong hinga na din ako,kumakain ng tsetserya si Nambe at nakabusangot na parang nasa tv ang kaaway niya.“Do you think something’s wrong with her? This is the first time na hindi siya sumama sa ate Nexiah niyang lumabas.”Tanong kong hindi maiwasan na hindi mag-alala.“ She’s only fifteen love,what could be her problem that she’s not telling us.”“ Iyon na nga eh,fifteen lang siya

  • SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( MONDEÑEGO SERIES)    SPECIAL CHAPTER 2

    “ Ano’ng ginagawa natin dito?”“ Come on mom,no questions please.”Hinila na ako ni Nexiah,lumapit na rin sa kabila si Theresse at Thasia . Pinagtulungan nila akong ipasok sa kwarto nila dito sa bahay ni papa.“ Come on tita,you will like this. We’re expert on this,when you go out of this room you will be unrecognizable with your beauty.”“ Thasia ’wag kang oa,being tita Nerissa herself is a beauty like our mom. No one can surpass their beauty.”Saway ni Therese sa kapatid,napaismid lang si Thasia na lumapit sa’kin at inayos ang buhok ko.Napangiti nalang ako. “ Ano ba talaga ang gagawin niyo sa’kin?”“ Relax mommy,kami ang bahala sa’yo.”Napailing na lang ako sa sinabi ni Nexiah,inutusan nila akong pumikit na sinunod ko naman. Mabuti ng hindi makipag-argumento sa kanila para matapos na ‘to kung anuman ang balak nila sa’kin.Bulong lang nila ang naririnig ko sa buong oras na ginawa nila sa’kin. Nang sabihin nilang pwede na akong dumilat,idinilat ko na ang mga mata ko. Napaawang a

  • SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( MONDEÑEGO SERIES)    SPECIAL CHAPTER 1

    NERISSA“ Good morning mommy!”Napadilat ako sa sigaw ng mga anak ko,napangiti ako ng makita silang nakatayo sa paanan ng kama . Umupo na ako sa kama at nakangiti silang binati,binuka ang mga braso ko .“ Good morning mga babies ko!”Nagsilapit silang nakasimangot at yumakap sa’kin.“ Mom,we’re not a baby anymore.”Nagdadabog na lumayo ang bunso ko sa yakap namin.“ Anak hindi porke’t mga dalaga at binata na kayo ,hindi na kayo baby sa bahay na ‘to . You’ll all be my babies, our babies.”Lumabi lang ang bunso kong Nambe,lumapit ulit sa’kin at yumakap sa beywang ko. Nang mapatingin ako sa tatlong nasa harap ko,nagtutulakan sila. Si Ace na tinulak si Nathan,at si Nathan na tinutulak si Nexiah . Sinamaan ng tingin ni Nexiah ang mga kuya niya,nakita kong huminga muna siya ng malalim bago humarap na nakangiti sa’kin.“ Mommy,”malambing nitong tawag,ngumiti ako . Lumapit siya sa’kin at yumakap din sa kabilang gilid ko .” Can we go to lolo’s house,promise magb-behave kami do’n.”Napak

  • SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( MONDEÑEGO SERIES)    EPILOUGE

    EPILOGUE“ You’re a jerk for missing this out.”Draco? Hinanap ko ang pamilyar na boses,pinalibot ko ang tingin kung nasa’n ako. Sobrang liwanag,nakakasilaw ang liwanang kaya napapikit ako at hinarang ang braso sa mata.Napasingahap ako , napabangon sa masamang panaginip. Namatay daw ako,pa’no ako mamatay fifteen palang ako for god sake. Ayo’ko pang mamatay ,gusto ko pang makita ulit ang magandang ngiting ‘yon.Bumangon na ako ,naligo at nagmamadaling nagbihis at bumaba. I just grab a sandwich from the table and go directly outside. Hinanap ko ang driver namin at nagpahatid sa school,nakangiti akong bumaba . Para akong lumulutang sa sayang nararamdaman,maaga pa naman kaya siguradong naglalaro pa sila ngayon.Nang makita ko ang hinahanap ko,malawak ang ngiting nagtago ako sa likod ng halaman. Kalaro niya ang mga kaklase niya,nando’n din si Alexander na bestfriend niya. Naiinip kong hinihintay si Alexander,hindi ako sumama sa pagpasok sa loob. Pinilit niya akong sumama dito sa

  • SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( MONDEÑEGO SERIES)    STAHD 60

    NERISSA“Umiiyak ka na naman.”Napalingon ako sa nagsalitang si tiyang, yumuko ako at pinunasan ang luha. Naramdaman kong naupo siya sa tabi ko at hinaplos ang likod ko.“ Magiging maayos din ang lahat,sa ngayon kailangan mong magpahinga . Para na rin sa anak niyo,pilitin mong kumain at magpahinga .”Napaiyak ako ulit na niyakap si tiyang,humagulhol na ako. Akala ko ,naubos na ang luha ko. Isang buwan na rin akong umiiyak. Oo ,isang buwan na simula ng mangyari ang lahat na ikinaguho ng mundo ko.Akala ko magiging ayos din ang lahat kapag nakabalik si Hace. Nakatulog ako sa sopa sa kakahintay sa kanila,nagising lang ako ng makarinig ng sigawan at ingay sa paligid. Nang tuluyan akong magmulat,umuusok na ang paligid. Nataranta akong nagtakip ng ilong para hindi masinghot ang usok. Hanggang sa nakita kong pumasok si Amanda ,may kasama siyang mga lalaki na inuutusan. Nakatingin lang ako sa kanya ng lumapit siya sa’kin at hilahin ako palabas ng bahay.Nakatulala ako,hindi ko alam kung an

  • SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( MONDEÑEGO SERIES)    STAHD 59

    Ipinakita niya ang braso kung nasaan naka connect ang bomba,papunta sa katawan niya. Ngumiti siya na parang balewala lang ‘yon.“ I’m waiting H,you know I don’t like waiting.”“ H.”Napatingin ako sa mga kaibigan ko,lahat sila ay umiiling. They know what ever I choose, it will be a dead end for me. But not for them,they can still go out in time.But my Nerissa,she ‘s waiting for me. And our baby,I want to se her or him. We we’re supposed to see the doctor to know the gender. But I guess ,I will not have a time for that. I won’t be seing them again. I gasped for air and face her.“ Let them go!”Ngumiti siyang nagustuhan ang sinabi ko. Sinenyasan niya ang mga tauhan,napatingin ako do’n. Tinanggalan nila ng tali ang pamilya ni Nerissa . Sila Aki ,Carlos at Caden naman ay tumulong na din. Nakita kong umalis na sa pwesto niya si Draco at lumapit na din sa’min. Si Caden ay sinenyasan ang mga tauhan na umalis .Naikuyom ko ang kamay at napatinigin kay Hillary,masaya siya pero may namumuon

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status