Share

CHAPTER 5

Dire-diretsong naglakad patungo sa kanilang bahay si Tamara. Pasado alas-siyete na ng gabi ngunit marami-rami pa ring bata ang nasa daan at naglalaro. Ang iba ay nagtatakbuhan pa at kailangan niyang ilagan upang hindi siya mabunggo. Sa isang sulok naman ng daan ay naroon ang mesang lagi na ay may inuman session ng kanilang mga kapitbahay. Nasa tapat mismo iyon ng bahay ng kapitbahay nilang si Mang Orling.

Ganoon lagi ang senaryo sa lugar nila. Karamihan sa mga taga-roon ay katulad din nila ang estado sa buhay--- isang kahig, isang tuka. Kung hindi kikilos ay walang kakainin. At iyon ang uri ng buhay na gustong takasan ni Tamara.

Hindi siya ganoon kaambisyosa. Maiahon niya lang talaga sa hirap ang kanyang ina ay sapat na para sa kanya. Hindi niya rin naman nais na habang-buhay ay naroon siya sa lugar na iyon at mag-aasam na lang kung may kakainin ba o wala.

Iyon ang dahilan kung bakit nais niyang makabalik sa kanyang pag-aaral. Bente-kwatro anyos na siya at isang taon pa lang sa kolehiyo ang natatapos niya. Kinailangan niyang huminto dahil na rin sa kapos sa pinansiyal na aspeto silang mag-ina. Gasino lang naman ang kinikita nila sa kanilang pwesto sa palengke. Sa pang-araw-araw pa lang nilang kakainin at mga bayarin ay kulang na, pang-kolehiyo niya pa kaya?

And that was the reason why she resorted in asking money from Roberto. Alam niyang maaaring ikagalit ng pamilya nito oras na malaman ang ginagawa niya ngunit kailangan niya nang kumapit dito para kahit papaano ay makaipon siya ng pang-matrikula para sa susunod na pasukan.

"'Nay..." tawag niya sa kanyang inang si Maribel nang makapasok siya sa kanilang maliit na bahay.

Gawa lamang sa kahoy at plywood ang tinitirhan nila na siyang bahay pa ng mga magulang ng kanyang ina. Sa tagal na nga ay halos nahahalata na ang pagkamarupok ng ilang materyales.

Sa pagpasok pa lang ng pinto ay ang maliit nang sala na walang ibang makikita kundi ang mahabang upuan na gawa sa kawayan. May maliit ding TV roon na siyang libangan ng kanyang ina. Ilang hakbang mula roon ay ang pabilog nilang mesa at ang lababo't lutuan. Sa tabi ng lababo naman ang banyo.

Sa kabilang panig naman ng bahay ay ang dalawang silid, isa para sa kanyang ina at ang isa naman ay ang inookupa niya. Sapat lamang ang laki ng mga kwarto na ang tanging naroon ay maliit na papag, ang kanilang mga damitan at ilang personal pang kagamitan.

May isa siyang pinsan na sa kanila nakatira. Sa mahabang upuan sa sala naman ito natutulog kapag gabi.

"Ginabi ka yata ngayon, Tam," narinig niyang wika ng kanyang ina. Lumabas ito ng sariling silid nang marinig ang pagtawag niya.

Nasa kusina na siya at kasalukuyan nang isinasalin ang tatlong putaheng lutong ulam na binili niya sa may kanto. Dahil nga sa gabi na siya nakauwi ay naisipan niyang bumili na lamang ng ulam upang hindi na magluto pa.

Tumayo si Maribel sa tabi ng mesa at sinusundan ang bawat kilos niya. Matapos niyang maisalin ang lahat ng ulam ay lumapit siya sa may kalan at tiningnan ang kaldero. Sa kabila ng pilay na natamo ng kanyang ina ay kumikilos pa naman ito sa bahay kaya kahit gabi na siya nakauwi ay nakapagsaing na ito.

"Si Wilbert po?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang pinsan niyang nakatira sa kanila.

"Pauwi na rin iyon. Inutusan ko lang na bumili ng gamot ko. Naubos na kasi kanina," imporma ni Maribel.

"Nakabili na ho ako, nay," saad niya sabay kuha sa kanyang bag na inilapag niya sa isang silyang naroon. Kinuha niya ang maliit na plastic kung saan naroon ang mga gamot nitong binili niya bago tumuloy sa pag-uwi.

Iniabot niya iyon sa kanyang ina ngunit hindi tuminag sa kinatatayuan nito si Maribel. Waring nagtataka itong nakamasid lamang sa kanya.

"Saan ka kumuha ng pera, Tamara?" tanong nito sa mariing tinig.

Tamara heaved out a sigh. Tinungo niya muna ang lababo at kumuha ng mga pinggan sa platuhang naroon.

"Tinatanong kita, anak. Paanong---"

"Kay Roberto," mabilis niyang sabi dahilan para maputol na ang pagsasalita nito.

Maribel looked at her in disbelief. "Nakipagkita ka ulit sa kanya? Tamara, binalaan na kita. Kapag nalaman ng asawa ni Roberto ang tungkol sa iyo ay magugulo lang ang lahat."

"'Nay, hindi ko kayang sundin ang mga payo niyo," nahihirapan niyang wika dito. "Sinubukan ko naman nang una pero---"

"Pero matigas ang ulo mo!" pagtatapos nito sa kanyang pagsasalita. "Tamara, hindi mo kailangan si Roberto. Sinabi ko na sa iyo, tigilan mo na ang pakikipagkita sa kanya."

"M-May karapatan din ho akong makipagkita sa kanya," halos garalgal niyang sabi dito.

Bigla ay lumambot ang ekspresyon ng mukha ng kanyang ina. Sa kabila ng alam niyang nagagalit ito dahil sa pakikipagkita niya ulit kay Roberto, dama pa rin ni Tamara ang pag-aalala nito para sa kanya. Hindi dahil sa maaaring mangyari oras na malaman ng asawa ni Roberto ang pakikipagkita niya dito, kundi dahil na rin sa nararamdaman niya.

Higit sa ano pa man, alam ni Tamara na siya ang mas iniisip ng kanyang ina.

Their conversation was interrupted when Wilbert arrived. Bumili nga ito nang ilang pirasong gamot ng kanyang ina. Nang makapasok ito ng bahay ay agad niya na ring inayang kumain na.

Naging tahimik ang pagkain nila ng hapunan dahil sa naging takbo ng usapan nilang mag-ina. Pagkatapos niyon ay inako na niya ang pagliligpit sa kusina at pinayuhan na itong uminom ng gamot.

After everything was settled, Tamara went inside her room. Nakapagbihis na rin siya ng damit at bago tuluyang matulog ay hindi niya pa maiwasang mapatitig sa mesitang katabi lamang ng kanyang higaan.

Doon ay nakapatong ang ilang gamit niya. Naroon din ang lumang mga kwadernong ginamit niya pa noong nag-aaral siya sa kolehiyo.

She was taking up Education, kursong kung tutuusin ay hindi niya sana gusto. Hindi sa ano pa mang rason. Dakilang trabaho ang pagiging guro ngunit hindi iyon ang pangarap niya.

She wanted to be a fashion designer. Bata pa lang siya ay hilig na niya ang pagguhit at pagdisenyo ng iba't ibang uri ng mga damit. Balang-araw, nais niyang makadalo sa sariling fashion show kung saan mga disenyo niya ang irarampa ng mga modelo.

At ang ilan sa mga lumang kwadernong nakapatong sa kanyang mesita ay puno ng mga orihinal niyang disenyo ng mga damit. Pero matutupad niya pa kaya ang pangarap niya? Waring ang hirap kasing abutin.

*****

"LORENZO, my friend!" masiglang bati ni Ethan, ang kaibigan niyang siyang may-ari ng resort na kinaroroonan niya. Inilahad pa ng kaibigan niya ang kamay nito upang makipagkamay sa kanya.

He accepted his hand and talked to him. "Pare, mabuti naman at sumunod ka rito para naman may makausap ako."

"And why? Wala ka bang matinong kausap dito? Nandito naman si Mang Roberto para asikasuhin ka at sa mga gusto mong gawin."

Sukat sa pangalang binanggit nito ay agad siyang natahimik. Hindi niya kasi maiwasang maalala ang tagpong nakita niya ito kasama si Tamara. And thinking about Tamara, he can't help but to think about their last conversation--- about that sex thing!

Hindi na niya nagawang sumagot pa kay Ethan. Sakto din kasing dumating ang taong pinag-uusapan nila, si Roberto. Mataman niya pa itong pinagmasdan habang tinutulungan ang isang waiter na ilagay ang mga pagkain at inumin para sa kanila ng kaibigan niya.

He was disgusted by the idea that this man was cheating to his wife and having a relationship with a young lady. Dahil nga sa nadarama niya ay hindi niya maiwasang ituon dito ang kanyang paningin.

Hanggang sa mayamaya ay hinamig niya na ang kanyang sarili. Kung napansin man ni Ethan ang paninitig niya sa empleyado nito ay hindi niya alam. Nag-aya na kasi ito na magtungo sila sa may dalampasigan at doon uminom.

"So, what's up?" anito habang nagsasalin ng alak sa dalawang kopita.

"I'm fine," sagot niya.

"Fine? You're not fine, bro," wika nito sabay abot sa kanya ng isang kopita ng alak.

Kinuha niya ang bigay nito. "Kailan ka pa naging manghuhula? I am here to spend my days in your paradise, Ethan. Nothing else."

Pagkawika niyon ay inisang lagok ni Lorenzo ang laman ng kopitang nasa kanyang kamay. Agad pang sumagi sa isipan niya si Charmaine at ang totoong dahilan kung bakit siya naroon ngayon sa resort na pag-aari ng kaibigan niya.

Bago pa man tuluyang makapang-usisa sa kanya si Ethan ay ibinalik niya ang tanong dito. Mas dito na niya itinuon ang kanilang paksa. Hangga't maaari kasi ay hindi na niya nais pang pag-usapan ang dati niyang kasintahan. Gusto na niyang kalimutan ang mga ginawa nito.

And Lorenzo was not mistaken to think that his friend has a problem as well. Kilala niya ito. Hindi ito basta aalis ng Manila nang walang dahilan. At nalaman niya nga na ang sanhi ng pagtungo nito sa resort na iyon ay katulad din sa dahilan niya--- pagkasawi sa pag-ibig.

Like him, Ethan had a girlfriend. Nagbabalak na rin itong magpakasal ngunit hindi natuloy dahil sa panloloko ng dati nitong kasintahan. Somehow, they were in the same situation now. Parehong bigo sa kani-kanilang mga relasyon.

At naging tuloy-tuloy ang pagkukwento sa kanya ni Ethan dahil na rin sa alak na iniinom nila. Dahil nga sa sama ng loob nito ay nakapagbasag pa ito ng bote ng alak na agad namang ikinabahala ng isang tauhan nitong nasa malapit lamang nila. Akmang lalapit sa kanila ang tauhan nito nang senyasan niyang huwag na.

Sa kanilang dalawa ni Ethan ay mas nasa tamang huwisyo pa siya. Hindi pa siya lasing kaya kahit papaano ay kaya niya pa itong alalayan.

"I'll go to the restroom," mayamaya ay wika ni Ethan. Naging nabuway pa ang pagtayong ginawa nito dahil na rin sa epekto ng alak sa katawan.

"Kaya mo ba? I'll help you---"

"I can!" mabilis nitong putol sa kanya saka pasuray-suray nang naglakad.

"Are you sure?" pahabol niya pa ngunit itinaas na lamang nito ang isang kamay hudyat na wala siyang dapat na ipag-alala. Tuloy-tuloy lang itong humakbang patungo sa banyo.

Napapailing na lamang si Lorenzo habang sinusundan ng tanaw ang kanyang kaibigan. Both of them were good looking men. Kung pisikal na aspeto ang pag-uusapan ay kapwa sila may taglay na katangiang alam niyang gugustuhin ng kahit na sinong babae.

Maging estado ng kanilang mga buhay ay maayos din. Pareho silang financially stable na ni Ethan at ayon nga sa sinasabi ng ilan ay kayang-kaya nang bumuhay ng pamilya.

But look at them now. Both had a failed relationship.

He heaved out a deep sigh. Inabot niya ang isa pang bote ng alak at muli sanang sasalin ng inumin sa kopitang hawak niya nang maagaw na ng isang bulto ang kanyang atensiyon.

He can't help but to smirk. After how many days, he saw her again--- si Tamara!

Naglalakad ito sa may dalampasigan habang ang mga mata ay nakatutok sa madilim na karagatan. Nang makita ang dalaga ay mas pinili ni Lorenzo na ilapag na lamang ang bote ng alak maging ang kopitang pinag-inuman niya.

Nilingon niya pa ang daang tinahak ni Ethan at nang hindi pa makita ang kanyang kaibigan ay tumayo na siya. He walked towards Tamara who turned instantly to look at him as she noticed his presence.

Agad pang natigilan ang dalaga nang mapansin ang paglapit na ginawa niya.

"Here you go again," sambit niya. "I wonder, paano ka nakakapasok nang ganoon kadali sa resort na katulad nito? Such privilege, huh? O dahil sa "malapit" ka kay Mr. Asuncion na siyang namamahala sa resort na ito?"

"Narito ako dahil kausap ko kanina ang kaibigan kong si Rose," imporma nito.

"Really?" sarkastiko niyang saad. "And you want me to believe that? Dalawang dahilan lang naman ang nakikita kong rason kung bakit ka naparito, Tamara."

Tumaas ang isang kilay nito dahil sa mga sinabi niya. "At ano ang mga rasong iyon?"

"Una," aniya kasabay ng paghakbang niya pa palapit dito. "Dahil muli ka namang nakipagkita kay Mr. Asuncion. O pangalawa, you want to talk with me and tell me that you're accepting my proposition."

Tamara chuckled. "Nagbibiro ka ba, Mr. Olivar? Hanggang ngayon ba ay iniisip mong tatanggapin ko nga ang alok mo?"

He smiled mischievously. Isang hakbang pa palapit ang ginawa niya na agad nagpaatras kay Tamara. Marahil ay naamoy nito ang alak mula sa kanya.

"A-Are you drunk?"

"No, baby..."

Hindi na ito nagsalita pa at akmang tatalikuran na sana siya. Alam niyang umiiwas ito dahil sa kaalaman na nakainom siya. But Lorenzo moved like a lightning. Agad niyang hinawakan ang isang kamay nito sanhi para muling mapalingon sa kanya ang dalaga.

"Bitawan mo ako---"

"I told you already, Tamara. Stay away from Mr. Asuncion. May asawang tao ang ginugulo mo."

"Ano ba ang pakialam mo?" anito sa galit na tinig. Pilit din nitong binabawi ang kamay na hawak-hawak niya ngunit hindi ito pinakawalan ni Lorenzo. "Bitawan mo sabi ako, Mr. Olivar, at tigilan mo ang pangingialam sa buhay ko. Ano ba ang magagawa mo kung gusto kong makipagkita kay Roberto?"

"What can I do?" pag-uulit niya sa tanong nito. "Well, this!"

Sa mabilis na kilos ay hinatak niya ang kamay ng dalaga dahilan para madikit ito sa kanyang katawan. Umangat din ang isa niyang kamay patungo sa batok nito at doon ay mariin na hinawakan. At bago pa man mahulaan ni Tamara ang gagawin niya ay agad nang bumaba ang kanyang ulo at sinakop ang mga labi nito.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Magzz23
Hahaha. Hoy. Si Ethan hinampas na ng halaman ni Rose. Ikaw diyan nakipaghalikan pa. Char!
goodnovel comment avatar
Yvette Stephanie
Si Roberto po?...hehe...hindi ko po alam...haha
goodnovel comment avatar
Jossa Lodado
Ma'am Yve.tatay po ba ni Tamara si Mang Ricardo?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status