Naniniwala ako na kapag mahirap ka, wala kang bilang sa mundo.Dito sa maliit na baryo namin sa Cagayan, kaming mga mahihirap ay parang asong kalye kung ituring. Uutos-utusan ng kung sinumang mas nakatataas sa amin, tapos kapag hindi na kailangan, basta na lang itatapon sa gilid.Bukod sa wala kaming boses, wala rin kaming karapatan, at madalas, walang pagpipilian.Bata pa lang ako nang mawala ang mga magulang ko. Ang tita ko lang na kapatid ni nanay ang nagtiyagang bumuhay sa akin, pero tila ayaw talaga sa akin ng tadhana. Pagtuntong ko pa lang ng high school ay agad din siyang kinuha sa akin ng Maykapal. Wala siyang asawa’t anak, at wala rin akong ibang kilalang kamag-anak. Sa madaling salita, mag-isa na lang ako ngayon sa buhay.Swerte ko na lang at natanggap ako sa Fleur de Lis Maid Café, ang pinakasikat na café dito sa amin. Pero ang salitang 'swerte' ay may kalakip na dumi. Dito, ang bawat ngiti namin ay may presyo. Sa madaling salita ulit, kailangan namin pakisamahan ang mga ma
Dernière mise à jour : 2026-05-18 Read More