Pagkalabas mula sa may driver’s seat ng kanyang sasakyan ay dire-diretsong naglakad si Hendrick palapit sa kotse ng kaibigan niyang si Vladimir. Nakatayo ang binata sa unahan ng kotse nito at nakasandal pa sa may hood niyon habang waring naiinip na naghihintay sa kanya.“Kanina ka pa?” tanong niya agad nang tuluyang makalapit dito.“Hindi naman,” maagap nitong tugon sa kanya. “Just five minutes ahead of you.”Hendrick nodded his head and looked at the building in front of them. Tatlong palapag na gusali lamang iyon na ang disenyo sa labas ay halos nagsusumigaw na ng renovation. Hindi na maayos ang pintura niyon at kung titingnan ay halatang-halata na ang pagkaluma ng lugar.“So, this is his place?” aniya na hindi itinago ang sarkasmo sa tinig.Vladimir smirked. Tumayo na ito nang tuwid bago nagwika. “Bad for him, this place is already ours. Wanna check it?”Hindi na nagsalita si Hendrick at ikinibit na lamang ang kanyang mga balikat. Si Vladimir naman ay nagpatiuna na sa paglalakad na
Ilang mahihinang katok na ang naririnig ni Laica mula sa labas ng silid na kinaroroonan niya pero hindi pa rin siya bumabangon mula sa higaan. Kanina pa siya gising pero hindi pa rin siya lumalabas sa kuwartong iyon, ang kuwarto ni Luke.It has been a week since she decided to stay there. Matapos ng naging huling pagtatalo nila ni Hendrick ay umalis siya sa condo unit nito at mas piniling makasama ang tiyahin niya at kapatid. Bagay iyon na hindi sinang-ayunan ng kanyang asawa. Sa hindi na niya mabilang na pagkakataon sa loob ng isang linggo ay makailang ulit nang pumaroon si Hendrick upang pakiusapan siyang umuwi na sa unit nito, bagay na hindi niya ginagawa.She was hurt. Pakiramdam niya pa ay mas ininda niya ang ginawa nito kaysa sa kaalamang buhay pala ang kanilang ama at hindi man lang sila binalikan. She must be so in love with him that the thought of him planning that really broke her heart.Ni hindi niya kayang isipin kung ano ba ang mga pinag-uusapan nito at ni Tracey. Ano pa
“Laica!” malakas na sigaw ni Hendrick sabay hakbang para sundan siya. “Laica!”Laica didn’t turned to look at him. Tuloy-tuloy siyang naglakad palapit sa kinaroroonan ng elevator at balak na sanang lisanin ang lugar na iyon. Ngunit dahil sa mas malalaki ang hakbang ni Hendrick kaysa sa kanya ay agad din siya nitong naabutan. Maagap nitong nahawakan ang kanyang kaliwang braso dahilan para mahinto siya sa paglalakad at mapalingon dito.“Bitiwan mo ako,” mariin niyang wika. Marahan pa siyang nagpumiglas para pakawalan ng kanyang asawa ang braso niyang hawak-hawak nito. “Sabing bitiwan mo ako---”“Listen to me, Laica, please. You got it wrong---”Hendrick wasn’t able to finish his sentence when all of the sudden, she pushed him so hard on his chest using her hand that he wasn’t holding. Bahagya itong napaatras na nagpaluwag sa pagkakahawak nito sa kaliwang braso niya. Agad iyong kinuhang pagkakataon ni Laica para mapaatras saka matamang pinagmasdan ang asawa niya.Hilam na ang kanyang mga
“Hindi ko pa rin maintindihan, Ate. Kahit tawag o kaya sulat na nagsasabing buhay siya ay hindi niya man lang nagawa? Sa loob ng seventeen years, hindi niya man lang ba naisip iyon?” sunod-sunod na mga tanong ni Luke. Bakas pa sa mukha nito hindi maitagong hinanakit para sa kanilang ama.Laica heaved out a sigh as she looked at her brother. Magkaharap silang nakaupo sa dining table ng mga ito. Ang Tita Beth naman nila ay inaayos sa ibabaw ng mesa ang mga pagkaing iniluto nito kanina. Maya’t maya pa nga ang palitan nila ng tingin ng kanilang tiyahin habang naglalabas ng sama ng loob si Luke, bagay na hinahayaan lang nilang gawin nito.It was already lunch time. Kanina pa siyang alas-nueve ng umaga sa bahay ng dalawa. Matapos ng nangyari kahapon ay hindi siya mapapanatag hangga’t hindi niya nakakausap si Luke. Kaya naman, bago pa umalis si Hendrick para pumasok sa trabaho nito ay nagpaabiso na siyang aalis para dalawin ang tiyahin niya’t kapatid. Nagpresinta pa sana ito na ihatid siya n
Agad na napalingon si Laica kay Hendrick nang maramdaman niya ang masuyong paghawak nito sa kanyang kamay. Isang ngiti rin ang nakahanda sa mga labi nito para sa kanya bago nagsalita. “Relax, everything will be okay,” marahan nitong saad sabay pisil sa kanyang kamay.Hindi siya sumagot dito at sa halip ay tipid na lamang na ngumiti. Umayos na siya sa pagkakaupo at itinuon na ang kanyang mga mata sa entrada ng restaurant na kinaroroonan nilang mag-asawa--- ang restaurant na pag-aari ng kanyang amang si Emil.Hindi maitatanggi ni Laica ang kabang nasa kanyang dibdib. Kanina pa sila naroon ni Hendrick at hinihintay ang pagdating ng kanyang kapatid na si Luke at ng kanilang Tita Beth. Nakapuwesto sila malapit lamang sa may entrada ng restaurant para madali lang silang makita ng dalawa.It has been three days since her father went to Hendrick’s condo unit. Humiling ito na makita rin ang kapatid niya, bagay na nahirapan pa siyang pagdesisyunan. Nakadarama siya ng hinanakit para sa kanilang
Sunod-sunod ang paglunok na ginawa ni Laica habang nakatitig siya sa lalaking kanyang kaharap. Napahigpit pa nga ang hawak niya sa doorknob ng pinto at hindi malaman kung ano ang magiging reaksyon pagkakita rito. Ni sa hinagap ay hindi niya inisip na sasadyain siya nito roon sa condo unit ni Hendrick.“A-Ano... ano ang ginagawa mo rito?” tanong niya sa walang emosyong tinig.“Can we talk, Laica?” malumanay nitong wika sa kanya--- ang kanyang ama, si Emil na mas kilala ng iba ngayon bilang si Benjamin.Ilang saglit siyang hindi tuminag sa kanyang kinatatayuan at mataman lamang na napatiitg sa mukha nito. Pilit niyang pinakiramdaman ang kanyang sarili. Gusto niyang hanapin sa kanyang dibdib ang nangungulilang emosyong dapat ay maramdaman niya para rito. All these years, that was what she was feeling for her parents. She was longing for both of them and was wishing to see them again.Pero hindi niya alam kung bakit hindi niya makapa sa kanyang sarili ngayon ang damdaming iyon na namahay