"Nurse V, tumawag ang secretary ng Boss. Pinapatawag ka sa Office of the Director ngayon din."
Kunot noo akong tumingin sa kasamahan kong nurse na kumausap sa akin." Bakit daw?" Kakasimula ko pa lang kumain.
"Walang sinabi eh. Basta hinanap ka lang at pinapapunta doon. Bilisan mo na Nurse V at baka importante. Now daw kasi eh."
Agad akong napatayo at nagmamadaling iwan ang pagkain na hindi pa nangalahati. Ilang subo pa lang ang nagawa ko dahil kaka-break ko lang. Ang kape na bagong timpla ay hindi ko man lang nainom. Gutom pa ako.
"Narinig niyo ba ang balita? Kaya pala nandito si M2 kahapon dahil—"
"Nars V!"
"Yes po!" Nagmamadali kong niligpit ang baonan ko.
"Bilisan mo na, iwan mo na yan dyan kami na bahala."
"Yes po! Andyan na po." Uminom ako ng tubig at binalik ang baonan ko sa locker. Kakainin ko nalang mamaya pagbalik ko.
Ganito madalas ang senaryo dito sa ospital hindi lang naman ngayon kaya sanay na ako. Minsan nga sa dami ng pasyente hindi na kami nakakakain ng maayos.
"Maaga pa daw badtrip na si M2. Gulat nga sila dahil sobrang aga daw nito kanina.
"Oh talaga?"
"At heto pa, may chismis sinungitan daw si M2 ng isa sa mga nurse kahapon kaya siguro bumalik ngayon."
Narinig kong usapan ng mga kasamahan ko pagdaan ko sa umpukan nila.
"Wow! Ang lakas naman ng loob ng nurse na yun! Sino syang feeling maganda para sungitan si M2? Kung andun lang ako baka sinabunutan ko na sya. Kilala niyo ba kung sino at ng masabunutan ko?"
Hindi ko na pinakinggan ang iba pang pinag-uusapan nila dahil nagmamadali na akong lumabas. Ang daming tao sa hallway. Marami na naman kasing pasyente ngayon.
Diritso kong tinahak ang daan papunta sa elevator. Nasa third floor ang office ng Director. Tahimik at wala masyadong nagagawi sa floor na yun dahil para lang yun sa mga namamahala sa ospital.
Pagdating ko sa third floor diritso na ako sa opisina niya. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok. Ang babaeng sekretarya niya ang nakita kong nakaupo sa table nito. Pagkakita niya sa akin alangan itong ngumiti.
"Good morning po Ma'am." Magalang kong bati sa kanya. " Nurse Gasis po. Pinatawag niyo daw po ako?"
Tumango ito at minwestra ang upuan sa tapat niya. Mukhang pati ito ay hindi rin mapakali. Nakita ko pa ang pagsulyap niya sa pintuan ng amo niya.
"Take your seat. May kausap lang si Sir sa loob." Umupo ako sa upuang tinuro niya. "Kanina pa mainit ang ulo niyan. Lahat ng pumapasok sa opisina niya pinagalitan."
Kinabahan ako. Biglang pumasok sa utak ko ang nangyari sa parking lot kahapon.
Pero hindi naman siguro ang lalaking yun ang Director na sinasabi nila diba?
"You're fired! Get out!"
Sabay kaming napaigtad ng secretary sa lakas ng boses ng lalaki mula sa loob. Kasunod nun ay tila ba parang may nabasag. Ilang segundo lang din may lumabas na lalaki mula sa loob ng silid.Laglag ang balikat pero matapang anyo nitong lumingon sa pintong nilabasan niya.
Agad na tumayo ang secretary at sinalubong ang lalaki. "Ramon, anong nangyari? Bakit nagalit si Sir Ford?"
Sir Ford?
Shet! Siya nga ata.
"Demonyo talaga yang amo mo Roselyn!" Matapang na sagot ng lalaki sa secretary. "Walang utang na loob! Pagkatapos ko siyang pagsilbihan ganito lang igaganti niya sa akin?"
"Bakit mo naman kasi ginawa yun? Alam mo naman kung paano sila magalit diba? Mabuti pa umuwi ka nalang muna ako na bahala kumausap kay Sir—"
"Wag na! Aalis na din naman talaga ako sa kompanyang to!" Nilagpasan nito ang babae pero ilang hakbang pa lang ang ginawa niya muli itong bumalik. "At ikaw din Roselyn! Aalis ka na din sa trabaho mo ngayon!"
"Anong sinasabi mo? Mag-isip ka nga Ramon!" Inalis ng babae ang kamay nitong nakahawak sa kanya. "Alam mo namang wala pa tayong sapat na ipon."
"Wala akong pakialam! Mamili ka Roselyn ako o yang demonyo mong amo?"
"Ramon! Ano bang pinagsasasabi mo?!"
Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa.
"Kung gusto mong ipagpatuloy ang relasyon natin, sumama ka sa akin ngayon din! Hindi na tatayo tatapak sa kompanyang 'to! Demonyo yang amo mo! Wala tayong mapapala dito. Tara na!"
Hinila nya na ang babae.
"Teka lang Ramon ang bag ko."
Nagmamadaling kinuha ng babae ang bag niya. Ni hindi niya na ako nagawang tapunan ng tingin.
"Bakit ka kasi nagnakaw? Kung sana—"
"Tara na! Dami mo pang sinasabi."
Tigagal akong naiwan mag-isa nang lumabas silang dalawa. Lalabas na rin sana ako pero sakto na mang bumukas ang pintuan ng opisina at doon lumabas ang lalaking hindi ko inaasahang makita ngayong araw. Ang hambog na kapatid ni Kuya Gustavo.
"Rosanna where's the—" Pero hindi nito natapos ang sasahin dahil nabaling ang tingin niya sa akin.
Kung kahapon kakaiba ang kislap ng pilyong mga mata niya, ngayon ay wala akong mabasang emosyon doon. He's magnetic blue eyes is just staring at me blankly.
I felt my heart thumped weirdly by just simply looking at him. His baddass look made him more attractive.
Damn!
It's been six years since I last saw his face clearly. Ngayon ko lang ulit sya natitigan ng ganito sa malapitan and I can't deny that this annoying brute is really handsome. Oo gwapo nga pero saksakan naman ng yabang. Plus the mere fact that I heard yesterday too much negativity about the girls he met really turns me off.
"What are you doing here?" He asked in a cold tone. Nakasampok pa ang dalawang kilay niya. "I thought you're not interested. The offer is no longer available. I'm not interested too."
Kumunot naman ang noo ko sa kanya. Ang yabang talaga. Akala niya siguro pumunta ako dito para sa offer niya. Neknek mo uy!
"If you will just stand there and say nothing better go out. I'm not in the mood for another shit today."
Umayos ako ng tayo at pormal na tumingin sa mukha niya. Sinalubong ko ang matapang na titig ng kulay asul niyang mga mata. He's not doing anything but I can feel his stares piercing through my soul.
"I didn't come here for that. I was informed that the director wants to see me. That's the reason I'm here."
I saw the corner of his lips rose for a smirk. Then, he opened the first three buttons of his polo shirt and I saw his exposed chest. It was a bit hairy and muscular but what caught my attention is the blood that's dripping from his hands down to his shirt.
"Are you okay?" I asked politely but the brute's reaction changes.
"Do I look okay to you?"
Tama nga naman. He's not okay. But that's because of his attitude.
"You're bleeding." I muttered. Tiningnan niya ang kamay niyang dumudugo tapos nakita ko ang pag-igting ng panga niya.
"It's nothing." He said but I saw the fear in his eyes.
Oh? Nothing pala ha? Okay.
"Where's Rosanna?" Tanong niya sa akin. Balik ito sa pagiging masungit.
"Rosanna po?" I asked confused. Roselyn kasi ang narinig kong tawag nung lalaki kanina sa seretary niya.
"Po? What the fuck!?" He murmured pero hindi ko na sya pinatulan. Pasalamat pa nga sya at ginalang ko sya. Tsaka I'm sure he is older than me.
"Where's my secretary. I need the first aid kit. Agh! Fuck!" He cursed looking at his hands. Mas dumami na ang dugong tumutulo mula sa kamay niya. Ang iba ay nasa sahig na rin.
"Tangna baka ito pa ang ikamatay ko! Saan na ba ang babaeng yun? I need the fucking first aid now."
Napansin kong medyo namumutla na ito. I know he paled not because of the loss blood but because of the his blood that's everywhere. Sa daming dugo para tuloy may kinatay sa loob ng opisina niya.
"Where the fuck is Rosalinda? I'm losing too much blood."
Nagsimula na itong guluhin ang drawer ng sekretarya niya. Lalong dumami ang dugo na lumabas sa kamay niya at nagkalat na ito pati sa mesa at sa mga papel na nandoon.
"Rosanna! I'm bleeding! Where the fuck are you?"
Hah! Nothing pala ha? Akala ko ba wala lang ang dugong yan sayo?
"Tanginang dugo 'to ayaw tumigil." Nagmumura na ito at binuksan na pati ang cabinet sa likuran ng upuan ng secretary nya. Wala itong nakitang first aid kit doon at patuloy na tumutulo ang dugo mula sa kanya.
"Yudeputa amo lang siguro ni magpatay sa akon! Kahuluya! Ano nalang hambalon sa mga tawo sini?"
He is talking using Ilonggo words and I can't understand him. Gusto ko siyang tulungan pero natatakot ako at baka sa akin niya ibaling ang galit niya.
"Rosamarie! What the fuck! Where the hell is —"
"I think her name is Roselyn." Di ko napagilang sabat sa kanya kasi kung ano-anong pangalan na ang tinawatawag niya sa babae. Nabaling ang tingin niya sa akin. Namumula na ang leeg nito at malalaki na ang pawis sa noo.
"She left already." Kita ko ang pagsalubong ng kilay niya sa akin. "Sumama sya sa lalaking lumabas mula sa opisina mo kanina. Sabay silang umalis dalawa."
"What a bunch of idiots!" He cursed loudly again. "She's fired!"
Oh no! She resigned! Gusto kong sabihin sa kanya pero pinili ko nalang na itikom ang bibig ko.
"I'm bleeding."
Sabi mo kanina it's nothing. What now?
"Why are you just standing there? Aren't you gonna help me? You're a nurse right?"
I saw the panic in his eyes and I know any minute from now this brute will pass out kung hindi ko sya tutulungan. Namumutla na ito habang nakatingin sa pala niyang dumdugo.
Lumapit ako sa kanya at kinuha ko ang kamay niya. Akala ko magpo-protesta ito pero hinayaan lang ako. Tiningnan ko ang palad niya at malaki ang sugat nito.
"Your wound is deep."
Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at nilagay sa palad niya."Put pressure in here to stop the bleeding."
"It's not that deep, deep right? " Kita ko ang kaba sa mukha niya. "I'm not gonna die because of this, right?"
Oh takot ka palang mamatay?
"I'm not gonna die right?"
"Di mo sure." That's supposed to be a joke but I saw how the brute paled more.
"What!? Tell me you're just joking. " Gusto kong matawa sa reaksyon nya.
"Malalim ang sugat mo, madaming dugong lumabas mula sa katawan mo—"
"No! Stop!"
I really want to laugh at his face but I have to stop myself at baka bugahan niya pa ako. By now he look like a scared but angry dragon.
"Wait here. I will call someone."
Lalabas na sana ako pero bago ko pa nagawa yun hinawakan niya ang kamay ko. And for some weird reason I felt something crept all over my body. Para akong nakuryente dahil sa paghawak niya sa akin.
"You're a nurse. There's no need to call someone. Treat me." Masungit niyang sabi saka tumalikod sa akin at bumalik sa opisina nya.
I was stunned for like a minute or two. Kung hindi pa siya lumingon sa akin baka natutula na ako doon ng tuluyan.
"What are you gonna stand there and do nothing? I know I'm handsome and I understand your reaction but not now! Treat me first."
And before I could answer back he already close the door of his office.
What the hell?
Inis akong sumunod sa kanya sa loob ng opisina niya. Pagkarating ko doon nakita ko ang basag na mesa at ang bubog na nagkalat sa sahig.His office is quite big. Painted all in white. One part is a glass wall kung saan makikita ang magandang view sa labas. May isang silid sa loob, may malawak na receiving area at maliban sa sofa at coffee table na nandun wala na itong iba pang gamit. "I'm losing blood and you're gonna stand there? Kapag ako namatay, kalagon ta gid ka."That made me snapped back into reality. Hindi ko man naintidihan yung huling sinabi niya pero lumapit ako sa kanya."Take the first aid kit, it's there inside the room."Tinuro niya ang nakasarang silid sa dulo pero kunot noo akong tumingin sa kanya. Nakaupo na ito ngayon sa sofa, nakasandal ang likod, namumutla at malalaki ang pawis sa noo."I called my brother. He said he used it last time kaya nandun sa loob. Kunin mo na bilis."Seryoso ba? Papasukin niya ako sa silid na yun? What if? What if susundan niya ako doon t
Kinabukasan, maaga akong pinatawag sa HR Department. I am already expecting a termination letter because of what happened yesterday but it didn't happen. Pinatawag ako dahil sa ibang dahilan. Kailangan daw ng secretary ang Director ng ospital.Yes! You read it right, secretary ng Director ng ospital, pero ang ipanagtataka ko ay bakit ako ang pinatawag?"The director needs someone who can work with him effectively and efficiently dahil tenerminate niya ang secretary nya kahapon." The HR manager said.Hah! Tenerminate! Nagresign kamo. Iniwan siya ng sekretarya niya kasi pangit ang ugali niya. " We have so many urgent works now for the mid-year evaluation and we cannot wait for another week to find a replacement. Mr. Myers is very strict. We already sent him list of employees who can be a replacement but he declined all.Arte! Siya pa ang choosy."He said, he needs someone new and someone who don't mix work and personal interest."Wow! Yabang talaga! Akala niya ata lahat ng mga empleyad
I was feeling tired and exhausted already. Daig ko pa ang nag- 24 hours shift sa ginawa ko ngayong araw. To think na half day pa lang yun ha? And take note wala pa akong ibang ginawa kundi ang sumagot lang ng sangkatutak na tawag. Ayos lang naman sana kung yung mga tawag ay importante. Hindi yung puro tawag galing sa mga babae ng amo kung hambog na feeling gwapo na playboy! Agh! Nakakairita. Bakit ba kasi may mga babaeng pinipilit ang sarili sa mga lalaking ayaw naman sa kanila?"Aelia!" Narinig kong tawag ng amo ko sa akin pero hindi ko siya nilingon. Sa halip dinoble ko pa ang bilis ng mga hakbang ko para hindi niya ako maabutan. Pero kapag minamalas ka nga naman. Naabutan niya pa rin ako dahil ang tagal bumukas nung elevator. "Where are you going?" Sinulyapan ko sya at kinunutan ng noo. "Hey! I didn't do anything to you? Bakit ka nagagalit?"Tumunog ang elevator at bumakas. Mabilis akong pumasok ng nakasimangot parin. "Why are you mad? Sino ba yung kausap mo?"As if you don't kn
Sir Ford was not in his office when I went up. Ilang oras na akong nandito pero hindi pa rin ito umaakyat. Hindi ko alam kung saan sya pumunta at hindi rin ito nagpasabi sa akin. Surprisingly, nabawasan din ang tawag ng mga babaeng naghahanap sa kanya kaya hindi na ako na-stress. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin. Nakakabored din pala ang walang ginagawa. Nailista ko na ang schedule at appointment niya this week. Natapos ko na ring ayusin ang mga files na wala sa ayos. Napunasan ko na pati ang mga cabinet. Pati ang opisina ni Sir Ford nalinisan ko na rin. Kahit nga ang pantry naayos ko na din.Naubos ko nalang ang oras wala pa rin sya. Saan kaya sya nagpunta? Thirty minutes na lang at mag-aalas singko na.Well, baka nambababae na naman. Sa dami ba namang tumawag dun baka naka-schedule na rin kung sinong kikitain niya ngayong araw. Such a playboy!Pero teka, bakit ko ba tinatanong kung nasaan siya? Ano bang pakealam ko? Hindi naman kasali sa trabaho ko ang tanungin kong anon
It took a while bago mahimasmasan si Sir Ford dahil sa kalokohan ko. Hindi ko tuloy alam kung maawa ako o matawa sa kanya. Ang weird lang kasi na sa laking bulas niya ang dami niyang takot sa katawan. Una yung tungkol sa dugo. I thought he was just bluffing me that time pero totoo pala yung takot niya sa dugo. Yung pamumutla at pagkahimatay niya ay totoo talaga, nahaluan lang ng kalokohan at pagkukunwari nung bandang huli na. Pangalawa, ito namang butiki. If you can only imagine the fear in his face when I put that toy lizard inside his shirt, I'm sure pati kayo matatawa. Buti sana kung totoong butiki pero isa lang itong laruan. Paano pa kaya kung totoong butiki na talaga? Gosh! He's really unbelievable. Akala mo talaga ang tapang eh pero dugo at butiki lang pala ang katapat. Ano pa kaya ang susunod na katatakutan nito? "Quit laughing Ville Margarette. It's not funny." Parang bata nitong maktol.I'm sorry but I really can't help it. Natatawa talaga ako sa kanya para kasi talaga s
It took a while before I could find the right word again. Now I understand why there is sadness in his voice. Ex-fiancée niya pala ang babae. He must love her that much. Hindi naman ganun ang magiging reaction niya kung wala lang diba? At tsaka hindi din sila aabot sa stage na yun kung hindi niya talaga ito mahal."What happened?" I don't know but for some reason I got curious. " What went wrong?"He heaved a deep sigh. "She left me for her dreams. I don't have a problem with that though. I'm even willing to give up my career here just to be with her but she don't want me anymore." Dama ko ang pait sa boses niya."Oh..." I murmured. I don't know what to say so I keep quiet. "She asked for a space. She told me that she wants to experience the world on her own. That, she wants to enjoy life, explore her potentials and do the things she loved, and that doesn't include me. Gusto niya daw muna e-enjoy ang buhay niya, yung siya lang mag-isa. Yung hindi niya ako kasama." Mahina itong tumaw
Caius Ronav Odysseus. The name Caius is of Latin origin meaning "rejoice". While Ronav means the one who embodies grace and charm. These are the characters I want my son to embody in the future. Someone who is gentle, kind, mild, and calm. But at the same time I also want him to be that kind of person who is not easy to break, so I added the Odysseus to his name. The name Odysseus is of Greek origin meaning "wrathful". Great anger that expresses itself in a desire to punish someone. But at the same time it also means gentle wind of reality. So, it only balanced. Tipong mabait pero mapanganib. "Mommy up! Up!" Caius said in a small voice. He stretched his arms asking me to carry him so I gave Cai my baby dog to Yaya Selma and lowered my body to carry my son. The little boy automatically wrapped his arms around my neck and kissed me in the check. Aww so sweet. "I miss you, anak. " I said kissing him back. Inabot ng maliliit niyang kamay ang mukha ko at titig na titig ito sa
"I'm outside."Dalawang salita lang ang mensahe niya pero hindi ko alam kung ano ang gagawin. Ilang minuto na akong nakatitig lang sa phone ko pero hindi ko sya nireplyan. Wala din akong maisip na salitang e-reply sa kanya. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Dapat hindi ko sya hinayaang sumama dito sa unit ko.Ngayon nalamn niya na tuloy kung saan ako nakatira. Anong gagawin ko ngayon? Naging blangko ang utak ko. Nanginginig ang kamay ko. Bigla para akong nenerbyos. Wala naman akong dapat na katakutan pero ewan ko ba.Pagtingin ko kay Caius mahimbing na ang tulog ng bata. Mahigpit na ang yakap niya sa laruan niyang Winnie the Pooh. Ito ang laruang yakap niya sa tuwing natutulog siya. Hindi ito pwedeng mawala sa tabi niya. Muli kong tiningnan ang phone ko hinihintay na muli siyang magtext pero wala na akong natanggap ulit. Umuwi na kaya siya?Pero teka, bakit kaya siya bumalik? May naramdaman ba syang kakaiba? Nakita nya ba si Caius? Kung nakita niya makikita niya kaya ang pagiging magk