Home / Romance / Sa Haplos Ng Kaaway / Chapter 97 : Too late to Beg

Share

Chapter 97 : Too late to Beg

Author: BelleNocturne
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-07 10:55:33

"Boss... pakiusap... huwag siya..."

Nakatitig lang si Vincent sa lalaking halos gumapang na sa sahig sa sobrang pagsusumamo. Nakaluhod si Sebastian sa malamig na semento ng warehouse at hawak pa rin ang brown envelope na may litrato ni Alyannah. Nanginginig ang buong katawan niya at basang-basa ng pawis ang likod.

"Sebastian," malamig na sabi ni Vincent habang nakatayo pa rin sa harap niya at nakatingin pababa na parang basura lang ang tingin sa kanya, "dalawampu't limang taon kitang binuhay. B
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Sa Haplos Ng Kaaway   Chapter 99 : The Price Of Pride

    "Bakit ka bumalik?"Matatag ang boses ni Eduardo, pero walang galit. Wala ring lambing. Dalawampu't limang taon ang pagitan ng tanong na iyon.Walang maririnig na kahit anong ingay sa buong sala ng De Vega Mansion. Pinaalis ni Eduardo ang lahat ng kasambahay kanina pa. Si Mang Tony lang ang naiwan sa labas ng pintuan kasama si Ramon Cruz na agad namang inaasikaso ng family physician ng De Vega na tinawagan ni Ethan.Sa loob ng sala, dalawang lalaking minsang itinuring na magkapatid ang magkatapat ngayon. Pareho nang may uban sa buhok. Pareho nang pagod ang mata. Pareho nang maraming nawala sa buhay.Nanatiling nakatayo si Sebastian sa may pintuan. Basang-basa pa rin ang damit niya sa ulan at may dugo pa sa manggas at nanginginig ang mga kamay at maputik ang sapatos. Hindi siya makatingin kay Eduardo."Pwede ba akong... humingi ng tawad?" mahinang sabi ni Sebastian na halos pabulong at basag ang boses.Mahabang katahimikan, walang nagsalita agad. Rinig lang ang patak ng ulan sa bintana

  • Sa Haplos Ng Kaaway   Chapter 98 : The Escape

    "May pinatay na."Tila may malamig na hangin na dumaan sa buong conference room. Hindi agad gumalaw si Ethan. Hawak pa rin niya ang cellphone na putol na ang linya at nanginginig ang kamay. Si Marco, si Anthony, at ang buong legal team ay nakatingin lang sa kanya at nag-aantay mg sasabihin niya.Si Marco ang unang nagsalita at lumapit kay Ethan."Ethan, huwag tayong magpadala sa emosyon. Huminga ka muna," sabi ni Marco na mahinahon pero seryoso.Si Ethan nakatingin pa rin sa cellphone na parang hindi makapaniwala sa narinig na putok."Kung si Vincent nga ang nasa likod nito at kung siya nga ang may hawak kay Ramon, gusto niyang padalos-dalos tayong kumilos. Gusto niyang sugurin natin agad ang warehouse nang walang plano. Doon tayo mamamatay," dagdag ni Marco.Napatingin si Ethan kay Marco at huminga nang malalim."Ano ang suggestion mo?" tanong ni Ethan."Humingi tayo ng tulong sa PNP at CIDG. Hindi na ito negosyo, Ethan. Kidnapping na ito. May baril na, may boses ng matandang humihin

  • Sa Haplos Ng Kaaway   Chapter 97 : Too late to Beg

    "Boss... pakiusap... huwag siya..."Nakatitig lang si Vincent sa lalaking halos gumapang na sa sahig sa sobrang pagsusumamo. Nakaluhod si Sebastian sa malamig na semento ng warehouse at hawak pa rin ang brown envelope na may litrato ni Alyannah. Nanginginig ang buong katawan niya at basang-basa ng pawis ang likod."Sebastian," malamig na sabi ni Vincent habang nakatayo pa rin sa harap niya at nakatingin pababa na parang basura lang ang tingin sa kanya, "dalawampu't limang taon kitang binuhay. Binayaran ko ang lahat ng utang mo. Huwag mong sayangin ang natitira mong dignidad sa pagmamakaawa. Nakakahiya ka."Tumigil siya sandali at tumingin sa dalawang tauhan na nakatayo sa gilid ng bakal na pinto."Ipasok ninyo," utos ni Vincent na malamig.Dahan-dahang bumukas ang bakal na pinto ng warehouse na maingay at kinalawang. Malamig na hangin ang pumasok at may narinig na kaladkaran sa semento.Pumasok ang dalawang armadong lalaki habang may hinihilang isang matandang lalaki na nakaposas ang

  • Sa Haplos Ng Kaaway   Chapter 96 : Price of Silence

    "Lumuhod ka."Huminto si Sebastian sa mismong bungad ng warehouse. Hindi pa man siya tuluyang nakakapasok ay narinig na niya ang malamig na utos mula sa kadiliman. Amoy kalawang, alikabok at lumang langis ang buong paligid at tanging mahinang ilaw lang mula sa kisame ang bumubukas na parang kumukurap-kurap pa at mahina ang buga. Malaki ang warehouse pero halos walang laman, puro lumang kahon, bakal at isang lamesang may bote ng alak at ashtray na puno ng upos ng sigarilyo.Nanigas ang buong katawan ni Sebastian. Dahan-dahan niyang itinaas ang tingin at nanginginig ang labi. May isang lalaking nakaupo sa malaking swivel chair sa gitna ng warehouse habang nakatalikod sa kanya. Hindi makita ang mukha dahil madilim at tanging usok ng sigarilyo ang umaangat sa hangin na parang mabagal na gumagalaw.Muling nagsalita ang lalaki, mas mabigat at mas malapit na parang nasa tenga na niya."Narinig mo ako, Sebastian. Lumuhod ka. Huwag mo akong paghintayin. Alam mong ayokong inuulit ang sinasabi k

  • Sa Haplos Ng Kaaway   Chapter 95 : Father's Desperation

    Mabilis na nagsara ang pinto ng itim na SUV at hindi na nakalingon si Sebastian kay Alyannah. Naiwan siyang nakatayo sa labas ng café sa Ortigas habang unti-unting nawawala sa paningin niya ang sasakyan na mabilis na lumiko sa kanto. Hawak pa rin niya ang bag niya at nanginginig ang kamay. Hindi niya maintindihan kung bakit parang takot na takot ang ama niya na mahuli sa tawag na yun. Parang hindi yung ama niya na matapang dati ang nakita niya kanina, kundi isang taong takot na takot sa kung sino ang nasa kabilang linya.Bumalik si Alyannah sa loob ng café at umupo ulit sa mesa kung saan sila nag-usap. Mag-isa na lang siya at malamig na ang tasa ng hot chocolate na iniwan ng ama. Paulit-ulit niyang binabalikan sa isip ang usapan nila."Mapapakiusapan mo ba si Ethan na pakinggan ang Arlington Proposal? Limang minuto lang, anak. Pakinggan lang."Hindi niya maintindihan. Kung proposal lang iyon, kung simpleng project lang iyon sa De Vega Group, bakit parang buhay ang nakataya sa boses n

  • Sa Haplos Ng Kaaway   Chapter 94 : The Last Favor

    "Sino siya?"Walang masabi si Sebastian matapos tanungin ni Alyannah kung sino yung mabuting tao na tumulong sa kanya sa kulungan. Hindi niya agad sinagot ang tanong ng anak. Sa halip ay ngumiti lang siya nang mapait at ibinaba ang tingin sa tasa ng kape na lumalamig na sa mesa ng lumang café sa Ortigas. Amoy kape pa rin ang buong paligid at tahimik dahil konti lang ang tao. "Darating din tayo ro'n... pero hindi pa ngayon, anak," sabi niya nang mahina at pilit iniiwas ang mata. Napkunot ang noo ni Alyannah. Halatang naiinip na at naguguluhan. Hawak niya pa rin ang tasa ng hot chocolate na inorder ng ama niya, pero hindi niya na iniinom. "Dad, hanggang ngayon ba may mga sikreto ka pa rin sa akin? Akala ko ba wala ka nang itatago? Akala ko ba magsasabi ka na ng totoo? Bakit pakiramdam ko pinaghihintay mo na naman ako? Simula bata ako puro ganito na lang, laging may kulang sa kwento mo," sabi ni Alyannah at nanginginig na ang boses dahil sa inis at sakit. Tumingin si Sebastian sa ana

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status