MasukTumayo si Aialyn at tinungo ang wardrobe ng binata at kumuha doon ng isang t-shirt at boxer shorts, isinuot niya ito bago tuluyang lumabas sa kwarto ng binata. She missed her little angel, sa dami ba naman ng kwarto sa mansion na ito ay hindi niya alam kung nasaan kwarto naroon ang anak.
Mas minabuti na lamang niya na bumaba patungo sa kusina para magtimpla ng gatas. Muli na naman niyang naalala si Lance. Pagkatapos niyang mag-timpla ay naupo siya at nakapangalumbaba sa mesang naroon. Napalingon siya nang makarinig siya ng mga yabag. It was Hercules. Diretso lang ito sa may mini bar at mula roon kumuha ito ng isang bote ng whiskey. His broad shoulders really fit his built. He's really a greek god. He was wearing his white sweatpants and he was topless. Damn that view! It was so hot and tempting. Hindi napigilan ni Aialyn ang mapatitig sa malapad nitong likod. Dali-daling ibinaling niya ang tingin sa gatas na kanyang iniinom nang ibaling ng binata ang tingin sa kanyang direksyon, tila naman biglang kumabog ang puso ni Aialyn. Damn. Naramdaman niyang papalapit sa kanya ang binata. Iniiwasan niyang mapatingin sa topless nitong katawan. What the heck! Ba't ba tila parang gusto ng mata niya na sumulyap roon, mabuti na lang talaga at magaling siyang magpigil sa sarili. Pero hindi pa rin niya maiwasan na mapatingin dito gamit ang kanyang peripheral vision. "Saan kwarto ba naroon sina yaya Thelma at Hera?" basag niya sa katahimikan na bumabalot sa kanila. Napasulyap sa kanya ang binata. Nilagok muna nito ang laman ng kopita bago ito sumagot sa tanong niyang iyon. "Across from our room," tipid na sagot ni Hercules, sinalinan nito ang kopita ng alak, inisang lagok lang iyon ng binata. Pagdakay napatitig sa magandang mukha ni Aia si Hercules. Bigla namang nailang si Aialyn at balewalang inubos ang kanyang gatas. But deep inside of her, ramdam niya ang init sa pagitan nilang dalawa. "I want to f-ck you, Aialyn," nasamid si Aialyn sa gatas na ininom at mabilis namang tumayo si Hercules at hinimas ang kanyang likod. Napa-ubo ang dalaga at saka humingi siya ng tubig sa binata, dahil sa panic ni Hercules ang kopita ng whiskey ang naibigay niya sa dalaga. Napangiwing naibuga iyon ni Aialyn. "What the! Sabi ko tubig hindi whiskey," reklamo niya, napangisi si Hercules at saka tinungo ang ref at kumuha roon ng isang pitsel na may lamang malamig na tubig. Kumuha ito ng baso at saka inilapag sa harapan ng dalaga. "Hindi ako umiinom ng malamig na tubig 'pag gabi, warm please," pakiusap niya sa binata. Muling tumayo si Hercules, tinungo niya ang dispenser at itinapat doon ang baso. Ibinigay niya agad iyon sa dalaga. "Thanks," si Aia at saka uminom ng tubig, hinarap niya ang binata at nagtagpo ang kanilang mga titig. His deep dark eyes were so intimidating. It was like a magnet. She can't read those emotions, nang ibaba niya ang tingin, masuyong hinuli nito ang kanyang baba para muling magtagpo ang kanilang paningin. Halos naririnig na ni Aia ang kalabog ng kanyang traydor na puso. Kaya nag-isip siya para basagin ang intimate moment na iyon. "Sandali lang, makati ang pwet ko, e," biglang saad niya sa binata. Hindi tuloy napigilan ni Hercules na bumunghalit ng tawa. Damn this girl. Napasapo ang binata sa sariling tiyan. At walang tigil sa pagpakawala ng tawa. Tila naman nakahinga ng maayos si Aia. Mahirap na kung may mangyari ulit sa kanila. Likas pa namang shooter itong lalaking 'to. Akalain mo ba namang 1 shot is equal to two, hindi ba't kambal nga ang nabuo nila? Tinatawagan niya si Norain pero hindi niya ito makontak. Lihim siyang nakaramdam ng inis sa kaibigan. Nang maalala niyang nagkita sila sa mall ay dali-dali siya nitong iniiwasan. Hindi niya tuloy napigilan ang pagkuyom ng kanyang kamao. Hindi niya masisisi si Norain, siguro natatakot lang itong mapawalay sa bata. Pero anak niya pa rin si Lance. Balita niya'y heto na ang bagong sekretarya ni Hercules. At nabalitaan rin niyang kinupkop ito ng isang mayamang senyora. She hired a PI nang minsang nasa pader pa siya ng abuelo. Speaking of her Lolo and sister. She missed them already, sa sandaling pagkakataon ay napamahal na siya sa mga ito. Sa kanila niya naramdaman ang tunay na pagmamahal ng isang pamilya. Pamilyang ipinagkait sa kanya noon pa man ng kanyang kinikilalang mga magulang. "Come on, sasamahan kita sa kwarto kung nasaan ang prinsesa natin," nagulat siya nang maramdaman ang mainit na kamay ni Hercules sa kanyang isang braso, at ang marinig mula sa mga labi nito ang sinabing iyon ay tila musika sa kanyang pandinig. But Hercules never be her type of man. Too dangerous to risk her heart. Lalo na't harap-harapan pa niyang nakikita ang mga babaeng umaaligid dito. Sumunod na lamang siya dito, hanggang ngayon pansin niya ang nakapaskil na ngiti sa mga labi nito. Naiiling na lamang siya sa kanyang ginawa kanina, she needs to break those awkward moments dahil kung hindi ay baka malapa na naman siya ng Leon. Akmang kakatukin na sana ni Hercules ang pintuan ng silid ng anak ay maagap na napigilan siya ni Aia. Sumulyap siya dito. "What? I thought you want to see our princess?" ba't nga ba ang sarap niyon sa pandinig ni Aialyn. Nagtatakang nakatitig lang sa kanya ang binata. "I change my mind, baka kase tulog na si yaya Thelma, kawawa naman kung magising pa natin siya. Maybe, bukas na lang at saka inaantok na rin ako," ani niya sa binata. "Are you sure? Then let's go back to our room," natigilan si Aialyn sa sinabing iyon ni Hercules. "Mas maigi siguro kung maghiwalay tayo ng kwarto, Hercules," saad niya sa binata. Saka napasulyap si Aialyn sa wall clock, kaya pala ang tahimik ng mansion dahil alas onse y medya na ng gabi. "Are you afraid of me?" nagulat si Aialyn nang biglang isinandal siya ng binata sa dingding, kasalukuyan na siyang nakakulong sa mga braso ng binata. Hawak nito ang kanyang dalawang braso. Damn it. Amoy niya ang mabangong hininga nito na pinaghalong whiskey at mint. Pigil hiningang pumikit si Aialyn. The tingling sensation slowly arousing. Sh-t! Siya ang babae, dapat siya ang dapat mag-kontrol. Hindi pwede ito. "I'm not afraid of you, Hercules. I'm just afraid to risk my heart, natatakot akong umibig sa isang taong may galit at pagkamuhi sa akin, paano kung mahulog ako sa'yo? May katugon ba ang pag-ibig ko?" diretsahang saad niya sa binata. Tila naman natigilan si Hercules. Dahan-dahan niyang binitawan ang dalaga. May punto ito. Nasanay kase siya sa no commitment relationship. "I'm sorry," sagot ng binata, hinawakan ni Hercules ang doorknob at saka iyon binuksan. Nang buksan ni Hercules ang doorknob, maagap na pumasok sa loob si Aialyn. Maagap naman iyong isinara ng dalaga. Saka siya napasandal sa pintuan ng silid sapo ang kanyang kumakabog na dibdib. Sh-t! "ARAY!" hiyaw ni Aialyn ng hampasin siya ni Yana. "Loka ka, ang dami mong inilihim sa akin, spill the beans!" bakas sa boses ni Yana ang pagtatampo kahit hindi man nito sabihin, ramdam iyon ni Aialyn. "Sorry na kung hindi ko nasabi agad sa'yo, pero alam mo na naman hindi ba?" hinarap niya ang kaibigan. Dahil alam niyang hindi siya nito matiis ay niyakap siya nito ng buong higpit. Nang maghiwalay na sila'y tinungo nito ang lababo para hugasan ang sandamakmak na hugasin. "Ang daming nangyari sa buhay mo, gusto ko tuloy magsulat ng nobela tapos kwento mo ang isusulat ko, published ko sa favorite platform natin, sa D****e. Paniguradong babaha ng readers 'yon," palatak ni Yana habang busy sa paghuhugas ng mga pinggan. Napatulala siya, hindi niya napansin si Hercules kanina pa. Ba't ba niya hinahanap ang binata? Huwag niyang sabihin namiss niya ito? Sh-t! Nagulat siya nang may maramdaman na tila tubig na tumalsik sa kanyang mukha at saka siya napasulyap sa mapanuring tingin ni Yana. "Tulala na naman? Ano na naman iniisip mo, iyong sisterit mo bang panay ang English? Infairness, alam mo bang magkatulad kayo, ang ganda te! Pak na pak! Lahi talaga kayo ng magaganda," napangiti si Aialyn sa reaksyon na iyon ni Yana. Tumayo siya at saka kumuha ng baso para uminom ng malamig na tubig. Nang akmang isasara na niya ang ref ay nagulat siya nang maramdaman ang tila mainit at malalapad na dibdib na nasa kanyang likuran. Amoy niya ang pamilyar na amoy ni Hercules. Sh-t! Biglang nanigas ang kanyang tuhod. Narinig niyang tumikhim si Yana at agad na nagpaalam sa kanila na alam niyang sinadya nito. Bruha talaga itong kaibigan niya. Pinakalma niya ang tila nagrigodon niyang puso, saka hinarap ang binata. Nagulat siya ng bigla nitong ipulupot ang isang braso nito sa kanyang maliit na bewang. "What are you doing, Hercules?" "Why? Wala ba akong karapatang makipaglambingan sa ina ng anak ko? Kung kaya ko sa ibang babae sa iyo pa kaya?" sumilay ang pilyong ngiti nito. Kumunot ang noo ni Aialyn. Hindi niya maintindihan ang sarili, pero bakit may kirot siyang nadarama sa sinabi nito? Hindi niya yata maatim na itulad siya nito sa mga babae na naikama nito. That's bullshit! Sa inis niya'y marahas na tinanggal niya ang isang braso nito mula sa kanyang bewang at maagap itong tinalikuran. Pero bago pa man siya tuluyang makaalis mabilis ang kilos ng binata at hinapit siya nito sa bewang at walang pasubaling binihag nito ang kanyang mga labi. The kissed was harsh yet intensifying. She could feel the heat between them. Jusmiyo, Aialyn! Pigilan mo baka maka-score na naman, mahirap pa naman manganak ng kambal. Nanlaki ang mga mata ni Aialyn. What the! Nag-ipon siya ng lakas at saka ito marahas na itinulak at sinampal ito na pagkalakas-lakas. "F-ck! That's too much!" inis na mura ni Hercules at saka siya nito marahas na isinandal sa ref. Nakipagtagisan si Aialyn ng titig sa binata. Ang kaninang kilig ay napalitan ng pagkamuhi. "You deserved that! Huwag mo akong itulad sa mga babae mo, Hercules! Ibahin mo ako sa kanila, damn you!" inis na asik ni Aialyn sa mukha ng dalaga. "And who told you na katulad ka nila? Hindi ba't hiningi ko na ang kamay mo sa lolo mo? Nakalimutan mo ba 'yon?" saad ng binata sapo ang kaliwang pisngi. "Tried to slapped me again at makikita mo ang hinahanap mo," banta ni Hercules sa kanya. Tila naman naalarma si Aialyn, hindi naman siya bobo para hindi ma-gets ang nais nitong sabihin. Napalunok siya. "Pero nasa akin pa rin ang desisyon, kaya huwag na huwag mo akong apurahing demonyo ka!" "You know what, hindi ko maintindihan ang ugali mo, but for the sake of our daughter pakakasalan pa rin kita, tatanggapin mo ba ang proposal ko o hindi?" diretsahang tanong ni Hercules sa kanya. "Nang ganon kabilis? Aba't hindi naman tama iyon, dalagang Pilipina ire, kailangan mo muna akong ligawan no!" pinipigilan ni Aialyn ang mapangiti. Habang sa gilid naman kung saan nagtatago sina Yana at Aling Vicky ay mga chismosang nakikinig lang. "Walangya rin itong best friend ko nanay Vicky pa-chossy pa ang peg, sarap lang batukan, jusmiyo marimar!" hindi na napigilan na saad ni Yana sa matanda. Napangiwi naman si Yana nang makatikim ng kurot mula kay Aling Vicky at hinila na siya nito para iwanan ang dalawang parang aso't pusa. "Of course, I'll court you," nasabi na lamang ni Hercules. Ang totoo niyan first time niyang manligaw sa babae. Nasanay siya na ang babae ang manligaw sa kanya. What the! Napakamot na lamang siya sa batok. Aminin man niya o hindi, may space sa puso niya si Aialyn. Ang tanong, may space din kaya siya sa puso nito? He can't read her mind, though. Wala siyang skills sa ganoong bagay. Mukha ngang mahirap itong paamuhin. Tumaas lang ang kilay ni Aialyn. "Hoy, ako 'wag mong pinagloloko ha, at wala ako sa mood na makipagbiruan sa iyong bruho ka!" taray-tarayan pa niya kunwari sa binata ngunit ang totoo gusto niyang kiligin ng bongga. Pucha! "I'm not kidding when I said that I want to marry you, and that's final!" nawala ang ngiti sa mga labi ni Aialyn nang makitang mukhang seryoso na ang kanyang kaharap. "Paano kung ayokong magpakasal sa iyo?" panunudyo niya sa binata. Hercules jaw clenched in anger, mukhang inuubos na ng babaeng 'to ang pasensiya niya, hinapit niya si Aialyn sa bewang palapit sa kanyang katawan, at nakita niya kung paano nagulat ang dalaga sa inakto niyang iyon. Marahas. "Stop provoking me, kung ayaw mong magpakasal sa akin, mapipiltan akong kunin sa iyo ang anak ko," pagbabanta ni Hercules sa kanya. Biglang natakot si Aialyn pero dagli rin iyong napalis. "Bitawan mo 'ko, Hercules, no way, hindi mo 'yan pwedeng gawin sa akin," bakas sa boses niya at kilos ang takot na mawalay ang anak. "Then, you must learned to obey my own rules," maawtoridad na tugon ni Hercules sa kanya. Saka siya nito marahas na binitawan. Wala siyang laban dito, kaya nitong gawin ang lahat. Lalo na't marami itong connection, pwedeng mawalay sa kanya ang anak. At hindi niya makakaya na pati si Hera ay mawalay sa kanya. Never! Nagmamadali siyang pumanhik sa taas para tunguhin ang kwarto ng anak. Nagulat siya nang maabutan doon si Hercules. Karga nito ngayon si Hera. Nakita niya kung paano ngumiti ang anak sa ama nito. They looked adorable in that situation. Pinipigilan niyang mapangiti. "Akin na ang anak ko," utos niya sa binata. Bagkus ay sumulyap lang ito sa kanya. "Don't you see, my daughter was so happy seeing her dad, pati ba naman iyan ay ipagkakait mo sa anak ko?" bakas sa boses ng binata ang inis. Hindi nakaimik si Aialyn. Nilisan na lamang niya ang silid ng anak. Bumalik siya sa kusina para tapusin ang ginagawa at saka naman niya naabutan doon si Yana. "Ano na, tatanggapin mo ba ang proposal ni sir?" kunot-noong napatitig siya sa kaibigan. Nag-peace sign ito sa kanya pagdakay muling hinarap ang ginagawa. "Chismosa mo talaga, hindi ko alam, feel ko nasasakal ako, e, paano 'yan kasal without love? Paano na ang kaligayahan ko?" palatak niya sa kaibigan. "Deny pa more, talaga bang without love? Lokohin mong lelang mo, kaibigan kita kaya wa-effect sa'kin iyan te, kay sir Hercules pwede pa, pero sa akin, no way!" sa inis niya'y binatukan niya ang kaibigan. "Ouch naman! Sakit no'n, a. Oo na, I'll zip my mouth," napangiwi si Yana, lukaret talaga itong kaibigan niya napaka-harsh, ang sakit lang nitong mambatok. Pasalamat ito't kaibigan niya, aba't kung hindi, kanina pa niya ito sinabunutan.Nagulat si Aialyn ng may dumating na isang lalaking nakasuot ng itim na suit, dala nito ang isang Rezvani Tank, sasabak ba sila sa giyera? Hindi niya maintindihan ang lenggwaheng ginamit ng dalawang lalaki, nakikinig lang siya sa dalawa. Pero ang totoo kanina pa siya kinakabahan."Shukran jazilan lak," saad ni Hercules sa kaibigang Muslim na si Haji. Nakipag-shake hands muna si Hercules sa matalik na kaibigan bago ito nagpasya na umalis. "Ealaa alrahab walsaeat ya sadiqi," habol nito at mabilis na sumakay sa sarili nitong sasakyan."Anong lenggwahe iyon?" kunot ang noo ni Aialyn na nakatitig sa mukha ng binata. Naaliw na nakatitig lang sa kanyang maamong mukha si Hercules. "Walimadha tas'alin hdha alshay' ya habibty?" nakangising turan ni Hercules sa dalaga. "Alright, Arabic language, sweetheart. I have to change our convo into arabic, and please sweetie no more questions, okay? Saka ko na sasabihin sayo ang pinag-uusapan namin 'pag nasa safest place na tayo," ani Hercules habang p
"This is our diamond wedding dress ma'am. This collaboration between designer Rene Strauss and jeweler Martin Katz resulted this gorgeous gown. And this beautiful dress is made from the finest silk fabrics and contains 150 carats diamonds, kung kilala niyo po si Celina Del Fuego Montenegro sa amin po galing ang gown na suot niya ng minsang binigyan siya ng engrandeng party ng namayapa niyang ina na si senyora Carolina Del Fuego," masiglang sabi ng isang magandang assistant kay Aialyn. Sumulyap siya kay Hercules. Kumindat lang sa kanya ang binata. Halos hindi masikmura ni Aialyn ang napa-kamahal na wedding gown. Ilang bilyon din ang halaga nito. What the! "Dito ba talaga tayo bibili? Hanap na lang kaya tayo ng iba," suhestiyon niya kay Hercules. Kunot ang noo ng binata. Pero mahina lang ang boses na saad niya sa binata."No! come on sweetie, choose what you want at may pupuntahan pa tayo," sagot nito kay Aialyn. Saka muling ibinalik ni Hercules ang atensyon sa magazine na binabasa. N
"Aray! Yana masakit iyon, a!" reklamo ni Aialyn sa kaibigang si Yana. Balak niya kasing maging isang writer sa Dreame/StaryWriting at sinubukan niyang magsulat ng tragic love story. At sa kagagahan niya kinurot siya ni Yana sa kanyang tagiliran. Napahiyaw siya sa sakit. Pagdakay parang baliw na ngumiti. "At sa tingin mo may readers na magugustuhan ang walang kwentang love story na iyan? Naku, Aialyn magsitigil ka nga, kung gusto mong maging writer sa Dreame dapat hindi ganyang namamatay ang bida, teaser pa lang wala nang magbabasa niyan, hindi pwede iyan noh? Ikaw ang bida kaya kayo dapat ni Hercules ang magkatuluyan, gaga! Jusmiyo marimar!" mahabang litanya ni Yana sa kanya.Inis na ibinigay nito sa kanya ang kanyang maliit na notebook. Napangisi si Aialyn sa itsura ng kaibigan. Hinila na siya nito patungo sa fashion show na kasalukuyang idinaos, mabuti na lang at walang naging problema sa idinaos na fashion show, isa si Yana sa mga makeup artist niya. Busy ang lahat sa fashion sho
Sinuong ni Hercules kasama ang mga rescuers ang dagat sa kalagitnaan ng gabi. Matapos malaman ang naturang insidente nakita ang mga nagkalat na bakas ng chopper na sumabog. Walang nakitang katawan ng piloto pati ng dalaga kaya hindi naniniwala si Hercules na patay na ang dalawang sakay niyon. He can feel his heart na buhay pa si Aialyn. Mga ilang oras na din sila sa madilim na dagat. Pero makalipas ng ilang oras na paghahanap, natagpuan na rin nila ang walang-buhay na si Aialyn. May ilan na ring mga CIA at NBI na nag-imbestiga sa pangyayari. Lumapit kay Hercules ang isang head ng CIA na kanina lang ay kausap ang head ng NBI."Base in our investigation the pilot made a poor decision to fly at excessive airspeed, about 160 miles per hour - into an area of poor visibility. And the pilot lost the ability to control the chopper after losing visual contact with the ground," paliwanag ng naturang head kay Hercules. Umigting ang panga ni Hercules at napukaw ang atensyon niya sa mga divers n
"Are you okay?" nag-aalala na tanong ni Hercules kay Aialyn, panay kase ang paghilot nito sa sariling sentido. Pansin rin niyang tila namumutla ito."I'm fine, baka pagod lang ako. Busy kanina sa opisina maraming investors na kailangang asikasuhin. Isa pa, kailangan ko pang bayaran ang mga nalalabing utang ko sa iyo," sagot ni Aialyn kay Hercules. Umigting ang panga ng binata. "I've told you forget that dumb thing!" pigil ang sariling magalit sa dalaga na turan ni Hercules."No, I need to pay that debt, Hercules para wala nang iba pang usapan. Responsibilidad kong bayaran ang ninakaw na pera ng aking ina mula sa iyo," muling napahawak si Aialyn sa sariling sentido, pansin niyang tila umiikot na ang kanyang paningin. Damn it!Pinaharap siya ni Hercules, hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. Their eyes met, nakita niya ang kakaibang ningning sa mga mata ni Hercules. At saka nito ikinulong ang kanyang mukha gamit ang dalawang palad nito."Listen to me, please... I beg you to forge
Hindi magkandatuto si Aialyn. Nasa malaking mansion sila kung saan nakatira ang mag-asawang Del Fuego na ama't ina ni Hercules. Kasama nila sina Hera at Lance. Ramdam niyang tahimik lang ang kambal. "Relax, I'm sure na magugustuhan ka nila, mababait ang mga magulang ko," napaigtad si Aialyn ng bumulong sa punong-tenga niya si Hercules. Naghatid iyon ng ilang boltahe ng kiliti sa kanyang kaibuturan. Sh-t! Kakainis naman talaga itong libog niya. Damn!Pansin ni Aialyn ang istruktura ng pag-kagawa ng malaking mansion. Halatang it was constructed and finished with high-end materials and designed with uncommon architectural details. Namangha si Aialyn sa style nang landscaping ng area. It was great and amazingly grand. Tila feeling niya nasa isa silang palasyo sa modern world. Hindi niya akalaing napakayaman nga talaga ng mga Del Fuego.Naramdaman ni Aialyn ang mahigpit na kamay ni Hercules sa kanyang malamig na kamay, she was nervous. Kanina pa nga tumatambol ang kanyang dibdib sa kaba.







