로그인Warning: Matured 18+ contents!! Samantha Ramirez is in trouble. Kilalang magaling at competitive si Sam bilang Professional Event Coordinator. Sa edad na 26 may sarili itong maliit kumpanya. Ngunit sa hindi inaasahan mabilis nalugi at napipintong mawala lahat ng pinaghirapan niya. Dala ng mga gulo at issue kinasangkutan ng pamilya niya, wala na halos gustong magtiwala sa kanya at sa kumpanya niyang itinaguyod niya . Walang makuhang referral mula sa mga dating clients niya at madamin ang iniiwasan siyang makatrabaho. Para maisalba ang kumpanyang itinaguyod niya, tinanggap nya ang alok na kasal ni Tristan Miller. Kapalit noon tutulungan niya itong makuha ang mana nito mula sa mga magulang nito. Contract marriage ang meron sila at sa oras na makuha nila ang nais maghihiway din sila. Lalo't bumalik ang unang pag-ibig ni Tristan na si Monique, she is a famous and popular ballerina all over the world. Sino ang magiging matimbang? Kaninong pag-ibig ang magwawagi?
더 보기=DISCLAIMER=
2026 "Pretending, Turned Into Reality" written by Ms. Addie All rights reserved. This is an original work of fiction and the result of a mind's imagination. Any name, character, business, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidence. Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way without the Author's written permission or publisher except for the use of brief quotation in critical articles and reviews. Stealing is a crime. Please avoid plagiarism. If this content is captured and published, the offender can be traced and will face the full extent of the legal ramifications stated by the law. Please follow/subscribe, comment, and add this to your library. *********************** ISANG MAKALAS na sampal ang tumama sa pisngi ni Samantha dahilan upang mawalan sya ng balanse at napa-salampak sa sofa. Doon niya naramdaman ang pangangapal nang sariling pisngi kaya nasapo niya ito. "Hindi ka namin pinalaki ng ganyan." asik ng Ina ni Sam dito. "Sunny, enough!" awat naman ng Ama ni Sam sa asawa. Ngunit imbis na huminahon lalo itong nagalit. "Bitawan mo ko.," inis na wika ng Ina at tsaka dinuro nito ang asawa habang nanlilisik ang mga mata. "Isa ka pa!," "Sunny, wala akong kinalaman dito maging ako nagulat din sa biglang pagpapakasal ng panganay natin." Agad na saad ng Ama na hindi rin makapaniwala, maging ito ay nagulat din. Wala pang nakakaaalam ng biglaang pagpapakasal ni Tristan at Samantha. Nanatili itong lihim sa publiko. Mga magulang pa lang ni Sam ang sinabihan ni Sam ngayon. "Kung di dahil sayo hindi masasangkot sa gulo ang bunso natin si Kristel,.. hindi nya maiisip na gumanti sa pamilya ng kabit mo.. At ngayon si Samantha naman ang nahuhumaling sa Tristan na `yun." Anas ng ina ni Sam sa padre de pamilya. Nagkaroon ng lihim na relasyon ang Ama ni Sam at ang Ina ng matalik na kaibigan ni Sam noon. "Darling, matagal ng tapos lahat ng namagitan sa amin ni Loida at nakaraan na `yon! Uungkatin mo naman ba?! Hindi ka ba napapagod. Hindi ko kasalanan na nagka-gusto ni Kristel sa pamilyadong lalaki at nakagawa ng masama. Maslalong hindi ko kasalanan na nagpakasal ng biglaan ang panganay nating si Sam sa Tristan na `yun!." napupunong sagot ng Ama ni Sam sa asawa nito. "Mike, ikaw ang dahilan kong bakit napalapit ang pamilya natin sa pamilya Saavedra at De Vera. At ngayon tingnan mo.. pamilya natin ang palaging argabyado.. Ang mga anak natin ang syang nagdurusa," anas ni Sunny sa asawa nito. Napahawak nalang sa sariling sintido ang padre de pamilya. Animo'y nauubos ang pasyensiya sa paulit-ulit na paliwanag at paulit-ulit na pagtatalo nila ng asawa. "Magsitigil na kayo!" singhal ni Samantha sa mga magulang. Natigilan ang lahat ng marilig ang malakas na tinig mula sa panganay na anak. Si Sam. Sa unang pagkakataon nagawa ni Sam sumabat sa away ng mga magulang. "Kayo,. Pareho lang kayong may mali. Kaya wala kayong karapatan kuwesyonin ang desisyon kong pakasalan si Tristan.." matapang na pahayag ni Sam habang pinupunasan ang masaganang luha na tumutulo sa mga mata. "Anak, I'm sorry nadamay ka sa maling nagawa ko noon. Pero ako lang ang nagkamali.. Hindi ka dapat madamay dito,. kayo ng kapatid mo.." sagot ng Ama at lumapit ito kay Sam. Ngunit matalim na tingin ang itinapon ni Sam sa Ama nito kasabay ng pag-iwas. "Talagang kasalanan mo Dad," asik ni Sam at tsaka ito tumingin sa Ina niya. "Ikaw din Mom,. kahit anong pagkakaila mo at paninisi kay Dad, may mali ka din. Kung hindi ka nagtanim ng sama ng loob at galit. Hindi lalakas ang loob ng kapatid kong gumawa ng masama. Eh di sana matagal nang tapos ang lahat ng ito!," anas naman ni Sam sa Ina niya. Natigilan ang mga magulang. Sandaling katahimikan ang namutawi anino'y nag-iisip ang bawat isa. "Anak, Sam alam kong kaibigan mo sila at malapit ka sa pamilya nila pero bakit naman sa Tristan Miller na ’yun pa!, madami namang ibang lalaki. Bakit sa kanya pa?" saad ng Ina at napa-bumuntong hininga ito. "Hindi ba talaga ito matatapos!" sambit pa nito sa frustration. "Tama ang Mommy mo, Sam makinig ka!, habang maaga pa lumayo kana. Kakausapin ko ang kaibigan kong lawyer para sa Annulment nyo ng lalaking 'yun. Please layuan mo na siya. Mag-simula tayong muli sa America. Tutal nalulugi na rin lang ang negosyo mo, makabubuting sumama ka sa amin ng Mom mo, kasama ang kapatid mo.." pag-susumamo ng Ama niya. "Gulo lang ang dulot sa buhay mo ng lalaking yun," gatol pa ng Ina nya. "Nakapag-desisyon na po ako. Tristan and I are already married. If you can't accept that, forget that I am your daughter." matapang na desisyon ni Sam. Hindi makapaniwala tiningnan ng Ina si Sam. "Mas pipiliin mo ang lalaking iyon, nahihibang kana ba?" Asik ng Ina. "Samantha, baka hindi mo alam ang pinapasok mo. Kung magulo ang pamilya natin. Higit ang sa kanila." anas naman ng Ama. "Ano bang nangyayari sayo, Samantha hindi na kita maintindihan,. Ano bang pinakain sayo ng lalaking `yun!" gatol pa ng Ina. Hubakbang paatras ng paa si Samatha habang napapailing at tumutulo ang luha. "Don't tell me hindi ka sasama sa`amin.. Sa amin na siyang pamilya mo." "I'm sorry, Dad.." Naiiyak na sambit ni Sam habang nakatingin sa mata ng Ama. Nang tumingin si Sam sa Ina nito maslalong bumigat ang dinadala niya sa dibdib. Parang sasabog ang dibdib niya.. Higit na malapit ang loob niya sa tinuring at kinilala niyang Ina. "Mom, please forgive me.. Nagmahal lang ako.." Pagmamakaawa ni Sam habang magkalapat ang mga palad at pinagkikiskis iyon. At walang patid ang hula sa mata. "I am ashamed of you.. Hindi kita anak, hindi ikaw ang Samantha pinalaki at itinuring kung anak." Asik ng Ina kay Sam. Hindi makapaniwala ang mga magulang ni Sam na maspinipili nito ang lalaki konektado sa pamilyang naging dahilan ng paghihirap ng kalooban nila. "Lumayas ka,." asik ng Ina at tumingin ito sa asawa. "Mike, palayasin mo ang anak mo.." at muling ibinalik ang tingin kay Sam. "Simula ngayon hindi kana parte ng pamilyang ito." Halos mangibabaw ang sigaw ng Ina ni Sam sa buong bahay dala ng sobrang galit. Wala naman nagawa si Sam kundi umalis dahil maging ang tunay niyang Ama ay hindi siya kinatigan. Mabuti na rin iyon dahil tiyak ang Dad at Mom niya ang siyang mag-aaway na baka mauwi na naman sa hiwalayan. Iyon kasi ang madalas na nangyayari. Mabibigat ang pahayag na binatawan ni Sam kaya labis ang naging paghihinagpis ng mga magulang niya. Lalo na ang itinuring niyang Ina. Walang nagawa ang mga ito sa naging pasya niya. Kaya tuluyan siyang itinakwil ng mga ito. Nagtungo sa America ang mga magulang ni Sam kasama ang nakababatang kapatid na si Kristel upang makaiwas sa gulo. Upang doon magsimula ng panibagong buhay at doon ipagamot si Kristel para sa lumalalang depression nito. Matapos iurong ng mga De Vera ang kaso sa kapatid niyang si Kristel hindi tumigil ang pang-ba-bash kay Kristel sa social media. Hindi rin ito matanggap sa mga trabahong inaplayan dahil sa mga nangyari at issue kinasangkutan. Labis itong nakaapekto sa kapatid niya at nagkaroon ng matinding dipresyon. Habang si Sam naman ngayon ang naiwan at mag-isang pinapasan ang bigat ng hamon ng buhay. Mga suliranin na dulot ng maling ginawa ng kapatid niyang si Kristel sa pamilya ng kaibigan niya na ngayon ay pamilya na rin nya. Dahil nagpakasal siya kay Tristan Miller pinsan ni Liam De Vera na asawa ng kaibigan niyang si Dan Saavedra-De Vera. ******* Even though she felt shy and awkward, Samantha went to the hub owned by her husband. She wanted to talk to him about their marriage setup. Biglaan lang ang naging kasal nila dahil contact marriage ang meron sila. Nagpakasal sila upang makuha ni Tristan ang mana nito mula sa mga magulang at kapalit ng pagpayag ni Sam, tutulungan siya ni Tristan na maibagon ang kumpanya niyang nalulugi. Hapon pa lang kaya sarado pa ang hub para sa mga customer. Gayon pa man bukas ito at nadatingan nyang naglilinis at naghahanda na ang mga staff para sa pagbubukas mamayang gabi. "Hi ma'am, sarado pa po kami napaaga po ata kayo." ani ng guwardiya naka-duty. "I'm looking for Mr. Tristan Miller, nandyan ba sya?." tanong ni Samantha. Tiningnan siya nito simula mukha hanggang paa. "Naku ma'am wala po siya dito, ang mabuti pa bumalik na lang kayo sa ibang araw o di kaya tawagan nyo na lang po si Mr. Miller." saad ng guwardiya "Ganon ba!, I thought he was here. ." tugon ni Sam. Nang akmang tatalikod si Sam upang umalis isang tinig ang narinig nya. "Miss Samantha," Nang lingunin ito ni Sam nakita nya ang bodyguard at isa sa kanang kamay ng asawa niya. Papalapit ito sa kanya. "Hi, andito ba si Tristan?" tanong niya. "Naku ma'am sorry po akala ko isa ka sa mga babaeng tinataguan ni Sir Tristan." Mahinang paliwanag ng guwardiya sabay kamot sa batok. Sinamaan ng tingin ng bodyguard ang guwardiya. Kaya nahiya ito at tumungo nalang. "Ma'am pasok po kayo, pasyensiya na ho," aniya ng guard kay Sam. "Ma'am, ano po ginagawa nyo dito? May usapan ba kayo ni boss na magkikita?" Agad na tanong ng bodyguard. "Ah wala. I call him kase, but he doesn't answer his phone., nagbakasakali lang ako na baka nandito sya,." nahihiyang sagot ni Sam. "Sumunod po kayo sa akin." saad ng kanang kamay ng asawa nya. Pinag-intay si Sam sa isang silid. Ang sabi nito sa kanya may ka-meeting pa daw si Tristan. Subalit lmipas ang ilang minuto ngunit hindi pa siya binabalikan ng bodyguard kaya napagdesisyonan niyang gumamit muna ng bathroom. Lumabas siya ng silid na iyon at itinanong sa isang staff na lalaki kung saan ang comfort room. "Derercho ka sa dulo, bilisan mo ikaw na ang susunod." Ani nito sa may kasungitang tono at doon niya nabatid na hindi ito strength na lalaki. May pag-irap pa ito sa kanya bago siya tinalikuran. Nagtataka man dahil iba ang dating sa kanya ng pagkakasabi nito ngunit hindi nya nalang iyon pinansin at agad tinungo ang restroom.Ipinatong niya sa vanity table ko ang dala niya. "I suppose you know what to do here," ani niya. Wala man lang kalambing lambing pero mukha naman concern sya. Tinigil ko ang ginagawa ko at ini-off ang hair blower. Napatango ako. "Thank you.., Salamat din sa pagtatanggol sa akin kanina,. Di mo naman sinabi obsessed pala sayo ang kaisa-isang anak na babae ni Cong. Romualdez," ani ko. I'm trying to have a light conversation with him. Mula sa likod ko nakapamulsa syang naglakad patungo sa harapan ko at imprende sumandal sa gilid ng vanity table habang nakaharap sa akin. "If that's what you're thought," kinagat niya ang pang-ibabang labi niya. He's so freaking hot while doing that. Iniiwas ko ang tingin ko dahil naaakit na naman ako. Gosh! katatapos lang ng halikan namin kanina sa hub pero parang gusto ko ulit tikman ang labi niya. "Bakit ano ba dapat isipin ko?" sagot ko. Na parang dapat hindi ko tinanong. `Ghad Samantha, Have you already forgotten what you saw at the hub?
Mastumindi ang hilo ko.. Hindi ako makagalaw dahil pinagtutulungan ako. Tanging protektahan ang mukha ko ang tangi kong nagawa. "Girls,. Sige lang wag nyo siyang tigilan.." dinig kong utos ni Janeth. Mukhang may mga kasama ito na kaibigan at pinagtutulungan nila ako. Ang bilis ng pangyayari sa isang iglap nasa sahig na ako at hindi makalaban sa grupong ito. "Tulong" sambit ko sa takot. Luckily hindi iyon nagtagal. Bago pa ako tuluyan papuruhan biglang tumigil din agad ang mga babae. Iyon ay dahil may mga staff na umawat at siyang tumulong sa akin. Tinulungan ako ng ilang staff na syang dati ay humuhusga sa akin ng huling punta ko dito. Naramdaman ko rin na may yumakap sa akin. Kinulong ako sa kanyang bisig at doon sa dibdib niya bumuhos ang luha ko. Sa kanya ko naramdaman ligtas na ako mula sa kamay ng mga babaeng sinaktan at sinabunutan ako. "Breath,. I got you." sambit niya habang mas isiniksik ang mukha ko sa gilid ng dibdib niya. "You know what to do," may awtoridad na
"Hmm.. Resently lang ako nagpakasal.. It's sudden." pag-amin ko. "Come on,. Baby,." sambit ni Tribor at sweet na siniksik ang mukha sa gilid ng leeg ni Janeth at tska umakap pa ito sa bewang ng dalaga. Itsura nila mukhang may relasyon pero ewan ko lang din, kase nasa hub kami madami naman ganito dito. Kung maglingkisan ang ilan dito halos normal lang at wala lang ito sa kanila. "I hope my brother Tristan will accompany you.." ani pa ni Tribor sa akin. Nagpalingon lingon pa ito sa paligid ko na parang may hinahanap. "Wait.. Bakit si Tristan? Don't tell me kasama mo siya,." kwesyon ni Janeth at tumaas ang isang kilay nito sa akin. "Ah.. Eh kase,.." hindi ko alam pano sasabihin. Parang may kung anong sasabog sa kanya sa oras na sabihin ko ang namamagitan sa amin ni Tristan. "Baby,. Samantha is now my sister inlaw,." pagpapakilala sa akin ni Tribor. "That's imposible!" agad na sambit ni Janeth. Iritableng kumalas sa yakap at pagkakapulupot ni Tribor dito. At madilim na tining
Hindi ko alam anong nag-udyok sa akin upang gawin ito. Marahil dala ng alak na ininum ko. I saw the darkness at nag-aapoy na titig nito sa akin. Nilapit ko ang labi sa kanya pero hindi ko muna ito idinampi. "Make me drunk more, Tristan. Make me drunk using those lips," sambit ko, habang nagsasalita ay sinasadya kong patamain ang labi ko sa labi niya. He held my back. Inalalayan niya ako. I saw the fire on his eyes. Shit! Bakit kase sobrang ganda ng mata nya! Gusto kong umiwas ng tingin pero parang may magnet ang kaniyang mga mata na kumukulam sa akin. "Now, you know how to make me crazy to you." husky voice he said before claiming my lips again. `Ghad, ang halimaw nya talagang humalik. Kung kanina ay nalasing na ako, ngayon ay parang nawala na ako sa katinuan at tanging ang labi niya na lang ang nasa isip ko. Na-aadik ako sa halik niya. Ni hindi ko pinansinan ang presiyensiyang lumapit sa couch na kinauupuan namin. Wala akong pake-alam sa paligid. Ang nasa isip ko
SAMANTHA'S POV "Iha ang lamig ng kamay mo," Nakaramdam ako ng hiya ng sabihin iyon ni Tita Bobot. "Tita, kinakabahan po kasi ako." pag-amin ko. Sinong hindi kakabahan kapag nakaharap si Leo Miller ang ama ni Tristan. Buti nalang mabait ang asawa nito. Sa totoo lang magkaibang magkaiba sil
"Before we start our dinner, I want to introduce to all of you another one of my children. I just recently found out about him.. I waited for the DNA results before presenting him to the family,.. including my spouse's approval." Tumingin kaming lahat sa Ina ni Tristan at nakita namin tipid itong ng
Pagpasok ko ng pinto. "Sissy," malakas na tinig ng bestfriend kong si Dan ang siyang sumalubong sa akin. Lahat sila ay nakatingin sa amin. Hindi ako nagkamali narito sa penthouse ang mga kaibigan namin. Nagkakilala kami ni Tristan through common friend dahil napangasawa ng bestfriend kong si












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.