Home / All / STEPBROTHER / Chapter 3

Share

Chapter 3

Author: Code01417
last update Last Updated: 2021-03-31 04:39:29

"Anong meron?" Tanong ko sa isang guard na binati pa ako bago sumagot.

"Good morning po, sir. Nandito po kasi si Ms. Faye." Sagot niya sa akin.

"Sinong Faye?" Tanong ko kahit may hinala na ako. Natatabunan ng mga taong pilit nagpapapicture ang kung sino man na pinagkakaguluhan nila kaya hindi ko makita.

"Si Ms. Faye Alonzo po. Yung mayamang Vlogger." Sagot ulit nito na nagpa-chinito ng mga mata ko kahit chinito naman na talaga ako. Mukha na siguro akong anime character nito. Yung mga nakadilat pero pikit naman talaga.

"Maraming salamat sa pag suporta niyo sa mga Vlogs ko!" Rinig kong sabi ni Faye. Medyo na handle na ng mga guwardya ang komusyon na nangyari kaya kitang-kita ko na si Faye na nasa harap ko ngayon.

"Oh, ang tagapagmana ng mga Lee. What makes you visit this place?" Maarte niyang tanong. Iba ang tono ng pananalita niya noong ako na ang kausap niya.

Napaismid naman ako dahil sa sinabi niya. "Isn't it ironic? You're asking the owner of this place why he's here? Why don’t you ask your self why where you here?" Balik tanong ko.

Medyo natawa pa siya dahil sa sinabi ko. "Shopping? That's what you do in mall.”

"Shopping or spying? We both know that our family and yours owned a lot of malls around the country and in some part of the globe. So, why don’t you shop in your mall?" Tanong ko na inirapan niya.

"Hyujin, are you really thinking? Why do you need to buy what's yours at the first place? Hindi ko ugaling magwaldas ng pera sa sarili kong pag-aari." Naputol lang ang usapan namin ng marinig ko ang boses ni Seira.

"Hyujin, tama na." Nilingon ko si Seira. Kanina pa pala siya na sa likod ko at hindi ko man lang namalayan.

"Vargas, learn how to tame your boyfriend. Kung ayaw mong ako ang magpaamo diyan." Banta ni Faye bago siya maaksyong umalis upang maglibot-liibot siguro.

_________

Sa buong biyahe patungo sa sementeryo ay tahimik lang si Seira. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngunit may hinala akong may kinalaman doon si Jinx. Siya lang ang huling kinausap ni Seira at nagkaganito lang siya pagkatapos nilang mag-usap.

"Seira, okay ka lang ba? Kanina ka pa tahimik." Nag-aalalang tanong ko.

"Hmm, wala to. Okay lang ako." Tamad niyang sagot at tsaka tipid na ngumiti sa akin.

"Sigurado ka?"

"Hyujin, sa tingin mo ba tayo ang magkakatuluyan sa dulo?" Nagtaka ako sa biglaang tanong ni Seira. Hindi ko maisip kung saan niya hinugot ang tanong na iyon.

Inihinto ko muna ang sasakyan sa tabing kalsada at saka ko hinarap si Seira. "Boss, makinig ka sa akin. Tayo ang magkakatuluyan sa dulo. Hindi ako papayag na hindi! Nagpakahirap akong ligawan ka ng ilang buwan tapos mawawala ka lang? Hindi 'yun pwede." Hinaplos ko ang pisngi niya at saka ako lumapit upang halikan siya sa labi. "Please, don't think too much. Okay?" Tumango lang siya at ngumiti.

Nakarating kami sa sementeryo makalipas ang ilang minuto. Ipinarada ko ang sasakyan sa tapat ng museleyo ng papa ni Seira. Dalawang palapag ang museleyo ng papa ni Seira. Pagpasok sa loob ay makikita agad ang ligingan ng papa niya na nasa gitna. Naka-tiles ang sahig at may ibang mga gamit din sa loob. Sofa, lamesa at mayroon ding centralized air conditioner. Sa ikalawang palapag ay mayroong kuwarto. At da loob ng kuwarto ay mayroong double deck at isang cabinet.

Inilagay ko muna ang mga pinamili namin sa lamesa. Bumili rin kami ng pagkain namin dahil sinabi kong kailangan kong bumalik sa bahay bago mag ala-singko ng hapon. Kukulangin na kami ng oras kung sa mall pa kami kakain kaya nagdesisyon kaming mag take-out na lang.

Bago maglagay ng pang-design ay kumain muna kami. Saglit lang ay nag-umpisa na rin kami agad sa pag dedesign. Bumili kami ng mga fake flowers, frames, candles, vase, ribbon at marami pang art materials.

Inayos muna namin ang mga bulaklak na pang design at pang lagay sa vase. Nag letter cut din si Seira at ako naman ang taga dikit. Naglagay din kami ng kurtina na dala-dala ni Seira.

Habang nag dedesign kami ay kinakausap ni Seira ang papa niya na parang katabi lang niya ito. Kahit walang naririnig na tugon mula dito ay masaya siyang nagkukwento.

Kinuha ni Seira ang bag niya at inilabas doon ang isang album na naglalaman ng mga larawan nila kasama ang papa niya. Umupo siya sa sofa at saka binuksan ang album. Tinabihan ko naman siya upang makita kung anu-ano ang laman n'on.

Iba't ibang childhood photo niya kasama ang kanyang papa. Merong nakaupo siya sa balikat ng papa niya habang na sa tabing dagat sila. Mayroon ding picture niya na umiiyak siya, ang cute-cute niya sa larawang iyon dahil sa mataba niyang pisngi.

"Ikaw ba 'to?" Tanong ko habang turo ang larawan niyang iyon.

"Yes, that's me. Why?" Tanong niya at nag-pout.

"Patingin nga." Hinawakan ko ang dalawang pisngi niya at saka siya tinitigan. Mabilis akong lumapit at hinalikan siya sa labi. "Ikaw nga." Sagot ko saka ko siya binitawan. Gulat naman siya dahil sa ginawa ko.

"Aw! Ano 'yun?" Tanong ko pagkatapos niya akong hampasin sa braso.

"Bakit mo ako hinalikan?" Tanong niya habang nakataas ang kilay.

"Hinalikan kita?" Gulat na gulat na tanong ko.

"Oo!" Sigaw niya at nagpameywang.

"Weh? Di nga? Paano kita hinalikan?" Maang-maangan ko.

"Ganito--" napahinto siya ng ma-realized niya kung ano ang ginawa niya. Hinalikan niya lang naman ako. "Bwisit ka talaga! Hmp!" Padabog siyang tumayo at naglakad paalis.

Ang pinipigilan kong tawa ay kumawala ng nasa hagdan na siya. Halos maiyak na ako sa kakatawa dahil sa ginawa niyang demonstration.

"Tumawa ka pa, hindi ka na makakahalik sa akin." Banta niya na agad na nagpahinto sa akin sa pagtawa.

"Opps, oy. Di pwede 'yun ah!" Hinabol ko siya paakyat sa kuwarto. Tumakbo naman siya at isasara na sana ang pinto nang iharang ko ang paa ko. "Aray! Shit!" Inda ko dahil sa sakit. Agad niya namang binuksan ang pinto at saka umupo upang tignan ang paa ko na naipit. "Huli ka!" Sabi ko at saka siya binuhat patungo sa double deck.

"Aaahhh!!! Hyujin, ibaba mo ako!" Sigaw niya at saka ko siya hinagis sa double deck. Napapikit siya dahil sa ginawa ko at pagmulat niya ay nasa ibabaw niya na ako.

Halos manlaki sa gulat ang mga mata niya ng makita niya ako. "Hyujin!!! Alis! Umalis ka sa ibabaw ko!" Sigaw niya habang pinapalo ang dibdib ko.

Hindi naman ako nagpaawat at tinitigan lang siya. Nang medyo kumalma na siya ay saka ko siya hinalikan muli sa labi. Matagal at may ritmo. Tumugon din siya sa halik ko kaya napangiti ako.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • STEPBROTHER   Chapter 52

    Pag-uwi namin ni Seira sa bahay ay nandoon na sina Daddy. Nasa siya kasama si tita at mukhang kararating lang dahil nakakalat pa ang kanilang mga maleta sa sala.Nang makita kami ni Dad ay agad itong lumapit sa akin. Narinig ko pa ang pagsigaw ni tita sa pangalan ni Daddy bago tumama ang palad nito sa aking pisngi. Halos mawalan ako ng balanse dahil doon."Oh God! Hyujin!" agad na sigaw ni Seira. Hinawakan niya ako sa braso upang alalayan ako. Tumutulo na ang luha niya pero nakatulala lang ako kay daddy."W-Wha--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng sumigaw siya."Walang hiya ka! Wala kang kuwentang anak!" sigaw niya sa akin sa hindi ko malamang dahilan.Nagulat kaming lahat sa ginawa niya. Si tita Janice ay umiiyak habang hawak-hawak ang braso ni daddy at pinipigilan ito."Wei! Tama na! H'wag mo silang sisihin!" Awat ni tita kay daddy.

  • STEPBROTHER   Chapter 51

    Alam ko na may masamang ugali si Faye pero hindi ko alam na mas malala pa pala siya sa iniisip ko.Pagkatapos ibigay ni Seira sa akin ang isang folder ng documents na galing daw kay Jinx ay agad ko rin iyong binuksan. Kahit galit ako sa kaniya dahil may gusto siya kay Seira ay hindi ko pa rin maipagkakaila na naging mabait siya kay Seira bilang kaibigan. Besides, aalis na siya kaya hindi ko na kailangan pang mamroblema sa kaniya.Nang buksan ko ang folder ay agad akong nainis ng makita ko ang laman no'n. Napaka gago lang talaga ni Faye Alonzo. Wala akong pake alam kahit babae pa siya. Napaka walang hiya niyang tao. Hindi ko maisip na aabot siya sa ganitong bagay. Balak niya pa akong gamitin.Kaya pala gustong-gusto niyang makipag-sex sa akin. Ginamit niya pa ang mga magulang niya para lang sa plano niya.Noong linggo ay hinanda ko na ang mga plano ko para ngayong lunes.

  • STEPBROTHER   Chapter 50

    Sabado na ngayon at mamayang gabi ay susunduin na ako ni Jinx dito sa bahay. Naiinis pa rin si Hyujin dahil makikipag-date ako kahit pa nagkasundo na kami tungkol dito noong nakaraan. Kapalit ng pakikipag-date ko ay ang kundisyong gustong-gusto ng mokong. Halos sa mga nakalipas na araw ay lagi niya akong pinapagod. Sa bawat oras at bawat lugar na walang tao ay sinasamantala niya. Wala naman akong magawa dahil lagi niyang ginagamit sa akin ang pagbabanta na hindi siya papayag sa date namin ni Jinx. Oportunista talaga.Pero ngayon galit pa rin siya pagkatapos niya ako ilang beses pagurin. Pagkatapos niya ilang beses maka-score. Ang sarap lang pumutol ng mahabang saging.Hinatak niya ako patungo sa kuwarto niya kahit kausap ko pa si manang sa sala kanina. Ang paalam niya kaya manang ay may importante raw siyang sasabihin sa akin. Alam ko ang pinaplano niya. Kanina ko pa siya nakikita na nakatitig sa akin habang na nonood daw siya

  • STEPBROTHER   Chapter 49

    Kaninang umaga ay nakatanggap ako ng text galing kay Faye na magkita raw kami sa school field. Bukod sa problema namin sa arrange marriage ay hindi ko na lang kung ano pa ang dapat naming pag-usapan. Mas maganda kung may na isip na siyang paraan para hindi matuloy ang kasal para hindi na ako mamroblema. Gustong-gusto ko na rin sabihin sa lahat na akin lang si Seira.Kaninang umaga ay sinundo ng mokong si Seira sa bahay. Sabay daw silang papasok. Wala akong nagawa kahit gustong-gusto ko nang sapakin ang gagong 'yun. Kailangan naming magpanggap ni Seira hanggat maaari. Ayoko rin naman na mabulilyaso ang mga plano namin dahil siguradong delikado na naman si Seira pagnalaman ni daddy ang tungkol sa relasyon namin."Hyujin, saan ang punta mo ngayon?" Inakbayan ako ni Xavier habang nagliiligpit ako ng mga gamit ko. Nilingon ko naman siya ng mapansin ko ang masigla niyang boses. Mukhang nakapag-usap na sila ni Finnral.

  • STEPBROTHER   Chapter 48

    Habang kumakain kami ni Hyujin ay nagpaalam si manang na aalis lang siya saglit at mamimili kasama ang isang kasambahay. Nagpatuloy kami sa pagkain pagkaalis ni manang sa kusina.Napag-usapan na namin ni Hyujin ang tungkol sa nakatakdang date namin ni Jinx sa darating na sabado. Ilang beses siyang umangal pero napapayag ko rin siya sa huli. Pero may isang kundisyon siya na nagpapasakit ng ulo ko ngayon.Nakatitig siya sa akin habang kumakain kami. Tumayo siya at saka isinara at inilock ang pinto ng kusina. Nang bumalik siya sa kaniyang upuan ay prente itong umupo habang titig na titig sa akin.Ibinalik ko naman sa kaniya ang titig niya at saka siya tinaasan ng kilay. "Then?" tanong ko habang nasa aking labi pa ang kutsara ko.Ngumiti siya bago bumaba ang tingin patungo sa aking mga labi. Hindi na rin ako umangal ng lumapit ang mukha niya at mapusok akong halikan sa labi. Ito ang kundisy

  • STEPBROTHER   Chapter 47

    Sabay kaming umuwi ni Hyujin tulad ng napag-usapan namin. Gusto kong sabihin sa kaniya na inaya ako ni Jinx na mag-date this weekend pero hindi ko nagawang makapagsalita habang nasa byahe kanina at hanggang ngayon na nandito na kami sa bahay. Alam ko kasi na magagalit siya. Pero mas okay na rin ang ganito dahil hindi kami mahahalata. Kapag lagi kaming nasa bahay dalawa ay maraming magtataka.Nang makarating kami sa bahay ay saka lang ako kinausap ni Hyujin bago kami bumaba ng sasakyan niya. "Ang tahimik mo ah. May sakit ka ba?" kunot noong tanopng niya."Ah, wala. Napagod lang siguro ako kanina," sagot ko na lang at saka ako bumaba ng sasakyan.Pagpasok namin sa loob ay na daanan namin si manang na naglilinis. Agad niya kaming binati at ganon din ang ginawa namin. Nagpaalam muna kami na magbibihis kaya agad na rin kaming nagtungo sa mga kuwarto namin.Pagpasok ko sa kuwarto ay agad na a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status