Share

Chapter 2

"Aw... Sorry na, Boss. May ginawa lang talaga kaming importante kagabi kaya late na akong nakatulog at nagising." Pagsisinungaling ko. Yung nguso ko mukhang hahaba na kaka-pout ko.

"Wow naman. Kawawa naman pala ang baby na 'yan," pahayag ni Seira habang hinihimas ang buhok ko.

"Aaaaaaawww! Aw! Aray! Masakit, Boss! Aaah!" Para akong mamamatay sa sakit ng sabunot niya.

"Tapatin mo nga ako, Hyujin." Binitawan niya ang buhok ko at saka siya nag cross arms. Para akong tuta na walang magawa. "Gaano ka-importante ang pag-inom ng alak? Ikamamatay mo?" Naniningkit ang mga matang tanong nito.

Napalunok na lang ako at nanlaki ang mga mata dahil sa gulat. Paano niya nalaman na uminom ako kagabi? Sinabi nila Dennis? No, hindi babaligtad ang mga 'yon. Sinong nagsabi? Shit!

"Nagulat ka ba kung paano ko nalaman? Tanungin mo ang sarili mo. Sino kaya ang tumawag dis oras ng gabi at nagsisisigaw na mahal na mahal niya raw si boss. At sinong boss ba ang tinutukoy mo doon?"

"Of course it's you! You're the only boss of my life!" Proud at ngiting-ngiti kong sagot.

"F*ck yo-" bago pa man siya makatapos sa sasabihin niya ay inunahan ko na siya ng halik.

"Remember? Cuss and I'll kiss you till you drop." Pagpapaalala ko sa kanya. Natahimik naman siya at napakagat sa labi.

"Tara na!" Dabog siyang naglakad patungo sa sasakyan ko. "Baka di ako makapagpigil at maputol ko yang alaga mo." Banta nito.

"Oh! No, no. Bad girl."

________

Nagtungo kami sa mall at dumiretso sa loob ng National Books Store. Nagdesisyon kaming mamili muna ng mga pang-decorate sa museleyo ng papa niya, pagkatapos namin mag-design sa museleyo ay saka lang kami mamimili ng mga putahe para diretso uwi na. Nag-ikot-ikot kami sa bawat shelf ng National Books Store. Hinayaan ko siyang mamili at paminsan niya naman akong tinatanong kung ano ang mas okay bilhin at mas magandang ipang-decorate.

Namili rin siya ng mga libro na gusto niyang basahin. Wattpad reader siya pero mas prefer niyang bumili ng mga International books dahil nakakapagbasa naman daw siya ng wattpad stories sa wattpad app. Hindi kailanman dumating ang oras at panahon na pumunta kami sa mall na hindi kami pumasok ng National books store para bumili ng libro. Mahilig talaga siya sa mga libro. Ang sabi niya pa dati ay para raw siyang hinahatak ng mga ito at binubulungan na bilhin sila. Napapakamot na lang ako minsan at the same time ay natutuwa. Ang sarap makitang nakangiti siya at masaya kahit sa maliit na bagay. Sarap niya tuloy regaluhan ng National Books Store. Mag-franchise na kaya ako tapos ipangalan ko sa kanya? Hmm... Siguradong mapapatay niya na naman ako sa gulat.

Natapos na kami sa pamimili at nakapila na sa cashier ng makita ni Seira ang childhood friend niya.

"Jinx!" Masayang tawag ni Seira sa kaibigan niya na namimili ng libro.

Marinig pa lang ang pangalan niya ay nag-iinit na ang dugo ko. Isa siya sa mga taong higit kong kinaiinisan. Pasalamat siya at kaibigan siya ni Seira kung hindi baka matagal ko na siyang binanatan.

Nilapitan ni Seira ang kaibigan niya at naiwan naman akong naghihintay sa cashier na matapos sa pag-scan ng mga pinamili namin. Siguradong ang sama na ng mukha ko dahil masama rin ang timpla ng dugo ko ngayon. Mukhang napansin ng cashier na bad trip ako dahil nag-alangan pa siyang tanungin ako.

"S-Sir, 1,345 pesos po." Nilingon ko ang cashier at saka ko kinuha ang wallet ko. Binigyan ko siya ng two thousand saka ko kinuha ang mga pinamili namin.

"Keep the change." Sabi ko bago ako nagtungo sa direksyon nila Seira.

"Anong libro ang hinahanap mo?" Rinig kong tanong ni Seira kay Jinx the clown.

"Tss." Napaismid na lang ako nang makita ko ang nakangiting labi ni Jinx. Sarap banatan.

"Ahm, medical books." Simpleng sagot ng ulupong saka nabaling ang tingin sa akin.

"And I suppose, that's yours." Natatawang tugon naman ni Seira na hindi alintana ang masamang tinginan namin ni Jinx.

"Ah, yeah." Napakamot na lang sa batok si Jinx habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa amin ni Seira.

Nang makalapit ako kay Seira ay saka niya lang napansin na tapos na akong magbayad. "Oh, Hyujin. Namimili rin ng libro si Jinx." Ibinalik niya ang tingin kay Jinx. Halata ang saya sa mukha ni Seira dahil ngayon na lang muli nagkita ang dalawa matapos ko pagbantaan ng palihim si Jinx. Mamimili lang naman siya kung distansya o ambulansya. I guess he chose the first one. "Pinipilit ka pa rin ba nina tita na mag-aral ng med?" Biglang nagbago ang tono ni Seira nang sinabi niya iyon. Bakas ang lungkot sa boses niya.

"I-I need to obey. Alam mo naman na ang buong angkan namin ay doctor. Hospitals din ang meron kami. At ako lang ang magmamana ng lahat ng iyon. I don't have a choice." Malungkot siyang ngumiti. Kitang-kita sa mga mata niya na ayaw talaga niyang mag-doctor at napipilitan lang dahil sa mga magulang niya. Kahit naiinis ako sa kanya ay may awa pa rin ako. At iyon ang nararamdaman ko sa kanya sa mga oras na ito.

Kawalan ng karapatan upang pumili. Iyan ang tinanggal nila kay Jinx.

Nakakalungkot isipin na nangyayari ito sa totoong buhay. Madalas ay mapapanood mo lang ito sa mga movie at mababasa sa mga libro pero iba na pala pag nangyayari talaga. Isa ito sa mga problema naming mga tagapagmana. Hindi mo alam kung ano ang mamanahin mo at kung gusto mo ba iyon. Wala kang magagawa dahil ilang taong itinayo iyan ng mga magulang at ninuno mo. Pag sumuway ka ay mababalewala ang paghihirap nila. Masasayang.

Saglit pa silang nag usap ngunit iniba na ni Seira ang topic. Napansin niya rin siguro ang lungkot sa mukha ng kaibigan niya kaya binago niya ang usapan. Ako naman ay nagpaalam na hihintayin na lang si Seira sa labas ng National Books Store. Sa tingin ko ay kailangan ko rin sila bigyan ng privacy upang makapag-usap dahil tutal sumunod naman si Jinx sa usapan namin.

Nang lumabas ako sa National Books Store ay napansin ko na may pinagkakaguluhan ang ilang mga costumer. May mga guard na rin ang lumapit upang pigilan ang nangyayari. Lumapit na rin ako sa pangyayari.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status