Share

Chapter 37

Pagkatapos namin mag-ayos ni mama ay isinunod ko naman ang bago kong kuwarto. Nagpaalam naman sina mama at tito na may pupuntahan lang sila saglit. Bumili si mama ng mga wall sticker dahil alam niya na gusto ko ng ganon sa kuwarto ko dahil mas maaliwalas tignan. Inayos ko ang mga gamit ko sa cabinet at saka ako nag-umpisang magdikit ng mga sticker. Iniba ko rin ang ayos ng buong kuwarto, ang kama, kabinet, table at iba pang laman ng kuwarto.

Pagod na pagod ako ng matapos sa pag-aayos. Nakahilata ako sa kama nang may kumatok sa pinto ng kuwarto ko. Tumayo ako at saka nagtungo sa pinto at binuksan ito.

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo sa baba. Jinx daw po ang pangalan," sabi ng katulong na kumatok sa pinto ko.

Napakunot naman ang noo ko sa dahilan ni Jinx kung bakit siya pumunta dito. Naalala ko nga pala na binanggit ko sa kaniya ang tungkol sa paglipat namin sa bahay nina Hyujin. Pero hindi ko matandaan na may pinagusapa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status