INICIAR SESIÓN"𝐒𝐚𝐛𝐢 𝐧𝐢 𝐃𝐚𝐝𝐝𝐲, 𝐢𝐭𝐨 𝐫𝐚𝐰 𝐌𝐨𝐦𝐦𝐲 𝐤𝐨. 𝐃𝐢 𝐛𝐚 𝐢𝐤𝐚𝐰 𝐢𝐭𝐨 𝐩𝐨? 𝐌𝐨𝐦𝐦𝐲. 𝐘𝐨𝐮’𝐫𝐞 𝐦𝐲 𝐦𝐨𝐦𝐦𝐲 𝐧𝐨𝐰.” Probinsyana si Dashi na lumuwas ng Maynila para magtrabaho bilang Nanny at Tutor ng demonyitong anak ni Vioxx Almeradez, habang nagre-review siya para board exam. Simple lang ang plano niya habang nandoon: 1. Turuan at asikasuhin ang bata 2. Magreview at maging topnotcher sa board exam 3. Maging Teacher sa abroad para i-ahon sa hirap ang pamilya. Subalit, lahat ng mga plano niya sa buhay ay nagulo nang magpakita ng interes sa kanya ang gwapo, simpatiko at masungit niyang boss. Syempre, kilig-kilig siya, pero hanggang doon lang dahil alam niyang aalis din siya sa bahay nito at hinding-hindi siya babagay sa mayaman na katulad ni Vioxx Almeradez. Matatag ang disisyon niya sa bagay na iyon, walang hahadlang! Pero may isa siyang nakalimutan! Si Shaun na anak ng boss niya, ay tinatawag na siyang Mommy sa halip na "Yaya Teacher". Hindi lang 'yon, pinakitaan pa siya ng ebidensya na siya raw ang Mommy nito. Ang picture na ibinigay ni Vioxx na kamukha niya nga. Susmaryosep! Paano siya nagkaroon ng ganong picture?! MOMMY NANNY [COMPLETED]- CHAPTER 1 TO CHAPTER 248 PERFECT HUSBAND'S REBOUND WIFE [ON-GOING] CHAPTER 249 TO RECENT CHAPTERS
Ver másCHAPTER 1
“Susko! Mababaliw yata ako sa batang iyon!” mangiyak-ngiyak na bulalas ni Danica Shane o Dashi nang makapasok sa loob ng sariling Cabin.
Isinama siya ng kanyang boss—si Vioxx Almeradez—sa kasal ng pinsan nito. Kasalukuyan silang nasa 5-day cruise ship na maglilibot sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Tuwang-tuwa siya dahil makakapagbakasyon sana kung hindi lang dosenang kahihiyan ang ibinibigay sa kanya ng batang alaga niya.
Noong isang linggo pa siyang tinatawag na ‘mommy’. Tuloy ay napapataas kilay ang mga sosyalerang nakakarinig. Ang mas nakakasakit pa ng ulo ay ilang araw na siyang hindi nakakatulog ng maayos dahil sa ‘hudyo’ niyang amo.
Bigla na lang siyang h inalikan noong isang linggo. Pero kinabukasan ay balik-lamig ito na parang hindi nilamukos ang labi niya. Kahapon din ay lasing, h inalikan na naman siya ngunit kanina ay aktong robot sa paligid niya.
Pero ano nga bang karapatan niyang mag-assume na may gusto ito sa kanya kung langit at lupa ang pagitan nila?
Kung may pagpiplian lang ay lalayas siya.
“Dashi, gaga ka kasi!” pagalit niya sa sarili at isinubsob ang mukha sa unan. Doon nagsisigaw kasabay ng pag-alala kung paano nga ba siya napunta sa sitwasyon na iyon…
[2 MONTHS EARLIER]
“Tiyang, ikaw na pong bahala kay Tatay. Iyong gamot niya, huwag niyong papalipasin. Pangako po, magpapadala ako ng sapat,” suminghot-singhot si Danica Shane, hindi alintana na tirik na tirik ang araw at kanina pa siya naglalakad.
“Makakasiguro ka, Dashi. Mag-ingat ka rin diyan.”
Eksakto naman na nagpaalam ang kausap sa kabilang linya nang makarating siya sa harap ng dambuhalang gate.
Lumuwas siya ng Maynila mula probinsya ng Camarines Norte para mag-review sa Liecensure Examination for Teacher at mamasukan na rin sa pamilya ng dating amo niya ng Tiyahin na sa Maynila na nakatira.
Ang mga Almeradez ang may-ari ng Hacienda Constancia sa Camarines Sur kung saan sila dati nakatira ng tatay niya. Ngunit, simula nang magising siya sa mahabang pagkaka-comatose ay umalis din sila sa bayang iyon dahil sa personal na dahilan at lumipat sa Camarines Norte.
“Diretso lang, Ineng. Naradyuhan ko na si Sabel. Mag-ingat ka ng mabuti.”
Napakunot-noo siya sa huling sinabi ng gwardiya. Wala naman siyang nakikitang aso na mananakmal sa kanya…
Walang ‘Sabel’ na sumalubong sa kanya sa mismong mansyon kaya kumatok siya sa front door. Nang wala pa rin ay kusa na niyang binuksan para lamang mapasigaw nang bumuhos ang nagye-yelo pa yatang tubig sa mismong tuktok ng ulo niya.
Literal siyang nanigas. Bumaliktad yata ang mundo, nanlalabo ang paningin bago tuwid na tuwid ang katawan na natumba.
Nakita niya pa ang batang humagikgik sa gilid bago siya tuluyan nawalan ng malay.
“IKAW ba si San Pedro?” bangag na tanong ni Dashi nang magmulat.
“The f uck?!”
Tila alarm clock na nagpagising sa kanya ang magaspang nitong boses. Napabalikwas siya nang mapagtantong hindi ito ang hihiraman niya sana sa langit ng manok para panabong ng tatay niya.
Gusto niyang mapaantada dahil nasa harapan niya si Vioxx Almeradez. Ang lalaking usap-usapan sa Hacienda Constancia na nuknukan ng sama ng ugali!
“Nasaan ako? Sino ka?” Pasapo-sapu pa siya sa dibd ib para makalusot sa kasungitan nito.
Subalit, mas lalo lamang nagsalubong ang kilay nito. “Drop the act. You passed out, not hit your head.”
Napalabi siya at hiyang-hiya na tinakpan ang mukha.
“O nakalimutan mo na ako?”
“Hindi po. Naalala kita,” nangingiwi niyang agap. Mukha nito ang una niyang nakita nang magising siya sa pagkaka-coma tatlong taon na ang nakalilipas. Tinanong niya pa nga kung sino ito ngunit hindi siya sinagot. Bagkus ay natigagal at parang wala sa sariling lumabas ng hospital room niya.
“Good,” tipid nitong sabi bago may tinawag. “Shaun, come here.”
Saka pa lamang niya napansin ang batang nakaupo sa sofang naroroon. Masungit ang tabas ng mukha at talagang nakahulukipkip pa.
Anak ng puting manok! Ito iyong may hawak ng lubid ng baldeng bumuhos sa kanya kanina.
“Apologize to her,” striktong utos ni Vioxx.
Sa halip na sundin ay mas lalo itong nagsusungit. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin bagkus ay nagsisipa. “No! Not my fault she’s stupid!”
“Shaun Almeradez!” dagundong ni Vioxx. Maging siya ay napatalon sa gulat.
Humaba ang nguso ng bata. Mukhang iiyak ngunit ma-pride. “Sorry.”
Napasintido ang ama. Alam na labas iyon sa ilong.
“A-Ano pong nangyari sa akin,” tanong niya dahil parang sasabog ito at mapapalo ang bata.
“You had a cold shock response. Ang tagal mo sa initan. The ice water shocked your nerves. Reason why you fainted.”
“Ah,” Nagpalinga-linga siya para hanapin ang bag na dala. Nandoon ang resume niya.
“Ikaw ang pamangkin ni Manang Rudy, di ba?” tanong nito na parang nabasa ang utak niya.
“Opo!”
“You’re not a licensed teacher yet. Pero gusto mong mag-apply bilang tutor ng anak ko?”
“Ayoko ng teacher!” sigaw ng bata kaya sabay silang napalingon ni Vioxx.
Nasalubong niya ang kulay asul nitong mga mata. Para siyang kinuryente sa hindi malamang dahilan.
“It’s not for you to decide. Go outside. Teacher Danica and I need to talk!” striktong sagot ni Vioxx. Galit na tumayo ang bata, matalim ang tingin sa kanya. Bigla itong nagpapadyak roon bago nagtatakbo papunta sa pinto. Hindi pa tuluyang nakalalabas ay may pahabol pa.
“I will make your life miserable!”
Kumurap-kurap siya dala ng gulat. Bata ba talaga ‘yon?!
“Shaun is a difficult kid.”
“Mukha nga po,” komento niya at napakamut-kamot sa ulo.
“You don’t want this job anymore, then?”
“Gusto pa rin po,” mabilis niyang bawi. Hindi pwedeng hindi siya magtrabaho sa bahay nito. Paano na lang ang gamutan ng Tatay niya?
“Pero kaka-graduate mo pa lang. Wala ka pang experience.”
“Ang gulo mo naman, Boss.”
Tumaas ang dalawang kilay nito kaya napatakip siya ng bibig.
Nag-piece sign siya rito. “Latin Honor naman po ako. Saka alam niyo po ba noong nag-internship ako…”
Vioxx raised his hand. Clearly not interested!
Nakaramdam naman siya ng kaunting hiya.
“I can get Professors and Geniuses from a prestigious university if I need the smartest one. Ang kailangan ko ay may toneladang pasensya para sa anak ko. Meron ka ba niyon, Ms. Coralde?”
“Meron po.”
Natahimik ito at tinitigan siya. Na-conscious tuloy si Dashi. Bakit kasi pakiramdam niya ay kakaiba ang hatid ng titig nito sa kanya? Iyong tipong tila may pilit na binabasa na kung ano sa kanya. Ang mga mata ay bagaman malamig ay parang may gustong sabihin.
“You’ll be under probation for two weeks. Kapag nakuha mo ang loob ni Shaun, dadagdagan ko ang sahod mo. For now, you will not stay here.” Sinabi nito sa kanya ang mga schedule ng bata dahil home school. “Ipapahatid kita sa driver sa tutuluyan mo.”
“B-Bakit po doon?” tanong niya bago pa mapigilan ang bibig.
Kumunot ang noo ni Vioxx na parang nagdududa.
“Ang ibig ko pong sabihin, bakit doon pa kasi magco-commute pa po ako papunta rito. Wala na po akong pera. Hehe.”
Kumusot ang ilong ng amo niya na para bang sinasabi nito na di-diskarte pa siya, binigyan na ng trabaho.
“I’ll give you allowance. Pero ibabawas ko sa sahod mo.”
Wala siyang nagawa kundi pumayag.
Nakasunod siya kay Kuya Koya na parang si The Rock habang bitbit nito ang bag niya. Kusang bumagal ang hakbang niya nang makita si Shaun na tamad na nakahiga sa sofa at nanood sa telibisyon.
“What are you looking at?” masungit nitong tanong nang lumingon sa kanya.
“Wala. Pogi mo kasing Beybi.”
Tumaas ang sulok ng labi nito nang bumaba ang tingin sa gamit niya.
“You’re leaving? Daddy fired you? Good! Don’t comeback or I’ll bite you!” Ipinakita pa sa kanya ang maliliit na ngipin na may bungi naman.
“Babalik ako in three days! Tingnan natin tapang mo,” patol niya na ikinagulat nito. Malakas loob niya dahil wala sa paligid ang amo.
“Don’t come back forever, Ugly Lady!”
“Hindi ‘yan mangyayari. See you when I see yah, Bungi!”
Bumulanghit ng tawa si Kuya Koya. Parehas silang takbo palabas dahil nagsimulang ngumiwi si Shaun na parang maiiyak. Sa kotse ay tawa pa rin ng tawa ang driver. Siya lang daw ang matapang nakakasagot ng ganon sa bata, unang araw pa lang.
“Lahat ng naging tutor, ang babait kaya madaling mapaiyak,” anito pa.
“Talaga, The Rock—ay, Kuya Koya pala.” Tumawa lang ang driver at saka ibinida na idol daw nito si Dwayne Johnson. Kaya pala ang laki din ng katawan nito at mukhang wrestler.
Kinapa niya sa bulsa ang cellphone. Nawala ang ngiti niya nang makita kung sino ang nag-text.
‘Nakapasok ka na ba? Update mo ako kung nahanap mo na.’
‘Probation pa ako. Sa ibang lugar ako pinatuloy,’ reply niya. ‘Balik ako in 3 days. Iyong downpayment, nailagay mo na ba sa bangko ko?’
‘Huwag mong kalilimutan ang usapan natin’ sagot nito.
CHAPTER 282 Bumagsak si Shaun sa kanyang ibabaw. Taas-baba pa rin ang dibd ib nito nang binalot sila ng katahimikan. Naririnig niya ang tibok ng puso ng asawa niya na nagdudulot ng payapang pakiramdam kay Althea. Mainit at komportable ang hatid ng malaki nitong katawan subalit alam ni Althea na hindi siya dapat masanay. Sa katapusan ng buwan, ay magdidiborsyo na sila. Aalis siya sa kompanya nito, sa penthouse—tuluyang maghihiwalay ng landas. Isa lang ang sigurado niya, babaunin niya ang mga alaala ng pinagsaluhan nila ni Shaun. Maya-maya pa ay itinulak niya na si Shaun paalis sa kanyang ibabaw. “I want here,” tutol nito, halos umuungot pa ang tono nito.
CHAPTER 281 NABALOT sila ng katahimikan habang sinusundan nila ng tingin ang papalayong pigura ni Celine. “Crazy girl, tsss..” komento ni Shaun kaya natawa si Althea—nawala ang nararamdaman niyang pagkailang. Mas lalong nakahinga siya nang maluwag nang normal pa rin ang kilos ni Shaun nang ibinigay nito sa kanya ang inumin niya. “Di ba noong nakaraang buwan ay janitress ‘yon sa Almeradez Hotel. Bakit nasa call center na siya ngayon?” “I have no idea. She’s crazy so better avoid her,” sagot ni Shaun saka kinuha ang plastic cup para uminom din ng pinaghalong Mogu-Mogu at Yakult. Napasunod ang tingin ni Thea nang lumapat ang labi nito sa mismong pinag-inuman niya. Bakit ba siya naiilang sa maliit na bagay katulad niyon gayong mag-asawa naman sila ni Shaun? “Ano pala ang totoong trabaho ni Celine?” tikhim ni Althea para huwag ng isipin pa ang mga pasimpleng ‘intimasyon’ na ginagawa ni Shaun. Hindi naman siguro nito
CHAPTER 280 “Sa akin? Bakit sa akin?” “Kasi ikaw ang asawa?” patanong din ang obyus na sagot ni Ate Sha. “Hanggang alas-nwebe lang ang breakfast meeting niya kaya pagbalik niya rito, tanungin mo.” Lumabi si Althea, hindi na nagtanong. Inisip niya na lang na may flowers din na ipinadala kay Lychee. O kaya naman ay praktis pa rin iyon kasi bandang tanghali ay nakita niyang sinundo ulit ni Aaron ang babae. “Tulog na daw si Mama sabi ni Ate Pat,” balita niya kay Shaun nang binalikan niya ito sa harap ng chiller ng 7-11 convenience store. Ilang araw na silang sa penthouse umuuwi ulit dahil mas dumami ang trabaho nito para sa nalalapi
CHAPTER 279 Lumayas ito sa opisina niya, lumagabog pa ang pinto nang isara nito iyon. Ibinukas-sara niya ang nanginginig na mga palad habang matalim na nakatingin pa rin sa pintuan na nilabasan ni Lychee. Ilang sandali ang kinailangan niya para ikalma ang sarili o matutukso siya na sundan ito at pilitin na bawiin ang sinabi. Nang sa tingin niya ay kalmado na siya, binalikan niya ang cellphone. Wala pa rin reply sa kanya si Althea kaya kinuha niya ang gadget saka lumabas ng opisina para puntahan ito sa bahay nito. Subalit, natigilan siya nang makita sa working station ng kanyang mga sekretarya na nakaupo ang babaeng kanina niya pa hinihintay. Tutok na tutok ito sa ginagawa, ang bilis pa ng kamay sa pagtipa sa keyboard habang paminsan-minsan ay sumasabay ang ulo sa kung anumang pinapakinggan nito sa suot na headphone. Pumasok siya sa working station nito dahil hindi siya naririnig. Gulat na gulat pa nang makita siya. “I’m with
CHAPTER 6 Nataranta na rin ang mga kasama. Pinaghahanap na ang bata sa buong bahay. Walang nahagip na footage dahil nagblack out din ang CCTV nang mawalan ng kuryente. “Lumabas siya!” May footage na nakuha ang CCTV sa may gate solar-powered iyon.
CHAPTER 5 “Nabanggit sa akin ni Mommy ang tungkol sa Nanay mo. Nai-kwento sa kanya ni Manang Rudy.” Gusto niyang mapausal ng pasasalamat. Kompirmd nga na hindi talaga siya pinuntahan kagabi. “Ngayon na po ba ako magsisimula?” pag-iiba niya ng usapan. “Yes. I’ll
CHAPTER 2 Sa halip na reply-an ay in-off ni Dashi ang cellphone at tumulala sa labas. Nalubog ang pamilya niya sa utang kay Gaston nang ma-ospital ang tatay niya. Dahil walang pambayad at kailangan niya ng pera para sa dialysis ay pumayag siya sa inuutos nito. May ipinapahanap sa kanya
CHAPTER 1 “Susko! Mababaliw yata ako sa batang iyon!” mangiyak-ngiyak na bulalas ni Danica Shane o Dashi nang makapasok sa loob ng sariling Cabin. Isinama siya ng kanyang boss—si Vioxx Almeradez—sa kasal ng pinsan nito. Kasalukuyan silang nasa 5-day cruise ship na maglilibot


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reseñasMás