"Tulungan na kita, ate," salubong sa kanya ni Wilbert nang makita siya nitong papasok sa kanilang bahay.
Agad nga nitong kinuha ang isang malaking plastic bag na bitbit niya mula sa palengke. Naglalaman iyon ng ilang gamit nila sa pwesto at ilang tirang paninda na inuwi niya na lamang upang ikonsumo nila sa bahay."Salamat, 'Bert," nakangiti niyang ganti dito.Nagpatiuna na ito sa pagpasok sa pinto at agad na ipinatong ang dala niya sa mesa sa kusina. Siya naman ay napasulyap sa mahabang upuan na nagsisilbing higaan na rin ni Wilbert sa tuwing gabi. Nagkalat pa roon ang ilang kwaderno ng pinsan niya na halatang pinag-aaralan pa nito.Hindi niya maiwasang mapangiti ulit. Nasa unang taon na ng kolehiyo si Wilbert. Sa kanila ito nakatira sapagkat ang ina nito, na kapatid ng Nanay Maribel niya, ay namamasukan bilang isang katulong sa maykayang pamilya sa kabilang bayan.Dahil solong anak si Wilbert at stay-in sa trabaho ang ina nito ay sa kanila na lamang umuuwi ang binatilyo. Wala na rin kasi ang ama nito na maagang namatay dahil sa sakit.Isa pa sa mga dahilan kung bakit nais niyang magsumikap sa buhay ay dahil sa nais niyang tulungang makapagtapos sa pag-aaral si Wilbert. Parang kapatid na ang turing niya dito at hangga't maaari ay gusto niyang kapwa sila makatapos sa kolehiyo. Kahit kasi may trabaho ang ina nito ay kapos pa rin. Gasino lang din ang kinikita ng tiyahin niya bilang kasambahay. Sa matrikula pa lang ni Wilbert ay kulang na.Life was too hard for them. Dalawa lang na magkapatid ang kanilang mga ina at kapwa pang salat sa buhay. Pareho ang kapalaran ng mga ito na mag-isang tinataguyod ang mga anak."Si Nanay?" usisa niya sabay gala ng mga mata sa maliit nilang bahay."Nasa kwarto niya, ate," tugon nito kasabay ng muling pagbalik sa mahabang upuan. "Masama ho ang pakiramdam niya. Muli na namang tumaas ang blood pressure. Buti na lang ho at nakauwi na ako nang makaramdam siya ng hilo."Sukat sa mga sinabi nito ay dali-dali niyang tinungo ang silid ng kanyang ina. Agad siyang sumilip sa loob at naabutan pa ito sa akto na babangon mula sa higaan.Mabilis na naglakad si Tamara palapit dito. "Kumusta ho ang pakiramdam niyo, 'nay?" tanong niya sabay alalay dito sa pagbangon."Narinig ko ang boses mo kaya lalabas sana ako," wika nito sa halip na sagutin ang tanong niya."Nahihilo pa po ba kayo?""Hindi na. Napagod lang yata ako sa paglinis ng---""Sinabi ko naman sa inyo na huwag na kayong magkikilos-kilos," agad niyang awat sa mga sinasabi nito. Hindi niya maiwasang pagsabihan ito. May mga pagkakataon kasing matigas din talaga ang ulo ng kanyang ina."Hindi pa nga masyadong magaling ang pilay mo, 'nay," dagdag niya pa sa panenermon saka napabuntong-hininga na lamang. "Uminom na ho ba kayo ng gamot para sa presyon mo?"Maribel sighed. "W-Wala na, Tam. Huli na iyong ininom ko kagabi."Tamara closed her eyes tightly. Hindi niya alam pero labis na siyang nakadarama ng pagod, pisikal man o mental. Nakakapagod lang na sa tuwina ay ganito ang senaryo nila. Pero may karapatan ba siyang sumuko? Kung hindi siya kikilos ay mas lalo silang malulogmok sa ganoong sitwasyon."Bibili lang ho ako," aniya sabay mulat muli ng kanyang mga mata."Paano ang bayad sa pwesto sa palengke, Tamara? At hindi na natin mapapaikot ang puhunan kung laging nababawasan para lang ibili ng gamot ko.""Mas importante ho kayo," katwiran niya pa. "H-Huwag ho kayong mag-alala. Iniisip ko ho na maghanap ng trabaho."Dahil sa mga sinabi niya ay isang tao ang agad na pumasok sa kanyang isipan. Dalawang araw na mula nang huli niya itong makausap. Bigla pa ngang sumagi sa isipan niya ang naging takbo ng pag-uusap nila.Lorenzo was offering her a job. Ayon dito ay nagmamay-ari ito ng isang furniture company sa Manila at kung tatanggapin niya ang trabaho sa kompanya nito ay hindi rin birong halaga ang maaari niyang kitain. Malaking tulong na rin sa kanila ang kikitain niya roon kung sakaling pumayag siya.Hindi niya pinagdududahan ang kompanyang binanggit nito. Kaibigang matalik ni Ethan Villaver si Lorenzo Olivar kaya nasisiguro niyang nagmula din naman ito sa maykayang pamilya. Alam niyang kapwa lumaki sa maalwan na buhay ang dalawang lalaki.Pero kung papayag man siya ay ano naman ang magiging trabaho niya sa furniture company ng mga ito? Ni hindi siya tapos ng kolehiyo."Saan ka naman maghahanap ng trabaho, 'nak?" saad ng kanyang ina dahilan para maputol ang mga tumatakbo sa isipan niya."H-Hindi ko pa po alam. Pero pinag-iisipan ko po na... na tanggapin ang alok ng isa kong kakilala."*****ISANG malalim na buntong-hininga pa muna ang pinakawalan ni Tamara bago siya nagpatuloy sa paghakbang palapit sa entrada ng Ocean Pearl Private Resort. Sa tuwing pumupunta siya roon ay iisang tao lang ang kanyang sadya--- si Roberto.Nagiging madali sa kanya ang pagpasok roon dahil na rin sa kilala siya ng taong pinagkakatiwalaan sa lugar na iyon. Idagdag pa na kaibigan niya rin si Rose na madalas ay natatalaga sa may reception area.Ngunit iba ang sadya niya para sa araw na iyon. Hindi si Roberto ang hanap niya at sa halip ay ang taong kinaiinisan niya ang gusto niyang makausap.Si Lorenzo Olivar!Hindi niya alam kung naroon pa ito sa resort na iyon. Wala kasi siyang ideya kung nakabalik na ba ito ng Manila at tinapos na ang pagbabakasyon. Nevertheless, Tamara still tried to look for him. Kung hindi niya susubukan na magtungo roon ay hindi niya rin naman malalaman.Pinag-isipan niya nang napakaraming beses ang inalok sa kanya ng binata. Hindi niya man alam kung seryoso ito pero gusto niya pa rin subukan. Alam niyang hindi pa naging maganda ang mga unang pagkikita nila ni Lorenzo pero wala na siyang ibang mapagpipilian pa. Gusto niyang tanggapin ang trabahong ibinibigay nito.Lagi siyang kapos sa pagbili ng gamot ng kanyang ina. Ayon pa naman sa doktor ay kailangan imantini ang pag-inom nito ng gamot upang hindi atakihin ng high blood.Eh, paano niya iyon gagawin kung sa pang-araw-araw pa lang nila ay kulang na ang kita niya sa palengke? Maliban kasi sa kailangan niyang ipaikot ang puhunan nila para hindi siya matigil sa pagtitinda ay kailangan niya rin magtabi para sa pambayad sa pwestong inookupa nila.Ang ina naman ni Wilbert ay gasino lang ang napapadala sa kanila. Mababa lang naman kasi ang buwanang sahud nito. Sa tuwing nagbibigay ang tiyahin niya ay inilalaan niya iyon sa panggastos ni Wilbert sa eskwelahan. Hindi niya rin naman nais na matigil din ito sa pag-aaral tulad niya.Iyon ang dahilan kung bakit gusto niyang ikonsidera ang alok ni Lorenzo. Kung totoo man nga ang halagang binanggit nito ay malaking tulong na para sa pamilya niya.She was about to walk towards the reception area when suddenly, she saw Roberto. Nakatayo ito sa may covered pathwalk at kausap ang dalawang babaeng pamilyar na pamilyar na rin naman sa kanya--- ang mag-ina nito.She knew them. Sa maraming pagkakataon din kasi ay nakita na niya ang asawa at anak ni Roberto. Hindi niya pa nga maiwasang mapalunok habang mataman na pinagmamasdan ang mga ito.Nakaakbay si Roberto sa anak nito habang nagsasalita. May ngiti pa sa mga labi nito habang ginagawa iyon. Halata ang galak sa mukha nito habang kausap nito ang mag-ina. Ang asawa naman nito ay nakatayo lamang roon at may dala pang isang maliit na ecobag na kung ano man ang laman ay wala siyang ideya.Napatayo siya nang tuwid. Hindi niya pa namalayan na nanunubig na ang kanyang mga mata habang nakamasid sa mga ito. They looked okay.... kabaliktaran sa kung ano sila ng kanyang ina.Dahil marahil sa hinanakit na umusbong mula sa kanyang dibdib ay napahakbang si Tamara. Hindi niya naman gustong gumawa ng eksena. Nais niya lang lapitan ang mga ito.Ngunit bago pa man niya iyon magawa ay isang malaking kamay na ang agad ay humawak sa kanyang kanang braso at marahas siyang hinila palayo. Sa halip na makahakbang pa siya palapit kina Roberto ay inakay na siya ng kung sino man patungo sa may entrada ng resort. Tuloy-tuloy pa itong naglakad hanggang sa bahagya silang makalayo sa naturang lugar."Ano ba---"The man abruptly turned to look at her--- si Lorenzo."M-Mr. Olivar...""Ano ang iniisip mong gawin kanina? Ang gumawa ng eksena sa pamilya ni Mr. Asuncion?" magkasunod nitong tanong sa kanya. Hindi pa itinago ng binata ang bahagyang galit sa tinig nito nang magsalita.And Tamara was puzzled because of his outburst. Ano na naman ba ang ikinakagalit nito?"Fvck it!" narinig niyang mura pa nito nang mapansin na hilam na sa mga luha ang kanyang mga mata. Hindi niya kasi mapigilang makadama ng sakit nang makitang masaya si Roberto kasama ang asawa't anak nito. "Wala kang karapatang iyakan ang nakita mo, Tamara. Legal na pamilya ni Mr. Asuncion ang kasama niya kanina," tiim-bagang pang sabi ng binata.Legal na pamilya--- that almost killed her.Malungkot siyang napangiti. "Alam ko...""Alam mo? And yet, you are still here and trying to see him again? Talaga bang seryoso ka sa relasyon mo sa matandang lalaking iyon?"Maang na napatitig si Tamara sa kanyang kaharap. "Mr. Olivar---""Pumunta ka ba dito para makasama ulit siya?" anito pa at hindi pinansin ang sana ay sasabihin niya. "Then, you're sorry, Tamara. Mr. Asuncion is a married man.""Hindi siya ang pinunta ko dito," mabilis niyang sabi. Hinamig niya rin ang kanyang sarili nang maalala kung ano ang sadya niya talaga sa lugar na iyon."And what's the reason why you're here?" usisa nito, bahagyang nagusot ang noo dahil sa pagtataka.Marahan pa siyang napalunok bago ito sinagot. "I-Ikaw... I mean, gusto kitang makausap."Lorenzo stared at her. Pansin niya pa ang pag-angat ng isang kilay nito nang marinig ang mga sinabi niya."And why do you want to talk with me?""T-Tungkol sa... sa alok mo..." alanganin niyang sabi. "Tinatanggap ko na."Lorenzo was not able to speak. Mistula itong ipinako sa kinatatayuan habang nakatitig sa kanya."You're now accepting my proposition? You now want to be my woman---""Hindi!" biglang sigaw niya dito. Hindi niya rin maiwasan ang pag-ahon ng inis mula sa kanyang dibdib dahil sa maling akala nito. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin. A-Ang... Ang tinutukoy ko ay ang trabahong inaalok mo."Ang sabi mo ay nagmamay-ari ka ng furniture company sa Manila," patuloy niya pa sa kanyang pagsasalita. "G-Gusto ko sanang subukan. Kung seryoso ang alok mo---""I was serious when I said that, Tamara," mabilis nitong singit dahilan para mahinto siya sa kanyang pagsasalita. "My family owns Olivar Furniture Company. We design and make the furniture that we are selling. Iyon ang negosyo namin.""D-Design?" hindi niya mapigilang itanong. Bagay kasi iyon na hilig niya rin naman gawin, sa mga damit nga lang at hindi sa mga kasangkapan o muwebles.Lorenzo nodded his head. "Yes. Kilala ang kompanya namin sa mga unique designs ng furniture. You can check it online. Hindi ako nagbibiro."Hindi niya naman pinagdududahan iyon. Katulad nga ng naisip niya, halata naman dito ang nagmula sa maalwan na pamilya."Does your offer still stand? K-Kahit anong trabaho lang, Mr. Olivar.""Sure," anito kasabay ng pagsilay ng isang pilyong ngiti. "Pero sa Manila ang kompanya namin, Tamara. Are you willing to leave this place?"Does she have a choice? Hirap siya sa lugar na ito. Bakit hindi siya makipagsapalaran sa Manila?Dahan-dahan siyang tumango bilang tugon dito. "Yes, pero sa dalawang kondisyon."Napahalukipkip ito sa kanyang harapan. "Ikaw na ang bibigyan ng trabaho, ikaw pa ang may kondisyon?"Hindi siya nakapagsalita. Ang totoo ay nahihiya siyang sabihin sa binata pero wala siyang ibang mapagpilian. Talagang kailangan niya ang tulong nito."So, what are your conditions?" tanong nito nang hindi siya umimik."Una, k-kung maaari sana... kapag sumama ako sa Manila, m-may perang maiiwan sa nanay ko. Pero huwag kang mag-alala," mabilis niya pang dagdag. "Ibabawas mo naman sa sasahurin ko. Kumbaga, advanced payment lang."Lorenzo's eyebrow arched. "Consider it done." Akmang magsasalita siya upang pasalamatan ito ngunit agad nang may idinagdag si Lorenzo. "What's the second condition?"She swallowed hard before she answered. "No hanky-panky. Ang legal na trabahong alok mo ang tinatanggap ko, hindi ang maging babae mo."Lorenzo shrugged his shoulders. "Iyong unang kondisyon mo, madaling gawan ng paraan. May maiiwan na halaga sa nanay mo oras na umalis tayo. Sa ikalawang kondisyon mo..." Sadyang binitin nito ang pagsasalita upang titigan niya ng nakaloloko. "Let's see, Tamara."Isa-isang pinasadahan ni Lorenzo ng tingin ang mga bagong disenyong ipinasa sa kanya nina Crisanta. Hawak niya sa kanyang mga kamay ang folder na naglalaman ng mga bagong gawa ng mga ito. Lahat ay masusi niyang pinag-aralan at sinuri.Para sa bago nilang proyekto ang mga naturang disenyo. Isang kilalang personalidad ang sadyang nagpagawa sa kanila ng mga muwebles at iba pang kasangkapan sa bagong pagawang bahay nito.Dalawang taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin sila nawawalan ng mga kliyente. Nanatiling matagumpay ang Olivar Furniture Company at sa mga nakalipas na taon ay mas nadagdagan pa ang kanilang mga empleyado sapagkat mas dumarami ang mga proyektong nakukuha nila."These are good. Set a meeting by Wednesday to talk about these. I also want a presentation about the materials that we are going to use for these furniture," maawtorisado niyang wika kay Monique at Crisanta na ngayon ay magkatabing nakatayo sa harap ng kanyang executive desk.Isinara niya na ang folder na hawak-
"I love you, babe..." masuyong saad ni Lorenzo kay Tamara habang ang kanyang mga mata ay hindi man lang mapuknat sa pagtitig dito... sa pagtitig sa kanyang asawa."You've been saying that since a while ago," napapangiti nitong saad. Magkadikit pa ang mga kilay nito nang magsalita ngunit alam niya namang tinutukso lamang siya nito. Bakas naman kasi ang kaligayahan sa mukha nito mula pa kanina."I will never get tired on saying those words, my wife. I love you so much.""At hindi rin ako magsasawang sagutin ka ng 'I love you too'. Lagi, Renz, lagi kitang mamahalin," madamdamin nitong sabi sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay muli na namang bumukal ang mga luha sa mga mata nito.She has been emotional since their wedding started. Mas lalo pa nga itong naluha nang banggitin na nila ang kanilang mga wedding vows kanina.Nang makita ang emosyong nakalarawan sa mukha ni Tamara ay marahan niya pa itong hinapit sa baywang. Bahagyang mahirap na itong yakapin nang mahigpit sapagkat malaki na nga an
Two months later:"Napakaganda mo, Tam. Parang hindi ka buntis," nagagalak na saad ni Rose habang nakatitig sa repleksiyon niya sa salamin. May nakapaskil pang malawak na ngiti sa mga labi ng kaibigan niya matapos sabihin ang mga papuring iyon.Tamara responded with a smile. Hindi niya rin maiwasang pasadahan pa ng isang sulyap ang kanyang repleksiyon. She was glowing, not just because of the make-up on her face, but because of so much happiness that she was currently feeling right now.Ngayon ang araw ng kasal nilang dalawa ni Lorenzo. Dalawang buwan lang ang lumipas mula nang maging maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa at itinakda na nila ang kanilang pag-iisang dibdib.Si Lorenzo ang mas may nais na maikasal agad silang dalawa. Iyon ang gusto nitong mangyari bago pa man siya manganak. Ayon pa sa binata, ang nais nito ay dala-dala na niya ang apelyido nito bago pa man lumabas ang kanilang anak, bagay na ilang buwan na lang din naman ang hihintayin nila. Malaki na kasi ang kanya
"Walang dapat ipag-alala sa kasintahan mo, Mr. Olivar. Maayos ang kalagayan niya pati na ng kanyang pinagbubuntis," marahang saad ng doktor na tumingin kay Tamara.Hindi niya nga nagawang baguhin ang gusto ni Lorenzo. Hindi ito naawat sa kagustuhang madala siya sa ospital upang mapatingnan sa doktor kahit pa nasabi naman niya na maayos lang ang kanyang pakiramdam. Maliban sa bahagya pang nananakit ang isang sulok ng kanyang labi dahil sa iginawad na sampal ni Mr. Fernandez ay wala nang ibang iniinda si Tamara. Nasisiguro niya din na hindi masama ang bagsak niya kanina kaya kampante siyang walang masamang mangyayari sa kanyang pinagbubuntis.Ganoon pa man ay hindi niya napahinuhod si Lorenzo na huwag na lang siyang dalhin sa ospital. Kung siya lang ang masusunod ay mas nanaisin niya na lang na umuwi na sila sa bahay ng mga ito.But Lorenzo was determined to bring her to a hospital and have her checked. Hindi na siya umangal pa. Dama niya rin kasi na hindi nito nagustuhan ang ginawa niya
"They are on their way now, Renz. Nagmamaneho na rin ako papunta sa address na binigay mo," wika ni Gio mula sa kabilang linya.Kausap ito ni Lorenzo habang mabilis siyang nagmamaneho ng kanyang sasakyan. Naka-loud speaker ang kanyang cell phone at nakalagay sa stand nito na nasa tabi lamang ng kanyang manibela. He was not a reckless driver, pero sa pagkakataong iyon ay may pakiramdam siyang ano mang oras ay maaari siyang maaksidente dahil sa paraan ng pagmamaneho niya.Hindi niya nga maiwasang makadama ng pinaghalo-halong emosiyon. Nasa kanyang dibdib ang hindi matatawarang pag-aalala para kay Tamara at sa anak niyang pinagbubuntis nito. Hindi niya alam kung ano ang magagawa niya oras na may mangyaring masama sa kanyang mag-ina.At the same time, he can't help but to be furious to Enrico. Kung kaharap niya lang ang matandang lalaki ay baka nasaktan na niya ito."Maraming salamat, Gio. I owe you this," aniya sa sinserong tinig."We are friends, Renz. You don't owe me anything. Kahit s
Naging mabagal ang paglalakad ni Tamara nang mapansin niya ang katahimikan ng lugar na pinagdalhan sa kanya ni Mr. Fernandez. Maliban kasi sa tunog ng kanilang mga yapak ay wala nang naririnig pa sa paligid. Walang palatandaan na may ibang tao roon maliban sa kanila ng matandang lalaki.Marahas siyang napalingon dito. Nasa likuran niya si Mr. Fernandez at nahuli niya pang nagtitipa sa cell phone nito. Kanina ay narinig niya pa ang pagtunog ng aparato, palatandaan na may tumatawag pero ni hindi man lang iyon sinagot ng matanda."N-Nasaan ho sina Lorenzo?" tanong niya sabay gala ulit ng paningin sa paligid.Hindi niya nga alam kung bakit siya sumama kay Mr. Fernandez. Ang bilin sa kanya ni Lorenzo ay maghintay lamang siya sa restaurant hanggang sa makabalik ito. But after talking to this man, she just found herself coming with him.Unang kita niya pa lang kay Mr. Fernandez ay nakadarama na siya ng kakaiba dito. It was as if something was not right. For some reasons, Tamara could feel so