"H-Hindi ako makapaniwalaang kaibigan ka nga ni Sir Ethan. You are insane," saad ni Tamara sa halos nagugulumihanang tinig. "Naririnig mo ba ang mga sinabi mo, Mr. Olivar?"
"Of course, I do," balewala nitong tugon. Mistula pa nga itong naaaliw sa naging reaksyon niya. Patunay roon ang isang nakalolokong ngiti na naglalaro sa mga labi nito habang nakatitig sa kanya."Nababaliw ka na nga kung ganoon?" wika niya pa. "You were asking me to be your woman. Bakit naman ako, sa tingin mo, papayag sa gusto mo? Hindi ako---""Iyon naman ang papel mo sa buhay ni Mr. Asuncion, hindi ba?" sansala nito sa kanyang pagsasalita. "You are his woman. You did not even deny it. At ang mga sinabi mo kanina ay parang mga nagpatibay lang ng mga hinala ko sa iyo. But why stick to Mr. Asuncion if there could be a better replacement?"Nahahati ang damdamin ni Tamara sa mga sinasabi ng lalaking kanyang kaharap. Una, gusto niyang mainsulto dahil sa mga binato nitong salita. Dalawang beses pa lamang sila nagkikita nito ngunit kung makapagsalita na sa kanya ay mistula bang kilalang-kilala na nito ang buong pagkatao niya.At the same time, gusto niyang matawa nang marinig ang mga sinabi nito. Dama niyang ang laki ng tiwala nito sa sarili. Akalain ba namang ialok talaga ang sarili kapalit ni Roberto? At sa tingin ba nito ay talagang papayag siya? Na basta na lamang talaga siya bibigay sa nais nitong mangyari?The nerve of this man!"Look, Mr. Olivar," saad niya. "Hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng lakas ng loob para alukin akong maging babae mo. Unang-una, hindi ako pumapatol sa kahit sino na lang. Malay ko ba kung hindi ka malinis... you know what I mean."Sukat sa mga sinabi niya ay agad na tumiim ang mukha ng lalaki. Alam niyang nainsulto din ito dahil sa mga sinabi niya. And she does not care at all! Tama lang iyon dito dahil ito naman ang unang nang-insulto sa kanilang dalawa. Binabalik niya lang dito ang ginawa nito sa kanya kanina."Just for your information, Tamara, I am clean and safe. I can prove you that," mariin nitong sabi sa kanya.She smiled sweetly, too sweet that it almost looked like a fake smile. Bagay na intensyon niya namang ipakita dito."Itago mo na lang ang perang inaalok mo, Mr. Olivar. Hindi ako interesado," saad niya dito. "At para lang sa kaalaman mo, namimili din ako ng... as per your word, lalaking huhuthutan. Hindi kita type."Halos mag-echo sa paligid ang malakas na halakhak na pinakawalan nito. Gusto niyang isipin na muli itong nainsulto dahil sa mga sinabi niya. Pero sa kung ano mang kadahilanan ay hindi iyon makita ni Tamara sa mukha ng binata. Sa halip, labis na pagkaaliw pa ang nakarehistro sa mukha nito. Ang kaninang inis na nakita niya dito ay dagli na ring nawala."Hindi mo ako type? Seriously? Ikaw pa lang ang babaeng naglakas-loob na sabihin sa akin iyan, Tamara.""Conceited, aren't you?" bwelta niya dito.Umaalog pa ang mga balikat nito dahil sa pagtawang ginawa nang muling magsalita sa kanya. "I am not being conceited here. I am just stating a fact. I am thirty-five, Tamara. Sa edad kong ito ay wala akong maalala na babaeng nagreklamo sa akin, especially in my performance on bed."Lorenzo added the last phrase in a very sensual way. Nag-iba bigla ang timbre ng boses nito nang banggitin ang mga huling katagang binitawan nito.Hindi na siya bata para hindi maintindihan ang mga sinabi ng kanyang kausap. Matapos iyon sabihin ni Lorenzo ay sunod-sunod na paglunok pa ang kanyang ginawa. Uneasiness crept into her. Kailanman kasi ay hindi siya nakipag-usap sa kahit kanino na ganoon ang paksa. What more sa isang estrangherong tulad nito?Nang mapansin ni Lorenzo ang pananahimik niya ay isang ngiti ang namutawi sa mga labi nito. "Have you changed your mind?" tanong pa nito sa kanya. "My offer still stands, Tamara. Ditch Mr. Asuncion and be my woman instead. Kung pera lang ang habol mo kaya ka lumalapit sa matandang lalaking iyon ay bibigyan kita. I am a businessman, Tamara. Kaya kong doblehin ang halagang binibigay niya sa iyo. So, tell me, how much is your price?"She stiffened. She could almost feel the tightening on her chest because of hi insults. Halos madama niya pa nga ang panunubig ng kanyang mga mata dahil sa labis na pang-iinsulto nito.But Tamara held herself. Hindi siya iiyak sa harap nito. Hindi niya gustong bigyan ng kasiyahan ang lalaking ito sa pamamagitan ng pagpapakitang naaapektuhan siya ng mga binibitawan nitong salita. Kapag nakita nitong nasasaktan siya sa pang-iinsulto nito ay alam niyang siya ang talo at hindi niya gustong mangyari iyon.Bahala na ito kung ano ang gusto nitong isipin sa kanya. Mas kilala niya ang kanyang sarili higit kanino man. Besides, ang lalaking kaharap niya ngayon ay dayo lang sa lugar na iyon. Sa mga susunod na linggo ay alam niyang aalis na rin ito sa probinsiya nila. Ano ba naman ang pakialam niya sa iniisip nito?"Make up your mind, Tamara. I am staying here for how many weeks. O maari kong iextend ang pananatili ko sa lugar na ito depende sa usapan nating dalawa. What do you think?""It is still a no, Mr. Olivar," aniya sa pinatatag na tinig. "If you are bored and want some excitement on your stay here, find other woman to fulfill your needs. Hindi kita papatulan."Pagkawika niya niyon ay tuluyan na niyang tinalikuran ang lalaki. Kanina pa siya nasa akmang iiwan na ito roon ngunit lagi na lang nauudlot dahil sa pagsasalita nito. At sa pagkakataon na iyon ay ganoon pa rin ang nangyari. Nakailang hakbang na siya nang muli na naman itong magsalita dahilan para muli siyang mapalingon.Halos mapabuntong-hininga na si Tamara nang marinig na naman ang tinig nito. Hindi pa ba nauubusan ng sasabihin ang lalaking ito?"So, you really have a penchant for old men, don't you? Mas gusto mo talagang makiapid sa matandang lalaki na may-asawa kaysa sa tanggapin ang alok ko?"She exhaled an air. Nauubos na ang kanyang pasensiya sa binatang kausap kaya naman nakaisip siya ng paraan para patahimikin na ito. Hindi na niya alintana pa kung mas mag-iigting ang hinala nito dahil sa mga sasabihin niya. Bahala na ito sa kung ano man ang gustong isipin sa kanya."Hindi ko maintindihan kung bakit mo ipinipilit ang alok mo, Mr. Olivar. You told me that you are clean and safe. Well, I believe you," saad niya dito. Nagbuka ito ng bibig para sumagot ngunit bago pa man may lumabas na kahit isang salita mula dito ay agad na niyang inunahan ang binata. "How about me? Won't you even ask me if I am clean and safe?"Agad itong natigilan dahil sa naging tanong niya."Ikaw na rin ang nagsabi na mahilig ako sa matatandang lalaki," patuloy niya pa sa pagsasalita. "Paano pala kung may AIDS na ako dahil sa ginagawa kong ito? Hindi ka ba natatakot na baka mahawa ka ng sakit mula sa akin?"A smirk formed on his lips. "I am not stupid, Tamara. Kung may sakit ka eh 'di sana ay iniwan ka na ni Mr. Asuncion. Try another alibi, babe."Hindi siya nakapagsalita. Bakit ba ano mang ibato niya dito ay may sagot ang lalaking ito? Hindi ba talaga ito nauubusan ng argumento?"Hindi ko rin maintindihan kung bakit pilit mong tinatanggihan ang alok, Tamara. It was so obvious that you are doing this because of money. Kung hindi ay hindi mo na sana sasadyain pa si Mr. Asuncion sa resort ito. Now that I am giving you a more convenient offer, you are not accepting it. Why?""Dahil hindi lang pera ang dahilan ng paglapit ko kay Roberto," maagap niyang sagot dito. Halos paasik pa ang pagkakasalita niya dahil sa nauubos na ang kanyang pasensiya sa binata."Don't tell me it was because of love? I won't believe you, Tamara.""Paano kung ganoon nga? Imposible ba iyon para sa iyo, Mr. Olivar?" bwelta niya dito.Paismid itong ngumiti. "Try harder, baka makumbinsi mo na ako.""Tigilan na natin ang usapan na ito, Mr. Olivar. Hindi ko tatanggapin ang alok mo kahit triplehin mo pa ang perang inaabot sa akin ni Roberto," saad niya sa seryosong tinig. Napapagod na siyang makipag-usap dito at mas nais na lang niya na umalis.But definitely, hindi siya aalis nang hindi man lang nakababawi sa pang-iinsulto ng lalaking ito. Gusto niyang matapos ang pag-uusap nila nang siya ang may ngiti sa mga labi."But I might change my mind," nakaloloko niyang sambit dito. Nakita niya pa ang pag-angat ng isang kilay ni Lorenzo na wari ba ay naghihintay ng sunod niyang sasabihin. "Iyon ay kung matatapatan mo ang lahat ng pinaranas ng matatandang lalaking dumaan sa buhay ko. You know, ano na nga ang mga tawag roon? The missionary, doggy style, the lutos and spooning. Ano pa nga ba?" Saglit siyang huminto na wari ba ay nag-isip. "Oh, my favorite... the cowgirl style!"Isang pekeng tawa pa ang pinakawalan niya habang nakatitig sa natitigilang binata. Alam niyang hindi nito inasahan ang lahat ng mga sinabi niya.Wala siyang pakialam! Bahala itong mag-isip nang masama sa kanya. Hindi niya kailangan ipaliwanag pa ang lahat dito. Kung iniisip man nito na isa siyang masamang babae, so be it! The hell if she cares!Nasabi niya lamang ang mga iyon dahil sa labis na inis dito. Ni hindi niya nga sigurado kung tama ba ang mga terminong ginamit niya. Madalas ay nababasa niya lamang sa mga pocketbooks ang sex style na binanggit niya. Kailanman ay hindi niya pa iyon nagawa. Kahit nga ang mahalikan sa kanyang mga labi ay hindi niya pa naranasan man lang. Sa hirap ng buhay nila ay hindi pa pumasok man lang sa isipan niya ang makipagrelasyon.But now, looking at Lorenzo's face, she can't help but to smile mischievously. Tigalgal itong nakamasid sa kanya na wari ba ay hindi makapaniwala na ang lahat ng iyon ay naranasan niya na."Kapag kaya mong tapatan ang lahat ng naranasan ko na, then I will be your woman. Kahit 'di mo pa ako bayaran. Pero kung 'di lang din, just keep your money, Mr. Olivar. Baka mapahiya ka lang," saad niya pa na sadyang tinapunan ng nanunuyang tingin ang bagay na nasa gitna ng mga hita nito.Her last sentence was meant to insult him. He deserved it! Ito ang nagsimula at kung iisipin ay mas marami na itong naibatong nakaiinsultong salita sa kanya. Tama lang din na tapatan niya ang kagaspangan at kaantipatikuhan nito.Agad na siyang tumalikod at sa pagkakataon na iyon ay dire-diretso nang linisan ang lugar na iyon. Ni hindi na siya lumingon pa para sulyapan kung ano ang naging reaksyon ni Lorenzo sa insultong binitawan niya.*****TIIM ANG mukhang sinundan ni Lorenzo ng tanaw ang papalayong dalaga. Hindi niya ito tinantanan ng tingin hanggang sa mawala ito sa kanyang harapan. Pansin niya pa ang pagmamadali sa lakad nito para lang marating ang pathwalk na patungo sa pinaka-hotel ng resort. Alam niyang doon ito dadaan palabas ng naturang lugar.Halos maikuyom niya ang kanyang mga kamao dahil sa lantaran nitong pang-iinsulto. Tanging ang dalagang iyon pa lamang ang nakagawa niyon sa kanya.On his thirty-five years of existence, aaminin niyang hindi niya na rin mabilang ang mga babaeng dumaan sa buhay niya. Bago niya pa man maging stable na karelasyon si Charmaine dalawang taon na ang nakararaan ay mistulang laro lang para sa kanya ang pakikipagrelasyon sa babae. At wala sa mga babaeng iyon, kahit isa man lang, ang nagreklamo sa kanya pagdating sa kama.He was so sure of that. Lahat nang nakaniig niya na, kasama na si Charmaine, ay pawang kontento sa nabibigay niya. He was never a lousy lover and he made sure that he has satisfied every women he fvcked.Wala pang sino man ang pumintas sa kakayahan niya sa kama. Si Tamara pa lang! And the hell how she insulted his ability on bed when she has never even experienced being touched by him!"Damn it!" he hissed inwardly.Marahan niyang hinamig ang kanyang sarili sabay sulyap ulit sa direksyon ng dinaanan nito. Gusto niyang magalit hindi lang kay Tamara, mas higit para sa kanyang sarili.Nang sabihin nito lahat ng posisyong binanggit nito kanina ay hindi niya pa naiwasang isipin na ginagawa nga nila iyon ng dalaga. Damn it, but his body instantly reacted to what she said. Imagining the things that he could do to her made his groins ached!At hindi niya maunawaan kung bakit niya iyon nararamdaman. Hindi siya dapat makadama ng ganoong emosyon para sa babaeng katulad nito. Proud na proud pang sabihin sa kanya lahat ng posisyong naranasan na nito. Damn her! At sinabi pa talaga kung ano ang paborito nitong sex style!"Cowgirl, huh?!" he said, smirking.Dire-diretsong naglakad patungo sa kanilang bahay si Tamara. Pasado alas-siyete na ng gabi ngunit marami-rami pa ring bata ang nasa daan at naglalaro. Ang iba ay nagtatakbuhan pa at kailangan niyang ilagan upang hindi siya mabunggo. Sa isang sulok naman ng daan ay naroon ang mesang lagi na ay may inuman session ng kanilang mga kapitbahay. Nasa tapat mismo iyon ng bahay ng kapitbahay nilang si Mang Orling.Ganoon lagi ang senaryo sa lugar nila. Karamihan sa mga taga-roon ay katulad din nila ang estado sa buhay--- isang kahig, isang tuka. Kung hindi kikilos ay walang kakainin. At iyon ang uri ng buhay na gustong takasan ni Tamara.Hindi siya ganoon kaambisyosa. Maiahon niya lang talaga sa hirap ang kanyang ina ay sapat na para sa kanya. Hindi niya rin naman nais na habang-buhay ay naroon siya sa lugar na iyon at mag-aasam na lang kung may kakainin ba o wala.Iyon ang dahilan kung bakit nais niyang makabalik sa kanyang pag-aaral. Bente-kwatro anyos na siya at isang taon pa lang sa kolehi
Agad na nanlaki ang mga mata ni Tamara dahil sa ginawa ni Lorenzo. Sa loob ng ilang saglit ay hindi siya nakahuma sa kanyang kinatatayuan habang sakop pa rin nito ang kanyang mga labi. Isang mariing halik nga ang ibinigay nito sa kanya habang ang isang kamay ay mahigpit na nakapigil sa kanyang batok. Ang kabilang kamay naman nito ay nakahawak pa rin sa kanyang palapulsuhan.Until Tamara gasped softly as his lips moved on hers. Mistula itong nag-uudyok na ibuka niya ang kanyang bibig at tanggapin ang halik na binibigay nito. And because of what he did, Tamara was able to taste the alcohol that he had a while ago.Sanay naman siyang makakita ng mga lalaking umiinom. Sa lugar nila, waring normal na sa kanilang mga kapitbahay ang mag-inuman. Kahit walang okasyon at sa kabila ng hirap ng buhay ay nakakakuha ng pagkakataon ng ilan nilang mga kapitbahay na magkaroon ng inuman session.At aaminin niyang hindi niya gusto ang amoy ng alak sa ibang tao. Lalo na sa tuwing humahalo ang amoy ng inu
"Tulungan na kita, ate," salubong sa kanya ni Wilbert nang makita siya nitong papasok sa kanilang bahay.Agad nga nitong kinuha ang isang malaking plastic bag na bitbit niya mula sa palengke. Naglalaman iyon ng ilang gamit nila sa pwesto at ilang tirang paninda na inuwi niya na lamang upang ikonsumo nila sa bahay."Salamat, 'Bert," nakangiti niyang ganti dito.Nagpatiuna na ito sa pagpasok sa pinto at agad na ipinatong ang dala niya sa mesa sa kusina. Siya naman ay napasulyap sa mahabang upuan na nagsisilbing higaan na rin ni Wilbert sa tuwing gabi. Nagkalat pa roon ang ilang kwaderno ng pinsan niya na halatang pinag-aaralan pa nito.Hindi niya maiwasang mapangiti ulit. Nasa unang taon na ng kolehiyo si Wilbert. Sa kanila ito nakatira sapagkat ang ina nito, na kapatid ng Nanay Maribel niya, ay namamasukan bilang isang katulong sa maykayang pamilya sa kabilang bayan.Dahil solong anak si Wilbert at stay-in sa trabaho ang ina nito ay sa kanila na lamang umuuwi ang binatilyo. Wala na rin
Mula sa pagkakaupo sa kanyang higaan ay agad na napalingon si Tamara sa may hamba ng pintuan ng kanyang silid nang mula roon ay sumilip ang kanyang ina. Napatuwid siya ng pagkakaupo at nailapag din ang kwadernong hawak-hawak niya.Kasalukuyan kasi siyang nagguguhit ng iba't ibang uri ng damit. It was something that she always do every time she's bored. Minsan nga, sa tuwing nakararamdam siya ng bigat sa kanyang dibdib ay inaaliw niya lang ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-iisip ng iba't ibang disenyo ng mga kasuotan.Iba din kasi ang dulot sa kanya ng pagguguhit. It was something that helped her escape all her worries in her life. Hindi niya nga lang alam kung mabibigyan niya nga ba ng katuparan ang pangarap niyang maging isang designer."Gumuguhit ka na naman," puna ni Maribel sa kanyang ginagawa. Napayuko pa ito sa kwadernong nasa tabi niya. Nakabuklat pa kasi iyon sa pahina kung saan naroon ang huli niyang iginuhit."Nagpapaantok lang po," aniya sa mahinang tinig.Her mother
Maang na napatitig si Tamara kay Lorenzo matapos niyang marinig ang mga sinabi nito. Hindi niya pa mapigilang mapalunok dahil doon. Nang pagmasdan niya ang binata sa mukha nito ay naroon ang ekpresyon na halos magpailang sa kanya, bagay na hindi niya maunawaan kung bakit.Hinamig niya ang kanyang sarili upang ipakita na hindi siya naapektuhan sa mga sinabi nito. "A-Ano naman ang kaibahan niyon? Pareho lang naman iyon, Mr. Olivar?""Malaki ang pagkakaiba ng mga iyon, Tamara," mariin nitong saad. "Making love is very far from just fvcking."Iniwas niya ang kanyang mukha. Disimulado niyang ibinaling ang kanyang mga mata sa ibang panig ng condo unit nito. Si Lorenzo lang ang tao na hindi niya pa natatagalang nakikilala pero madalas niya nang nakakausap na ang paksa ay tungkol sa pakikipagtalik, bagay na hindi niya naman ginagawa sa iba, kahit sa kanyang mga kaibigan.Ilang beses na nga na ang nagiging laman ng usapan nila ay tungkol sa sex? Naalala niyang minsan pa siyang nagbanggit sa bin
Dumating ang unang araw ni Tamara sa Olivar Furniture Company. Aminado siyang kabado sapagkat hindi niya pa alam kung ano ang kahihinatnan ng kanyang trabaho sa kompanyang iyon.Ang usapan nila ni Lorenzo ay dadaanan siya nito sa condo unit at isasabay na sa pagpasok sa OFC. Hindi na siya kumontra pa. Hindi niya pa alam ang patungo sa kompanya ng mga ito at ayon pa sa binata ay kailangan siya nitong samahan sa pakikipag-usap kay Crisanta, ang empleyadong magpapaliwanag sa kanya ng magiging trabaho niya.Dahil unang araw niya at hindi niya nais na mapahiya kay Lorenzo ay maaga siyang gumising. Katunayan, alas-kwatro y medya pa lang ng umaga ay abala na siya sa pagluluto ng almusal. Sinabayan niya na rin ng babauning tanghalian sa trabaho. Ayon kasi kay Lorenzo ay alas-singko ang labasan ng mga empleyado nito. Naisipan niyang magbaon na lamang ng tanghalian kaysa ang gumastos pa sa pagbili.Matapos niyon ay ang sarili naman niya ang inasikaso niya. Naligo, nag-toothbrush at nagbihis na
Alas-singko y medya ng hapon nang bumaba si Tamara sa basement ng Olivar Furniture Company. Kanina ay nabanggit na sa kanya ni Lorenzo na isasabay siya nitong muli sa pag-uwi sa condo unit nito. Again, she did not refuse. Nais niya pang kabisaduhin nang maigi ang pagbiyahe mula sa unit ni Lorenzo patungo sa kompanya ng mga ito. Kapag alam niya na, hindi na niya nais pang abalahin ang binata sa paghatid at sundo sa kanya.Pagkarating sa may basement ay agad niyang tinungo ang kinapaparadahan ng sasakyan ni Lorenzo. Alam niyang naroon na ang binata sapagkat bago pa man ito tuluyang bumaba ay dumaan ito sa kanilang pwesto.Pero si Tamara ay sadyang nagpahuli sa pag-alis kaysa sa kanyang mga kasamahan at iyon ay dahil sa iisang rason. Hindi niya nais na makita ng mga ito na sasabay siya sa pag-uwi sa mismong may-ari ng OFC. Sa katunayan ay hindi niya nais na may makaalam na sa condo unit ni Lorenzo siya umuuwi.Hindi niya nais maging pulutan ng usapan ng mga empleyado roon. Kanina nga ay
Agad na napaupo nang tuwid si Tamara kasabay ng disimulado niyang pagpindot sa end call button sa kanyang cell phone. Ni hindi na niya nagawa pang magpaalam kay Roberto at basta na lamang pinutol ang kanilang pag-uusap.She almost wanted to curse herself. Kung umakto siya ay daig niya pa ang nahuli ng kanyang nobyo habang may kausap na ibang lalaki. And she can't understand why she felt that way. Siguro ay dahil na rin sa kaisipan na alam niyang hindi magugustuhan ni Lorenzo ang ideya na nakikipag-usap pa siya kay Roberto. Kapag nagkataon na malaman nitong ang matandang lalaki ang kausap niya ay malamang na mauuwi na naman sa bangayan ang usapan nilang dalawa.Ipinaintindi na sa kanya ng binata kung bakit siya nito inalok ng trabaho sa Manila--- nais nitong malayo siya kay Roberto sapagkat buo na ang paniniwala nitong kabit siya ng matandang lalaki. And Lorenzo didn't want for her to ruin Roberto's family.Nang una ay hindi niya maunawaan kung bakit ganoon na lang kaapektado ang binat