Maang na napatitig si Tamara kay Lorenzo matapos niyang marinig ang mga sinabi nito. Hindi niya pa mapigilang mapalunok dahil doon. Nang pagmasdan niya ang binata sa mukha nito ay naroon ang ekpresyon na halos magpailang sa kanya, bagay na hindi niya maunawaan kung bakit.Hinamig niya ang kanyang sarili upang ipakita na hindi siya naapektuhan sa mga sinabi nito. "A-Ano naman ang kaibahan niyon? Pareho lang naman iyon, Mr. Olivar?""Malaki ang pagkakaiba ng mga iyon, Tamara," mariin nitong saad. "Making love is very far from just fvcking."Iniwas niya ang kanyang mukha. Disimulado niyang ibinaling ang kanyang mga mata sa ibang panig ng condo unit nito. Si Lorenzo lang ang tao na hindi niya pa natatagalang nakikilala pero madalas niya nang nakakausap na ang paksa ay tungkol sa pakikipagtalik, bagay na hindi niya naman ginagawa sa iba, kahit sa kanyang mga kaibigan.Ilang beses na nga na ang nagiging laman ng usapan nila ay tungkol sa sex? Naalala niyang minsan pa siyang nagbanggit sa bin
Dumating ang unang araw ni Tamara sa Olivar Furniture Company. Aminado siyang kabado sapagkat hindi niya pa alam kung ano ang kahihinatnan ng kanyang trabaho sa kompanyang iyon.Ang usapan nila ni Lorenzo ay dadaanan siya nito sa condo unit at isasabay na sa pagpasok sa OFC. Hindi na siya kumontra pa. Hindi niya pa alam ang patungo sa kompanya ng mga ito at ayon pa sa binata ay kailangan siya nitong samahan sa pakikipag-usap kay Crisanta, ang empleyadong magpapaliwanag sa kanya ng magiging trabaho niya.Dahil unang araw niya at hindi niya nais na mapahiya kay Lorenzo ay maaga siyang gumising. Katunayan, alas-kwatro y medya pa lang ng umaga ay abala na siya sa pagluluto ng almusal. Sinabayan niya na rin ng babauning tanghalian sa trabaho. Ayon kasi kay Lorenzo ay alas-singko ang labasan ng mga empleyado nito. Naisipan niyang magbaon na lamang ng tanghalian kaysa ang gumastos pa sa pagbili.Matapos niyon ay ang sarili naman niya ang inasikaso niya. Naligo, nag-toothbrush at nagbihis na
Alas-singko y medya ng hapon nang bumaba si Tamara sa basement ng Olivar Furniture Company. Kanina ay nabanggit na sa kanya ni Lorenzo na isasabay siya nitong muli sa pag-uwi sa condo unit nito. Again, she did not refuse. Nais niya pang kabisaduhin nang maigi ang pagbiyahe mula sa unit ni Lorenzo patungo sa kompanya ng mga ito. Kapag alam niya na, hindi na niya nais pang abalahin ang binata sa paghatid at sundo sa kanya.Pagkarating sa may basement ay agad niyang tinungo ang kinapaparadahan ng sasakyan ni Lorenzo. Alam niyang naroon na ang binata sapagkat bago pa man ito tuluyang bumaba ay dumaan ito sa kanilang pwesto.Pero si Tamara ay sadyang nagpahuli sa pag-alis kaysa sa kanyang mga kasamahan at iyon ay dahil sa iisang rason. Hindi niya nais na makita ng mga ito na sasabay siya sa pag-uwi sa mismong may-ari ng OFC. Sa katunayan ay hindi niya nais na may makaalam na sa condo unit ni Lorenzo siya umuuwi.Hindi niya nais maging pulutan ng usapan ng mga empleyado roon. Kanina nga ay
Agad na napaupo nang tuwid si Tamara kasabay ng disimulado niyang pagpindot sa end call button sa kanyang cell phone. Ni hindi na niya nagawa pang magpaalam kay Roberto at basta na lamang pinutol ang kanilang pag-uusap.She almost wanted to curse herself. Kung umakto siya ay daig niya pa ang nahuli ng kanyang nobyo habang may kausap na ibang lalaki. And she can't understand why she felt that way. Siguro ay dahil na rin sa kaisipan na alam niyang hindi magugustuhan ni Lorenzo ang ideya na nakikipag-usap pa siya kay Roberto. Kapag nagkataon na malaman nitong ang matandang lalaki ang kausap niya ay malamang na mauuwi na naman sa bangayan ang usapan nilang dalawa.Ipinaintindi na sa kanya ng binata kung bakit siya nito inalok ng trabaho sa Manila--- nais nitong malayo siya kay Roberto sapagkat buo na ang paniniwala nitong kabit siya ng matandang lalaki. And Lorenzo didn't want for her to ruin Roberto's family.Nang una ay hindi niya maunawaan kung bakit ganoon na lang kaapektado ang binat
Abot-abot na hiya ang nadama ni Tamara nang makita niyang hawak ni Lorenzo ang mga papel kung saan sinubukan niyang gumuhit ng mga sample designs ng iba't ibang furniture. Pagkalabas niya nga mula sa restroom ay agad niyang natanaw ang mga ito na nakatayo malapit sa kanyang mesa. Dahil sa malapit lamang ang pwesto niya kay Crisanta, ang buong akala niya ay ito ang sadya nina Lorenzo.Nanlaki na lang bigla ang kanyang mga mata nang makitang nasa mga kamay na ng binata ang mga papel na ginamit niya kanina. Hindi niya pa alam kung ano ang iisipin. Ang alam niya lang ay nakadama siya ng hiya sapagkat ayaw niyang isipin ng mga ito na nakikisawsaw siya sa mga trabaho sa OFC."Mr. Olivar, h-hindi ko ho---""Were you the one who made those designs?" agad na putol ni Lorenzo sa kanyang mga sasabihin.Hindi siya agad nakahuma sa kanyang kinatatayuan. Damang-dama niya kasi na sa kanya nakatutok ang mga mata ng lahat ng taong naroon. Lahat ay naghihintay ng isasagot niya sa naging tanong ni Loren
Nakulong na lamang sa lalamunan ni Tamara ang pagsinghap na kumawala mula sa kanya nang bigla ay halikan siya ni Lorenzo. Halos nanlaki ang kanyang mga mata nang madama niya ang mga labi nito sa nakatikom niya pang bibig.She was not able to move. Pakiramdam niya ay naipako siya sa kanyang kinatatayuan habang mahigpit na nakapaikot sa kanyang baywang ang isang braso ng binata. Ang isang kamay naman nito ay nakapigil sa kanyang batok.Mayamaya pa ay umangat ang kanyang dalawang kamay at napahawak sa magkabilang braso ni Lorenzo. Hindi niya alam kung ano ang naging intensiyon niya sa paghawak dito. Maybe it was meant to find for more support because on that moment, she literally felt the weakening of her knees.Dahil sa nanatiling nakatikom ang kanyang mga labi ay bahagyang humiwalay si Lorenzo mula sa kanya. Konting distansiya lang ang ibinigay nito sa pagitan ng kanilang mga mukha dahilan para nang magsalita ito ay halos madama niya ang mabini nitong paghinga sa kanyang balat."Kiss m
Dumating ang oras ng presentation na pangungunahan ni Tamara. Alas-dos ng hapon ang dating nina Mr. Smith sa Olivar Furniture Company ngunit umaga pa lang ay aligaga na silang lahat para sa paghahanda.Si Tamara ay hindi na mailarawan ang kabang nasa kanyang dibdib. Umaga pa lang pagkarating niya sa kompanya ay hindi na siya mapalagay dahil sa labis na pag-iisip sa kung ano ang maaaring mangyari. Hindi niya man gustong makadama ng pressure ngunit hindi niya maiwasang ganoon nga ang umusbong mula sa kanyang dibdib.Alam niya na sa kanya nakasalalay ang approval ni Mr. Smith. Kung sakaling hindi niya magawa nang maayos mamaya ang pagpipresenta ng mga disenyo ay may posibilidad na hindi nila makuha ang matamis nitong oo."Are you ready?" Lorenzo asked her.Kasalukuyan siyang nasa loob ng opisina nito sapagkat ipinatawag siya ng binata pagkatapos ng kanilang lunch break. Tumuloy nga siya roon sapagkat ayon kay Crisanta ay nais siyang makausap ng big boss hinggil sa gagawin na presentation
"Kita na lang tayo sa bar, Tam... Sir Renz!" pahabol na sigaw ni Crisanta habang pasakay na rin ito sa sariling sasakyan.Maging sina Zenny at ang iba pang empleyado ay nagkanya-kanya na rin ng alis. Katulad ni Crisanta, ang iba ay may sariling mga sasakyan. Ang iba naman ay nakisabay sa iba nilang katrabaho.Gumanti ng kaway si Tamara kay Crisanta at hinintay niya pa itong makaalis na katulad ng iba. Si Nicholas naman ay nakita niyang naglakad na rin patungo sa sarili nitong kotse. Isang sulyap pa ang iginawad sa kanya ng binata bago matamis na ngumiti."See you later, Tam," wika nito bago binuksan na rin ang pinto sa may driver's seat ng sasakyan nito. Isang ngiti lang din ang sinagot niya sa binata bago naglakad na sa bahagi kung saan nakaparada naman ang sasakyan ni Lorenzo."Kailangan ba talagang hintayin mo silang lahat na makaalis bago ka lumapit sa akin? Why do you keep on making me wait?" paangil na saad ni Lorenzo sa kanya. Nakabukas na ang pinto sa may driver's seat nito ng