Share

Chapter 6

Author: LadyAva16
last update Last Updated: 2024-11-19 18:03:56

"Kainin mo na yang burger mo, kundi, ibibigay ko yan sa batang katabi mo." Mahina pero may diing sabi ng babae sa batang katabi nya.

Ako naman ay nabuhayan ng loob at tahimik na naghihintay na kalabitin niya para ibigay ang burger pero hindi ito nangyari. Ilang beses niya na itong inulit kanina pero hanggang ngayon di nya naman binibigay sa akin. Tinatakam nya lang ata ako.

Paasa!

Malayo na ang binyahe namin at sa totoo lang kanina pa ako nagugutom. Lalo pang kumakalam ang sikmura ko sa amoy ng burger na hawak nung bata. Ewan ko sa batang 'to kung anong trip nya at ayaw nyang kainin ang burger.

Eh kung binigay nila yan sa akin, kanina pa yan ubos. Wala pang five minutes ubos na yan.

"Kainin mo na kasi yan Therese, wag na matigas ang ulo, kanina mo pa hawak yan. Last nalang talaga Therese, ibibigay ko na talaga yan sa bata, sige ka."

Dumilat na ako sa kunwaring pagtutulug-tulugan pagkarinig ulit sa sinabi ng babae. Nag-inat ako at tumingin sa labas, mataas na ang araw. Hindi ko alam kung ilang oras na ang binyahe namin pero palagay ko malayo na.

Pasimple kong sinulyapan ang katabi ko para tingnan ang hamburger na hawak nung bata, jolliMc ang tatak nang balot ng burger. Wala pang kagat, hawak nya lang talaga. Napalunok ako. Ang sarap agawin nung burger na hawak nya tutal ayaw niya naman kainin pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.

"Sige na Therese, makinig ka naman sa akin. Kainin mo na yan." Ulit uli ng babae pero di sumasagot ang batang kausap nya. Ewan ko din kung nakikinig ba ito sa kanya. Mukhang m*****a.

Nagpang-abot ang tingin naming dalawa at napansin ko agad ang magandang pares ng mga mata niya. Ang ganda ng kulay hindi pangkaraniwan, parang green na may pagka brown na may pagkapula. Hindi ko alam kung anong tawag sa ganung kulay. Ang ganda nyang bata, para syang artista, katunayan para siyang manika sa ganda.

Ngingiti sana ako sa kanya pero bago ko pa magawa yun nakita ko ang pagkunot ng noo nya tsaka ang pag-ikot ng mga mata nya sa akin. Kung wala itong suot na mask sigurado akong makikita ko ang pag-irap nito.

Sarap kurutin na pasekreto pero baka umiyak. Ako pa malilintikan sa yaya niya.

Maganda nga sana pero m*****a naman! Di bale nalang!

Nilipat ko ang tingin sa katabi nya. Nakita ko ang babae na tumingin sa unahan. Sa totoo lang kanina ko pa napapansin na balisa ito pero hindi lang ako nagpahalata. Ayoko ring mapansin nila, lalo na ng kondoktor ng bus dahil wala akong pamasahe.

Kanina nga kahit ginigising ako ng kondoktor hindi talaga ako gumising. Baka kasi pababain niya ako pag nalaman nyang wala akong pamasahe. Katunayan itong babaeng katabi ko ang nagbayad sa akin, ayaw niya atang makakuha ng atensyon ng iba pang pasahero.

Nakasuot ng pink na ternong damit ang babae, kagaya nung mga yaya na nakikita ko sa tv. Yun mga yaya ng anak mayaman.

Sa paanan namin may bag na pahaba na kanina pa sinisiksik ng babae malapit sa akin. Pasimple ko pang sinipa kanina, matigas yung bag. Mukhang hindi mga damit ang mga laman.

"Sige na Therese—"

"I told you yaya, I don't want to eat the burger. I am full. You eat if you want or give it to the kid. Where are we going ba kasi? I'm so tired na yaya. Sabi mo lalabas lang tayo saglit, bakit need pa natin sumakay ng bus?"

"Shh! Tumahimik ka Therese, kundi malilintikan ka sa akin. Kanina pa ko naririndi sa pagmamaldita mo."

"I want to go home na kasi. I want to lay down. I'm so tired. Why didn't we bring the driver ba kasi?"

Pasimple ko silang tiningnan, kahit nakaupo at tumatakbo ang bus mahigpit na hawak nung babae ang kamay nang bata.

Siguro kaedad ko lang ang bata, pero hindi kagaya ko malinis ang pananamit nito. Nakasapatos, may tali ang buhok, may relo at mukhang mamahalin ang damit. Mabango din ito. Terno na kulay pink ang suot niyang damit at may suot syang mask. Kanina nakita kong tinanggal nya ang suot niyang mask pero pinabalik agad ng yaya nya.

"Yaya, where are we going ba? Why don't you call Manong Sito so he can fetch us? It's so smelly here. Nahihilo na po ako." Kinusot nya pa ang ilong nya tsaka malditang tumingin sa akin. Pasimple ko ding inamoy ang sarili ko, hindi naman ako mabango, pero hindi rin naman mabaho.

Maarte lang talaga sya.

"Wag na kasi madaming salita, Therese. Sumunod ka nalang para walang gulo."

"Yaya if you're planning to kidnap me then you're wrong." Mabilis na tinakpan ng yaya nya ang kanyang bibig. Pinanlakihan pa sya ng mata ny yaya niya epero mukhang di naman ito natinag.

"Mom and Papa won't mind though. They have new baby already. They don't care about me anymore. I even heard Mom talking to Papa that she'll send me to Dad, but I don't think Dad's new wife will accept me."

"Tumahimik ka nga Therese."

"Agh yaya, you're just putting yourself into trouble. Kagabi pa ako nawawala diba, but did they look for me? I don't think they didn't know that we're not there at home pero di man lang sila tumawag sayo diba?"

Maarte nitong pinagkrus ang kamay nya sa kanyang dIbdib dahilan para mas maging malapit sa akin ang burger. Sa mga oras na ito wala na akong pakialam sa usapan nila ng yaya nya kasi panay ingles naman yung bata, hindi ko rin masyadong naintindihan. Ang concern ko lang sa mga oras na ito ay yung burger kung ibibigay ba talaga nila sa akin at nang makababa na rin ako.

Sa totoo lang hindi ko rin talaga alam kung saan ako baba, siguro bababa ako kapag bumaba na sila or baka kung saan ang huling hintuan nitong bus.

"I'm sure Mom and Dad found out already that I'm gone but they don't really care. There's nothing important to them naman than their business and their new baby. So, if I were you yaya, just send me back home. Mahihirapan ka lang pambili ng food ko."

"Pwede ba Therese tumahimik ka? Sinasabi ko sayo 'pag may nakarinig sayo iiwan talaga kita dito."

"As if I'm scared yaya? I'm not, you know that. It's fine you can leave me anywhere and let's see if Mom and Papa will find me. Or Dad will come here to look for me."

"Tumahimik ka na kasi."

"Oh yaya, I'm just telling the truth. Tsaka yaya, do you think the money you took from Mom's room is enough? It's not. My food is expensive, my vitamins, my clothes. Mamumulubi ka lalo pag ako kasama mo, better bring me back home or leave me somewhere else."

Ang arte nung bata pero imperness ang galing niya mag-ingles. Para talaga syang artista na napapanood ko sa tv sa paraan ng pananalita nya.

Marunong din naman ako mag-ingles pero —sabhin na lang natin na lamang sya sa akin ng ilang puntos sa parteng yun.

"Oh Cubao na, humanda na kayo! Check niyo mga gamit niyo at baka may maiwan."

Natigil silang dalawa sa pagtatalo dahil sumigaw na ang konduktor sa unahan. Nagmamadali si Ate na kuhanin yung bag sa ilalim. Siniguro niya pa na sarado ito. Pagkatapos tumingin siya sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa. Bumukas ang bibig nya pero wala naman itong sinabi hanggang sa huminto na ang bus.

Isa-isang nagsibabaan ang mga pasahero at dahil nasa pinaka hulihan kami ng bus naghintay pa silang dalawa.

Pasimple kong sinulyapan ang burger na hawak nung bata. Hinihintay ko pa rin na ibigay nila ito sa akin pero mukhang wala nang pag-asa.

"Hanggang dito lang po ba ang bus Ate?" Tanong ko sa kanya pero di niya ako sinagot. Natatakot siguro na sasama ako sa kanila. Tumingin ako sa unahan halos lahat ng pasahero ay nagsibabaan na. Siguro nga ito na ang last stop ng bus.

"Tara na, Therese." Narinig kong aya nung babae sa batang kasama nya. Nagmamatigas pa ito nung una pero wala din namang nagawa nung tumayo na ang babae.

Tumingin sya sa akin, na tila ba sinasabing ano pang hinihintay ko pero nanatili muna ako sa kinauupuan ko. Bababa din naman ako pero paunahin ko lang sila.

"Ate!" Tawag ko ulit dun sa babae, nasa kalagitnaan ng sila ng bus. Inis itong lumingon sa akin. Pati ang batang kasama nya ay lumingon din.

"Yung burger po, kanina ko pa yan hinihintay na ibigay niyo sa akin. Ano ibibigay niyo pa ba?"

Bumaba na ako sa pwesto ko at nagsimula na ring maglakad palapit sa kanila. Yung bata tumingin pa sa burger na hawak niya, akala ko iaabot nya sa akin pero hinila na sya nung babae.

"Bilisan mo na Therese. Tara na." Nagpatulyo na sila sa pagbaba ng di man lang sinagot ang tanong ko.

"Sana pala bumaba na lang ako kanina. Paasa ka naman ate. Sa susunod wag kang magsabi-sabi na ibibigay mo sa katabi ang burger ha para di ako umasa!"

Nawala na ang hiya ko, tutal kasalanan naman nya. Napatingin pa sa amin yung driver ng bus.

Hindi na ako pinakinggan ng babae. Diritso na sila ng bata sa paglalakad. Tiningnan ko pa sila hanggang sa mawala sila sa paningin ko. Kumakalam na ang sikmura ko, nagugutom na talaga ako. Wala pa akong pera.

"Bumaba ka na Ineng, maglilinis na kami." Sabi nang kondoktor sa akin.

Naglakad na ako pababa pero pagdating ko malapit sa may driver nakita ko doon sa bakanteng upuan sa pinaka unahan ang burger na hawak nung bata kanina. Sigurado akong yun yung burger, amoy palang sure na.

Doon na nawala ang inis ko. Kahit m*****a, may puso naman pala.

"Thank you, magandang manika." Mahina kong sabi sabay kuha ng burger. Narinig siguro ako ng driver at ngumiti pa ito sa akin. Kinuha ko ang burger pero hindi ko nginitian pabalik ang driver. Wala lang, ayoko lang. Ayoko nang magtiwala ulit.

Pagbaba ko agad kong kinain ang burger pagkatapos nag-ikot ikot na ako sa terminal kung saan ako pwedeng makainom ng tubig. May nakita akong cr doon pero nung tinanong ko ang ate kung mainom ba ang tubig doon sabi niya hindi panghugas lang daw. Tinaboy nya pa ako pagkatapos kung magtanong sa kanya.

Agad din naman akong umalis at bumalik sa pag-ikot-ikot. Sakto namang nakita ko yung konduktor na may bitbit nung mga mineral water galing sa bus. Yung iba walang laman ang iba meron pa kalahati.

"Kuya!" Sinalubong ko agad sya. Namukhaan niya din ako.

"Anong kailangan mo bata? Saan na yun babaeng kasama mo?" Yung ate na may kasamang bata ang tinutukoy nya. Lumagpas pa ang tingin niya sa likuran ko kaya nagsalita na ako.

"Hindi ko po kasama ang mga yun Kuya, nilibre lang ako ng pamasahe." Nakita ko ang pagkabigla nya sa sagot ko pero hindi ko na sya binigyan ng pagkakataon na magtanong pa.

" Ako na po magtatapon nyang mga bote Kuya. Nauuhaw na kasi ako. Pwede naman sigurong mainom ang mga yan po ano?"

"Ha?"

Hotdog.

Naguguluhan pa ito pero kinuha ko na ang mga bote sa kamay niya. Yung may laman lang ang kinuha ko. Hindi ko na rin hinintay na magsalita pa ito dahil tumalikod na ako at tumakbo palayo sa kanya. Natatakot ako na baka e-report nya ako sa mga pulis na nakita ko doon sa terminal.

Lakad lang ako ng lakad na hindi alam kung saan ako pupunta. Malayo na rin ang nalakad ko. Napapagod na ako at nauuhaw, dagdagan pa na mainit ang sikat ng araw.

Dinala ako ng mga paa ko sa isang simbahan. Nagugutom na ako ulit, madaming mga tinda sa gilid gilid pero wala akong pera. May nakikita akong mga batang nagtitinda ng mga kandila, meron din mga bulaklak. Ang iba naman nanlilimos.

Pwede kaya akong manlimos?

"Takbo, Utoy! Doon sa dating tagpuan!" Muntik akong mabunggo ng isang batang lalaki na halos kaedaran ko din na mabilis na tumatakbo.

May dala itong shoulder bag. Yung kasama nya namang sumigaw ay nasa unahan hinahabol ng isang matanda at nung mga lalaking naka-uniporme. Halos hindi na makatakbo ang lola at hawak pa nito ang dibdib nya.

Hindi na ako bago sa ganito dahil ilang beses na akong nakasaksi ng ganito sa palengke kung saan ako dating nagta-trabaho.

May magnanakaw. Snatcher.

Dati hindi naman ako pakialamera sa mga ganitong pangyayari pero ewan ko ba bigla ata akong sinaniban ng masamang ispirito at hinabol ko yung batang lalaki. Hindi ko na naisip na maaring ikakapahamak ko ang ginawa ko. Basta ang gusto ko lang maibalik dun sa lola ang bag na ninakaw nila.

Sanay ako sa takbuhan kaya nakasunod ako sa kanya. Kung saan sya lumusot para hindi masundan pero hindi niya alam na nakasunod ako. Maliit at magaan lang ang katawan ko kaya naabutan ko ang batang lalaki. Hinihingal pa ang batang mataba ng huminto ito.

"Mariposa may nakuha—"

Pero naputol ang sigaw nya dahil binato ko sya ng bote na may kalahating lamang tubig.Tumama ito sa likod nya.

"Hoy!" Tawag ko sabay tulak sa kanya. Hindi niya siguro inaasahan na may nakasunod kaya nagulat ito at nabitawan ang bag na hawak nya. Mabilis ko naman itong tinakbo at pinulot sa lupa.

Sa layo ng tinakbo namin nakarating kami dito sa ilalim ng tulay. Yung mga bodyguards na humabol ay hindi kami naabutan dahil kung saan-saan sumuot itong batang lalaki kanina.

"Sino ka? Akin na yang—" Sinubukan nyang kunin sa akin ang bag pero mabilis ko itong naiwas sa kanya.

Nung nagtatrabaho pa ako sa palengke madami akong kilalang mga batang magnanakaw kaya alam ko kung anong kinatatakutan ng mga ito.

"Akin na sabi!"

"Tumahimik ka kung ayaw mong sabihin ko sa mga pulis na dito ang hide out nyo. Gusto mo ba makulong?" Panakot ko pero kung sakali mang hindi ito matakot itatakbo ko nalang ulit itong bag kahit na maghabulan kami ulit.

Hindi ito nakasagot. Kita ko ang takot sa mga mata nya kaya gusto kong matawa.

"Sabihin mo lang at ngayon din ibabalik ko itong bag sayo pero humanda ka dahil sisigaw ako. Kita mo yun?" Tinuro ko ang patrol car na naka-park sa unahan. "May dalawang pulis doon."

Totoo ang sinabi kong may dalawang pulis na nakatayo doon kaya kita ko ang takot ng bata.

"Isang sigaw ko lang sigurado akong huhulihin kayo ng mga yan. Baka pati yung ibang kasamahan mo madadamay din. Gusto niyo ba yun?"Sunod-sunod itong umiling. Sabi ko kna nga effective na panakot ang pulis. Kahit ako takot din sa mga ito eh.

"Ay parang gusto mo ata eh. Gusto mo ba dalhin sa shelter? Libre pagkain dun—" Pero ako naman ang natigilan nang biglang may isang batang babae na kaedaran ko lang ang lumabas sa kung saan.

"Sinong dadalhin sa shelter?"

Kasing tangkad ko lang ito at siguro kasing tanda ko lang din. Maiksi ang buhok niyang hindi pantay ang pagkakagupit at madami itong pasa sa katawan at mukha. Mas malaki kaunti ang katawan nya kesa sa akin. Pero kung magkasabunutan kaming dalawa sisiguraduhin kong may laban ako.

"Mariposa! Kinuha nya ang bag—" Tinuro ako ng batang lalaki pero hindi sya pinansin nung batang tinawag nyang Mariposa.

Walang buhay ang mga mata nitong nakatitig sa akin. Kahit ang paraan ng pananalita niya ay malamig, hindi halatang natatakot ito.

"Sino ka? Anong ginagawa mo dito sa balwarte ko?" Maangas nitong tanong. Akala nya siguro natatakot ako sa kanya.

Tinaliman ko din sya ng tingin at hinigpitan ko ang hawak sa bag. Kahit anong mangyayari hindi ko ito ibabalik sa kanila.

"Andito ako dahil binabawi ko itong bag ng lola na kaibigan ko na ninakaw ng batang yan." Palaban kong sagot. Tinapatan ko din ang angas niya pero bahagya lang umangat ang isang sulok ng labi nya. Pagkatapos narinig ko ang mahina nitong tawa.

"Sino ka sa akala mo? Baka nakalimutan mong nasa balwarte kita. Kaya ka naming pagtulungan dito. Isang utos ko lang hindi ka makakalabas dito ng hindi bugbog sarado."

Humakbang ito palapit sa akin. Nakita ko din mula sa gilid ng mga mata ko ang paggalaw nung batang lalaki kaya naging alerto ako.

"Ibalik mo sa amin ang bag na yan para tapos ang usapan. Pwede ka na ring umalis."

"Hindi ako natatakot sa inyo. Subukan mong lumapit at sisigaw ako. May pulis sa unahan."

"Sa tingin mo natatakot ako?"

Ayaw nya din paawat. Muli itong humakbang pasulong sa akin.

"Akin na sabi. Pinaghirapan yan ng kasama ko kaya amin yan!"

"You wish!"

Sabay kaming natigilan dalawa dahil may isa pang batang nagsalita sa unahan at ganun na lang ang pagkagulat ko ng makita ko yung batang kasabay ko sa bus kanina. Si magandang manika. Ganun pa rin ang suot nyang damit pero ang pinagtataka ko ay nag-iisa nalang ito. Hindi niya na kasama ang yaya nya.

"Thieves!" M*****a nitong sabi na nakapamaywang pa. Isa-isa nya kaming tiningnan.

Hindi ko naintindihan kung ano yung sinabi ko kaya napatingin ako dun sa isa pang bata.

"Ano daw?" Tanong ko sa kanya.

"Abay ewan ko. Mukha ba akong matalino?" M*****a naman nitong balik tanong sa akin.

Pinasadahan ko ng tingin ang mukha nya. Oo nga mukhang kagaya ko wala din itong pinag-aralan. Mas kawawa pa nga ang ayos nito kesa sa akin ngayon. Pero impernes maganda sya kahit hindi pantay pagkagupit ng bangs nya.

"You two are so dumb! Why don't you give that bag to me." At bago pa ako nakahuma ay mabilis na nitong naagaw sa akin ang bag.

Sa sobrang bilis nang pagkaagaw nya parehas kaming natulala nung isang bata.

"Now, you two can start your petty fight. Whoever wins I will give this bag as the prize. The loser will go away and leave in peace. Understand?"

Hindi kami nakagalaw dalawa, sa daming ingles na sinabi niya wala akong naintindihan. Mukhang ganun din yung batang si Mariposa.

"Deal?"

Nilahad nya ang kamay sa gitna. "Tap my hand if you are brave or flick her ear." Madami pa itong sinabi pero ni isa wala akong naiintidihan.

"Ano daw?" Tanong ko ulit. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nung sinabi nya.

"Mukha bang naiintindihan ko?" Pilosopa namang sagot nung isa sa akin. "Kung alam ko edi sana ginawa ko na. Ikaw ba alam mo?"

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" Pamimilopsopo ko din.

"Alam niyo ang tatanga niyong dalawa." M*****a nitong sabat sa usapan namin na sabay na nagpalingon sa amin sa kanya.

Anong sabi niya tanga kaming dalawa?

"Ang sabi ko pwede na kayong mag-away. Sinuman ang mananalo sa inyo, itong bag ang magiging premyo. Ngayon kung sino ang mas matapang tapikin ang kamay ko o pitikin ang tenga ng isa't isa."

Nagkatinginan kami nung Mariposa. Hindi ito gumalaw pero kita ko ang pagkuyom ng kamao nya. Kinuyom ko din ang kamao ko, naghahanda sa magiging atake nya.

Narinig ko ang mahinang tili nung batang m*****a. Pumalakpak pa ito na akala nya siguro mga laruan nya kami. "Go girls! Fight!"

Walang guston maunang umatake pero nagsimula nggumalaw si Mariposa. Gumalaw din ako. Hinahanda ko ang aking sarili. Nagpa-ikot-ikot kaming dalawa, matagal, feeling ko nga nahihilo na ako.

Yung bata naman kasi ayaw mauna, ayaw ko din at baka madehado ako. Mahaba ang buhok ko mas madali niyang masabunutan.

"Faster ang bagal naman! Akala ko ba matatapang kayo?" Sulsol nito nito sa amin.

Umatras si Mariposa at naghahanda na sa atake nya sa akin. Umatras din ako. Hindi ako magpapatalo.

Nagkatinginan lang kami. Nagsusukatan ng tingin. Yung malditang bata ay madaming sinasabing nagpapainit ng ulo. Kung ano-anong pangungutya nito sa aming dalawa.

"Kung ako yan kanina ko pa pinitik yang tenga niyan. Sige nga batang maiksi ang buhok, hilahin mo nga buhok nya."

Hindi sumagot si Mariposa pero hindi rin inalis ang tingin sa akin.

"Ano ba yan akala ko matapang ka. Maypa balwarte-balwarte ka pa yun naman pala takot ka. Wag kang matakot hindi naman straight yang pagkagupit ng bangs mo eh. Tsaka marami ka namang pasa na, siguro loser ka ano?" Aniya saka malakas itong tumawa. Nakita ko ang pagbaling ng tingin nung Mariposa sa kanya pero m*****a niya lang itong tinaasan ng kilay.

Sa aming tatlo syang yung mas malaki ang katawan at mas matangkad kaya sisguro hindi sya natatakot na kuyugin namin sya.

"Oh, Ikaw naman lampayatot na humingi ng burger ko kanina, siguro takot ka ano? Baka isang sabunot nya lang sayo mabali na yang buto-buto mo. Ge nga pakita mo sa akin ang tapang mo. Bigyan kita ng burger ulit dahil mukha ka naman patay gutom."

Kung ano-ano pang panlalait ang pinagsasabi nito sa amin. Nag-iinit na ang ulo ko, pero na imbes dun sa batang Mariposa, mas uminit ang ulo ko sa kanya dahil sa mga pinagsasabi nya.

"Agh! Both of you are loser. Mga duwag naman pala kayo eh! Dyan na nga kayo!"

Pero bago pa sya tuluyang makatalikod sa amin sabay kaming sumugod nung mariposa sa kanya. Ang ending kaming tatlo ang nagsabunutan.

________________________________

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus Sando   Epilogue Final Part

    "Nagmamadali silang umalis ni Chiara. Tinanong ko kung saan pupunta pero di naman ako sinasagot. Umalis kasama si Chiara? Wala syang nabanggit sa akin naalis sya kagabi. Saan sya pupunta?"Baka nagpunta lang sa bahay nina Kuya Gustavo. Si Chiara naman kasama ayos lang." I tried acting cool but deep inside I'm already panicking. At sa totoo lang sa mga oras na 'to gusto ko nang umiyak. "Waay ah! Naglakat gid. Damo dala gamit, upod niya si Wyatt. Nag-awa kamo haw?" [Hindi ah! Umalis talaga. Madaming dalang gamit sinama pa si Wyatt. Nag-away ba kayo kagabi?I look at my brother again confused. He's wearing a formal suit. Mukhang may dadaluhang importanteng pagtitipon. Pero wala na akong pakialam kung saan sya pupunta. Ang gusto kong malaman ngayon ay kung nasaan na ang asawa ko."Bakit daw sila umalis? Sumakit ba ang tiyan niya? Manganganak na ba sya? Bat di ako ginising."Tumingin ako sa labas madilim na. Anong oras na ba? Bakit ang tagal kong nakatulog?Sobrang lakas na ng kaba ng d

  • Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus Sando   Epilogue - Part 2

    "Kuya pwede ba akong magsleep over sa penthouse mo? Umangat ang tingin ko mula sa binabasa kong papeles dahil sa tanong ni Cairo. Pero hindi paman ako nakasagot sa tanong niya may tanong ito ulit. "Nga pala bakit mo pinalitan ng passcode mo? Pumunta ako sa penthouse mo nung isang araw pero hindi ako nakapasok. Error na yung dating passcode na binigay mo sa akin. May tinatago ka ba?"Tumaas ang isang kilay ko sa kanya. "Ano naman ang itatago ko?""Kasi dati naman hindi ka nagpapalit ng passcode eh pero simula nung—""Nung?" Lalo kong sinungitan ang mukha ko. May sariling unit kaming tatlo, binilhan kami ni Lola Asunta kaya nagtataka ako kung bakit ngayon gusto nitong makitulog sa unit ko. "Never mind. Next time na lang."Good. I acted like I'm not hiding anything pero ang totoo meron talaga. At kaya ko pinalitan ang passcode ko para walang ibang pwedeng makapunta sa penthouse ko maliban sa akin at kay Selene. Are you surprised?Yes, you read it right. Selene and I, are friends now

  • Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus Sando   Epilogue- Part 1

    Caleb's POV"Kuya where are you?"One. "Kuya what time are you coming?"Two."Kuya si Princess niaaway ako. Ako daw pinakapangit sa ating lahat. Diba si Hunter yun, Kuya? Pagalitan mo nga si Cooper please?"Three."Kuya ang gwapo ko daw sabi nung nurse. Sabi ko sa kanya 'I know'. Maliit na bagay lang Kuya diba? Hindi ka makakarelate noh kasi second ka lang sa akin?"Four."Kuya did you buy the bread?"Five."Kuya!!!"Six. "Gamay ka pitoy!"Seven."Pangit kabonding ah waay ga reply! Wala ka load? Pasaload gusto mo?"I don't know when he'll gonna stop bombarding my inbox with his nonsense text messages. It's the nth time I received messages from my twin brother, Cairo Ford. Hindi ko alam kung anong trip niya ngayon. Kanina nya pa ako pinapadalhan ng mensahe na puro kalokohan lang. Hindi ko sinasagot ang mga mensahe niya sa akin dahil nasa meeting ako kanina at heto nga hindi na nakatiis, tumatawag na.Cairo DPG calling... DPG stands for 'Dako Pit*y Gwapo'. The fuck yeah? Sya ang nagr

  • Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus Sando   Chapter 47

    The saddest part. Finally another story has come to an end. We're in the last chapter of Sandoval Series 3: Beneath the Moon! Maraming salamat sa pagsama niyo sa akin, sa iyakan, tampuhan kiligan, condo tour, house tour at hacienda tour ni Lexus at Ningning!Sana may natutunan kayong aral sa kwentong pag-ibig nina Caleb Lexus at Mary Selene. Daghang Salamat sa inyong tanan!'Til my next story. Amping ta!_________________________________Forgiveness. It takes a lot of grace and courage to forgive the person who has wronged you but forgiving that person is not only freeing them but more so of yourself, from the pain, from the trauma, from all the emotional betrayal they caused. The deep cuts that go along with being hurt by someone else, emotionally or physically is so traumatizing. That it may take years to heal, to recover, to forget and to move forward. In my case, that someone else is my mother. It's an unimaginably hard task to choose to let go of past hurts and begin to heal

  • Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus Sando   Chapter 46

    Weeks passed and the hacienda tour went very well. Araw-araw sagana sa kain ang monay ko. Plus may extra cleaning at massage pa with hot bath and dilig every after kainan. Talagang maganda ang pagkaka-bake sa monay. Sakto lang ang pag-alsa at paghalo.Tinotoo ni Caleb ang sinabi nitong hindi niya ako titigalan at babawiin nya ang mga taong nagkalayo kaming dalawa. Umuuwi pa nga ito mula sa trabaho para lang kumain ng monay ko. Meryenda forda gow!Araw-araw na din kasi siyang kinukulit ni Wyatt tungkol sa mga kapatid niya. Kung bakit hanggang ngayon wala pa rin. The pressure is on for both of us. Naiinggit na ang anak namin sa mga pinsan niyang maraming kapatid. Si Kuya Gustavo at Ate Chichay may kambal na, si Hera at Athena, nasundan din agad ng isang lalaki si Brooks na apat na taong gulang na at kabuwanan na rin ni Ate Chichay ngayon sa kambal ulit. Si Kuya Gaston at Ate Camilla naman ay meron ng Castor at Pollux tapos buntis na naman ngayon si Ate Cam at kambal din. "Baka kasi

  • Sandoval Series #3 : Beneath the Moonlight Caleb Lexus Sando   Chapter 45

    "Diin na ang utod ko Daddy? Hambal mo gab-i buhatan mo ko. Ngaa waay pa?" [Saan na po ang kapatid ko Daddy? Sabi mo po sa akin kagabi gagawan mo po ako. Bakit wala pa?]Nagising ako dahil sa nauulinigan kong usapan ng mag-ama ko mula sa balcony. Si Wyatt buhat ni Caleb nakalaylay ang ulo sa balikat at marahang sinasayaw-sayaw ng ama nya. Ang gandang bungad para sa umaga. Parang may humaplos sa puso ko. Isang tingin palang sa mag-ama ko kita mo na talaga kung gaano ka-close silang dalawa at kung gaano ka hands-on si Caleb kay Wyatt.This is the sight I've been dreaming of. Yung paggising ko sa umaga makikita ko agad ang mag-ama ko. Medyo nahuli lang ako ng gising ngayon dahil ang tagal naming natapos ni Caleb kagabi. At kaninang madaling araw naman umisa pa ito ulit sa akin. Sinulit niya talaga ang unang gabi naming dalawa. Mabuti na nga lang at hindi nagising si Wyatt. "Gusto ko Daddy damo-damo gid ah. Tapos dalian mo man." Hindi muna ako bumangon, pinanood ko muna ang mag-ama ko.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status