登入Marahang hinawakan ni Ymilio ang siko ko at iginiya ako patungo sa dulo ng pasilyo, malapit sa hallway patungo sa pool area kung saan walang makakarining sa amin. Ewan pero medyo nakaramdam ako ng kaba habang nakasunod ako sa kaniya. Marahil dahil ngayon pa lang kami mag-uusap tapos sobrang seryoso pa ng kaniyang mukha. Malayo sa pilyong mukha niya na ipinakita niya kay Zeus kanina sa loob ng sasakyan.Nang tuluyan kaming makalayo sa sala ay huminto siya at humarap sa akin. Sumandal siya sa pader habang nakapamulsa ang isang kamay."Sino’ng ipapakilala mo?" tanong ko agad habang nakakrus ang aking mga braso.Hindi agad siya sumagot. Sa halip ay kinapa niya ang kaniyang bulsa at inilabas ang kaniyang cellphone. May pinindot siya roon bago iharap sa akin ang screen.Awtomatikong napako ang tingin ko sa larawang naroon. Isang babae ang nakadisplay sa screen. Maganda siya, may katamtamang pangangatawan, at nakasuot ng isang simpleng kasuotan. Pero ang mas nakaagaw ng pansin ko ay ang kani
Binuhat ko si Zeus at mahigpit siyang niyakap para maitago ang pangangatog ng aking labi. "Mag-iimpake na si Mommy, okay? Uuwi na tayo ng Pilipinas."Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon kong ito, pero hindi ko matatanggihan ang pamilya ko habambuhay. Kung maayos na ang lahat, marahil ay panahon na nga para harapin ang nakaraan.Pagbaba pa lang namin ng eroplano sa NAIA pagkalipas ng mahabang biyahe, agad na dinaluyong ng pamilyar na init at ingay ng Maynila ang buong sistema ko. Hawak ko sa kanang kamay si Zeus habang hila-hila naman ni Manang Maria ang iba naming mga bagahe. Kabado ang bawat hakbang ko habang papalapit kami sa arrival area."Ika! Anak ko!"Mula sa karamihan ng mga taong naghihintay, agad kong nakita si Donya Victoria na kumakaway habang umiiyak. Ngunit ang mas ikinagulat ko ay ang lalaking nakatayo sa tabi niya.Si Ymilio.Apat na taon. Mas nagka-edad ang kaniyang mukha pero ganoon pa rin, matipuno. Kung pormal na siyang tingnan noon, mas nadagdagan ito ngayon. A
Napatitig ako kay Don Ymael habang dahan-dahang nag-sink in sa utak ko ang kaniyang desisyon. States. Sobrang layo n'un… pero malayo din iyon sa mga gumugulo ngayon sa utak ko.“S-Sige po…” mahina pero may halong tapang kong sagot. Kahit hindi ko pa sila lubos na tanggap ni Donya, kahit balik-baliktarin man ang mundo, sila ang tunay kong mga magulang. At naniniwala ako na walang magulang na gustong ipahamak ang kanilang mga anak. Tanging ang makakabuti lang sa kanilang mga anak ang hangad nila. “Patawad po ulit, ’Nay… P-Papa… hindi na po ito mauulit,” huling sabi ko sa araw na iyon.Nakita ko ang paglambot ng ekspresyon ni Don Ymael bago niya ako yakapin ng sobrang higpit. Si Donya naman ay naiyak na lang sa tabi namin bago siya nakisama sa yakap naming mag-ama. Pagkalipas ng Apat na Taon..."Mommy! Look! I drew a big airplane!"Isang masiglang boses ang bumasag sa katahimikan ng malawak na living room ng tinutuluyan naming apartment dito sa New York. Napalingon ako sa aking apat
Tumagal ng halos isang oras ang sigawan nina Jace at Ymilio sa labas. Saka lang natigil nang may narinig akong umawat sa kanilang mga security guards.Dahan-dahan akong umalis mula sa pagkakasubsob sa unan at tiningnan ang kakabukas lang na pintuan. Pumasok si Donya Victoria. Magulo ang kaniyang buhok at halatang pagod na pagod ang kaniyang mukha. Agad siyang lumapit sa akin at naupo sa gilid ng aking kama, hinawakan ang nanginginig kong kamay."Nakaalis na sila, anak ko. Pinauwi ko muna si Ymilio at pinalabas na ng mga guard si Jace," mahina niyang saad, kalmado ang kaniyang boses pero halatang pinipilit niya lang ito. Kitang-kita ko rin ang lungkot at bigat sa kaniyang mga mata. "Pero Ika... kailangan kong malaman ang katotohanan."Hindi ako umimik pero muling nagsimulang manubig ang gilid ng mga mata ko."Totoo ba ang sinabi ni Ymilio?" tanong niya, may kaunting panginginig ang labi. "Si Jace ba talaga? Magpakatotoo ka kay Mama, pakiusap.""P-Patawad..." pagsuko ko. Umiling-iling a
"She's three weeks pregnant, Donya Victoria. Kaya normal lang ang nakikita ninyong matinding panghihina, pamumutla, at ang madalas niyang pagduduwal."Iyan ang mga salitang unt-unting gumising sa akin mula sa kawalan ng malay. Idinilat ko ang mga mata ko at ang maputing kisame ng isang pribadong kwarto sa ospital ang bumungad sa akin. Amoy na amoy ko rin ang gamot at antiseptic sa paligid. Bago ko pa man maigalaw ang aking katawan, narinig ko ang pagsinghap ni Donya Victoria sa aking tabi."D-Diyos ko..." mahinang usal nito. Paglingon ko sa kaniya ay nakita kong gulat siyang napatakip sa kaniyang bibig.Sunod kong nilingon ay ang doktor na kasalukuyang nag-aayos ng kaniyang stethoscope. "Doc... ano pong sinabi niyo?" nanginginig at halos walang boses kong tanong.Humarap sa akin ang doktor saka niya ako nginitian. "Gising ka na pala, Hija. Maupo ka muna nang dahan-dahan." Kahit ramdam ko ang kaunting pagkahilo ko, pinilit ko pa ring maupo saka sinandal ang likod sa unan. “Base sa bl
Mabilis akong napatakbo patungo sa pinakamalapit na lababo sa may dulo ng dining area. Napakapit ako sa gilid niyon habang walang tigil ang pagbaliktad ng sikmura ko. Napapikit ako sa tindi ng sakit, kasabay ng pait na gumuhit sa lalamunan ko. Suka lang ako nang suka, pero walang lumalabas kundi laway at asidong likido."Ika, anak ko!" bakas ang matinding taranta sa boses ni Donya Victoria. Mabilis siyang lumapit sa akin, hinawakan ang buhok ko para hindi ito humarang sa mukha ko, at marahang hinaplos ang likod ko. "Diyos ko, anak. Dinala ka na sa ospital noong isang araw dahil dito, 'di ba? Umupo ka muna, sandali.” Inalalayan niya ako pabalik sa upuan. Inabutan niya ako ng baso ng tubig na agad ko namang ininom para mahugasan ang pait sa bibig ko. Pagkatapos ay hinihingal akong napahawak sa aking tiyan."H-hindi po ako buntis," panghihina kong paliwanag, habang pilit na ibinabalik ang wisyo. "Gastritis po talaga ang sabi ng doktor..."Tumingin ako sa kaninang binabasa niyang dokumen
"I just dropped by to check on you, man. I heard you've been off the grid for the past two days," tugon naman ni Damon sa tanong ni Ymilio kung ano ngang pakay niya.Grabe. Pati boses niya ay sobrang guwapo kung pakinggan. Malalim din pero may ibang hagod kumpara sa malamig at maawtoridad na boses
Akala ko ay hindi niya narinig ang sinabi ko dahil tuloy lang siya pag-alalay sa akin papasok. Saka lang siya tumigil nang sa mismong tapat na kami ng sliding door ng emergency room, pagkatapos ay nilingon niya ako at sinamaan ng tingin."You’re unbelievable," aniya sa mababang boses, pero bakas an
Agad na sumiklab ang init sa loob ko sa paraan ng kaniyang paghalik sa akin. Hindi ito katulad ng mga dampi niya nitong nakaraan; ito ay marahas, gutom, at punong-puno ng pag-angkin na para bang dito na niya nilalabas ang kaninang inis sa akin. Napakapit ako sa kaniyang matipunong balikat habang an
Napakamot ako sa aking ulo sabay hilaw na ngumiti kay Aiah. "Um... pwedeng bukas na lang? Ano kasi... pagod na pagod ako... inaantok pa ako. Baka hindi ko lang din maintindihan."Sandali siyang natigilan, pero nang bumaba ang tingin niya sa iika-ika kong tindig at sa hawak kong balakang ay agad na







