HALOS habulin ni Sahara ang hininga nang buksan niya ng pinto ng apartment ni Baste. Huminga siya nang malalim at inihanda ang sarili. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakakatuntong sa lugar at hindi niya maikakailang kahit paano ay na-miss niya ang tinutuluyan ng dating kasintahan.
Lakad-takbo ang ginawa niya hanggang sa dulong bahagi ng apartment, kung saan naroon ang pinto ni Baste. Bago pa siya kumatok sa pinto ay inayos muna niya ang kanyang sarili. Pinagpagan niya ang suot na black denim pants at siniguradong maayos ang kanyang buhok.
Isang katok, dalawa.
Walang tugon.
Muli siyang kumatok. At nang wala pa ring nagbubukas ay sinubukan niyang pihitin ang seradura ng pinto. Lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib nang dahan-dahan niyang binuksan iyon. Sa halip na nakabubulag na kadiliman ay may naaninag siyang kaunting liwanag na nagmumula sa floor lamp sa may sala. Bukas rin ang ilaw sa may kusina, pero wala siyang maa
NAPAILING na lang si Ace habang nakatingin kay Sahara. When she said that she’d rather sleep in his place, he didn’t really know what to do – and he couldn’t figure out whether it was some kind of a ‘suggestion’ or she just really didn’t want to go home. How could he resist a woman like Sahara?She’s asking for too much trouble, this young lady. Gusto niyang itanong rito kung ano ang ibig sabihin nang pagsama nito sa kanya pero hindi naman yata iyon tama. Yes, he desires every inch of her but he respects her. Muli, napailing siya. What’s happening to him? Kung ibang babae lang siguro iyon, kanina pa may nangyari. Hindi niya rin maintindihan pero pagdating kay Sahara, nawawala ang lakas ng loob niya.Nang makiusap itong gamitin ang banyo para makapag-shower, hindi niya iyon natanggihan at nang nanghiram ito ng maaaring isuot pansamantala, ibinigay niya rito ang isa sa mga paborito niyang T-shir
IT'S as if she’s begging for it, which was unnecessary. Kahit nga siguro hindi nito sabihin ay hahalikan niya ito, lalo na ngayon na naroon sila sa kanyang penthouse, sa kanyang kama. Sila lamang dalawa ngayon ni Sahara, at maaari niyang gawin ang kahit na ano rito ngayon. He could kiss her lips all night, caress her body ‘til morning. He’s already feeling his pants tighten, just thinking about it.He gave her what she wanted – deep, wet kisses that only happens in his dreams. Ah, hindi niya maipaliwanag ang sarap na dulot ng halikan ang mga labi nito – parang iyon ang unang pagkakataon para sa kanya, para bang ngayon lamang siya nakatikim ng ganoong klaseng init ng halik. To think that he has kissed a lot of girls in his life. But with Sahara, it was different. It was like kissing her was giving his mind and soul, his everything.Abala pa rin siya sa paghalik sa mga labi nito nang maramdaman niya ang mga kamay
AWTOMATIKONG tinakpan ni Ace ang mga mata ng kanyang unan nang biglang bumungad ang liwanag sa kanyang kuwarto. Napaupo siya at pupungas-pungas na tiningnan ang paligid. Mataas na ang araw at masakit na sa mata ang nanggagaling na liwanag mula glass window ng kanyang penthouse. And there was a woman standing by the window, looking out. Then he suddenly remembered – he was with Sahara last night, and he had the best night ever. Wala sa loob siyang napangiti.“Hey, good morning, Sahara.”“So, I’m right.” Yeah, the woman wasn’t Sahara. Sarkastiko ang pagkakangiti nito nang lumingon.“K-Karen? What are you doing here?” gulat niyang tanong. Nawala bigla ang antok niya.“So, you were with Sahara last night?” seryoso nitong tanong. May hawak itong sigarilyo at walang pakundangang bumuga ng usok. Maraming beses na niya itong pinagsabihan na huwag na huwag ma
“BITCH!”Iyon ang nabungaran ni Sahara nang buksan niya ang pinto nang umagang iyon. She’s actually about to go to the office when she heard an unexpected knock at the door.Karen was furious. Namumula ang buo nitong mukha, hanggang leeg, halos kasing-pula ng lipstick sa mga labi nito. Kung mayroon mang dapat magalit sa kanilang dalawa, siya iyon kaya tinaasan niya ito ng kilay. Yeah, Karen has been her friend for years…but not anymore.“Ano’ng ginagawa mo rito? Ang kapal naman ng mukha mo at nagpakita ka pa talaga dito?” tanong niya. Hindi niya naituloy ang pagsusukbit ng bag sa balikat. Naramdaman niyang biglang uminit ang mukha niya pagkakita sa bisita. Pagkatapos ng nangyari, ang lakas rin naman ng loob nitong puntahan siya roon.“How dare you? At ako pa talaga ang tinanong mo niyan?” halos sumigaw nitong tanong. “Pagkatapos mo akong traydor-in? Ganyan na ba talaga kakapal a
PARANG binibiyak ang ulo ni Baste sa sobrang sakit paggising niya nang umagang iyon. Sa simula ay hindi niya maintindihan kung bakit parang pagod na pagod siya at hindi maalala kung ano nga ba ang nangyari.Nang ilibot niya ang kanyang paningin sa paligid. Naroon siya sa kanyang kuwarto, pero parang may mali. Wala siyang saplot sa katawan, kahit panloob ay wala. Ang huli niyang naalala ay tinawagan siya ni Karen dahil hihingi raw ito ng payo tungkol sa problema nito kay Sahara. Ito pa nga mismo ang pumunta sa apartment niya na may dalang red wine at isang kahon ng pizza.Sa simula ay hindi maunawaan ni Baste kung bakit bigla na lang nagka-interes sa kanya si Karen, samantalang wala siyang natatandaang pagkakataon na kinausap siya nito noon. Mabibilang lamang sa daliri kung ilang beses niya itong nakita at ganoon lang. Sa tingin niya, masyado itong sosyal at mataas para makihalubilo sa isang tulad niya. Pero heto si Karen ngayon, kasama niya.
ACE was so excited when he left the office that afternoon. Umalis siya roon nang mas maaga para puntahan si Sahara sa townhouse nito at sorpresahin. He’s going to ask her to move in and live with him. Pinalinis pa niya ang buong bahay nang araw na iyon para ihanda sa pagdating ni Sahara. He has never experienced living with someone else, and this is his first time to have a woman in his home. It thrills him, thinking of the many things they are going to do together – going out of town, movie dates, romantic dinners. Dadalhin niya ito sa mga lugar na hindi pa nito nararating at ibibigay niya ang lahat ng gusto nito. He’d treat her like a princess, because she deserves it.Kinausap na rin niya ang kanyang travel agent tungkol sa pagsasaayos ng passport ni Sahara, at ng lahat ng papeles na kakailanganin nito kung sakaling gusto nitong ituloy ang balak na umalis sila ng bansa. He never thought that he could do something spontaneous like this. Iy
ILANG minuto ang ginugol ni Sahara para lamang mabuksan ang lumang pinto ng lumang apartment na iyon. Agad niyang kinapa ang switch ng ilaw sa dingding at makailang-ulit pa iyong nagpatay-sindi bago tuluyang nagliwanag ang buong kabahayan.Laglag ang balikat na nanatili siyang nakatayo sa may pintuan habang pinagmamasdan ang nakakalat pa niyang mga gamit doon sa sala, hanggang sa kusina. Ang karamihan sa mga iyon ay nakalagay pa sa loob ng malalaki at maliliit na kahon, samantalang ang iba pang hindi importanteng gamit ay nakalagay lamang sa mga itim na garbage bags.Hindi na niya hinintay pa na itapon ni Karen ang kanyang mga gamit sa labas ng townhouse at ipagtabuyan siya. Umalis siya sa townhouse nang parehong araw, kahit pa nga hindi na siya nakapasok sa opisina, para lamang makahanap ng pansamantalang matutuluyan. Wala naman siyang malaking pera para makakuha ng magandang apartment kaya nagkasya na lamang muna siya sa isang maliit at nabubulok na
RAMDAM na ramdam na ni Sahara ang init ng sikat ng araw na nagmumula sa butas-butas na bintana ng kuwarto kaya kahit antok na antok pa siya ay wala na siyang magawa kundi ang tumayo. Ayaw na sana niyang gumising nang umagang iyon, o kahit kailan dahil alam niyang isang nakakaumay na araw na naman ang haharapin niya.Kalagitnaan noon ng linggo at ilang araw pa lamang siya roon sa lungga’ng iyon pero pakiramdam niya ay parang isang daan taon na siyang nagtitiis. Pakiramdam niya ay kahit ilang beses siyang maligo ay hindi maaalis ang alikabok sa kanyang katawan. Pagkatapos i-ipit ang mahabang buhok at tiklupin ang kumot ay bumaba na siya sa marupok na hagdan. Yari iyon sa iba’t-ibang klase ng kahoy, na sa sobrang luma ay makariringgan ng ‘crack’ sa tuwing tatapakan.Alas sais na ng umaga, at dapat ay nakabihis na siya sa ganoong oras. Pero ni hindi pa siya nakakapag-almusal, o nakakapaligo. Nanlalata siyang kumuha ng isang la