The Arranged Bride of the Cold Heir

The Arranged Bride of the Cold Heir

last updateLast Updated : 2026-08-08
By:  Vlyn Creates Updated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
4 ratings. 4 reviews
46Chapters
2.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"You will marry his son." Isang utos na tuluyang sumira sa mga pangarap ni Avianna Saavedra. Sa paningin ng iba, nasa kanya na ang lahat—pera, kagandahan, at isang marangyang buhay. Ngunit walang nakakaalam na sa likod ng perpektong imaheng iyon ay isang babaeng naghahangad lamang ng kalayaan. Nang pilitin siyang pakasalan ang anak ng business partner ng kanyang mga magulang, gumawa siya ng isang desisyong babago sa kanyang buhay. Isang gabi ng pagtakas. Isang gabi ng kalayaan. At isang lalaking hindi niya inaasahang makikilala. Ngunit paano kung ang estrangherong lalaking iyon ay siya rin palang lalaking nakatakdang pakasalan niya? Habang unti-unting nahuhulog ang kanilang loob sa isa't isa, mga lihim, maling akala, at mga taong gustong paghiwalayin sila ang susubok sa kanilang pagmamahalan. Sa isang kasalang nagsimula sa obligasyon, posible bang matagpuan nila ang tunay na pag-ibig? O huli na ang lahat kapag pareho na nilang piniling lumayo?

View More

Chapter 1

Chapter 1

‎I REFUSE

‎Avianna's POV (Part 1)

‎Kung may isang bagay na gusto kong maranasan sa buhay ko, iyon ay ang kalayaan.

‎Hindi pera. Hindi marangyang buhay. Hindi ang pagiging tagapagmana ng isa sa pinakamalalaking kumpanya sa bansa.

‎Kalayaan.

‎Nakakatawa, hindi ba?

‎Habang ang ibang tao ay nangangarap yumaman, ako naman ay handang isuko ang lahat ng mayroon ako kapalit lang ng pagkakataong mamuhay ayon sa sarili kong kagustuhan.

‎Dahil sa loob ng dalawampu't dalawang taon, wala ni isang desisyon ang tunay na naging akin.

‎Mula sa school na pinasukan ko, sa kursong kinuha ko, hanggang sa mga taong dapat kong makasama—lahat sila ang pumili. Hindi ako.

‎At hindi ko pa alam na sa araw na iyon, pati ang lalaking pakakasalan ko, napili na rin pala nila.

‎Nagising ako sa mahinang sinag ng araw na tumatama sa puting kurtina ng kwarto ko. Dahan-dahan akong napaupo sa kama at napabuntong-hininga.

‎Isa na namang umaga. Isa na namang araw ng pagsunod sa gusto nina Mom at Dad.

‎Mabilis akong naligo at nagbihis. Pagsilip ko sa salamin, isang maayos na bersyon ng sarili ko ang bumungad.

‎Perpekto. Presentable. Katulad ng gusto nila.

‎Pero sa likod ng maayos kong itsura ay isang taong matagal nang pagod. Pagod sa pagiging perpekto. Pagod sa pagiging anak na kailangang laging sumunod.

‎Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa dining area.

‎Gaya ng inaasahan, naroon na sina Mom at Dad. Tahimik na nagbabasa ng documents si Dad habang may kausap sa cellphone.

‎Business.

‎Palaging business.

‎Hindi ko na maalala kung kailan kami huling nag-usap bilang mag-ama na hindi tungkol sa kumpanya.

‎"Good morning, Mom."

‎Lumapit ako at hinalikan siya sa pisngi.

‎Ngumiti siya. "Good morning, dear."

‎Sunod kong nilapitan si Dad.

‎"Good morning, Dad."

‎Bahagya lang siyang tumango bago muling ibinalik ang atensyon sa kausap niya sa telepono.

‎Hindi na ako nagtaka. ‎Sanay na ako.

‎Umupo ako at nagsimulang kumain. Tahimik ang buong dining room. Ang tanging maririnig ay ang mahinang tunog ng mga kubyertos at ang boses ni Dad na seryosong nakikipag-usap tungkol sa negosyo.

‎Napatingin ako kina Mom at Dad. ‎Ilang beses silang nagkatinginan.

‎Parang may gustong sabihin. Parang may hinihintay lang na tamang pagkakataon.

‎At doon nagsimulang kumabog ang dibdib ko.

‎‎May kakaiba. ‎Ramdam ko.

‎"Avi."

‎Napatingin ako kay Mom.

‎"Yes, Mom?"

‎Ngumiti siya, ngunit hindi iyon ang karaniwang ngiti niya. Parang may itinatago.

‎"May surprise kami para sa'yo."

‎Napahinto ako sa pagkain.

‎"Surprise?"

‎Tumango siya.

‎"Yes."

‎Hindi ko maiwasang mapakunot-noo.

‎"Wala naman pong birthday ko."

‎Napatawa siya nang mahina.

‎"Hindi naman kailangang birthday para magkaroon ng surprise."

‎Natahimik ako.

‎Kung bakit, hindi ko rin alam.

‎Pero sa halip na matuwa, lalong bumigat ang pakiramdam ko. May kung anong nagsasabing hindi ko magugustuhan ang sorpresang iyon.

‎"Ano po ba iyon?" tanong ko.

‎Ngunit umiling lang si Mom.

‎"Mamaya mo na malalaman."

‎"Where?"

‎"We're having dinner tonight."

‎Nagsalita na rin si Dad matapos ibaba ang cellphone.

‎"Leondell's Hotel. Eight o'clock."

‎Iyon lang.

‎Wala nang paliwanag. Wala nang dagdag na impormasyon. ‎Parang kailangan ko na lang sumunod, katulad ng palagi kong ginagawa.

‎Tumango na lamang ako.

‎"Okay po."

‎Ngumiti si Mom na tila ba natuwa sa naging sagot ko.

‎Pero ako...

‎Hindi mapakali.

‎Habang nagpapatuloy ang almusal, wala na akong nalalasahan sa pagkain. Paulit-ulit lang umiikot sa isip ko ang isang tanong.

‎Ano ba talaga ang sorpresa?

‎At bakit pakiramdam ko...

‎Babaguhin nito ang buong buhay ko?

‎Lumipas ang maghapon na hindi nawawala ang kutob ko. ‎Sinubukan kong magbasa, manood ng series, at mag-scroll sa social media.

‎Pero wala.

‎Hindi mawala-wala ang bigat sa dibdib ko.

‎Para akong naghihintay ng bagyong alam kong darating pero hindi ko alam kung gaano kalakas.

‎Pagsapit ng alas-singko ng hapon ay nagdesisyon akong maligo at maghanda.

‎Paglabas ko ng banyo, isang malaking puting kahon ang bumungad sa akin. Nasa gitna iyon ng kama ko.

‎May maliit na card na nakapatong sa ibabaw.

‎Kinuha ko iyon.

‎"Wear this, dear. You'll look beautiful."

‎- Mom

‎Napabuntong-hininga ako bago dahan-dahang binuksan ang kahon. ‎Isang eleganteng puting dress ang tumambad sa harapan ko.

‎Simple.

‎Classy.

‎Napakaganda.

‎Eksaktong klase ng damit na gustong-gusto ni Mom.

‎Hinaplos ko ang tela. ‎Hindi ko alam kung bakit, pero mas lalo lang akong kinabahan.

‎Parang hindi ito simpleng family dinner. ‎Parang may mas malaki pa rito. ‎Mas malaki kaysa sa inaakala ko.

‎Huminga ako nang malalim.

‎"Stop overthinking, Avianna."

‎Mahina kong sabi sa sarili ko. ‎Baka surprise lang talaga. ‎Baka iniisip ko lang ang pinakamasamang mangyayari.

‎Hindi ko alam na ilang oras na lang magbabago na pala ang buong buhay ko.

‎Eksaktong alas-siyete y medya nang makarating ako sa Leondell's Hotel.

‎Huminto ang sasakyan sa harap ng engrandeng entrance. Isa-isang bumukas ang malalaking glass doors habang sinalubong ako ng staff.

‎"Good evening, Miss Saavedra."

‎Bahagya akong ngumiti.

‎"Good evening."

‎Habang naglalakad ako papasok, mas lalo akong kinakabahan. ‎Hindi ko alam kung bakit.

‎‎Parang may kung anong bumubulong sa isip ko na sana'y huwag na lang akong tumuloy.

‎Pero nandito na ako. ‎At alam kong wala rin naman akong pagpipilian.

‎Tinawid ko ang malawak na lobby bago ako inalalayan ng isang staff papunta sa private dining room.

‎Pagbukas ng pinto, naabutan ko sina Mom at Dad na naghihintay na.

‎Pareho silang nakabihis nang elegante.

‎Ngunit kakaiba ang katahimikan.

‎"Sorry, medyo na-late ako."

‎"It's okay, dear," nakangiting sabi ni Mom.

‎"You're just in time."

‎Tahimik akong umupo sa bakanteng upuan.

‎Makalipas ang ilang minuto, isa-isang dumating ang mga pagkain.

‎Pero kahit gaano pa kamahal ang mga iyon, wala akong ganang kumain.

‎Pakiramdam ko may hinihintay lang silang matapos ang dinner.

‎At habang lumilipas ang bawat minuto, mas lalo lang akong kinakabahan.

‎Hindi ko na napigilan.

‎"Mom..."

‎Napatingin siya sa akin.

‎"What's really going on?"

‎Sandali siyang natahimik bago tumingin kay Dad, na tila hinihintay ang pahintulot nito.

‎Napansin ko rin ang malalim na buntong-hininga ni Dad bago niya inilapag ang hawak niyang wine glass.

‎"Avianna."

‎Mariin ang boses niya.

‎Napalunok ako.

‎"Yes, Dad?"

‎"May gusto kaming pag-usapan."

‎Pakiramdam ko biglang bumigat ang hangin sa paligid.

‎Hindi ako sumagot.

‎Tahimik lang akong nakatingin sa kanilang dalawa.

‎"You remember Mr. Lincoln?"

‎Tumango ako.

‎"Your business partner?"

‎"My closest friend."

‎Seryoso niyang sagot.

‎Napakunot-noo ako.

‎"Bakit po?"

‎Nagkatinginan silang mag-asawa.

‎At sa sandaling iyon...

‎Parang tumigil ang oras.

‎Huminga nang malalim si Dad bago nagsalita.

‎"His family and ours have reached an agreement."

‎Hindi ko maintindihan.

‎"Agreement?"

‎"Yes."

‎Tahimik siyang tumingin sa akin.

‎Isang tinging hindi ko mabasa.

‎At pagkatapos...

‎Binitiwan niya ang mga salitang tuluyang nagpayanig sa mundo ko.

‎"You will marry his son."

‎Hindi agad nagsink in ang sinabi niya.

‎Pakiramdam ko mali ang narinig ko.

‎Parang ibang tao ang kausap niya.

‎Hanggang sa unti-unting tumagos ang bawat salita sa isip ko.

‎Marry.

‎His son.

‎Ako?

‎Nanlamig ang buong katawan ko.

‎"Ano..."

‎Mahina kong bulong.

‎"Ano pong sinabi ninyo?"

‎Hindi nagbago ang ekspresyon ni Dad.

‎"You heard me."

‎Parang may humigpit sa dibdib ko.

‎Hindi ako makahinga.

‎Hindi ako makapaniwala.

‎"D-Dad..."

‎Napailing ako.

‎"You're joking... right?"

‎Tahimik lang siyang nakatingin sa akin at doon ko nalaman ang sagot.

‎Hindi siya nagbibiro. ‎Hindi ito biro.

‎Hindi ito pananakot.

‎Desisyon na nila.

‎Hindi ko namalayang napatayo ako.

‎"How can you decide something like this?"

‎Hindi ko na napigilan ang boses ko.

‎"I don't even know him!"

‎"Avianna—"

‎"No!"

‎Napatingin ako kay Mom.

‎Umaasa.

‎Umaasang kahit siya man lang ang kakampi ko.

‎"Mom..."

‎Mahina na ang boses ko.

‎"Please..."

‎"Tell me this isn't true."

‎Nakagat niya ang ibabang labi niya.

‎Ang sumunod niyang sinabi ang tuluyang dumurog sa akin.

‎"It's already decided."

‎Parang may kung anong nabasag sa loob ko.

‎Hindi ko maipaliwanag.

‎Hindi ito simpleng lungkot.

‎Pakiramdam ko may unti-unting kumukuha ng buong buhay ko.

‎"No..."

‎Napailing ako.

‎"No..."

‎Hindi ko mapigilang maiyak.

‎"Bakit?"

‎"Bakit kailangan ninyo akong ipakasal sa taong hindi ko man lang kilala?"

‎Tahimik ang buong silid.

‎"Is this because of the company?"

‎Walang sumagot.

‎At ang katahimikang iyon...

‎Sapat na.

‎Nakuha ko na ang sagot.

‎Napatawa ako.

‎Mapakla.

‎"So negosyo nga."

‎"Avianna."

‎Mariing tawag ni Dad.

‎"You're doing this for our future."

‎Napailing ako.

‎"Hindi."

‎Mahina kong sabi.

‎"You're doing this for the business."

‎Tumayo si Dad.

‎Mabagal.

‎Ngunit sapat para maramdaman kong muli ang awtoridad niya.

‎Hindi siya sumigaw.

‎Hindi siya nagalit.

‎Pero mas nakakatakot ang pagiging kalmado niya.

‎"Hindi ito request."

‎Diretso niya akong tiningnan.

‎"Desisyon na ito."

‎Ramdam kong nanginginig ang mga kamay ko.

‎Hindi sa takot.

‎Kundi sa galit.

‎"So wala akong choice?"

‎"Wala."

‎Napapikit ako.

‎Gusto kong sumigaw.

‎Gusto kong umiyak.

‎Gusto kong tumakas.

‎Pero higit sa lahat...

‎Gusto kong marinig na sasabihin nilang nagbibiro lang sila.

‎Na isa lang itong prank.

‎Na hindi totoo.

‎Pero wala.

‎Tahimik lang silang dalawa.

‎At doon ko tuluyang na-realize...

‎Hindi nila ako tinatanong.

‎Pinapaalam lang nila.

‎Isa lang akong piyesa sa negosyong gusto nilang protektahan.

‎Hindi anak.

‎Kundi isang kasunduang kailangang tuparin.

‎Huminga ako nang malalim.

‎Mariin kong pinunasan ang luha sa pisngi ko.

‎Tumingin ako kay Dad.

‎Diretso.

‎At sa unang pagkakataon sa buong buhay ko...

‎Tinutulan ko siya.

‎"I refuse."

‎Natahimik ang buong silid.

‎Maging si Mom ay nanlaki ang mga mata.

‎Mahigpit kong kinuyom ang mga kamay ko.

‎"Hinding-hindi ako magpapakasal sa lalaking hindi ko kilala."

‎Tumigas ang ekspresyon ni Dad.

‎"Avianna."

‎Mariin ang boses niya.

‎"Tomorrow."

‎Sandali siyang tumigil.

‎"You'll meet your fiancé."

‎Pakiramdam ko muling bumigat ang mundo ko.

‎Hindi ako nakasagot.

‎Hindi dahil pumayag ako.

‎Kundi dahil...

‎Hindi ko alam kung paano lalaban sa desisyong ginawa na nila para sa akin.

‎At sa gabing iyon...

‎Habang nakatingin ako sa dalawang taong dapat sana'y unang nagpoprotekta sa akin...

‎Doon ko unang naramdaman ang totoong ibig sabihin ng mawalan ng kalayaan.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reviews

Vlyn Creates
Vlyn Creates
leave a comment/feedback. i love to read it...️
2026-07-23 06:33:13
0
0
Ilocano writer
Ilocano writer
highly recommended 🫶
2026-07-14 14:42:32
1
0
Jovelyn Clorion
Jovelyn Clorion
maganda ang story nito............ napapa next chapter ako. thank you author.......
2026-06-24 16:33:08
1
0
Avianna Brie
Avianna Brie
it's a new book that i read. i find it interesting and i am thrilled to know what will happen next.
2026-06-23 21:48:54
1
0
46 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status