Mabilis ang naging takbo ng sumunod na dalawang araw. Halos hindi ako natulog.Paulit-ulit kong binasa ang brown envelope ni Daddy hanggang sa kabisado ko na pati middle initial ng lola ni Nadine Buenavista. Pirma ni Nadine, birthday, address sa San Fernando, school, pati paano siya tumawa, inaral ko lahat.Isang maling sagot lang, tapos ang misyon."Relax," bulong ko sa sarili habang inaayos ang puting long-sleeved blouse at itim na pencil skirt sa harap ng salamin. No luxury bag. No branded watch. Isang maliit na pearl earrings lang. Si Nadine dapat mukhang matalino, hindi mukhang mayaman."Baby girl."Lumingon ako. Nasa pinto si Daddy, naka-business suit na."Ready?" tanong niya.Ngumiti ako kahit kumakabog ang dibdib ko. "As ready as I'll ever be, Dad."Lumapit siya, inayos ang kwelyo ko. "Relax. Interview lang yan.""Interview sa kumpanya ng mortal mong kaaway," nakanguso kong sabi.Natawa siya. Tapos biglang hinawakan ang balikat ko, seryoso."Anak, pag naramdaman mong delikado
Huling Na-update : 2026-09-08 Magbasa pa